| Kabayanonline.com Antoinette Taus, ayaw pa ring paawatDecember 17 2003 at 10:25 AM No score for this post | Anonymous (no login) from IP address 68.122.39.7 |
| Antoinette Taus, ayaw pa ring paawat
HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Antoinette Taus dahil inamin niyang babalik siya sa Amerika para subukan uling mag-audition doon para maging Hollywood star.
"Wala namang m asama kung susubukan ko uli, di ba? Naniniwala kasi ako sa kasabihang kapag may tiyaga may nilaga. January ang alis ko at sa L.A. ako didiretso. Kasama ko si Daddy at ang kapatid kong si Tom. May nabili kasi kaming apartment doon pero siyempre uuwi-uwi rin ako rito. Gusto ko rin naman bisitahin ang mga friend ko rito," sabi pa ni Toni.
Dapata nga raw ay noong Nobyembre pa sila umalis pero mas ginusto nilang mag-Pasko rito at Bagong Taon kaya palilipasin muna nila ang buong buwan ng Disyembre.
"Maraming naka-line up sa akin doon pero di ko muna sasabihin baka kasi maudlot. Mababalitaan n'yo naman ang mga detalye dahil ako rin ang magsasabi. Mami-miss ko ang mga fans ko rito at mga kaibigan," pagtatapos ni Toni.
|
|
| | Current Topic - Kabayanonline.com Antoinette Taus, ayaw pa ring paawat |
| |
|
|