ni Vinia Vivar (BULGAR)
Sa dinami-dami ng nag-aagawan sa role na Darna ng GMA7 ay na-trim
down na lang ito sa dalawa. Kung tama ang info ng aming source,
napakasuwerte naman nina Diana Zubiri at Nadine Samonte na balitang
pinagpipilian for the role.
Ayon pa sa aming source, ang pumasa raw sa panlasa ni Direk Joel
Lamangan ay si Diana. Na-impress umano ang direktor sa husay na
ipinakita ng sexy star sa fight scenes. Si Nadine naman daw ang
napipisil ng management mismo dahil may fresh factor daw ito since
bata pa at hindi pa overexposed.
Dahil parehong may qualities ang isa na wala sa isa, pinag-iisipan
na rin daw ng GMA7 na parehong kunin ang dalawang female stars. Si
Diana raw ang Darna at si Nadine naman ang Narda.
Hanggang wala pang final announcement ang network ay maaari pang
mabago ang casting. From what we heard, hindi rin daw si Dingdong
Dantes ang leading man ni Darna tulad nang naunang napabalita. Wala
pa raw napipisil na leading man para sa nasabing serye.
|