Eli Soriano at Ang Dating Daan
 


  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Ericson Himanas - ADD(ang dating daan) Church worker

June 13 2004 at 8:23 AM
No score for this post
  (Login A.A.D.)
CYBR0

 

Ericson Himanas
(ADD Church worker)


Ericson Himanas: (ADD Church worker) "Ako po ay umanib sa INC sapagkat ito  po ay aking napatunayan na ito po ang tunay na relihiyon at ito pong talaga ang sinasabi ng Banal na Kasulatan. Ako po ay umalis sa tinatawag na ADD(Ang Dating Daan) na pinangangasiwaan ni Ginoong Soriano, sapagkat napatunayan ko po na hindi talaga siya(Eli Soriano) ang sinugo ng Dios kundi ang sinugo ng Dios ay si kapatid na Felix Manalo na ito talaga ang sinasabi ng banal na kasulatan. Kaya ako po ay umalis sa nasabing samahan na pinangangasiwaan ni Ginoong Soriano na tinatawag na Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios, sapagkat salu-salungatan na po ang itinuturo ni Ginoong Soriano at kung ano-anong mga pangalan pa ng religion ang mga pinare-rehistro niya. Kaya sa akin pong pagsusuri sa Banal na Kasulatan ay napatunayan ko po talaga na ito ang tunay na religion na sinasabi ng Banal na Kasulatan, ang INC. Gaya po ng sinasabi sa Roma 16:16 (audio/video)

At marami pa pong mga bagay na...itinuturo si Ginoong Soriano na kakaiba, kaya po ako po ay napilitang umalis sa nasabing samahan. Katulad nga po nung halimbawa na itinuturo ni Ginoong Soriano na ang Dios daw po ay merong hindi alam, ang Dios daw po ay wala sa lahat ng lugar, ang Dios daw po ay meron hindi magagagawa. Ganyan po ba ang tunay na Dios na sinasabi ng Banal na Kasulatan? Kaya ako po ay napilitang umalis sa nasabing samahan, sapagkat lumalabas na para bang nakahihigit pa si Ginoong Soriano sa kaisipan kaysa sa kaisipan ng ating Panginoong Dios. Kaya po ako po ay umalis sa nasabing samahan, napakaraming pong mga bagay, kung isa-isahin ko po ay hindi po kakasya sa mga oras na ito, sapagkat napakahaba po. Marami pa pong mga aral na itinuturo si Ginoong Soriano na kontra-kontra po sa sinasabi ng Banal na Kasulatan. Kaya po sa biglang pakinig 'nyo sa kanya ay para bang maa-akit kayo na 'kala 'nyo'y tunay na mangangaral, subalit sa bandang huli mga kaibiga't mga kababayan kayo po ang makakapag-patunay sa tulong at awa ng ating Panginoon Dios na si Ginoong Soriano ay nagsisinungaling at hindi po siya talaga ang sinugo ng ating Panginoong Dios (audio/video)

At ang isa pa po na...itinuturo ni Ginoong Soriano na hindi ko po matangap ay tungkol sa pagtuturo niya tungkol sa isang taong bago na siya'y pabago-bago ng paliwanag patungkol dito. Pagka ito po ay kanyang ipinaliliwanag lagi 'nya pong tinutuligsa ang INC na di' umano ay mali ang itinuturi ng INC tungkol sa isang taong bago. Na ang isang taong bago na sinasabi talaga ng Biblia ay si Cristo at ang iglesia. Samantalang ang paliwanag ni Ginoong Soriano ay pabago-bago, hindi ko malaman kung saan siya lulugar.
Dahil ang paliwanag niya dito po dati ay mga Hentil at mga Judio ang isang taong bago
. Kung minsan naman po ay tinatanggap niya na si Cristo at ang iglesia ang isang taong bago. Ano nga ba talaga ang...aking paninindiganan at papaniwalaan tungkol dito? At ito ang isang tinututulan ko at napag-suri-suri ko po na mali na itinuturo ni Ginoong Soriano, kaya po ako umalis sa nasabing samahan (audio/video)


Kaya po ako po'y nananawagan sa mga dati ko pong kasamahan sa samahan na iyan na pinamumunuan ni Ginoong Soriano, lalong-lalo na sa mga manggagawa 'nya at sa mga...OIC 'nya. Kayo po ay mag-suri na mabuti sa inyo pong kinabibilangang religion. At lalong-lalo narin sa kanyang mga myembro, wag' po kayong maging panatiko sa religion, kundi inyo pong pagka-limiin at pag-aralan ang talagang sinasabi ng Banal na Kasulatan. Mag suri po kayo na mabuti. Wag' po tayong manghawak sa sarili lamang nating pang-unawa, wag' po tayong basta-basta magtiwala sa karunungan ng tao kundi tayo po'y magtiwala sa karunungan ng Dios
na sinasabi ng Banal na Kasulatan. (audio/video)




A A D
utol_1616@yahoo.com

http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/index.html

"At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)


 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply
exadd
(Login exadd)

sana ay ganito ang pag iisip ng mga taga add...

