Paminsan minsan, hindi ko maubos maisip kung bulag o tanga, o mangmang o mahina ang IQ ng mga ADD members.
Isang halimabawa:
Ang sabi ni Soriano, hindi raw siya papasok sa pulitika dahil ito raw ay labag sa utos ng dios na (sa ilalim ng lupa)
Pagkatapos, nag file si Soriano ng certificate of candidacy upang tumakbo bilang Senador
Nang tanungin si Soriano tungkol sa kanyang hinihanalang pag takbo, mabilis itong nag hanap ng butas at sinabing “yung isang kapatid daw ang nag file ng candidacy, hindi siya” Ayon pa, sinisi raw niya kung bakit ang daw Senador lang, hindi pa Presidente. (Pero sa totoo lang , si Eli mismo ang nag utos na mag file yung isang bulag niyang tagasunod ng certificate of candidacy, ginagawa nya lang sangkalin yung kapatid nya, dahil ang isang bagay na kailangan para makapag file ka ng certificate of candidacy ay “consent” o “signature”. Ibig sabihin, kung mag pa file ka ng certificate of candidacy para sa isang tao, isang requirement ay kailang may “consent” o “signature”ka ng taong iyon – common sense)
Pero miske ganito ang sinabi ni Soriano, nakakapag taka kung bakit hindi makita ng ADD members ang kontradiksyon na nang gagaling mismo kay Soriano. Ito ba ay dahilan sa bobo o mangmang o tanga o “brainwashed” ang mga ADD, dahil sa taong may gumaganang utak, matagal ng itinanong kay Eli kung bakit papaplit palit ito ng turo.
Ngayon, kung tatanungin mo naman ang ADD members tungkol sa bagay na ito, imbes na sagutin ka, mura ang aabutin mo at sasabihin na bakit hindi mo daw hamunin ng debate si Eli o ilaban yung pastor mo kay Eli. Yan po ang sagot ng taong nabubuko, dahil sa walang ikatwirang tama, mag papaligoy ligoy at dadaanin sa pang iinsulto. Sa bagay, hindi na rin nakakapag taka dahil “KUNG ANO ANG PUNO, YUN ANG BUNGA”
Pustahan tayo, sasagot ang ADD dito sa posting ko ng walang saysay at paligoy ligoy.