<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Dingdong-Toni, Hindi Totoong Hiwalay Na?!

November 2 2004 at 3:07 PM
No score for this post
Anonymous  (no login)
from IP address 202.57.66.136

DINGDONG-TONI, HINDI TOTOONG HIWALAY NA?!
by Jun Lalin, Tumbok tabloid, Nov. 1, 2004

Hindi kami naniniwalang hiwalay na talaga sina Dingdong Dantes at Antoinette Taus dahil noong dumating dito ang dalaga two weeks ago ay nagkita pa sila ng host ng Wag Kukurap.

Sa taping nga ng Wag Kukurap ay inamin sa amin ni Dingdong na nagkita nga sila ni Toni. Pero dahil busy ang binata sa mga eksena niya sa taping na yun ay hindi na namin siya nausisa pa kung ano na nga ba ang real score sa kanila ni Toni.

Napansin nga pala naming pumapayat na si Dingdong at ayon sa binata, nagdi-diet daw siya. Pero hindi kaya nakatutulong sa pagpayat ni Dingdong ang sobrang pagtratrabaho niya? Noong araw na yon na lang kasi ay lagare sa taping, shooting at isang show si Dingdong at pagod na pagod nga raw siya.

 

Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
Current Topic - Dingdong-Toni, Hindi Totoong Hiwalay Na?!
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement