<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

From Bulgar by Cristy Fermi

April 28 2005 at 1:26 PM
No score for this post
Hazel  (no login)
from IP address 210.23.160.109

 
Antoinette at Dingdong may itinatagong anak?

Parang kuyog ang mga tagahanga ni Antoinette Taus, kahit malilit na isyu lang ay pinapatulan ng mga ito kaya ang malalaking isyu pa kaya tungkol sa kanilang idolo ang hindi nila paglalaanan ng oras?

Tutal ngayong inamin na nina Dingdong Dantes at Karylle na sila na nga, nag-aklasan ang mga tagahanga ng hindi na gaanong aktibong si Antoinette, talagang nagpapadala ng sulat ng pagkontra ang mga ito sa dalawa.

Ang nakapagtataka lang ay parang alam na alam ng mga tagahanga ang mga nagaganap kina Antoinette at Dingdong kaya meron silang pangontra sa mga sinasabi ng actor na kailan lang ay parang sirang plaka sa paulit ulit na pagsasabing sila na nga ng dalaga ni Zsa Zsa, na pinagtataasan naman ng kilay ngayon ng marami.

Ang unang kinokontra ng mga tagahanga ni Antoinette ay ang pagsasabi ni Dingdong na isang taon na raw silang hiwalay ni Antoinette, inis na inis ang mga tagahanga ng dalaga kaya super-inconsistent ang tawag ngayon ng mga ito kay Dingdong, kailan at paano raw naman nangyari yun?

Ikinuwento pa ng mga ito sa amin na kahit lupaypay na sa pagod si Dingdong ay nakakarating pa rin ang binata sa Pampanga kung saan nakatira si Antoinette at ang pamilya nito, ganun daw katindi ang relasyon ng dalawa kaya hindi naniniwala ang mga tagahanga ng dalaga na sina Dingdong at Kartylle na nga.

Kung ang kanilang mga paliwanag ang bibigyan natin ng bigat, lumalabas na gimik lang ang sinasabing relasyon ngayon nina Dingdong at Karylle, kailangan lang daw yun para sa bagong proyektong pinagsasamahan ng dalawa, user daw si Dingdong.

Pero ang tanong, may basbas kaya ni Antoinette ang mga inilalabas na pahayag ngayon ni Dingdong, isa ba itong pinilanong senaryo, para lang huwag mawala sa gitna ng mga ilaw si Dingdong?

At ganun ba naman kadesperada si Karylle para makipaglokohan kina Dingdong at Antoinette. Kailangan din bang sumailalim sa ganung ungguyan ang anak ni Zsa Zsa, para lang magningning ang bituin nito?

Kunsabagay ay nakapagdududa nga ang mga pangyayari, paulit ulit na sinasabi ni Dingdong na sila na nga ni Karylle, hindi naniniwala ang binatang actor na ang minsang pag-amin ay sapat na dahil kapag nadagdagan pa yun ay parang may kung ano na siyang pinagtatakpan.

Mahihirapang bumaklas si Dingdong sa anino ni Antoinette, iba kasi ang kanilang relasyon, napakarami nang babaeng idinikit sa actor pero sa bandang huli ay lumalabas pa rin ang totoong sila ni Antoinette.

Habang pinaniniwala ni Dingdong na sila na nga ng babaeng itinatambal sa kanya ay hayan naman sila ni Antoinette, nakikitang magkahawak-kamay na namamasyal sa mall, sino ang unang-una nilang niloloko, kundi ang mga sarili rin nila?

Di nga ba’t balitang may anak na sina Dingdong at Antoinette? Sige sila sa kadedenay, pero ayaw namang mamatay-matay ang kiuwento, kahit sino ang idikit kay Dingdong ay nandun pa rin ang anino ni Antoinette.

Ang dami-daming kuwentong ipinararating ng mga tagahanga ng dalaga sa mga manunulat, pagkatapos naming basahin ang kanilang mga impormasyon ay isa lang ang naisip naming,meron bang tulad ni Dingdong na para lang manatili sa kanyang kinalalagyan ngayon ay makasisikmurang manloko ng publiko lalo na ng kanyang sarili.

Nakakaawa naman pala si Karylle kung ganun nga?

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply
Hazel
(no login)
210.23.160.109

Re: From Bulgar by Cristy Fermi

No score for this post
April 28 2005, 1:29 PM 

Guys, Cristy Fermin yung sumulat, sorry.

Ang comment ko, posibleng gawin yan ni Dingdong lalo na't may manager siya na kasing bobo ng manager niya ngayon.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
Current Topic - From Bulgar by Cristy Fermi
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2010 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement