quote:
"42 Broadway
Quezon City
Junio 29, 1942
"MGA PINAKAMAMAHAL NA MGA KAPATID:
"Sa kasalukuyan ang Kapatid na Prudencio Vasquez ang namamahala sa Iglesia. Ito ang gusto ng Japon. Tayo'y sumunod. Huwag kayong mabalisa sapagkat sila ang may kapangyarihan sa ating bayan. Ang aking tungkulin ay bigay ng Dios gayon din naman ang inyong mga pananampalataya. Ako'y nananatili sa Iglesia at sa ibinigay sa akin ng Dios. Ito rin ang hinihingi ko sa inyo na huwag ninyong sisirain ang inyong matapat at boong pusong pagibig sa Dios, kay Kristo na ating Panginoon, sa salita ng Dios na natititik sa Biblia, sa Iglesia ni Kristo sa Pilipinas at sa Pasugo ng Dios sa Huling Araw. Maliwanag sa inyo at sapat na ang maikling sulat kong ito sa inyo na tayo'y nagkakaunawaan na gaya rin ng dati.
"Ang lalong kailangan nating lahat na mga Iglesia ni Kristo ay ang tahasang pagpapakasakit sa pagpupumilit na maisagawa natin sa pamumuhay ang tinggap natin sa Dios na pagibig at pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabagong buhay.
Ang inyong kapatid kay Kristo na hindi natitinag sa pananatili sa Dios at sa paglilingkod.
(Lgd.) F. MANALO
FELIX MANALO" Pasugo, Oktubre 1965,pahina 21
Reference link: http://references.angdatingdaan.org/references/COM/INC/INC000032.pdf
Tama ba ayon sa Biblia ang ginawa ni G. Felix Manalo na ibigay sa iba ang pamamahala sa Iglesia na ibinigay daw ng Dios sa kanya dahil ito ang gusto ng Hapon? |