| Journal Today:Dingdong, inaaliw ang sarili sa pag-alis ni ToniDecember 20 2003 at 11:51 AM No score for this post | Anonymous (no login) from IP address 68.122.114.165 |
| Dingdong, inaaliw ang sarili sa pag-alis ni Toni
SUPPORTER ng Metro Manila Film Festival si Dingdong Dantes. Sa mga nakaraang filmfest, he made it a point to watch all the movies na kasali.
Kaya, excited siya sa MMFF 2003 because kasama ang pelikula niyang Malikmata sa mga entry. Siniguro ni Dingdong na matatakot ang manonood sa Canary Films entry since it’s a 100% suspense-horror movie.
Sa tuwa nga ni Dingdong, nangako siyang sasali sa lahat ng activity ng MMFF mula sa parade hanggang sa awards night. Ang sarap daw ng feeling na may pelikula ka sa filmfest.
Ayaw naming isiping nililibang lang ni Dingdong ang sarili dahil sa Jan. 8 ay babalik na sa Amerika ang girlfriend niyang si Antoinette Taus.
"Matagal siya roon, five years yata," malungkot na sabi ni Dingdong.
|
|
| | Current Topic - Journal Today:Dingdong, inaaliw ang sarili sa pag-alis ni Toni |
| |
|
|