<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Tin Bagahe

July 1 2009 at 12:56 AM
kikay  (no login)

 
SOOOO THIN TIN!: Halos kasabay ng flight namin pa-San Francisco ang flight na nilunanan ng mga artists ng Star Magic na Los Angeles naman ang itinerary.

Si Kristine Hermosa ang nakita kong natagalan sa pagtse-check-in ng bagahe niya. She needed to take out a lot of things dahil overweight na siya sa allowed na 50 kilos lang.

Kaya, kahit na hirap na hirap sila ng handler niyang si Allan Real sa pag-aalis at pagpili ng mga ititira lang nila sa maleta at ilalagay na lang o ipapaki na lang sa may maluwag na maleta o iha-hand carry ba ang iba niyang gamit, natatawa-tawa lang na pinagmamasdan ni Mr. M (Johnny Manahan) at ni Ms. Mariole ang kanilang alaga. Na para bang sinasabing dapat itong matuto na kapag sinabing ganoon lang kabigat ang allowed na dalhin sa maleta, ‘yun lang ang kailangang ilagay roon.

Nang makita ko na sa Mabuhay Lounge ng PAL si Tin at nagsimula nang maglaro sa kanyang Facebook na may ngiti, natiyak na naming meron siyang isang natutunan uli sa pagsalang niya sa trip na ito.

Marami lang ang worried sa pagiging sobrang payat na ni Tin na mukha na raw itong anorexic.

Sa true lang, sa super laking Chanel bag na bitbit ni Angelica Panganiban, kakasya si Tin sa loob nito sa sobrang kapayatan.

 
 Respond to this message   
AuthorReply
sweet
(no login)

Re: Tin Bagahe

July 2 2009, 11:01 PM 

Snn....sabi ni kris...jericho rosales may teleserye with someone special na itago natin sa pangalan kristine hermosa.God is good.sabi ni echo ' i can't wait to work with her'.

 
 Respond to this message   
MyMy
(no login)

Re: Tin Bagahe

July 13 2009, 5:31 AM 

ng mga kaguluhan daw sa buhay nila, ang siyang sikreto kung bakit nagtatagal sila.

"Lahat talaga ng gulo at problema. Ha! Ha! Ha! Ha!

"`Yung mga trials sa relasyon namin , doon talaga mas na-test `yung love at `yung pagiging faithful namin sa bawat isa."



Oo nga, malalim na nga ang relasyong. Parang hindi na nga ito puwede pang wasakin pa ng kung sino man.

"Malalim na talaga. Mas malalim pa sa balon!" nakangiting pahayag pa ni Kristine..





"Kung kailan po ibibigay ni God ang baby, okey lang."

Puwede bang mangyari na mas mauna ang anak kesa sa kasal sa simbahan?

"Hindi ko alam, eh. Hindi natin malalaman `yon, eh. Kung kailan lang talaga ibibigay ni God, walang problema.

"Pero, puwede naman siguro kung gugustuhin na talaga namin at gusto na talaga ni Lord. Ngayon kasi, si God na ang pinapabayaan namin na magmainobra ng buhay namin. Kapag kami kasi ang namamahala sa buhay namin, nagkakapalpak-palpak, eh.

"So, bahala na si Lord. Posible na talaga `yon. Kung `yung mga ayaw magka-baby, nabubuntis agad. Kami pa kaya na (nagmamahalan). Pero, hindi natin alam kung kailan, eh," sambit ni Kristine.

"Dapat lang naman siguro, `di ba? Ang suwerte na niya, `di ba?

"Pero, ipinaparamdam naman niya sa akin na ako na talaga. Hindi naman siya nagkukulang doon.

"Nararamdaman ko naman na tapos na siya sa ganu`n, eh. Wala na talagang babae sa buhay niya.

 
 Respond to this message   
libay
(no login)

Re: Tin Bagahe

July 13 2009, 11:40 PM 

JERICHO TALKS ABOUT KRISTINE
Super Teen mag, Sept 20, 2001

Speechless si Jericho nang tanungin namin siya tungkol kay Kristine Hermosa. Wala ngang masabi ang aktor dahil simulang maging magkaibigan sila, wala pang palpak. "Because we give importance sa bawat isa. Kapag gusto mo ang isang tao, you will love it as your best friend." sabi pa.

