Alleged half-brother of Antoinette Taus surfaces
Sa unang pagkakataon ay nabunyag sa publiko ang isang
sikreto sa pamilya ng young singer-actress na si
Antoinette Taus. Walang kaalam-alam si Antoinette na
meron pa pala siya diumanong kapatid bukod kay Tom
Taus.
Buhay pa diumano ang ina ni Antoinette nang isilang
ang half-brother niya na si Anthony mula sa isang
nagnganglang Tessie Flores. Si Tessie ay dating
nagtatrabaho sa pamilya ni Antoinette.
Tumira noon sa Angeles, Pampanga ang mag-inang Anthony
at Tessie habang nasa Clark naman ang pamilya ni
Antoinette. Kinilala naman daw diumano ng Daddy ni
Toni yung bata nang ito'y isilang. May financial
support naman daw na ibinibigay sa mag-ina na
hinahatid pa ng best friend ng Daddy ni Toni.
Pero noong four years old na si Anthony, nagdesisyon
si Tessie na tumira na sila sa bayan nito sa Samar.
Ngayon, 13 years old na si Anthony at lumaking guwapo
at tisoy. Pang-artistahin din daw ang hitsura ng
bagets. But sad to say, four years na raw ngayon na
walang suporta ang Daddy ni Toni sa bata.
Ang nakakalungkot pa nito, may sakit sa lalamunan si
Anthony kaya hirap sa pagsasalita. Kailangan ng
operasyon ng bagets kaya nananawagan ang kanyang ina
na sana'y matulungan siya sa pagpapa-opera kay
Anthony.
We heard, nandito sa Pilipinas ngayon si Antoinette.
Umaasa ang mag-inang Tessie at Anthony na makarating
sa kinauukulan ang kanilang panawagan. |