Ramil: Kaya raw ho hindi lumalaban ng diskusyon o debate sa INC sa plaza
dahil sa nanghaharas daw tayo eh pero doon sa...kitang-kita naman o...
Michael: Particular na harassment binabangit nung puno, nangbu-bugbog daw ang mga ministro sa INC kaya ayaw kong humarap 'dyan
gusto ko sa television
Ramil: O di' napapasinungalingan sa pagkakataong ito sapagkat kitang-kita naman ng ating mga taga-subaybay na hindi totoo, hindi naman binugbog 'yung mga manggagawa 'nya.
Ikalawa, napansin ko lumalaban pala ito ng diskusyon itong grupong ito ng debate...sabagay sa barangay hall iyon no! Hindi sa STUDIO! Eh diba 'yon ang laging sinasabi? Dahil sa INC nambu-bugbog kaya hindi sila lalaban ng debate
Michael: Iba raw ang panahon ngayon, panahon daw ngayon ng may mga terorista
Ramil: O! Eh bakit 'dun sa Samar wala ba? Di' ho ba? Eh ba't lumalaban 'yung mga manggagawa mo? Kaya 'eto na ang pagkakataon, sapagkat pala kayo pala'y lumalaban sa plaza o sa barangay hall eh di' 'eto na hamon namin sa samahang 'yon, di' lumabas ka na puno na nagpapakilalang Dios. Sa plaza tayo! Doon gagawin ang debate. Ngayon kung..alam naman namin marami kang palusot, kung ayaw mo 'eto ang payo ko sayo,
IPAGKATIWALA MO 'YUNG DUKTRINA MO SA MGA PANELISTA MO 'DYAN SA TELEVISION. Halimbawa, si mr.
Josel Mallari si
Danny saka si mr.
Willy Santiago. Kung ilan sila, halimbawa, tatlo sila tatlo rin kaming mga ministro sa INC
para masubukan natin, sapagkat 'yung manggagawa nga sabi nila lumalaban eh di' lalo na itong mga MIC. Kaya
HINAHAMON NAMIN LAHAT NG MIC sa samahan 'yan. 'Eto na lumalaban pala kayo ng debate na hindi naman sa studio!
Michael: Isa pa kapatid na Ramil ang ah...sinasabi nung iba hindi raw halos maka-sagot 'yung kapatid nating ministro 'dun sa
manggagawa 'nung puno. Reaksyon 'nyo?
Ramil: Naka-usap naman natin 'yung ministro eh dahil sa...tulad ko rin bisaya naman po ako, medyo mabuti-buti na sa akin dahil sa kahit paano eh...
Michael: Pero bagama't bisaya kayo fluent kayo sa tagalog, fluent din sa griyego
Ramil: Pero ito, kaya naka-usap natin eh. Kaya mabagal 'yung pagsasalita 'nung ministro natin sapagkat iyong isa waray, bisaya rin 'yun ano? 'Yung isa naman Ilonggo, bisaya rin 'yon
Michael: Parehong hirap sila sa tagalog eh
Ramil: Oo, eh balita ko 'yung si King ah bihasang-bihasa sa tagalog kaya masasabi natin na 'dun sa...may language barrier kaya medyo mabagal
Michael:Kaya 'yung sinasabing
harassment hindi totoo mga kababayan. Kitang-kita 'nyo kung gaano kahinahon 'yung kasama po naming ministro 'dyan sa Burunggan sa Eastern Samar. Isa pa ka kapatid na Ramil. 'Yung nangyari ho dito sa barangay Tibungko ba 'yon sa Davao? Na kung saan eh 'dun sa barangay hall nagharap si kapatid na Lito Ocampo, 'yun hong isa sa mga ministro sa INC kasama ho 'yung mga manggagawa mga myembro nung kabilang grupo saka 'yung MIC. Naroon si bro. Arman Manabat 'yung isa sa mga MIC 'nung puno
Ramil: Eh diba isa 'yun sa mga
hinamon nga ng kapatid na ka Rizalito Ocampo ng diskusyon? Eh 'eto nga lang ang masasabi natin eh may naghahamon 'dun sa MIC eh ba't ayaw lumaban?
Michael: Ang totoo gaya po ng makikita sa inyong tv screen mga kababayan. O kita 'nyo nagbabasa ng Biblia po si kapatid na Lito
Ocampo. Ang hawak-hawak ba 'nya baril?
Ramil:
Ah...hindi! Hindi totoo 'yung sinasabi nila eh...(
audio)
A A D
utol_1616@yahoo.com
http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/index.html