Dapat maintindihan ng mga taga ADD ang aral sa ilalim ng I Corinto 11:3-15. Para malaman nila na ginagawa lng silang tanga at sunud-sunuran sa mga ilusyon ni Soriano na parang mga PUPPET.
Unang una, si Pablo ay nag sasalita dito tungkol sa kaugalian n nakamulatan nila.
ayon kay John Lightfoot na isang hebrew scholar:
It was the custom of the Jews, that they prayed not, unless first, their heads were veiled, and that for this reason, that by this rite, that they might show themselves reverent and ashamed before God, and unworthy with an open face to behold Him. Men, therefore, veiled themselves when they prayed, partly for a sign of reverence towards God, and partly to show themselves ashamed before God and unworthy to look upon Him.
Ito pala ang dahilan kaya ang mga Judio ay nananalangin ng naka lambong ayon sa kaugalian nila. Dahil nahihiya sila humarap sa Dios dahil sa kanilang kasalanan.
Pero dahil ang mga kasalanan ng mga Cristiano ay tinubos na ng ating panginoon Jesus, ang sabi sa 2 Corinto 3:18 "Datapuwa't TAYONG LAHAT, na WALANG TALUKBONG ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu."
Kaya sa panahon natin ang sabi sa talata ay "tayong lahat, na walang talukbong", lalaki at babae ay hindi na dapat magtakip sa ulo dahil tinubos na ng Panginoon ang ating mga kasalanan.
Dun nman sa talatang 1 Cor 11:5 "Datapuwa't ang bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo;"
Dapat natin maintindihan na ang tinutukoy dito ay yung mga may asawa. sa talatang 3 ay sinasabi ang ulo ng babae ay ang kanyang asawa. May asawang babae ang tinutukoy dito. Dahil gaya ng lalake ang ulo ng babaeng walang asawa ay si Cristo. Wala naman tayong mababasang MANGANGARAL ang ulo ng mga dalaga gaya ng aral ni SOriano.
Ngayon kung bakit ang babaeng may asawa ay nananalangin at nanghuhula na walang lambong ay winawalang puri ang kanyang asawa ay dahil sa kadahilanang maari sila nitong hiwalayan pag may naka kita sa kanilang ibang tao na walang takip ang ulo.
Ayon muli sa isang Hebrew scholar nasi John Lightfoot:
"In the Jewish culture, when a woman got married, from that day on, she was under compulsion to veil herself, and if found in public, without her veil, the Talmud prescribed strict consequences.
Should a woman walk bareheaded in the street, her husband could divorce her without payment of her dowry."
Some rabbis considered the exposure of a married womans hair to the exposure of her private parts, since they felt that a woman's hair could be used for erotic excitement; they forbid the reciting of any blessings in the presence of a bare headed woman.
Paul says that for a married woman to remove her veil in public was equivalent in the culture to the shame a husband felt whose wife was unfaithful."
Ito namn pala ang dahilan kung bakit nasabi ni Pablo na ang mga babaeng may asawa ay winawalang puri ang kanilang asawa pag walang lambong.
Kaya sa tanong ni Pablo sa talatang "13Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?"
Ang sagot ay OO. Dahil ang lambong ay tanda ng kahihiyan nila (Judio) sa Dios sa kanilang kasalanan. At dahil tinubos na ni Cristo ang ating kasalanan ay hindi na dapat naglalambong. lalaki man o babae. Sa panahon ni PAblo kaya pinaglalambong ang may mga asawang babae ay dahil nasa ilalim pa sila ng culture ng mga Judio at ito ay iniingatan ni Pablo. Dahil pwede silang i-divorce ng kanilang asawa pag nakita sila ng ibang tao na walang lambong.
Kaya sa panahon natin, bilang mga Cristiano, lalaki man o babae ay malaya na sa kasalanan kaya hindi na dapat maglambong. Ginamit ni Pablo ang buhok bilang example sa talatang 14 at 15:
"14Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya? 15Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip."
Sa International Standard Version ay ganto ang nakasulat
14Nature itself teaches you neither that it is disgraceful for a man to have long hair 15nor that hair is a woman's glory, for hair is given as a substitute for coverings.
Pansinin natin na ang ginamit na term para ipagkumpara ay neither. Ibig sabihin similar at walang pinagkaiba. neither that it is disgraceful for a man to have long hair 15NOR that hair is a woman's glory
for hair is given as a substitute for coverings.
Dito namn hindi naka specify na ito ay mahabang buhok para sa babae na binigay na pantakip.
