| pangako days are here againJanuary 9 2009 at 12:50 PM | susy (no login) |
| - I know this old pero kinikilig ako sa mga behind the scene kwento nila echotin noon. EEEEEEEE
Pagbabalik-tanaw - courtesy of DPA #6 [-]
Naaalala ko pa…(random na lang as it comes to mind)
- kung gano kaaligaga si Echo nung panahong palaging may sakit si Tin…
Galit sa mundo at pasan ang daigdig. Badtrip sa lahat ng tao at halos
mang-away na dahil hindi pa pauwiin yung isa e nilalagnat na! Taga
piga ng bimpo na binabad sa yelo, tagapunas, tagahilot, isip ng isip
kung anong ipapakain.
- Nung halos liparin ni Tin ang recording niya (for their duets
album) nung si Echo naman ang maysakit. Di rin magkamayaw sa kung
paano pabababain yung lagnat nung isa(cool fever?!)…At ika nga ni
updatewriter, nakapagpabuhay ng patay si Tin, the following day,
balik na sa dati si Echo (ASAP), pero under the care pa rin ng
kanyang nurse na abala sa pagkuha ng lunch nila habang kaholding
hands ang pasyente niya (paki-imagine na lang po!)
- Nung makasalubong ko sila minsan sa isang jologs na mall…trying
their best na hindi mamukhaan ng mga tao (sorry pero di sila
nagtagumpay! J) Si Tin nakablouse at Capri pants. Naka fisher man's
hat naman si Echo, nakamaong at t-shirt with a pair of tsinelas,
habang nakasabit sa balikat ang bag ni Tin. Bumili saglit ng pagkain
si Echo, nagpaalam mag-CR si Tin, at ng hindi bumalik agad, sinundan
at inabangan na sa may pinto…yung order nilang food, iniwang
naghihintay sa counter.
- Nang minsan bago lumipat sa ibang location si Echo, tumingala sa
langit, tinawag ang yaya at driver ni Tin at nagbilin: Pakisabi kay
Tin, may regalo ako sa kanya – sabay turo sa buwan na nung mga
panahong yun ay full moon.
- Kung papaanong feel na feel ni Tin na siya ang magbuhat ng mga
sapatos ni Echo papunta sa sasakyan.
- Nung magpray sila together after ng konting tampuhan at before
kumain.
- Dahil sa sobrang gutom ni Echo, sinusubuan siya ni Tin habang
nagdradrive.
- Sa Subic, sa shooting ng Pangako, nung panay ang paglalaro ni Tin
sa nagtataasang patong ng mga chicken feeds sa isang warehouse,
habang nakikipag-usap si Echo kay Tonton, panay ang sulyap nito kay
Tin, parang tatay na may binabantayang anak, nung palinga-linga si
Tin ang sabi ni Echo :Beh, andito lang ako!" I swear hindi siya
hinahanap ni Tin! Gusto lang niyang sabihing andun lang siya, baka
kailanganin siya.
- Sa parehong pagkakataon, ng sinabihan na si Tin na umakyat sa
pagkataas-taas na pile ng sako, mula sa kabilang side ng warehouse,
patakbong nilapitan ni Echo si Tin at inalalayan sa pagtaas. At ng
magkaroon ng break, hawak hawak ni Echo ang mukha ni Tin, dinadaanan
ng mga daliri nito ang mga naglalakihang eyebags ni Tin dala ng pagod
sabay sabing "May eyebags ka na naman Beh!"
- Kung panong habang nagtotoothbrush si Tin e may hunk siyang
assistant, tagahawak ng baso, nagatawa sa mga jokes niya!
- Kung paano nilang sabay tingalain ang mga bituwin sa dakong iyon ng
la mesa dam na parang walang ibang tao sa paligid.
- Kung papaanong naghanap si Tin ng baso, nilagyan ito ng tubig at
painumin si Echo ( na ang tanging gagawin na lang nung isa ay
lumunok) nung masama ang pakiramdam ni Echo.
- Kung paanong nainis si echo nung ayaw makipagpalit ni Tin ng upuan
sa kanya nung nakaupo sila sa may kalsada habang inihahandang kuhaan
ang isang car chase scene. Sabi nito: Di baleng ako na lang ang
masaktan at halos idagan ang sarili kay Tin para protektahan ito ng
magsimula ng gumiling ang camera.
