BALIK PAETE 2004 Message Board
home| survey form| agenda| comments| back to www.paete.org
 Return to Index  

25th Anniversary New Years Ball

August 2 2002 at 5:51 AM
Jobbers Club 


Response to Message from Mayor Afurong

 

Kgg. Elmoise Afurong,

Isang mainit na pagbati mula sa samahan ng Jobbers Club!

Amin pong napag-alaman na ang atin pong mga kababayang PaeteƱos na nasa iba't ibang panig ng daigdig ay may planong magdaos ng Balik-Paete 2004. Kami po ay natutuwa at magkakaroon tayo ng isang okasyon na tulad ng ganito na miminsan lamang mangyari sa ating bayan!

Kaugnay po dito, sa darating na Disyembre 30, 2004, ang amin pong samahan ay magdaraos ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag sa pamamagitan ng aming tradisyong pasayawan (Jobber's Club New Years Ball) na kung saan ito po ay matatapat sa inyong pinaplanong selebrasyon.

Dahilan po dito, hinihiling po ng aming samahan na mailagay sa talaan ng mga aktibidades ang aming selebrasyon upang ang ating mga kababayan na manggagaling sa iba't ibang bansa ay makiisa at makidaos sa nasabing okasyon. Ang mga bagay pong ito ay amin ng lubos na pinaghahandaan upang maging masaya at matagumpay ang aming anibersaryo at ang Balik-Paete 2004. Handa rin po ang aming samahan na mabigyan ng isang komite para sa Balik-Paete2004 upang makiisa sa inyong mga palatuntunan.

Kami po ay umaasa sa inyong positibong pagtugon sa aming sulat na ito at malugod po naming tatanggapin ang inyong personal na imbitasyon kung kinakailangan para sa mas lalong magandang koordinasyon at komunikasyon.

Mabuhay po tayong lahat!

"JOBBERS CLUB TOWARDS 25TH YEAR ANNIVERSARY (2004)"

Jobbers Club of Paete


Posted on Aug 1, 2002, 9:39 PM
from IP address 192.169.39.70

 
 Respond to this message   
Find more forums on Network54Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2017 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  


Copyright © PAETENIANS INTERNATIONAL
www.paete.org