Hindi nga raw siya nagdalawang-isip nang alukin siyang maging escort ni Tin sa kanyang debut. "I like her very much, she's the girl I wanna marry. Sana nga, pagdating ng right time na ligawan ko na siya, sagutin niya ako. Siya ang gusto ko."

Ano nga bang meron si Tin na wala sa ibang babae?

"She's of good moral character. Mabait, determinado, hard working lady. Marami siyang pangarap. Hindi lang puro ganda, malalim siya as a person."

Hindi ba siya nag-attempt na ligawan si Tin?

"Well, kung liligawan ko naman siya, she'll not answer me dahil in love sa kanyang career baka paghintayin niya ako ng matagal. Ang sa akin naman kasi, kuntento na ako na makita ko siya araw-araw dahil nga madalas siyang kasama ko sa trabaho, okay na 'yun aside siyempre sa frequent naming tawagan sa cell phone."

Hindi ba siya nagseselos kapag merong napapabalitang merong nanliligaw kay Kristine?

"Hindi dahil secured ako, kumbaga, alam kong she'll not going to entertain suitors right now dahil busy siya. At alam ko na kapag nag-BF siya, iko-consider niya ang feelings ko for her," tawa niya.

Ganon ba siya kasigurado?

"Yeah sure ako na kahit papa'no, kung hindi man niya ako sagutin sakaling manligaw ako sa kanya, bibigyan niya ako ng chance or ipapaalam niya na meron na siyang BF, 'di ba? Sa araw-araw ba naman na lagi kaming magkasama, hindi ko malalaman na meron siyang special someone, di ba?"

Sakaling maging GF mo na nga si Tin, anong balak mo?

"Siyempre, kapag right time comes na kami na nga, I will treat her as a princess ng buhay ko. I mean, pakakasalan ko siya. Kaya nga right now, sobra ang pagsisikap kong magkaroon ng maraming pera at investments dahil sa future ko na sinuman ang babaeng pakakasalan ko, hindi maghihirap," Ecko said in closing.


 
 Respond to this message   
omg
(no login)

hmmm

July 14 2009, 9:32 PM 

Gusto naming mag-explore as individuals, para ma-improve namin ang aming sarili. Para by the time na magsi-settle down na kami at final na, ‘yung tututok na kami sa pamilya, tuloy tuloy na, wala nang atrasan, wala nang urungan.
“kristine said!!

 
 Respond to this message   
hmmm
(no login)

Re: hmmm

July 14 2009, 9:56 PM 

“All the time we’ve been together, ang dami dami kong inisip na, ito na yung magiging pinakamalaking kasalanan ng lalaki sa akin,” she says. “Pero along the way, what happened, because you love someone so much, hindi pala hanggang doon lang yun, kahit sabihan mo ng ilang beses. It doesn’t end, if you love someone, mahaba ang iyong pasensya.”

 
 Respond to this message   
lovesweet
(no login)

Re: hmmm

July 15 2009, 12:58 AM 

Actually, wala akong plano to commit with anybody. Aayusin namin yung sinimulan namin, and eventually alam ko at gusto ko that we will continue.”

“We’re too close for comfort.

 
 Respond to this message   
kookai
(no login)

Re: hmmm

July 29 2009, 2:35 AM 

Isa sa may pinakamaganda at charming na mukha sa larangan ng lokal na aliwan sa kasalukuyang panahon ngayon itong si Kristine Hermosa. Kaya naman nabibighani ang mga kalalakihan sa kanya ‘pag napapanood siya sa tv via “Pangako Sa’yo” ng ABS-CBN Channel 2.

Hindi nga kataka-takang maging attracted sa kanya ang ka-Ioveteam niyang si Jericho Rosales. Dahil sinumang lalaki na makasama ng una’y hindi lang basta paghanga ang nararamdaman kundi kakaibang feeling na puwedeng humantong sa masidhing pagmamahal.

“Well, salamat ho sa mga ganu’ng opinyon ng iba,” bungad sa amin ni TinTin. “Basta kami naman ni Echo ay nagkakaintindihan palagi. Alam niya ‘yung mga priorities ko. But like what I’ve always said. Laging espesyal para sa akin ang taong ‘yon,” aniya pa.

“Walang makakapagbago ng feeling kong ‘yon para sa kanya. Kasi nga napatunayan ko kay Echo ang pagiging espesyal ko sa kanya,” sey pa rin m TinTin.