- Kung paanong humalakhak si Tin sa mga paulit-ulit na joke ni Echo
tungkol sa isang staff. Habang ang lahat (kasali na kami) ay iritang
irita na, for Tin yun na ang pinakanakakatawa sa lahat!
- Nung kukuhaan sa isang lugar sa Antipolo ang eksena kung saan
ihuhulog sa bangin si Yna sakay ng kotse (remember?)…natatawa kami
kay Echo kasi akala naming artista lang siya dun, ayun pala PA pa, PA
ni Tin! Siya ang nag-alalay kay Tin nung sumakay sa loob ng kotse.
Nung mag-set-up na ang crew for a different sequence, binuhat niya si
Tin (yung buhat na pangbride) paalis sa trunk ng kotse at habang nag-
aayos pa ang crew, buhat buhat niya ito sa ganong posisyon habang
nakaupo siya. Sobrang pagod na ni Tin noon (promo pa kasi ng
Forevermore) kaya parang nakatulog siya sa pagkakabuhat ni Echo.
- Nung pauwi na sila from a taping, nakasakay na si Tin sa sasakyan
niya, bumaba pa ito at binilinan ang kasama ni Echo na nagdradrive na
mag-iinggat sila.
- Sa isang pagtatanghal ng Asap sa splash island, hindi mo
mapaghihiwalay ang dalawa. Nakaupo si Tin, under the heat of the sun
tuwing may number si Echo at matiyagang nanonood sa monitor
samantalang pwede naman siyang magstay sa isang aircon na dressing
room. Paglabas nung isa kasama na siya at pinapanood ito. Si Echo
naman pag si Tin na ang may segment, nakabantay na din at may dala-
dalang tubig.
- Sa isang bahagi ng show kung saan nakadapa si Tin kasama ng hunks
sa pool (yung umaalon na pool – hehe!, rewind your tapes please),
during commercial break habang inaayos ang pagkakadapa, panay anggat
ng sarong ni Tin dahil sa alon at dahil payat siya, pati siya
nadadala ng alon. Si Echo panay ang tayo, panay ang ayos ng sarong ni
Tin na pagkakulit kulit. Andiyang ibaba niya, hawakan niya at nung
huli, tumayo na talaga siya para kipitin sa hita ni Tin yung sarong
at di na umanggat.
- Asap pa din, pinakuha ni Tin ang sunblock at talagang pinag sprayan
ang buong katawan ni Echo, hindi niya talaga tinigilan at pinaalis pa
niya yung polo at sando nito.
- Balik tayo sa taping ng Pangako, si Tin panay ang kamot sa braso
niya, harsh na pagkamot, binawalan siya ni Echo, hinawakan ang kamay,
kinausap sabay kamot ng marahan sa braso nung isa.
- May kuha silang eksena sa labas, nagkataong may nagtitinda ng twin
popsies, taho at dirty ice cream sa kalsada. Kinuha ni Echo yung
wallet niya, at namili! Tanong niya si Tin (kasalukuyang madaming
nagpapapicture) kung ano like niyang flavor, chocolate o cheese, sabi
nito, lahat! At yung twin popsies, nung kakainin na nila, gusto ni
Tin hati sila, sobrang tigas nito, yung tindero hindi niya mahati.
Ang Echo, pinukpok sa poste ng gate, mahati lang sabay sabing "ano ba
naman ito", pero pukpok pa rin…
- Nang minsang nag 24hours si Echo sa Munting Paraiso at dumiretso sa
shooting ng Pangako, super asikaso si Tin sa kanya, gutay gutay nga
kasi. Kaya kahit binabasahan ng script si Echo, nakakandong si Tin sa
kanya. Ginawa niyang unan si Tin, nakasandig sa likod niya si Echo at
papikit pikit, ginawa ni Tin tumayo para magising kasi nga for shoot
yung script. Nung attentive na ulit si Echo at nagrequest na kandong
siya ulit, sunod naman si Tin.
- After ng awards night for tv, at di nga sinuwerte si Echo, she
really stood by her man, saying out loud, best actor pa rin, best
actor pa rin.
…mahaba ang listahan - napakahaba, madaming share si Echo, madaming
share si Tin. Mga kwentong kilig na hindi pwedeng icredit sa isa
dahil yan ay kwento nila! Saksi ako kung papaanong lunurin nila ang
kanilang paligid at magkulong sa mundong tanging silang dalawa lamang
ang naroon |
| | Author | Reply | anonymous (no login) | Re: pangako days are here again | January 13 2009, 12:29 AM |
Insider
August 17 2003 at 12:55 PM
May
from IP address 203.131.161.231
--------------------------------------------------------------------------------
Please tell me your opinion.....
