This message board is heartily dedicated to people who are purely fanatic to both foreign and local soap operas/telenovelas aired here in the Philippines. You can read, post (e.g. view some insights, opinions or promote a website), and reply messages. Offensive, malicious or any words that can degrade the reputation of a person is automatically deleted in this forum. No profanities please. Thank you very much for your cooperation. GOD BLESS!
 

 BACK TO THE FORUM THREAD  

ENDLESS LOVE (final episode)

October 5 2003 at 3:02 PM
bernie 

 
Ito lang talaga ang naabutan ko......

......sinampal si Johnny ng kanyang papa! Ewan ko bah kung bakit. Siguro'y hindi nila matanggap ang mga pangyayari dahil anak ang turing nila kay Jenny.

Putlang-putla si Jenny sa mga episodes na iyon. Itinakbo sha sa hospital at malubha ang karamdaman. Nang nalaman ni Madam Catherine ang kahabag-habag na sitwasyon ni Jenny nahimatay tuloy ito sa loob ng hospital. Dalawa na sila ang naconfine sa hospital.

Si Andrew naman sa kabilang banda'y naghihinagpis at umiiyak. Ang papa ni Johnny ay nag-iisa sa parke. Iniisip niya ang kalagayan ng kanilang pamilya na masyadong kinakambalan ng matinding dagok ng kapalaran.

---> 'yan ang nabutan ko dahil may duty pa ako sa hospital <---

Sa next episode, hindi ko na alam kung paano nakalabas si Jenny sa hospital. Dahil ito lang ang naabutan ko

----->
Nagsasama si Jenny at Johnny sa iisang bahay. Pinagsaluhan nila ang mga nalalabing araw dahil alam naman ni johnny na hindi na magtagal ang nobyang pinakamamahal niya sa buhay.

Matindi ang kalungkutang nadarama ni Johnny, sapagkat, hindi niya makakasama si Jenny ng matagal.

Sila'y nagpalipas ng gabi sa labas ng kanilang bahay. Sa totoo lang..... Napakalungkot ng eksena! Sisikip talaga ang inyong dibdib.

Pagkatapos ay namasyal sila sa tabing dagat. Pinaangkas na lang ni Johnny si Jenny sa likuran niya dahil hirap na itong makalakad. Nakaangkas si Jenny habang sila'y nag-uusap ni Johnny. Nararamdman na ni Johnny na humihina ng lalo ang boses ni Jenny hanggang sa nalagutan ito ng buhay sa kanyang balikat. Sa eksenang iyon ay labis ang sakit ng puso na nararamdaman ni Johnny. Marami siyang sinambit na salita pero hindi ko naiintindihan dahil intsik ang pagkaDUBBED ng serye. Siya'y umiyak at sinabi niya na mahal na mahal niya si Jenny. Mga tatlong beses yata niya sinabi ang 'WO AI NI' or I LOVE YOU.

Kaumagahan ay inilibing na si Jenny. Nandoon lahat ang mga mahal niya sa buhay. Ang tunay niyang INA, si Madam Catherine (Johnny's mom), papa ni Johnny, Shirly, at ang bigong si Andrew.

Nag-uusap si Andrew at Johnny sa bench at ipinagtapat niya ang lahat ng sama nang loob kay Johnny.

Nang paalis na sana si Johnny sa libing ay naabutan siya ni YUMI. Parang binigkas niya kay Johnny na kahit ganito man ang mga nangyayari sa kanilang buhay ay hindi pa rin niya makalimutan si Johnny at mahal na mahal a rin n'ya ito.

Binalikan ni Johnny ang dati nilang paaralan noong bata pa sila ni Jenny. Inaalala niya ang lahat na mga kasaysayan noong kabataan. Naaalala rin niya ang madalas nilang nakagawian gaya ng pagbibisiklita.

----->
Si Andrew naman ay nasa dagat at ibinuhos niya ang abo ni Jenny sa alon. 'Yan ang medyo hindi ko naiintindihan dahil nasa sementeryo naman sila nang inilibing si Jenny. Siguro, hiningi na rin ni Jenny na ipapacremate s'ya at nag-utos na ibuhos ang kanyang abo sa laot. Hinihingi na rin siguro ni Andrew na kahit sa huling beses ay siya na rin ang magbuhos sa sa ash ni Jenny.
<-----

Sa kabilang banda naman ay parang nawala sa isip si Johnny dahil gulung-gulo ang isip nito. Hindi niya namalayan na may paparating na sasakyan sa kanyang harapan. Nasagasaan siya sa daan kung saan nasagasaan si Jenny noong bata pa sila. Masyadong malakas ang pagkasagasa sa kanya at tumilapon.
<-----

And that's the end of the episode. Masyadong masakit. Namalayan na lang naming tatlo ng mama at kapatid ko a napaiyak kaming lahat kahit intsik ang linggwahe.

Napakatralala talaga namin. Para kaming sinto-sinto! Mas malungkot ang huling kabanata kompara sa LAVENDER!

 
 Respond to this message   
Responses

Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement