This brings us to Dingdong Dantes and Karylle.
After the Richard-Angel fiasco, nakatuon na ang atensyon ng media sa dalawa. Halatang pinipilit ng Regal at GMA 7 writers na sila na. Kahit na si Antoinette Taus ay naririto pa.
Kahit walang inaamin ang dalawa -- na tila 24 or above na ang age nila -- kinukulit sila ng writers na kahit Marso at graduation na ay tila Valentine pa rin ang nasa utak.
Baka after the success of their Bahay ni Lola 2 movie sa Regal at okey ang pairing nila sa telebisyon, salat sa katotohanan pala ang love gimmick nila.
Lalong nakakatawa itong gimik nina Dingdong at Karylle kung hindi totoo.
Una, hindi na sila teenagers na nasa "kilig" age. Over age na sila for that.
Pangalawa, pati mga magulang ni Karylle ay nahila sa love pairing na ito. Hindi bale si Zsa Zsa Padilla dahil showbiz talaga siya. Pero si Dr. Modesto Tatlonghari ay nasasali pa sa mga intriga.
Naiisip namin na siguro, nawawalan na ng balita ang showbiz kaya to keep writers going, kung anu-anong balita at gimik ang lumalabas at ginagawa pang headline item!
|