<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

parang si Toni ang blind item dito ni Christy Fermin

May 21 2005 at 12:49 PM
No score for this post
chel  (no login)
from IP address 202.81.189.204

 
BY Christy Fermin, BULGAR. may 21, 2005

Blind Item:

Hanggang ngayon pala ay text pa rin nang text ang isang batang aktres sa kung kani-kanino para lang siraan ang isa pang batang aktres na pinagseselosan niya.

Ang akala pa naman nami'y okey na ang lahat dahil pinagharap na sila ng mga humahawak sa kanilang career, nangako ang batang aktres na tapos na ang isyu dahil hindi naman talaga totoo, pero ibang bersiyon naman pala ang kanyang ikinakalat ngayon.

Ayon sa aktres ay hindi raw nakapagsalita ang young actress na pinagseselosan niya nung magharap-harap sila, meron pa siyang sinasabing "Di umamin din!" samantalang wala naman siyang napatunayan nang maganap ang komprontasyon.

Ano na kaya ang nangyayari sa young actress na ito? Bakit kaya ganun na lang ang selos niya sa batang aktres na pinagbibintangan niyang karelasyon ng kanyang botfriend(?, inaatake ba siya nang insekuridad sa young actress na bukod sa maganda at edukada na ay marunong pang makisama at hindi tulad niyang parang panahon na pabagu-bago ang timplada ng sumpong?

Nakakaawa naman ang karelasyon ng young actress na ito, marami ang nakakapansin na nahuhulog na ang katawan ng aktor, pero hindi naman siguro ang sobrang trabaho at pagda-diet ang dahilan ng pangangayayat ng kanyang boyfriend.

Baka siya ang pino-problema nito, kaya may mga pagkakataong parang naaburido ang young actor at kung minsan pa nga ay nakikita ito ng kanyang mga kasamahan na nakatingin sa kawalan, gusto na kaya nitong makipag-kalas sa young actress?

Pero paano, ganun na lang ba kadaling gawin yun, samantalang ang balita ay... Kayo na po ang magdugtong para malaman nyo kung sino sila.

NOTE NANG NAG-POST: Kung sila Toni at DD at Karylle nga ang tinutukoy dito, this only means na sila Toni at DD pa rin, kasi kung sila 'to, obvious naman na si Toni yung tinutukoy na young actress na nagseselos dun sa isang actress, pero ang sabi sa blind item na nagharap na daw sila, so does this mean na nandito na talaga si Toni sa Pilipinas uli? at mukha kasing si DD lang naman ang nakikita ko na nangangayayat na actor ngayon na madalas natutulala at wala sa sarili parang nung nag-guest sila sa sis tsaka ang payat na nga kasi ni DD ngayon as compared before, sumobra ata pangangayayat niya, tsaka dun naman sa part sa dulo na dugtungan na lang daw na parang ang tinutukoy ay ang isyu ngayon sa kanila na may anak na daw at kasal na daw sila, ano sa tingin niyo? feeling ko lang talaga sila ang tinutukoy dito.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply
jonathan
(no login)
210.14.8.116

HINDI SI TONI AT DD

No score for this post
August 1 2005, 7:49 PM 

c kristine, diether and pauleen ang tinutukoy ni CF

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
Current Topic - parang si Toni ang blind item dito ni Christy Fermin
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement