Please help translate this tagalog/ilocano message into english

by theresa

 
Pasensiya napo kayo kung hindi ako ako makapag-text sainyo dahil hindi ko alam kung ano ang problema ng cell phone ko. Pero promise ko pag-may trabaho na ako wala ng problema tatawagan ko kayo dahil nakakahiya naman sa mga amoko kung sa number niya palagi kayo nag-te-text dahil busy din sya. Puwede kayung mag-text sa akin sa dating number ko walang problema narereceive ko pero, pag-may cell phone na akung bago ibibigay ng Company na mapapasukan ko wala ng problema,makapag-text na ako sainyo. Kung kailangan mo ng pera Ma gamitin mo lang yung pera natin sa Bangko. Iyon palang pera na nahiram ni Tita Excel naibalik naba nila? Kung hindi pa paki-remind mo na lang siya, baka kasi makalimutan mo eh malaki ring halaga iyun 10 libo. Yung hiniram ni kuya na pera ilista mo na lang para hindi mo rin makalimutan. Pag nag-bayad naman siya ilista mo rin para naman may maipon tayu para sa Bahay natin.

Bali ang magiging trabaho ko ay receptionist dito sa Qatar isa sa pinakamagandang Recreation Club bali pag-aari ng government, may mga kasama akung Pilipino doon halos karamihan ay galling sa Manila mayroon din kaming titirhan doon. Doon mismo sa loob ng Club bali napakalawak kasi doon may palaruan, swimming pool, canteen, may fitness area at ang kagandahan pa nun ay malapit sa dagat. Bali mahirap maghanap ng trabaho kung ang edad ay 20-27. Bali ang batas nila dito dapat may edad na 30-40 sa mga babae lalo na kung walang asawa. Pero sa mga lalaki naman ay walang problema kahit 24- 40 pweding makahanap ng trabaho pero kailangan din na makapagtapos ng College dahil ang gamit na salita ditto ay English at Arabic. Maraming open na trabaho dito kaya lang mahirap dahil kailangan na may tutulong mula sa Immigration dahil sa Pilipinas nalang masyadong mahigpit pati sa Medical kunting depeRensya hindi nila ipapasa. Kahit pa siguro bayaran mo sila hindi pwede pagagalitan ka pa ng mga Doctor. Medyo mababa rin ang suweldo pero mga 950 Riyal a month pero madali daw ang trabaho. Kung Secretary naman ay 3500 bali sa piso ay 50,000 a month pero mahirapan ako dahil wala akong experience at isa pa balu-baluktot pa ang pag-speak ko ng English kaya kunting practice at kailangan marunong ako sa Computer. Eh hindi naman ako marunong sa lahat, mabagal pa ako sa pag-type at nakalimutan ko na rin ang mga napag-aralan ko. Pakisabi kay Lyn na kapag nakapanganak na sya kailangan alagaan niya ang sarili niya kasi mas maganda na lang na mapasok siya dito dahil malaki ang sahod at makakaipon pa siya at least nakapag-tapos siya ng 4 years sa College. At kapag napasok pa siya dito libre lahat tirahan, pagkain, at pamasahe pa sagot lahat ng Company dibaling mababa ang sahod mga mahigit 15,000 a month at every week ang day-off at 8 hours a day ang pasok. Hindi ko lang alam kung tataas pa sa akin dahil hindi pa kasali ang over-time pay. Sa mga waitres, receptionist, janitor mga ganun ang suweldo yung iba naman ay nagbibigay ng 1,200 Riyal sa other Company, pero hindi nag-bibigay ng pamasahe. Sabihin mo kay Lyn Ma na paki-prepare nalang niya ang mga Diploma, passport,transcript niya





. Mas maganda rin sana kung married siya dahil walang problema kung may-asawa dito madaling makahanap ng trabaho dahil hindi makakagala. Pagsabihan mo nga siya wala namang problema kung ikakasal siya para rin lang naman sa kapakanan niya at ang anak niya. Siya rin lang naman ang nakakahiya walang asawa may anak, meron bang ganun. Hinihiya lang niya ang sarili niya at pati anak pa niya dinadamay pa niya. At pakisabi rin kay kuya na dapat mag-bayad siya ng utang niya pag nabinta na nila ang alaga nilang baboy hindi pwudeng sabihin niyang wala silang pera. Kailan ba sila mag-papakasal? Pagsabihan mo nga sila ano nag-sasama na hindi pa kasal kahit lang sana sa Hues simple nalang hindi na kailangang pang- bunga ang kasal, ang mahalaga makasal sila. Ikaw kasi eh lahat ng sinasabi ng dalawa tinutupad mo tignan mo ang nangyari kay Lyn ano ngayun ang gusto niya ang natutupad. Ang problema kasi saiyo Ma mahilig kang pumansin sa ibang tao pero ang sarili mong mga anak eh hindi mo alam kung anu ang mga ginagawa nila ngayun naranasan mo rin, mas malala ka pa kaysa sa ibang tao. Kulang na lang lamunin ka na ng mga anak mo na parang tigre. Palagi kung sinasabi saiyo na hayaan mo muna ang mga kapit bahay mo diyan ang pansinin mo ay ang pamilya mo muna lahat ng sinasabi mo sa ibang tao ay nalamon mo narin kaya itigil mo na ang pamamansin sa kanila nag-hahanap ka pa ng away bakit mas mahalaga ba sila saiyo. Please Mama itigil mo na baka masmalala pa ang susuno na mga mangyayari sa atin hindi mo lang alam.

