| ay huwag tayong magsalita ng taposSeptember 30 2008 at 12:05 PM | sweet beih (no login) |
| Excited na si Kristine Hermosa sa return team-up nila ni Jericho Rosales. The two hit it big together in soaps like Pangako sa ‘Yo and Sana’y Wala Nang Wakas na tinangkilik din sa mga karatig-bansa tulad ng Malaysia at Indonesia nang maipalabas ang mga ito doon. “Hopefully soon,” kumpirma ni Kristine sa napipintong balik-tambalan. “May ginagawa pa kasi si Jericho (Kahit Isang Saglit). Siya na lang, schedule na lang niya yung problema.”
Five years na ang nagdaan mula nang huling magkatrabaho ang dating mag-sweetheart sa drama series na Sana’y Wala Nang Wakas at movie na Ngayong Nandito Ka. Matatandaang nabaling ang pagtingin ni Jericho sa Fil-Austrian beauty na si Cindy Kurleto na nakasama nila sa Ngayong Nandito Ka. Nang ma-interview namin si Kristine for the April 2004 issue ng StarStudio magazine, inamin niyang nasaktan siya nang husto sa mga pangyayari. “Buong Pasko umiiyak ako.”
Thing of the past
Both have since moved on. Nagkapatawaran na rin sila without having to go public with it. “Hindi naman sa we’re not in good terms,” ani Kristine. “Hindi lang kami nakakapag-usap kasi kanya kanya kami ng buhay eh. Nagkaro’n ng time na nagkanya-kanya kami.”
Kristine fell in love with her other leding man (aside from Echo) in Sana’y Wala Nang Wakas na si Diether Ocampo while Jericho had a you-and-me-against-the-world romance with Heart Evangelista na nauwi rin sa hiwalayan. Napapabalita nuon na si Jericho diumano ang atubili na makipareha muli kay Kristine. “I don’t know about that,” reaksyon ni Tin. “Basta ako kasi nung time na sila pa ni Heart, alam ko naman na meorn siyang personal life. I wouldn’t want to intrude or make him feel na parang nakikisali ako. Kasi nga iba kapag naging ex mo yung tao. Unlike kung naging friends lang kayo, di ba? Puwedeng mangumusta anytime pero kasi kung may ex ka, tapos meron siyang present someone, hindi ganun kadali, di ba? Hindi siya ganun kadaling mag-reach out. Dun sa part niya, kasi di ba matagal din sila ni Heart? So hindi ako makaano kahit friendly kumusta lang. Hindi siya ganun kadaling gawin. Ngayon na lang siguro ulit. Ngayon na lang ulit kami magkukuwentuhan. Magku-cope for lost time.”
May closure na raw ang nangyari sa kanila in the past. Ibig bang sabihin nito wala ng pag-asang madugtungan muli ang nakaraan? “Huwag tayong magsalita ng tapos. Ay, may ganun,” sabay halakhak ng ever-lovely Kapamilya star.
The Oyo factor
What counts more at this point in time ay handa na sila to work with each other again, isang reason para magbunyi ang kanilang loyal followers. Napabalita dati na magsasama muna sina Kristine at Jericho sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya as a prelude to a soap na muli nilang pagsasamahan. “Hindi namin alam kung matutuloy ba yun pero ang alam namin may gagawin kaming soap together.”
Hindi kaya magselos si Oyo Sotto na rumored boyfriend ni Kristine sa reunion project na ito? “Alam mo friends kami,” paliwanag ni Kristine. “Yes, I do go out with him. Pero I also go out with other guy friends of mine. Kasi ako mas marami akong friends na lalaki. Yung ibang friends kong lalaki non-show biz kaya kapag sila ang kasama kong lumabas, hindi kami natsitsismis.”
Pero inamin ni Oyo in a TV interview na nanliligaw ito sa kanya. At ayon pa sa anak ni Vic Sotto kung sakali man na maging sila ni Kristine in the future, meron na silang nabuong matibay na pundasyon dahil friends sila ng aktres. Although nagpasubali siOyo na hindi rin daw tiyak nito kung kanino ba talaga mapupunta si Kristine. “Pero kung kay Diet (Diether Ocampo) man, okay lang sa akin,” say pa nito.
Isang pilyang tawa lang ang ganti ni Kristine sa amin ng marinig ang kwento: “Ikaw talaga oo.” As ever, malihim pa rin ang aktres pagdating sa personal affairs nito.
|
| | Author | Reply | gemma (no login) | Re: ay huwag tayong magsalita ng tapos | November 17 2008, 12:14 PM |
Sabi nga namin ni Kristine, ako rin, gutso ko kapag meron na ulit gusto ko diretso ng kasal. E, siya gusto niya ganun din. So, bahala na.
Kasi nakakapagod na rin po. Bale, two years na akong walang relasyon. Natiis ko po, hehehe.
|
| gemma (no login) | Re: ay huwag tayong magsalita ng tapos | November 17 2008, 12:16 PM |
Sabi nga namin ni Kristine, ako rin, gutso ko kapag meron na ulit gusto ko diretso ng kasal. E, siya gusto niya ganun din. So, bahala na.
Kasi nakakapagod na rin po. Bale, two years na akong walang relasyon. Natiis ko po, hehehe.
| |
| | Current Topic - ay huwag tayong magsalita ng tapos |
| |
|
|