Bakit ba si Soriano na-lamang ang NAGTE-TEXTO sa ADD?
Heto ang sagot ng isang myembro ni Soriano na si "
colossvsfidei", heto...
"Dati, ang mga manggagawa (pastor) ng bawat lokal ang nagte-texto ng paksa. Subalit mas nais namin na huwag magkaroon ng iba't ibang paliwanag na depende sa mga manggagawang nagte-texto. Ang manggagawang nagte-texto ay maaaring hindi maihatid nang buong-buo ang texto tulad ng nais ipahatid ng Kapatid na Soriano. Ang iba, may nakakalimutan. Ang iba naman, maaaring mabanggit niyang lahat ng nasa outline, pero hindi niya maihatid ang "diwa" ng paksa. Kaya, ang narinig ng isang kapatid sa isang lokal ay hindi kaparehong-kapareho sa narinig ng isang kapatid sa ibang lokal.
Kaya minabuti na lang ng Kapatid na Eli na siya na lang ang mag-texto. Kung maaari, siya ang gusto naming dumestino sa lahat ng mga lokal, di lang sa Pilipinas, kundi sa BUONG MUNDO. Hindi naman puwedeng hati-hatiin ni Bro. Eli ang sarili niya para siya ang magturo ng paksa sa LAHAT ng lokal.
Kaya, sa tulong ng makabagong teknolohiya, magagawa ng Kapatid na Eli na makapangaral sa LAHAT ng lokal sa BUONG mundo kahit nasa isang dako lang siya. Sa kasalukuyan, siya ay nasa South America ngayon at ang minimisyon niya doon ay puro hindi marurunong ng Tagalog. Marami-rami na kaming mga kapatid na walang dugong Pinoy ni di marunong ng Tagalog.
Kung nais ninyo, panoorin ninyo ito:
http://www.youtube.com/watch?v=o6zKyBkIVlU
Sa pamamagitan ng video, LAHAT ng lokal sa BUONG MUNDO ay pare-pareho nang napapakinggan. Hindi na magkukulang ang mga manggagawang naka-destino sa bawat lokal sa ihahain nilang paksa.
Kaya hindi ko lang maintindihan kung paano naging katawa-tawa itong bagay na ito. Mas maayos ang paghahatid ng paksa sa ganitong paraan kaysa sa ang mga manggagawa ang isa-isang mangangaral sa bawat lokal.
source:
http://www.christianster.com/ctan/html/forummsgs.php?ctgryid=1300&topid=24397&page=1&viewcountry=filipino&PHPSESS1D=iot0bj2v8egv92c2kd6avfch16