Tulad na lang ang pag-tulong ko kina Uncle Samuel bakit isinasama pa ng loob mo hindi naman sila iba sa akin mga pinsan ko sila malay mo balang araw mas malaki ang maitulong nila sa akin ngayun mga bata pa sila ang akala mo hindi nila ako matutulungan huwag ka sanang makasarili. Kung ano man ang ginagawa ni Antie nanunugal man ay hindi mo na iyon problema hindi naman siya ang gusto kung tulugan kundi ang pinsan ko. Kaya kung ano man ang naitulong ko sa kanila huwag mo nang bangitin dahil hinihiya mo lang tayo. Dahil mula ng nagtrabaho ako kayo lang naman ang mas-nakagamit ng perang pinapadala kung may maibigay man ako sa kanila ay kunti lang iyun para sa pag-aaral lang naman ng mga pinsan ko. Ma alalahanin mo balang araw makakatulong sila sa akin. Kahit hindi ka nila matulongan ngayun ako na lang ang isipin mo matutulungan nila ako balang araw mga nag-aaral pa sila kasi tignan mo nalang si Lyn marami karing nagastus sa kanya pero anu may naitulong ba siya sa atin ni hindi siya makapagbigya ng pera saiyo. Kundi binigyan ka lang ng malaking problema isa pa makasarili siya. Dahil hindi niya naranasan na naghirap ang akala niya madali lang ang humanap ng pera. Ngayun may dagdag na namang problema. Pag-nakapanganak siya sinong mag-aalaga ng anak niya ikaw kaya huwag kang humusga ng ibang tao Ma iyan ayaw na ayaw ko saiyo hindi ka na nila pinapansin dal-dal ka naman ng dal-dal tungkol sa kanila hayaan mo na sila kahit anu pa ang ginagawa ni la hindi mo naman sila pinapakain tignan mo ha nilamon mo lahat ng mga sinsabi mo sa ibang tao hindi ka nalang nadala mas nakakahiya pa tayo ngayun. Ang lihim mo ay alam na lahat ng mga tao sino ngayun ang tinatawanan nila tayo.


Kaya please lang huwag ka ng makialam ng buhay ng ibang tao, pamilya mo muna ang pagsabihan mo bago ang iba dahil hindi mo alam ang susunod na mga mang-yayari dahil hindi mo hawak ang magiging kapalaran naming mag-kakapatid. Mama huwag sanang ikakasama ng loob mo ang mga nasabi ko saiyo pinaalalahanan lang kita para makaiwas tayu sa mga kahihiyan.Huwag mo sanang ikompara sa ibang tao na mas-malalapa sila ngayun wala na akong mukhang pumasok sa Kingdom Hall dahil ganun na lang ang mga nangyari kay Lyn, at kay Kuya sana sila ang pag-sabihan mo hindi ang ibang tao dahil nakakahiya ang mga pinag-gagawa nila.

Ngayun alam na ba ni lola na malapit ng manganak si Lyn. Kung sakaling hindi uuwi si Lyn sa La Union at manganak siya kina Papa ay at least bisitahin mo siya at pag-sabihan mo na hindi tama na hindi siya ikasal kawawa ang magiging anak niya lalo na pag-mag-aaral. Sabi k okay Tita Narda na sakaling manganak si Lyn ay sa Bulakan siya manganak aalagaan siya ni Papa, at 2 months maternity live at babalik ulit sa trabaho niya. Mama huwag kayung mag-alala sa akin ok lang ako ditto at least mag-start na ako sa July 10 siguro, Ngayun gusto kung tulungan si Leonard dahil mag-aaral sa pinakasikat na paaralan bali scholar siya doon ang problema nga lang ang pamasahe at pag-kain niya hiniling nila sa akin na kapag may trabaho na ako ay tutulungan ko sila kaya huwag ka sanang magalit kahit papano eh para narin kaming mag-kakapatid iba nga lang ang nanay nila. Hindi naman sa gusto kung Poplar kundi ang iniisip ko baling araw makakatulong siya saakin lalo na very talented siya at marunong sa hirap hindi gaya ni Rose. At least makaka pag-padala rin ako sa Bangko natin sa Equitable hindi pa ngayun pag-nakabayad na ako sa mga Amoko dahil nakakahiya naming hindi ako mag-bayad eh malaki rin ang nagastus nila sa akin mga 1800 sa Air Ticket, sa Visa ay 800 Riyal bali 2600 Qatar Riyal ang babayaran ko sa kanila kaya medyo matatagalan pa na hindi ako makapag-bigay ng pera kaya kung kailangan mo ng pera gamitin mo muna ang pera natin sa bangko baka kasi sa Oktubre pa.

Ingat na lang kayu Mama alagaan mo si lola, Huwag mo siyang awayin kung ano man ang sinasabi niya ay iwanan mo siya. Please take care yourself Mama huwag kang mag-trabaho ng mabigat kung puwede nga sana huwag ka nang pumunta sa Baguio dahil matanda ka na ibinta mo na lang kay Antie Damel kung may tanim ka. Para may pahinga ka naman. Hayaan mo mag-iipon ako ditto at ipapadala ko saiyo para maumpisahan na ang bahay natin. Tayo nalang ang walang bahay para naman hindi tayo mukhang kawawa. Mama yung mga gamit ko sana paki check baka kasi sirain ng mga daga at ipis.

Mahal na mahal ko kayung lahat kaya sana alagaan ninyu ang mga sarili niyo. At huwag ka sanang makikipag-away Mamayun ang pinakamahalaga. Hinihiling ko sa Panginoong Jehovah na sanay patnubayan tayo palagi sa anumang kapahamakan.


Nagmamahal na anak,




Posted on Aug 20, 2005, 7:50 AM

Respond to this message

Goto Forum Home

 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement