Takot daw INC, hoi Gising ka ADD! April 25 2004, 7:14 AM
Saan ka ba galing? Sa bundok na walang TV, radio, or sa Convention Center ka lang ni Eli Soriano na ipinagbabawal sa inyo ang makinig o manood man ng news at mga pangyayari sa inyong samahan. mabuti naman at naligaw ka dito sa Internet, pakibasa naman ito with open minds kung sino ang takot sa INC at ADD ng debate. Okay ba? ready ka na? o sige enjoy ka!
Debate. Matagal nang pinaka-hihintay na matuloy na ang debate sa pagitan ng grupo ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan (ADD) at ng Iglesia Ni Cristo. Pero bakit kaya hindi matuloy? Kanino ba nagsimula ang paghahamon ng debate? Nais ko pong talakayin ito dahil sa maraming palusot si Ginoong Eli Soriano sa isyu ng debate. Atin po itong pag-aralan...
Ano ba ang sinasabi ni Eli Soriano noon na kanyang pagha-hamon sa lahat ng pastor?
Eli Soriano: “Lahat ng Pastor tipunin sa Luneta at tanungin at subukin kung talagang Pastor at kung masasagot ang mga tanong bawat hindi makakasagot, mag-lagay don’ ng sankalang malaki, putulan ng ulo! Para maubos ang mga Pastor, sasama ako, unang-una akong lalagay doon para maubos ang mga Pastor na manloloko. Pag-napatunayan nag-sisinungaling at nag-tuturo ng mali, patayin!” (audio <
http://www.geocities.com/aad_video_clips/lahat_ng_pastor_tipunin_sa_LUNETA.html>; Eli Soriano: “O DOON TAYO SA LUNETA! DOON TAYO SA LUNETA! ANG MAPATUNAYANG NAG-SISINUNGALING GAROTEHEN ,PUTULAN NG LEEG! PIPIRMA AKO, WALANG SASAGUTIN ANG SAMBAYANANG PILIPINO! MISKI SA DIOS AT MISKI SA TAO! PIPIRMAHAN KO DI’ KAYO MANANAGOT! GUSTO KO PUTULAN NYO AKO NG LEEG KUNG HINDI TOTOO ANG SINASABI KO!” (audio <
http://www.geocities.com/aad_video_clips/doon_tayo_sa_LUNETA.html>; Eli Soriano: “Tatawag ako ng malaking convention ng lahat ng Pastor, lahat papapuntahin ko, mga lider. Tapos mag-lalagay ako ng maraming dinamita’t granada sa katawan ko, sumabog na tayong lahat para magka-ubos ang mga manloloko sa mundo!” (audio <
http://www.geocities.com/aad_video_clips/tatawag_ng_malaking_convention.html>)Eh nang i-call ng INC ang hamon sa luneta, ano na ang biglang kambyo na katunayan na talagang hindi lalaban sa INC si Ginoong Eli Soriano ng debate?
basa:
Eli Soriano: “Lahat ng iglesia roon ang sinasabi ko, lahat ng Ministro pupunta sa Luneta, eh hindi ko naman sinabi roon na INC hinahamon ko” (audio <
http://www.geocities.com/aad_video_clips/hindi_ko_naman_sinabi_na_INC_ang_hinahamon_ko.html>)Ngayon, dahil nga sa hindi tinitigilan ng INC ang paghahamon ng debate sa programa ng ATD eh meron na namang palusot itong si Eli Soriano na kesyo kuno baka mabugbog daw kuno siya sa plaza kaya ang gusto naman nya ngayon ay sa TV para di' umano na maka-iwas sa gulong mangyayari.
Ramil: “tinatangap namin iyong hamon mo! Hindi lang sa TV sapagkat iyan ang pinag-aano nya’ eh, ang alam nyang’ lugar eh TV lang eh i-televise natin! Sa Luneta tayo sapagkat meron kang hamon sa Luneta”
Michael: “Eh sabi panga nya’ eh putulan ng ulo eh, sya’ raw ang unang sasalang eh”
Ramil: “Bakit naman sa debate”
Michael: “Sabi nya: Baka mabugbog ako eh”
Ramil: “Eh doon sa putulan ng ulo payag ka eh iyon lang sa bugbog na sinasabi mo”
Michael: “Na bagamat di’ totoo kapatid na Ramil”
Ramil: “Eh iyon naman eh paratang lang eh at patutunayan nga namin sa publiko, hindi totoo iyong sinasabi mo na nambubugbog ang mga INC”
Michael: “At kung sinasabi nya’ gusto nya ay naka-televise ay di’ dahil doon ang CNN, BBC, FOX NEWS”
Ramil: “Sya’ ang mag-bayad ha”
Michael: “Tutal gusto nyang’ ma-televise eh”
Ramil: “Ah basta heto, tinatangap namin yung’ hamon mo, hindi lang iyong sinasabi mong ah…debate, hindi lang sa Luneta, kahit sa lahat ng plaza sa Pilipinas, ina-antay namin ang iyong pag-ah…sang-ayon. Sapagkat meron pa tayong kasama eh na isang Ministro sa INC at hinahamon nga ito eh, ina-antay nga lang iyong sagot nya’ eh. Hinahamon ito ng debate ng english at ispanyol”
Michael: “Ang totoo kahit Bisaya, hindi nyo’ uurungan eh”
Ramil: “Aba’y hindi ko uurungan iyan. Meron ngang nag-hamon sa kanya doon sa Cebu eh”
Michael: “Ano?”
Ramil: “Kasama nating Ministro” (audio <
http://www.geocities.com/angakwengdaan/hinahamon_ng_ATD_ang_ADD_ng_debate_kahit_saang_plaza.html>;
Hindi ba maipagkatiwala ni Ginoong Eli Soriano sa mga nasa panelista 'nya ang kanyang duktrina?
Ramil: Kaya raw ho hindi lumalaban ng diskusyon o debate sa INC sa plaza dahil sa nanghaharas daw tayo eh pero doon sa...kitang-kita naman o...
Michael: Particular na harassment binabangit nung puno, nangbu-bugbog daw ang mga ministro sa INC kaya ayaw kong humarap 'dyan gusto ko sa television
Ramil: O di' napapasinungalingan sa pagkakataong ito sapagkat kitang-kita naman ng ating mga taga-subaybay na hindi totoo, hindi naman binugbog 'yung mga manggagawa 'nya. Ikalawa, napansin ko lumalaban pala ito ng diskusyon itong grupong ito ng debate...sabagay sa barangay hall iyon no! Hindi sa STUDIO! Eh diba 'yon ang laging sinasabi? Dahil sa INC nambu-bugbog kaya hindi sila lalaban ng debate
Michael: Iba raw ang panahon ngayon, panahon daw ngayon ng may mga terorista
Ramil: O! Eh bakit 'dun sa Samar wala ba? Di' ho ba? Eh ba't lumalaban 'yung mga manggagawa mo? Kaya 'eto na ang pagkakataon, sapagkat pala kayo pala'y lumalaban sa plaza o sa barangay hall eh di' 'eto na hamon namin sa samahang 'yon, di' lumabas ka na puno na nagpapakilalang Dios. Sa plaza tayo! Doon gagawin ang debate. Ngayon kung..alam naman namin marami kang palusot, kung ayaw mo 'eto ang payo ko sayo, IPAGKATIWALA MO 'YUNG DUKTRINA MO SA MGA PANELISTA MO 'DYAN SA TELEVISION. Halimbawa, si mr. Josel Mallari si Danny saka si mr. Willy Santiago. Kung ilan sila, halimbawa, tatlo sila tatlo rin kaming mga ministro sa INC para masubukan natin, sapagkat 'yung manggagawa nga sabi nila lumalaban eh di' lalo na itong mga MIC. Kaya HINAHAMON NAMIN LAHAT NG MIC sa samahan 'yan. 'Eto na lumalaban pala kayo ng debate na hindi naman sa studio!
Michael: Isa pa kapatid na Ramil ang ah...sinasabi nung iba hindi raw halos maka-sagot 'yung kapatid nating ministro 'dun sa manggagawa 'nung puno. Reaksyon 'nyo?
Ramil: Naka-usap naman natin 'yung ministro eh dahil sa...tulad ko rin bisaya naman po ako, medyo mabuti-buti na sa akin dahil sa kahit paano eh...
Michael: Pero bagama't bisaya kayo fluent kayo sa tagalog, fluent din sa griyego
Ramil: Pero ito, kaya naka-usap natin eh. Kaya mabagal 'yung pagsasalita 'nung ministro natin sapagkat iyong isa waray, bisaya rin 'yun ano? 'Yung isa naman Ilonggo, bisaya rin 'yon
Michael: Parehong hirap sila sa tagalog eh
Ramil: Oo, eh balita ko 'yung si King ah bihasang-bihasa sa tagalog kaya masasabi natin na 'dun sa...may language barrier kaya medyo mabagal
Michael: Kaya 'yung sinasabing harassment hindi totoo mga kababayan. Kitang-kita 'nyo kung gaano kahinahon 'yung kasama po naming ministro 'dyan sa Burunggan sa Eastern Samar. Isa pa ka kapatid na Ramil. 'Yung nangyari ho dito sa barangay Tibungko ba 'yon sa Davao? Na kung saan eh 'dun sa barangay hall nagharap si kapatid na Lito Ocampo, 'yun hong isa sa mga ministro sa INC kasama ho 'yung mga manggagawa mga myembro nung kabilang grupo saka 'yung MIC. Naroon si bro. Arman Manabat 'yung isa sa mga MIC 'nung puno
Ramil: Eh diba isa 'yun sa mga hinamon nga ng kapatid na ka Rizalito Ocampo ng diskusyon? Eh 'eto nga lang ang masasabi natin eh may naghahamon 'dun sa MIC eh ba't ayaw lumaban?
Michael: Ang totoo gaya po ng makikita sa inyong tv screen mga kababayan. O kita 'nyo nagbabasa ng Biblia po si kapatid na Lito Ocampo. Ang hawak-hawak ba 'nya baril?
Ramil: Ah...hindi! Hindi totoo 'yung sinasabi nila eh..." (audio <
http://www.geocities.com/aad_audio/hinahamon_namin_lahat_ng_MIC.html>; Ramil: Dumaan ka muna sa amin punong nagpapakilalang Dios, nandyan si ka Joe. Dumaan ka muna sa akin pwede rin, ano bang masama roon? At saka kung ayaw mo eh di' inuulit namin, ipagkatiwala mo sa mga manggagawa mo sa mga MIC mo nandyan sa panel iyong duktrina mo, kahit sino dyan haharapin namin, kung papayag itong puno nagpapakilalang Dios
Michael: Eh kaso hindi naman yata siya panatag 'dun sa kanyang mga kasamang manggagawa eh
Ramil: Saka paalala, gusto ko lang na ano kung halimbawa lalaban ito ng debate itong punong nagpapakilalang Dios eh isa sa mga kundisyong hinihingi namin wag'(Eli) kang dumura ha! Dahil sa dura ng dura ito eh" (audio <
http://www.geocities.com/aad_audio/hinamon_ni_ramil_ng_debate_lahat_ng_ADD.html>)Merong isang tumanggap ng hamon, si Danny Navales na ang pagtanggap ng hamon ay pagtanggap na di' matutuloy na debate, bakit?
basa:
Eli Soriano: “Eh ako pangangahasan ko, sinasagot kita Paul, magpapa-alam ako kay brother Eli basta tayong dalawa! Sa IRAQ! Sa plaza ng Iraq, ‘yung walang katao-tao” (audio <
http://www.geocities.com/angakwengdaan/debate_sa_iraq.html>)At si Willy Santiago naman eh nadulas yata 'nang sinabi 'nya ito...
Willy Santiago: "Eh kaya iyong kanilang ah...ginagawa na...pagbaluktot 'dyan sa sinasabi nga nating katuwirang mula sa Biblia, iyan naman po kapatid na Noel hindi kayang tindigan ng kahit sinong ministro ni Manalo lalo si ka Erdie sa plaza kung iyan ang ating pag-uusapang ah paksa sa ating debate sa plaza brother Resty, brother Danny" (audio/video <>)Kaya Willy Santiago, para patunayan sayo na kayang tumindig ang mga ministro sa INC, heto ang hamon sayo ng ATD...
Michael: Madalas sinasabi 'nung grupo, ipinangangalandakan, ipinagmamalaki, takot daw tayo! Hindi daw natin sila kayang harapin!
Ramil: Naku! Eh matagal nanga nating tinanggap 'yung kanilang hamon at ngayon uulitin natin itong hamon natin sa kanila
Michael: Mula sa puno
Ramil: Mula sa puno(Eli Soriano), sayo Mr. Willy, kay Danny, kay Josel, lalo na ikaw Josel, saan tayo magkikita? Pag-uusapan natin 'yung tema at hinahamon namin kayo sa isang maginoong debate sa isang plaza, i-televise natin para maliwanag
Michael: At saka ang kung gusto nila talaga naka-televise kapatid na Ramil eh di' papuntahin iyong malalaking network ng television diba?
Ramil: Oho, matagal na nating sinabi sa kanila 'yon eh pagka-tapos ang alibay ngayon eh...ang gusto namin iyong puno. Eh dito nalang! Dito muna kayo dumaan sa amin sa mga istudyante bago don' sa aming kinikilalang Tagapamahalang pangkalahatan
Michael: At mamaya malalantad kapatid na Ramil na kahit hindi sa puno lumalaban iyong puno. Naghahamon kahit hindi puno! (audio/video <>)
Meron' pa sanang mangyayaring debate ng March 3, 2004 na ito'y nilagdaan na ng ADD at ng INC pero hindi po sumipot ang kinauukulan sa ADD...
Nilagdaang kasunduan...
Michael: "25 February 2004., this is to certify that a meeting has been set on Wednesday March 3, 2004 at lot 11 block 11 Dona Eva Street Irene Ville I subdivision Paranaque City, to have a pre debate conference at 2 pm this was aggreed upon when the undersigned representative of both parties met on February 25 2004 on the said address, the signed.. or the undersigned hereby certified that all the information listed above has been agreed and confirmed. Signed for Inglesia Ni Cristo..,
1. Jessen Maniebog - worker
2. Godofredo delos Reyes - Worker
3. Joji Crisostomo - Worker
yun ho ang mga magagagawa sa Iglesia Ni Cristo."
Ramil: Oho
Michael: Opo kapatid na Ramil..
Ramil: o sa kabila naman!
Michael: Sa kabilang grupo, for the Ang Dating Daan..,
1. Brother Marcos Mataro - worker
2. Brother Melvin Arbo - worker
3. Brother Jun...ah Damimo... Damimo yata yon ..o Camimo - worker
at pagkatapos mayroon pa pong witnesses..
Ramil? O Ka Bularan?: ..o mga saksing nakalagda!
Michael: yan ho o...
1. Carlito T. de Leon - member INC
2. Maryann de Leon - member INC
at mayroon din witnesses sa side nila kapatid na Ramil
Ramil: Oho, si...
Michael: 1. Vanessa Malabanan - member ADD
2. Louie Miranda - member ADD
3. at isang katoliko, Mary Christien M. Escobio - member Roman Catholic. (audio/video <>)
Hindi sumipot...
Ramil: 'Dyan sa dokumentong 'yan meron nang naka-set na preconference debate, pag-uusapan na ang tema tungkol sa debate. Kaylan ho 'yon? March ano 'yon?
Michael: Gagawin sana kapatid na Ramil nang March 3
Ramil: O eh tayo kapatid na Micheal nandoon tayo mismo. Kayo, nandon kayo, ako, kapatid na Joe Ventilacion. At sapagkat ako tsaka kapatid na Joe ang inatasan nga ng pamamahalang humarap nga sa kanila, pero HINDI HO SUMIPOT kapatid na Michael at alam ho 'nyo ang pangyayari
Michael: At nakausap nga natin iyong mismong manggagawa 'dyan sa may ah...isang lokal nila 'ryan sa Quiapo na...ang sinasabi kapatid na Ramil, kung talagang gusto raw nating matuloy, TUMAWAG DAW TAYO SA KANILANG PROGRAMA!
Ramil: Pambihira! Eh nakalagda na sila 'dyan!
Michael: Eh tapos 'nung itanong natin, eh PAANO ITONG NILAGDANG ITO? WALA RAW ITO
Ramil: Oh dahil sa hindi pinapupunta ng kanilang puno si Marcos Mataro. Para po sa ating mga taga-subaybay eh iparinig na po natin, actually nakunan natin ng video 'yung myembro 'nya at 'tsaka 'yung myembro po ng Iglesia Ni Cristo, may ari ng bahay na kung saan natin 'yung gagawin sanang preconference debate
Michael: Kaya siguro itinatanong nila sa atin, iyon mismong ah lugar, dyan sa bahay na kung saan tayo mag-uusap 'nung kabilang grupo ano po, anong patotoo ni kapatid na Mary Ann Deleon na 'syang may ari mismo ng bahay
Ramil: 'Eto po, pakingan natin ang patotoo ni kapatid na Mary (audio/video <>)
Ang patotoo ng may ari ng bahay na pagdarausan sana ng debate...
Mary Ann De Leon: Sabi ko, actually hindi naman sa amin nanggaling iyong hamon, although initiative namin ito ni...Vanessa kaya lang iyon nga nagka-pirmahan na tapos hindi kayo pupunta. Sabi ko sa kanila, nakataya iyong pangalan 'nyo dito. Iyon nga po HINDI SILA DUMALO. Saka iyong niri-reason po nila na baka magka-gulo, na-prove naman po nila 'nung pumunta sila 'nung Wednesday eh na wala namang kaguluhang nangyari. Actually diba naging thankful ka pa nga dahil naging maganda ang pakikitungo namin sa mga kapatid mo diba? So...napaka...hindi...I don't know, masyadong mababaw iyong reason na 'yon eh na baka kesyo magka-gulo or something. And then isa pang niri-reason iyong...hindi raw tayo pumapayag na magkaroon ng video? Sabi ko...kanina po iyon naka-usap ko 'yong...si brother Albert 'nyo. Sabi ko, sige punta kayo dito magdala kayo kahit ilang videos (audio/video <>)
SINO NGAYON ANG TAKOT NA HUMARAP SA ISANG MAGINOONG DISKUSYON?
Michael: Sa bahaging iyan mga kababayan ay nasasagot po ang katanungan 'nung iba, SINO NGAYON ANG TAKOT NA HUMARAP SA ISANG MAGINOONG DISKUSYON?
Ramil: Sila na po ang huhusga, ano? Hindi naman natin...hindi tayo nagyayabang, dahil hindi naman natin ugali 'yan kapatid na Michael, pero sa mga klase nang mga taong ito eh...sa ganito ba kayo maniniwala? Naka-lagda na lahat, nakalagda na! Pag-uusapan nalang iyong...tema, o! Eh HINDI SUMIPOT! Dahil sa hindi raw sila pinayagan ng kanilang puno, eh anong klaseng mga taga-pangaral ito? Pagkatapos, hamon ng hamon! Eh gusto raw doon sa television, kaya nga sabi namin, i-televise natin. Kahit saang plaza sa Pilipinas i-televise natin para mapanood ng lahat ng mga tao dito sa ating bansa
Michael: Siguro nagtatanong iyong mga kababayan natin kapatid na Ramil lalo iyong neutral ano ho? Bakit kaya itong grupong ito, hamon ng hamon? Kasi doon sila nagtatago sa paghahamon nila para patunayang di' umano mga mahuhusay at matatapang na lalake at di' umano'y kaya nilang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya
Ramil: Eh 'yan eh pakiramdam lang naman nila kapatid na Michael na sila'y matatapang, pero sa actual sa totoong pangyayari eh takot na takot 'yan, sapagkat kung hindi sila natatakot, bakit hindi nila tinupad iyong kasunduang 'yan na meron pa silang mga lagda (audio/video <>)Isa lang ang pinapatunayan nito na si Ginoong Eli Soriano ay hindi talaga haharap sa mga pangunahing debatista ng INC. Ang kanyang paghahamon kay Ka Erdie ay isa na lamang palusot upang maka-iwas na maka-harap ang mga ministro ng INC na matagal na siyang hinahamon at sampu ng nasa panelista ng ADD.
http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/isyu_debate.html