“Siya kasi ‘yung tipo ng isang special friend na iti-treasure mo talaga. Hindi ka mya pababayaan. Kaya naman ganu’n na lang ang pagtingin ko sa kanya.

“But if ever na maging kami man ni Echo in the future, hindi ko naman itatago ‘yon. Ipagmamalaki ko pa sa kanila. At kahit sinong babae siguro, ipagmamalaki ang pagiging responsible ni Echo.

“Lalo ná ‘yung pagmamahal nya sa family nila. So nakikita ko sa kanya na magiging mabuti siyang padre de pamilya someday,” dagdag pang tsika ni TinTin.

At wala rin nga naming masama kung magkatuluyan sila ng guwapong aktor lalo na’t binata pa naman ito. Dalaga pa rin naman si TinTin ika nga. Kahit pa may mga naglabasang intriga noon kay Echo na kesyo may naanakan daw ito’y tila deadma lang ang magandang leading lady ng aktor sa “Pangako Sa’yo” at “TRIP” ng ABS-CBN/Star Cinema.

“Hindi naman kasi ako ‘yung tipo ng babaeng tumitingin sa nakaraan ng isang special friend na lalaki. Kung anuman ang nangyari kay Echo before whether it’s true or not. Wala na’kong pakialam do’n.

“Ang mahalaga sa akin ,eh, ‘yung ngayon. Maganda ang samahan namin. Masaya kami when we were together.So, hindi kailangang lagi ka na lang mabubuhay sa nakaraan. Dapat harapin ma ‘yung bukas at ‘yung ngayon,” magandang paliwanag pa ni Tin Tin.

Kung pakikinggan ang mga magagandang pananalita ni TinTin ngayon patungkol kay Echo’y parang hindi kapani-paniwalang dili ay ayaw na ayaw niya sa aktor. Hanggang sa mag-ibaang ihip ng hangin at maging matindi ang bonding nilang dalawa na akala mo’y sila na nga.

“Totoo po ‘yon,” magalang myang sagot agad sa amin. “I didn’t like him before. Iba kasi ang impresyon ko sa kanya noon Parang ano.. .ewan ko ba? Hindi ko talaga alam noon kung bakit ayaw ko sa kanya," aniya pa.

"Siguro dahil hindi pa namin nakikilala talaga ang isa't-isa. At saka ang pakiramdam ko kay Echo noon, eh, parang ano... hindi ko siya type talaga. Kaya nu'ng magkasama kami sa "Munting Paraiso' hini pa namin ganu'n ang samahan namin," kuwento pa ng magandang aktres.

Maaring ang panahon na rin ang siyang nagtakda na magkakilala sila nang husto at mauwi sa magandang pagkakaibigan ang lahat na siya naming nangyari sa kanilang dalawa sa kasalukuyan.

"Well, siguro nga. At wala naman akong pinagsisisihan sa pagkakakilala namin ni Echo. And I think, mas lumalim pang lalo ang friendship namin ngayon. So, in a way, nakatulong din 'yung hindi namin pagkagusto before sa bawat isa. Mas nagkaroon ng magandang situwasyon, 'di ba?

"That's why ngayon, talagang napaka-special ni Echo sa akin. And I'm very proud na nagkaroon ako ng special friend na gaya niya," dagdag pang tsika ni Tintin.

Bukod sa kanyang career at mahahalagang bagay na meron siya sa kanyang buhay ay ano pa kaya ang tini-treasure niya nang husto sa buhay niya ngayon?

"I think ano... my cellphone," napapangiting sabi agad ni Tintin sa amin. "Importante sa 'kin 'yon. Malaki kasi ang naitutulong nu'n sa akin," aniya pa.

"Pag nawala 'yung cellphone kong 'yon, eh, magiging helpless ako. Napakaimportante sa 'kin nu'n. Lalo na kung may importante akong tawag at emergency," sey pa rin niya.

Meron ding malaking bagay na kinatatakutan ni Tintin na ayaw niyang maranasan sa buhay na minsan ay nakikita niya sa pelikula o mga soap opera sa telebisyon.

"Well, 'yung mawala sa buhay ko ang aming pamilya. Du'n talaga ako takot. Kaya palagi 'kong pinagpi-pray kay Lord na lagi Niya kaming bigyan ng proper guidance lalo na ang aming pamilya," pagtatapos pa ni Tintin sa aming panayam.kuk

 
 Respond to this message   
Current Topic - Tin Bagahe
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement