Hi! Share ko lang sa inyo yung article tungkol kina Dingdong and Toni na nabasa ko from Kislap Magazine dated July 26, 2004. Actually, ito yung last part ng interview ni Nora Calderon kay Dingdong. Yung first part di ko na sinama kasi publicity lang ng Love to Love.
MAY NAKAKITA SA KANYA NANG IKUHA NIYA NG INSURANCE ANG ANAK NILA NI TONI!
“Kung mayroon akong anak, hindi ko siya itatago, magiging proud pa ako kung may anak ako dahil mahilig ako talaga sa mga bata!” - DINGDONG DANTES
Napansin namin wala man lamang nali-link kay Dingdong, kahit pa ang mga nakakasama niya sa mga teledrama na ginagawa niya. May communication pa rin ba sila ng girlfriend niyang si Antoinette Taus?
“Mayroon, nagtatawagan kami, nagtetext. Nagri-recording na siya doon. Yes, nami-miss ko rin siya, pero we have to sacrifice. Happy rin daw naman siya roon dahil nagsisimula na rin niyang matupad ang dream niya.”
May na-blind item noon na isang young star daw ang nakita na nagpa-insure ng anak niya sa isang insurance company sa Makati City. Anak daw nila ito ng girlfriend niya at ten years old na ang bata. Diniretso na ng mga kaharap na press si Dingdong na siya ang tinutukoy sa blind item.
“Totoong nagpa-insure ako pero hindi totoong para sa anak ko, dahil wala naman akong anak. Isa pa, hindi ako nagpunta sa insurance company, madalas lang akong pumasyal doon sa restaurant ng building na iyon. How sure ang nakakita sa akin na nagpa-insure nga ako para sa anak ko? Puwede kasing personal insurance ko iyon, puwede ring para sa kotse ko o kung saan.
“Wala kaming anak ni Toni. Kung ang sabi nila ay 10 years na raw ang bata, paano mangyayari iyon samantalang wala pa akong ten years sa showbusiness. Wala akong itinatagong anak. Kung mayroon akong anak, hindi ko siya itatago, magiging proud pa ako kung may anak ako dahil mahilig ako talaga sa mga bata,” diin pa ni Dingdong.
Asked kung wala siyang balak dalawin sa States si Toni, sabi ni Dingdong, kahit daw gusto niya, hindi rin pwede dahil napaka-busy niya. Wala pa rin siyang alam kung kailan muli babalik si Antoinette dito, dahil busy rin ito sa career niya sa States.
|