A friend of mine working in Manila called me long-distance at 12 a.m. (I'm from Bacolod by the way).Imagine,galit na galit ako at first dahil ginastusan niya talaga ang pagtawag sa akin ng di oras but then....
She told me that at around 5 p.m. yesterday while looking for an inspirational book at Fully Booked,Rockwell Powerplant she overheard two gays talking at another book section...
Gay 1: .....what do you mean hindi umobra?
Gay 2: kasi kahit anong gawin kong intriga sa dalawa mukhang hindi kumakagat sa masa.
(Aalis na sana ang friend ko not wanting to hear further conversation between the two, kaso lang napatigil siya nang....)
Gay 1: Paano naman kasi kita pa rin sila on public na sweet sa isa't isa. Sino pa kaya maniniwala sa 'yo? Si Kristine naman kasi pa-ek-ek pa....
Gay 2: Hay correct ka diyan sister. Kasi alam niya na hinding-hindi na siya pakawalan ni Jericho.
Gay 1:'Kala ko ba g.f. ni Jericho ngayon si Cindy Kurleto?
Gay 2: As if? Hello? That's pure publicity 'no!!! You know, paying the reporters para lang magkapangalan ang isang baguhan na starlet sa showbiz. They're just good friends same as with Marvin and Kristine.
Gay 1: so you mean to say,sila pa rin ni Jericho?
Gay 2: 'Di naman sila nag-break eh. Cool off lang. Free to date other people pero sila pa rin?
Gay 1: Ang gulo naman. 'Di kaya ng powers ko to comprehend. Linawin mo nga, bading!!!
Gay 2: What I mean is special pa rin sila sa isa't isa even if they date other people. 'Yun na!!!
Gay 1: Ang corny talaga ng dalawang 'to. Nakakalokah!!!Di na ako magugulat if in the few months....
( by this time umalis na daw 'yung dalawang tsimosang bading. Gusto sana sundan ng friend ko kaso baka mahuli siya).
|
| anonymous (no login) | Re: pangako days are here again | January 13 2009, 12:33 AM |
Nagpa-blessing ba ng bahay si echo sa antipolo
Tags : None
I've read this on the other mb echotintin mb post by ces, and I just want to share it to all of you, happy and kilig na naman tayo.hello to all members
:heart :heart :heart :heart :heart
Hey Guys,
This is my first time to post my message here, hope you will read it
Please comment on this, my close friend who is living in Cainta attended last Sunday Mass and the PRIEST inform them (part of the sermon) that recently he was INVITED TO BLESS THE HOUSE OF JERICHO IN ANTIPOLO AND THERE ARE SO MANY GUEST ARTISTS INCLUDING JERICHO'S GIRLFRIEND KRISTINE HERMOSA.
Is this NEW?
One more thing, WE (with my friends) WENT TO ROCKWELL YESTERDAY, AUG 7 and i make tsika this vendor of CANDY CORNER if she FREQUENTLY seen many artists and ASKED HER IF SHE SEEN JERICHO AND KRISTINE TOGETHER... She said that "MARAMING BESES NA, MAY TIME NA BUMILI SILA NG CANDY (sa store nila), BUMILI RIN SILA NG SAPATOS AND BELT (malapit lang yung store sa place nila) and THEY ARE REALLY SWEET WITH EACH OTHER.
Para sa akin, marami man ang intriga and tsimis na hindi maganda for Kristine and Jericho tungkol sa relationship nila pero naniniwala pa rin ako na "LOVE AND RESPECT" will always be there.... I think right now, they are enjoying each other's company as friends again kasi they are really sightings that they are really going out either together or with group. Let's just respect their moments and enjoy what they are offering us specially on Teleserye and guestings.
For us, their supporters we should HOLD ON and HELP THEM ON THEIR RESPECTED CAREERS. Wag sana tayong madaling madala, mainis, magalit sa mga naririnig natin o mababasa. Mahaba pa ang panahon, maaaring sa ngayon magkaibigan sila pero sa mga susunod na mga araw ay maging sila uli. Sabi ni Echo in one of his interviews that the Teleserye will last for one year pa so mas mahabang panahon mas maganda.... So KEEP ON SUPPORTING THEM, ALL their teleserye, upcoming movie (meron daw), guestings and commercials.
Most of ALL, PLS. PRAY FOR THEIR TEAM TO BE REAL AND STRONGER!!!
Just to share with you my thoughts, when Jericho is still rumored with Angelika (or naging sila talaga)parang halos hindi rin maganda ang mga tsismis but Jericho and Tin really fell in love because fate led them to this relationship.. But things are not always the way we wanted it to happen, just give them space and maturity so when the time comes that the are ready to fall in love, their relationship will be stronger than ever.
As for Marvin and Cindy, they are just stones and rocky road that Tin and Echo is encountering right now but soon there will be good roads ahead of them.
Goodluck on our Group! Continue to help them in their endeavor. Please VOTE for them in Yes Mag.
Thanks till the next message....
wow... grabe.. after that "reasons to be happy" na article naging masaya na naman ako ulit.. thank you talaga...
hi guys! first time kng mag-post dito, at maganda ang pagkakagawa ng website. congratulations!!! Kung sakali mang tutuo ang balitang ito...... isa ako sa pinakamasayang tao dito sa mundo dahil i love echo and tin. at naniniwala akong magkakabalikan ulit silang dalawa. PEACE!:nuttybuds
|
| sai (no login) | Re: pangako days are here again | January 17 2009, 6:36 AM |
during richard loves lucy days pa pala matindi na ang tama ni echo kay tin the reason kaya siya naiinis dito dahil di siya makaporma dahil may bf si tin noon!!(nabuko ka ba echo?)kaya evrytime na magkausap sila walang ginawa itong echo kay tin kundi man alaskahin eh mega kuwento tungkol kay agelika nadating gf kesyo na mi miss nya si angel etc.... na akala ng binata maapektuhansi tin eh di naman tumalab kasi inlove si tin noon!! pero sa huli wagi pa rin ang idol nyo!!
|
| anonymous. (no login) | Re: pangako days are here again | February 10 2009, 12:29 AM |
ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut
Pilipino STAR Ngayon 11/06/2003
Noong Huwebes, habang hinihintay ko si Bea Alonzo sa Cork Wine & Grill sa The Loop para makipag-lunch ay dumating si Jericho Rosales. May taping ito para sa Sana’y Wala Nang Wakas na sa ABS-CBN din ang location. Malayo pa lang ay nakangiti na ito. Alam siguro ng binata na may kukulitin na naman ako sa kanya.
Paglapit nito, hindi ko na pinatagal pa ang kumustahan. Kinumusta ko ang binata kung totoo na nagkakamabutihan sila ni Kristine Hermosa. Isang napakatamis na ngiti ang sinukli nito sa amin. "Alam mo naman, John (tawag sa akin ni Echo), very special sa akin si Tin. Alam namin na lagi kaming andiyan para sa isa’t isa. Yeah, we’ve been going out," kumpisal ni Echo.
Ayon pa kay Echo, if and when maging sila muli ni Kristine, magiging iba na raw ang pananaw nila sa kanilang relasyon. Sa panahon na hindi sila, marami raw siyang na-realize. Pareho na raw silang nag-mature. Aware rin si Echo na marami talaga ang umaasa na magkabalikan sila ni Tin.
"Mas maganda na mas nagkakaintindihan na kaming dalawa lang. Mas gusto ko na mas alam namin ang papasukan namin. We’ll make sure na mas magiging masaya kami ngayon."
|
| ana (no login) | Re: pangako days are here again | February 11 2009, 7:08 AM |
KRISTINE'S TOP PICKS
RESTAURANT: Claw Daddy, Hossein's, Japanese restaurants
DISH: Seafood
ARTIST: Rihanna, Doris Day
BAR/CLUB: Places where they play RnB
DRINK: Surfer Boy (a secret cocktail recipe) and fresh juices
GETAWAY: Beaches, going abroad, somewhere relaxing
|
| ana (no login) | Re: pangako days are here again | February 11 2009, 7:09 AM |
As for the kind of guy that can capture her heart, Kristine looks for someone who shares her beliefs. Otherwise, he would be an automatic reject when it comes to the compatibility department. Her ideal man also has to be responsible and respectful towards women. Men should be cautious, as there is no fooling this smart young lady. Kristine claims that it is easy to determine if a guy is just feeding her a line. I can tell, she says. They just keep on saying how beautiful I am | |
| | Current Topic - pangako days are here again |
| |
|
|