| sarap magbasa....January 29 2008 at 2:07 PM | kitty (no login) |
| TULOY na tuloy na ang pagma-migrate sa Canada ng pamilya ni Kristine Hermosa. Ang mismong nanay ni Kristine na si Mrs. Mai Hermosa ang nagbalita sa amin na itutuloy na nila ang pagtira sa Canada, kasama ang kanyang mister at ang mga anak niya, o mga kapatid ni Kristine.
Katunayan, ang nakatatandang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa ay kasalukuyan na ngang nakatira sa abroad.
Anyway, matagal na ring pinag-uusapan ang tungkol sa pagma-migrate sa Canada ng pamilya ni Kristine. Sabi nga, dapat ay noong 2006 pa sila nagpunta sa Canada, pero naunsyami ito dahil hindi umano nila natanggap ang notice na ipinadala ng Canadian Embassy para sa schedule ng interview nila, dahil lumipat daw sila ng bahay.
At kamakailan nga ay na-activate muli ang kanilang application at kasalukuyan na naman nilang inaasikaso ang mga papeles na kailangan.
Pero kuwento rin ni Mrs. Hermosa, madalas din siyang nagpupunta sa Canada.
Kuwento pa rin niya, ang bahay sa Quezon City na ibinigay sa kanila ni Kristine ay posibleng paupahan na lang nila kapag nagpunta na sila sa Canada.
Ayaw rin daw itong tirhan ni Kristine, dahil masyado raw itong malaki. Eh, nag-iisa nga lang daw si Kristine, kaya mas maganda kung paupahan na lang ito.
Sa tingin ko, okey na okey na ngayon sina Mrs. Hermosa at Kristine. Sa premiere night nga ng Enteng Kabisote 4, kasama ni Kristine ang nanay niya at mga kapatid niya.
Anyway, nilinaw ni Mrs. Hermosa na hindi siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Kristine at Diether Ocampo. Siya raw ang klase ng ina na hindi nakikialam sa buhay pag-ibig ng kanyang anak.
Heart at Jericho, planado na ang kasal!
PLANADO na ang kasal nina Heart Evangelista at Jericho Rosales. Sa kuwento ni Heart sa presscon ng Your Song: Ang Soundtrack ng Buhay, (Muntik Na Kitang Minahal) sa ABS-CBN, na kung saan ay kasama niya sina Erich Gonzales at Jason Abalos, si Jericho ang nagplano na dalawang beses silang magpakasal.
Isa nga raw ay beach wedding at isa ay church wedding, na siguradong bonggang-bongga.
“Siya ang may gusto na dalawang beses kaming magpakasal. Sa nangyari sa buhay namin, kailangang ma-experience ang magical moments.
“‘Yung beach wedding, intimate, simple lang. ‘Yung church wedding, bongga ‘yon,” sabi ni Heart, na halatang excited na excited na sa kasal nila ni Jericho.
‘Yun nga lang, hindi pa ngayong 2008 magaganap ang kasal na ‘yon. Tatlong taon pa raw ang palilipasin bago sila magpakasal.
“Wala pa akong engagement ring, hihintayin pa natin ‘yon. So, 3-years from now pa ‘yon. Pero, nakakatuwa kasi ngayon pa lang nakaplano na,” nakangiting say niya.
Sa panahong ‘yon ay 26-years old na raw si Heart. At siguro raw ay magiging maayos na rin ang kanyang mga magulang at si Jericho.
Sa ngayon kasi, aminado si Heart na hindi pa okay ang mga magulang niya at si Jericho, pero pakunti-konti ay nakikita na niya ang ilaw na magkakaayos ang dalawa.
Nababanggit na rin daw kasi ng daddy niya ang pangalan ni Echo at naniniwala si Heart na bibilang na lang ng konting panahon ay maayos na ang lahat.
Sa Sunday na nga pala magsisimula ang Muntik Na Kitang Minahal, na idinirek ni Ruel Bayani.
|
| | Author | Reply | kitty (no login) | all about jericho | January 29 2008, 2:28 PM |
Jericho Rosales: I will spend time wisely. I will balance work, family time and play. Be even more romantic to Heart J. Invest time on important matters like learning new things that are connected to my craft and the gifts God has given me J, give extra attention to my health and stamina, more surftime! Hehehe. Always bring my dog to the beach and lastly, down on midnight snacks J whew! J.
The new year should be a wake-up call to a good actor like Jericho Rosales, whose star has continued to fade in the last two years. It need not be so. Echo has only to swim right back into the teleserye milieu, find a suitable material and leading lady, and he can surely still make up for lost time.
http://www.tempo.com.ph/news.php?aid=35887
Jericho Rosales: “Mga mahal ko sa buhay! Mga ‘tol! Number one requested song ang ‘Paglisan’ sa Yescalera ng 101.1 Yes FM!! Wahoo! Yahoo! Yahoo! Yes! Yes! Yehey! God is good! Galing! Glory to God! Congrats to us! Certified singer na ako! Hehe.”
http://tribune.net.ph/life/20080115lif3.ht |
| kitty (no login) | Re: all about jericho | January 29 2008, 2:57 PM |
"Nag-Christmas card siya sa daddy ko. Binasa naman ng daddy ko (He sent my daddy a Christmas card. My daddy read it.)," the actress revealed.
Echo said that he asked for divine intervention so he could muster the nerve to actually write on and send the card to Heart's father.
"You know I prayed hard na maisulat ko ng maganda. And it was well accepted so thank you, po!" said Echo. | |
| | Current Topic - sarap magbasa.... |
| |
|
|