<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Karylle, supporting lang sa tambalang Dingdong-Iza sa "Moments of Love"

February 26 2006 at 2:54 PM
No score for this post
chel  (no login)
from IP address 203.87.186.134

 
Masama ang Loob Dahil Gusto ang Captain Barberll Pero
sa iba Ibinigay

Ang Pilipino STAR Ngayon 02/23/2006

Pinakiusapan kami ng taga-GMA 7 na kung maari raw
naming punahin ang mga naglalabasang write-up ngayon
ni Dingdong Dantes na "Masama ang loob niya sa GMA
dahil ang pangakong sa kanya ibibigay ang tv project
na Captain Barbell ay napunta na kay Richard
Gutierrez."

Binalikan namin ng tanong ang taga-Siete na bakit kami
ang kailangang pumuna, e, hindi naman kami kunektado
kay Dingdong o kay Richard?

"E, kasi parang yun ang publicity slant ng movie ni
Dingdong na Moments of Love, e, hindi ba niya naisip
na magiging nega siya sa kasasabi niyang masama ang
loob niya?

"Hindi ba niya naisip na kaya hindi ibinigay sa kanya
ang project na CB ay dahil wala pa siyang
napapatunayan bilang solo star? Ano ba ang naging
solong project ni Dingdong?

"Hindi niya solo ang Encantadia dahil yung apat na
Sang ’re ang bida at suporta lang siya. Sa SOP, hindi
rin niya solo ang pagiging host, sa StarStruck,
natatabunan na siya ni Raymond Gutierrez, at ano bang
movie na naging leading man siya, yung sa kanila ni
Judy Ann Santos, sumemplang pa, nahila niyang pababa
si Juday?

"Hindi nag-iisip ang mga reporter-friends ni Dingdong
sa sinusulat nila, e, nasaan ba si Dingdong ngayon, di
ba, heto pinagkatiwalaan siyang bigyan ng pelikula at
sino ba, producer, di ba GMA Films? Dapat nga
magpasalamat na siya dahil marami siyang shows sa
Siete at may directorial job pa siya," ito ang
sunud-sunod na esplika sa amin ng taga-Siete.

E, siguro yun ang naisip ng kampo ni Dingdong na
magandang publicity para sa pelikula nila ni Karylle
na Moments of Love. Naniniwala sila na baka mapansin
din ng management si Dingdong kapag nag-iingay siya
tulad ng ginagawa ni Annabelle Rama kapag nade-dehado
ang mga anak niya’t ibang alaga.


REACTION NANG NAG-POST: Actually, I just read recently an article saying na di naman ang tambalan nila Dingdong at Karylle ang ibenebenta sa movie na "Moments of Love" kundi ang pairing nila ni Iza Calzado, at nanggaling 'to mismo kay Miss Annette Gozon nang GMA films. Dapat ang i-publicity na lang nila ay kung sumama ba ang loob ni Karylle since di naman pala siya lead sa movie at supporting lang siya sa tambalang Dingdong-Iza sa movie, di ba mas maganda, intriguing at interesting yun? Anyway, kaya siguro yan na lang ang naisip na publicity nang camp ni Dingdong ay dahil either totoo ngang sumama ang loob niya dahil di niya nakuha ang Captain Barbell or ayaw na lang ni Dingdong gamitin ang lovelife niya para mapag-usapan lang siya at ma-promote ang movie niya, what do you think guyz?

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply
chel
(no login)
203.87.186.134

follow up article....

No score for this post
February 27 2006, 11:10 AM 

posted on www.iGMA.tv:

Dingdong di bagay maging "Captain Barbel"

May nabasa kaming item sa isang tabloid na diuma-no’y masama ang loob ni Dingdong Dantes sa GMA 7 dahil hindi sa kanya ibinigay ang papel ng Captain Barbell at kay Richard Gutierrez ito napabigay.

Kung totoo man ito ay walang karapatang sumama ang loob ni Dingdong.

Alam niya sa kalakaran ngayon na hangga’t hindi nagte-taping ang isang artista ay walang kasiguruhan kung makukuha niya ang proyekto.

Mas may dating kung si Richard Gutierrez ang gaganap na Captain Barbell dahil ang teleserye ay pambata. Sa tingin namin ay hindi bagay kay Dingdong ang papel ng Captain Barbell.

Mas may selling factor si Richard kumpara kay Dingdong. Duda nga ako kung papatok sa takilya ang pelikula nila nina Iza Calzado at Karylle na Moments of Love. Pero sana, kumita, para happy lahat.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   

(no login)
61.9.87.198

mas bagay pa si karylle at dingdong

No score for this post
March 15 2006, 9:23 AM 

avisala!in fearness lang noh!!!!mas bagay talaga sina dingdong at karylle.tingnan ninyo si toni diba parang nasasaktan sa relasyon nina dingdong at karylle,,,,sso ibig sabihin inlove pa siya.....ang masasabi ko lang kay toni na,,,,sory ka nalang diyan kasi obvious naman
na inlove na inlove si dingdong kay karylle....remember noong si dong at toni pa ay hindi inadmitte ni dong na gf niya si toni.......tama kayo na hindi bagay ni dong ang cp mas bagay pa kay richard...tungkol naman kay iza hindi totoo yon na inlove si dong kay iza ....remember sabi panga ni dong na si karylle nanga ang babaeng pakakasaln niya,,,,.....wag nalang kayong makialam sa relasyon nina karylle o kahit na sa iba.........hope you understand

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
Thess
(no login)
210.213.94.55

Re: mas bagay pa si karylle at dingdong

No score for this post
March 17 2006, 11:20 AM 

Nagsisisi siguro si Perry at isinugal niya ang kanyang alaga sa pakikipag-loveteam kay Karylle. Nakakapagsolo na si Dingdong dati, nakipag-loveteam pa siya sa isang partner na walang dating. Kung anu-anong gimik at publicities na ginawa nila, wala pa ring effect sa tao. Nahila lang pababa ni Karylle ang career ni Dingdong. Si Lolit Solis mismo nagkuwento sa radio program ni Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB na masama daw ang loob ni Dingdong dahil hindi tinupad ng GMA-7 ang pangako nila na ibibigay kay Dingdong ang teleserya na Captain Barbell. Nagpaganda pa naman ng katawan si Dingdong at may chika nga na may pinaayos siya kay Dr. Calayan. Nagpa-audition pa raw ang GMA-7 ng makakapartner ni Dingdong dahil walang dating ang loveteam nila ni Karylle. Nagbago raw ang isip ng GMA-7 at ibinigay na kay Richard Gutierrez ang teleserye

Kung dati'y mabango si Dingdong sa producers, ngayon nirereject na siya. Sabagay, mabilis talaga ngayon ang turn over ng artista palibhasa araw-araw sila napapanood sa TV kaya madaling pagsawaan. Sangkaterba pa ngayon ang mga mas batang artista na produkto ng reality talent search.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
pretty
(no login)
203.160.191.84

Re: mas bagay pa si karylle at dingdong

No score for this post
March 17 2006, 4:43 PM 

naaawa nman ako ky dd!

alangn n sa age nya n may loveteam at pa-tweetums...

nkakatawa rin c ykw kc inamin nyng insecure xa ky toni at hindi xa confident sa pgmamahal kuno ni dd!

buti nlng di binigy ky dd ung CB kc di bgay sa knya!!

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
Current Topic - Karylle, supporting lang sa tambalang Dingdong-Iza sa "Moments of Love"
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Create your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement