|
From Antoinette's yahoo groups: S-Files Interview by Jun LalinSeptember 7 2004 at 8:22 PM No score for this post | elle (no login) from IP address 203.76.240.190 |
| Noong Linggo ay ipinalabas sa S-Files ang interbyu namin kay
Antoinnete Taus. Marami kaming text messages at emails na matanggap
mula sa mga tagahanga ng young actress/singer at nagpasalamat sila sa
amin dahil sa interbyung' yon sa kanilang idolo.
Karamihan din sa yexy messages at emails ay nagtanong kung bakit
hindi namin inusisa si toni tungkol sa real score sa kanila ni
dingdong Dantes.
Sayang daw at pinalampas namin ang pagkakataon na matanong ang dalaga
tungkol sa kanilang dalawa ni Dingdong.
Well,para sa kaalam ng lahat, kumpleto po ang interbyu namin kay
Toni. Inusisa namin sa kanya ang estado ng relasyon nila ni Dingdong,
at kami man ay nagtaka kung bakit hindi naisama' yon sa ipinalabas ng
S-Files.
Nang tanungin namin ang isang staff ng show,sinabi ntio sa amin na
masisira raw ang concept ng VTR kung isasama pa 'yung tungkol kay
Dingdong.
Tungkol daw kasi sa namayapang ina ni Toni, si Gng.Cora Taus, ang
concept nila sa istoryang ipinalabas nila.
Isa pa, marami din daw issues na tinalakay sa S-Files noong Linggo
kaya hindi pwedeng habaan ang VTR ni Toni.
Anyway, makarating sana sa kaalaman ng S-Files staff na nagre-request
ang mga tagahanga ni Toni na magkaroon ng part two ang VTR interview
na 'yon at sana raw ay ipalabas sa LInggo ,yung part na sinagot ni
Toni ang tungkol sa tanong namin kung sila pa ni Dingdong. |
|
| Author | Reply |
elle (no login) 203.76.240.190 | Thank you Mr. Jun Lalin!No score for this post | September 7 2004, 8:29 PM |
Buti na lang nandyan si Mr. Jun Lalin, at least may mga nababalitaan tayo kay Toni kahit nasa malayo siya. Thanks po talaga! Ang comment ko naman sa ni-reason out nang S-Files ay malamang pina-edit out ng GMA7 yung part na yun sa interview kasi nga love team ngayon sila dingdong at karylle at
gusto talaga nilang panindigan na may relasyon sila karylle at
dingdong kahit wala naman talaga. napanood ko kasi yung lahat nang
segment nang s-files last sunday, pinakita nga nila yung interview
kay toni pero sa later part nang show may interview din kay karylle
at ipinakita pa nila sila dingdong at karylle na magkatabi sa
fanatext anniversary. oh di ba, halata namang pinoprotektahan talaga
nila si karylle, na mukhang favorite nila ngayon sa GMA7.
|
|
karen (no login) 210.5.74.220 | Re: Thank you Mr. Jun Lalin!No score for this post | September 7 2004, 11:39 PM |
yeah,that's my theory too!
coz last sunday talagang inabangan ko yung interview kay toni kasi nga i read somewhere na sinagot na nga daw ni toni kung ano na nga ang real score nila ni dingdong...i guess i expected too much... i should have known na hindi nila isasali ang part ng interview about dingdong coz grabe talaga ang pagpupumilit nila na magclick yang dingdong-karyl team up!i hope matuloy nga na may part 2 sa interview kay toni...coz i believe the viewers deserve to know the truth...after all, they claim to give the "sakto and detalyado" news!
hwag naman sana nila gaguhin o kayay utuin ang mga tao...it's just unfair kung ganoon nga. |
|
Cel (no login) 210.23.160.30 | Re: Thank you Mr. Jun Lalin!No score for this post | September 8 2004, 12:22 PM |
Tama kayo. Nagtataka ang tao bakit hindi naitanong si Dingdong sa kanya. Pero yung ginawa nilang di pagpapalabas ng mga sagot ni Toni tungkol sa real score nila ni Dingdong, confirmation yun na sila pa rin. Kung iba kasi ang sinagot ni Toni, pagpipiyestahan nila yun sigurado dahil makakatulong yun sa promo ng Love to Love.
Sana huwag nang pagpilitan yung Dingdong-Karylle loveteam dahil kita naman sa ratings na hindi sila tanggap mg tao. | |
|
| Current Topic - From Antoinette's yahoo groups: S-Files Interview by Jun Lalin |
|
|