Hindi si Tanya Garcia ang makakapartner ni Dingdong sa "Tears from Heaven" kasi nagtataping na rin si Tanya ngayon nang ibang soap opera sa gma7 na "Noel" naman ang title kung saan makakasama niya sina Paolo Contis, James Blanco, Gina Alajar, Celia Rodriguez at Pen Medina. Kaya hanggang ngayon lihim pa rin kung sinong makakapartner ni Dingdong dito at wala ring nababalita kung sino, ang madalas lang mabanggit ay si Regine Velasquez na ang kapartner sa "Tears in Heaven" ay sina Richard Gomez at Ariel Rivera. Naku, sino kayang makakasama ni Dingdong sa new soap na ito? Sana si Antoinette na nga, pero kung 'di si Toni, malamang si Karylle ulit. |