Kahit ilang taon nang based sa Amerika si Antoinette Taus ay marami pa rin siyang loyal fans na nangungulit sa amin kung ano ba ang latest tungkol sa kanya.
Ang ibang fans ni Toni (palayaw ng young actress) ay nadismaya noong huling umuwi ng ‘Pinas ang kanilang idolo dahil hindi na nito binalikan ang pag-aartista rito sa atin.
Ayaw na ba ni Toni na mag-artista sa ’Pinas at concentrated siya sa kanyang Hollywood dream?
"Hindi naman, Kuya Jun. Gusto ko pa ring mag-artista riyan sa atin kapag umuuwi ako. ‘Yun lang, naninibago kasi ako.
"Noon kasi, Mommy’t Daddy ko ang nagma-manage sa akin. Eh, wala na si Mommy (Cora Taus). Si Daddy naman, dito na talaga sa States based at hindi na babalik diyan," sey sa amin ni Toni nang tawagan niya kami via overseas call noong isang araw.
Sa pag-uusap naming ‘yon ni Toni pumasok ang idea na magpa-manage siya kay Annabelle Rama.
"Type ko rin, Kuya Jun, na magpa-manage kay Tita Annabelle kasi napakabait niya sa akin," sabi ng dalaga.
"Saka pati ikaw, Kuya Jun, ipinagtatanggol mo ako palagi kahit wala na ako riyan. At least, kayo ‘yung hahawak sa career ko riyan sa Philippines, kaya gusto ko."
Napagkasunduan namin ni Toni na uuwi siya ng ‘Pinas sa Hulyo at sa loob ng dalawang buwan ay babalikan niya ang pag-aartista.
Okey lang ba sa kanya kahit sina Dingdong Dantes at Karylle pa ang makasama niya?
"Walang problema. Friends pa rin kami ni Dong. Saka kahit wala na kami ni Dong, kapag nagkikita kami, nag-uusap pa rin kami. Wala naman kaming away, eh.
"With Karylle, wala ring problema sa akin. Nagkaroon ng relasyon sina Dong at Karylle no’ng hiwalay na kami ni Dong.
"May ibang mga nang-iintriga lang. Siguro, akala no’ng iba, galit ako kina Dong at Karylle, pero hindi. ‘Di ba, nag-wish pa ako ng maganda no’ng first anniversary nila last March?
"Ako talaga, walang problema sa akin na magsama kaming tatlo sa isang show. At least, pwede pa kaming maging close ni Karylle!" madiing pahayag ni Toni sa kabilang linya.
Inusisa rin namin si Toni kung totoong ang taba-taba niya ngayon.
"Talagang tumaba ako. Almost 15 pounds overweight ako before, pero ngayon, okey na. Pumayat na ako. Sabi nga ng friends ko, mas payat pa ako ngayon compared before.
"Okey na okey ako. Pwedeng-pwede na akong mag-artista uli riyan sa atin," sabi pa ni Toni.
So, abangan ang pagbabalik ni Toni sa Hulyo. I’m sure, maraming mako-curious kung pagsasamahin ng GMA 7 sa isang show sina Toni, Dingdong at Karylle!
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Balita ko may new teleserye and GMa ATLANTIS ang pangalan at first solo ito ni Dindong Dantes,at ito naman c K nagpapractice pra mkuha nya ung role as a leading lady n Dingdong dito sa teleserye na ito.....balita ko nag scoba diving na dw cya ngaun.Baka nman ksama c Toni sa teleserye na yan at don mag kasama clang tatlong its a Big break pra sa GMa kng mangyari yan.Sana kng ksama c Toni nyan Sana cya yung leading lady n Dong.Kc pa c Karylle wlang ka taste taste.ang taga GMa lng nman ang nagandahan sa kanilang chemistry.Hay Hope magka totoo na na babalik Dito c Toni..
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
na get nyo ba na naagaw ni Zsa zsa PADILLA ung zsazsa saturnah ni rufa mae quinto na friends ni toni tapos inagaw naman ni Karylle PADILLA ung bf ni toni like mother like daughternga wala ng pinag-kaiba
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.