Ang ibig sabihin walng pagkakaiba kahit pa mahalay sa lalaki ang mahabang buhok at ito naman ay syang kapurihan ng babae, dahil parehas lang yang ibinigay na kahalili ng pantakip.
Katunayan kapag ang isang Israelita o Judio ay gagawa ng tanging panata sa Dios, ito ay tinatawag na panata ng NAZAREO. Kung saan ang mga Israelita, lalaki man o babae ay magpapahaba ng kanilang buhok hangang matupad nila ang panahon na kanilang ipinanata. Sa loob ng mga araw na yon walang pang ahit ang dadaan sa kanilang ulo. At pagnatapos na ang panahon ng pagpapanata ay aahitin naman nila ito at iaalay.
Bilang 6:1,5,18
1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng isang Nazareo, upang tumalaga sa Panginoon:
5Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon, ay magpapakabanal siya; kaniyang pababayaang humaba ang buhok ng kaniyang ulo.
18At ang Nazareo ay magaahit ng ulo sa kaniyang pagkatalaga sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan at kaniyang dadamputin ang buhok ng ulo ng kaniyang pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng hain na handog tungkol sa kapayapaan.
Kaya walang itong pinagkaiba kesyo mahalay sa lalaki at kapurihan namn sa babae. Dahil Ang mga Israelita noong araw lalaki man o babae ay kapwa nag papahaba ng buhok at kapwa din aahitin kapag nais nilang magpanata sa Dios.
Isa pang katunayan na si Pablo nung maanib sa Iglesia ay long hair. Bakit ko nasabi? Dahil nung maanib sya sa Iglesia ay nasa ilalim p sya ng pamamanata ng Nazareo. At itoy tinupad nya parin kahit sya ay isa ng Cristiano.
Gawa 18:18
18At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa Siria, at kasama niya si Priscila at si Aquila: na inahit niya ang kaniyang buhok sa Cencrea; sapagka't siya'y may panata.
Kaya hindi lapat sa isang Cristiano ang sinasabi ni Soriano na Bawal sa babae ang magputol ng buhok. Dahil sa panahon na yon ay may mga babae ding nasa ilalim ng pamamanata. Kaya nga ang sabi sa talatang 6 ay:
6Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.
At kung babasahin natin sa English KJV
6For if the woman be not covered, let her also be shorn: but if it be a shame for a woman to be shorn or shaven, let her be covered.
Pansinin po natin yung let her also be shorn. Sa word na LET HER BE ay ibig sabihin, pinapayagan ang isang babae na pagupit o paahit.
Kung mapapansin naman natin ang kasunod na sugnay:
Bakit po kaya sinabi na nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.
Dahil dalawa po ang ibig sabihin sa kultura ng mga Judio kapag ang babae ay ahit ang ulo.
(1)Isa nga po ay nagpapanata ng nazareo. (Ngunit ito poy tinatakpan ng lambong) Bakit?
(2)Dahil ang mga mangangalunyang babae ay inaahitan din ng ulo ngunit hindi pinapayagang maglambong. Upang malaman ng lahat na sya ay mangangalunya bilang parusa.
Ayon Sa Hebrew Scholar nasi John Lightfoot:
Additionally, in Pauls day, there were only two reasons why a woman had her head shaved. One was a very bad reason, and the other was a very good reason. The bad reason was that a shaved head was the sign of an adulteress. Also, the only ones who appeared in public without their veils were prostitutes.
Kaya sa panahong Cristiano hindi na pinaglalambong ang mga Cristiano sa pagsamba o sa pananalangin at panghuhula o pagtuturo. Lalaki man o babae. Gaya ng nakasulat sa
2 Corinto 3:18
"Datapuwa't TAYONG LAHAT, na WALANG TALUKBONG ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu."
Ang pinapayagan lang noon maglambong ay ang mga babaeng may asawa dahil galling pa sila sa kultura ng mga Judio na para sa kanila ay mahalay sa babaeng may asawa ang lumabas ng walang lambong. At ang isa ay kung ang isang babae ay tumupad ng panata, matapos mag ahit ng ulo ay kailangang takpan upang hindi mapagkamalang mangangalunya o adulteres.
Wala pong kinalaman ito sa buhok na bawal sa babae ang magpagupit. May mga relihiyon lang ngayon sa panahon na ito na hindi pinapayagang magpahaba ng buhok ang mga lalaki bilang kaayusan. Hindi gamit ang talatang ito bilang batayan.
Sana maintindihan ito ng mga taga ADD para magising sila sa katotohanan na ginagawa lang silang Puppet ni Soriano.
|