| mawawala na si eling bakla sa SBN 21 -October 1 2003 at 11:51 PM | kaanib.net (Login kaanib.net) |
| Doon sa nababalitang malapit ng matsugi si Eli Soriano sa SBN-21 ang aking personal na analysis ay ito:
1. Ang sabi niya ay wala na siyang pera na pambayad sa SBN-21, ewan ko kung paniniwalaan ko ito dahilan sa doon sa nabunyag na account sa bangko ni tita eli ay makikita na halos aabot pa ng daan milyong piso ang kaniyang liquid asset sa bangko na sapat para tumakbo ang programa sa SBN-21 sa loob pa ng isang taon.
2. Kung totoo man ito na wala na siyang pera, lumilitaw na mahina na ang kaniyang koleksiyon sa kaniyang kulto. Ang paghina ng suportang pinansiyal para sa kaniyang programa ay maitutulad sa ang mga kapatiran nating ADD ang kaniyang sponsor, at ang pagliit ng koleksiyon para sa programa ay nagpapakita ng demoralisasyon sa marami niyang miyembro sa performance ng pagsagot ni eli soriano sa kaniyang programa ukol sa mga mahahalaga at matitinong katanungan ng Ang Tamang Daan laban sa mga kahangalan na pinagsasabi ni eli soriano.
3. Kung hindi man lumiliit ang donation para sa Programang ADD ay makikita din dito na talagang nagkakaroon na ng malakihang panlalamig sa loob ng kulto, bagay na nagpahina sa raket ni eli soriano. Ako mismo ay saksi sa panlalamig na ito ng miyembro ni eli soriano dahilan sa isang mag-anak na kapitbahay ko na miyembro ni eli soriano na sa panahon ng kanilang kasiglahan ay buong yabang na nagmamalaki na pabagsak na ang INC. Minsan may pamamahayag sa kapilya sa aming lokal ay sinabi pa sa mga nag-aanyaya "paubos na ba ang mga INC". Ngayon ang kapitbahay kong ito ay hindi na aktibo sa kanilang kulto, ang kaniyang dalawang anak na dalaga ay nagpaputol na ng buhok at nagsusuot na ng pantalon. Higit sa lahat ay nag-uusap na kami ng ama ng sambahayan na iyon at nagtapat na rin siya sa akin ng disgusto sa loob ng kaniyang dating kulto.
4. Pero ang higit na tunay na dahilan ni eli soriano sa kaniyang napipintong pag-alis sa SBN 21 ay ang pagtapat ng Ang Tamang Daan sa oras ng kaniyang Programa. Napapansin ni eli soriano na may mga tao na sabay pinapanood ang dalawang programa at ang nagtatanong kay Eli Soriano ukol sa mga pagbubunyag na ginawa ng ATD ukol sa mga hangal na aral ni Soriano. Hindi alam ni Soriano kung papaano siya makakasagot sa mga tanong na ibinabato ng ATD at itinatanong ng mga tao sa kanya.
5. Isa sa mas malawakang pagsusuri sa planong pag-alis ni eli soriano sa SBN 21 ay upang manahimik at gayahin na lamang ang mga samahan na katulad ng El Shaddai at iba pang kulto. Alam na ni bakla sa mga panahong ito, na nakapinid na siya sa loob ng bakuran ng kaniyang sariling kontradiksiyon na hindi na abot ng kaniyang gamunggong kaisipan kung papaano niya tatakasan.
6. Ako ay observer ng Iglesia Ni Cristo sa panahon pa ng aking kabataan, sa edad kong 42 ay nakita ko noon pa mang dekada 60 na lumitaw ang maraming kalaban ng Iglesia Ni Cristo magmula kay Damian Sotto, Ben Carreon, at minsan nangahas din si Bro. Mike Velarde, pero ngayon wala na sila at pagdating ng ilang panahon wala na rin ANG MAPANDAYANG KULTO NI SORIANO. Sa pagtiklop ni Soriano sa telebisyon, tapos na ang paggamit ni Soriano ng communication medium na ito para sa pagtuturo ng napakaraming mga kahangalan at kabalbalan.
Mabuhay ...
ang Iglesia Ni Cristo
Ang tunay na aral sa loob ng iisa lamang tunay na Iglesia
|
| | Author | Reply | Kalabog (Login Kalabog) | Re: mawawala na si eling bakla sa SBN 21 - | October 2 2003, 10:35 AM |
Mahalagang maipon po natin dito sa thread na ito ang ating mga reaksyon patungkol sa ABS CBN 2 "Assignment". Ito binabasa rin ng mga researchers patungkol sa EXPOSE' ng samahang pinamumunuan ni Eli.
Ang aking pong obserbasyon dito ay:
1. Maaring may pambayad pa si Eli sa istasyon pero ginagawa niyang alibi na wala na silang pambayad at aalis na sila sa SBN21 na partly ay pag-aari din ng ABS-CBS. Gumagamit ng braso si Eli sa management ng SBN21 para huwag matuloy ang EXPOSE ng Channel 2, ginagawa niyang panakot ang pag-alis nila sa SBN21 para huwag ipalabas ang EPOSE'
2. Maari rin na kaya wala si Eli Soriano at Atty. Pacing kagabi sa SBN21 ay dahil nakikipag-negosasyon sila sa management ng ABS-CBN na huwag ng ituloy ang palabas. Pero ang alibi ni Willy Santiago kagabi ay kaya wala daw si Eli Soriano ay dahil nakipagkita daw ito sa isang Ministro na mag-aabot sa kanya ng panibagong tapes - medyo hindi katanggap-tanggap ang palusot ni Willy Santiago sa pagkawala ni Eli Soriano kagabi dahil bakit iiwanan ni Eli ang kanyang programa para lamang sa ilang pirasong tapes kung totoo man ito!
3. Sa nasabing EXPOSE ay lumabas ang kanyang inililihim na pagkatao at marahil ayaw niya matanong tungkol dito. Mga paratang na diretsong pahayag ng mga biktima ng pangmamalabis, gaya ng isang dalaga na hinimok nilang huwag ng mag-aral at tuturuan na lang daw nilang mag-aral ng Biblia pero bandang huli ay naging alipin at pinag-halo ng semento sa construction.
4. Sa pagakawala ni Eli kagabi sa SBN21 at kaalinsabay na palabas ng ATD at ABS-CBN laban kay Eli Soriano ay nagmistulang mga nagpapa-awang mga nilalang ang kanyang mga panelist, kadalasan ay nawawala si Danny Navales sa sagutan nila ni Willy. Pati mga tula sa Pasugo Magazine na kaloob ng ordinaryong members ng INC ay kanilang pinag-ubusan ng oras.
5. Sa ipinakitang video footage ng ABS-CBN sa site o gate ng naturang ADD Convention Center ay kitang-kita naman na isang MALAKING KASINUNGALINGAN ang ipinamamarali ni Eli Soriano na ISANG BILYON ang halaga ng nasabing ari-arian. Sa gate palang ay kita mo na parang gate ng BODEGA.
| |
| | |
|
|