No score for this post
June 16 2004, 9:47 AM 

Na lagi sanang talasan ang pakikinig at mapagsuri kung may alinlangan sa mga aral na napapakinggan hindi yung oo na lang ng oo. Sa Iglesia pong panay ang paninira Ni Soriano, suriin niyo kung may katotohanan, mag imbestiga kayong mabuti ang isang dahilan kaya sarado ang isip ng mga miembro ay dahil sa nakatatak na ng malalim sa kanilang isipan ang mga tuligsa ni Eli sa panig ng INC. Madali pong gumawa ng ikasisira ng kahit na sinoman, wag po kayong titingin sa mga miembro kundi sa aral dahil diyan nakasalalay ang pinaka pundasyon ng totoong Iglesia. Kung sa miembrong nakitaan ng kamalian, kahit man sa panahon ng mga apostol may mga nagkakamali ring mga kaanib. Subukin niyo pong magsuri at makinig ng doctrina at tanungin ninyo ang lahat ng gusto ninyong itanong sa Ministro para maliwanagan kayo at kung di kayo kumbinsido ay nasa sa inyo na yan ngunit aking masasabi na ang mga aral ng Iglesia ay hindi pabago bago at ang pagkaunawa sa processo ng kaligtasan ay totoong maliwanag. Salamat po

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Bro. Vic (Lumayas na sa ADD)
(Login vick101)

Re: sana ay ganito ang pag iisip ng mga taga add...

No score for this post
June 16 2004, 9:27 PM 

Naaalala ko nang kaanib pa ako sa ADD, nagpakalat ba naman ng mga picture nila Ka.Ericson, Ka. Ber Santiago, at Ka. Nic Abadiano sa lahat halos ng mga local ng samahang yan- ADD. Animo'y mga wanted na criminal kung ituring! Sa dami ng itiniwalag sa ADD, mga manggagawa pa ang iba, bat yang mga lumipat lang sa INC ang pinagkadiskitahan nilang gayon?! Napakarami kong kilala sa ADD, talagang masama at talagang mas karapat-dapat itiwalag dahil sa mga ginagawang paglabag, kung ikukumpara sa tatlong yan. Alam na alam ko ang mga bagay na ito sapagkat personal kong kilala lalo na si Ka. Ber Santiago. Kayang-kaya kong tindigan na mas dapat ituring na criminal sa samahang yan si Willie Santiago na kanyang kapatid sa laman, dahil sa napakaraming paglabag na kanyang ginagawa!

Si Nic Abadiano ay alam ko ang boong info. sapagkat Officer ako ng samahang yan, kahit paano ay nakakarating sa akin ang tunay na pangyayari tungkol sa kanya. Ang masasabi ko lang, mas karapatdapat na ituring na criminal si Armando Policarpio kaysa kay Nic Abadiano, sapagkat itong si Armando ay napakaraming ginagawang pangraraket sa samahang yan, gamit-gamit ang Scanner di-umano ng ginto na personal na binili ni soriano para sa kanya.

Tungkol kay Ka. Ericson, ang alam ko'y isang matinong nagmamanggagawa yan, siniraan nang katakot-takot nang umalis sa ADD, gayong mismong mga nakakakilala sa kanyang mga kasabayan nyang nagmamanggagawa ay alam na alam na hindi totoo ang mga ipinaninira laban sa kanya.

Ganyan ang ADD. Pagkatapos kang pakinabangan, basura ka na kung ituring kapag wala ka nang contribusyon sa samahang yan! Kung minamalas-malas ka pa ay ipapapatay ka tulad ng ginawa kay Ka. Romy, o dili kaya ay bigla kang aatakihin sa puso gaya ng nangyari sa tatay ni Jocel Mallari.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.

(Login fafa_fantas)

Sa;lamat

No score for this post
June 28 2004, 9:00 PM 

at nailigtas din ang isang ito sa tiyak na kapahamakan sa iglesia ni Soriano.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Anonymous
(Login komento)

Re: Ericson Himanas - ADD(ang dating daan) Church worker

No score for this post
June 28 2004, 9:16 PM 


 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.

(Login A.A.D.)
CYBR0

Re: Ericson Himanas - ADD(ang dating daan) Church worker

No score for this post
July 6 2004, 4:38 AM 

Komento, ilagay mo rito ang gusto mong sabihin at wag' iyang puro link ang inilalagay mo!

Una, wala akong tiwala sa mga link na galing sa ADD dahil nga sa baka ito'y isa lamang patibong ni magnanakaw ng forum na si Tumador.

Kaya sa madaling sabi ay di' ako nagpupunta diyan sa mga link na inilalagay mo at ito'y sa pagproteksyon ko sa forum at mga website ko.

Kaya kung meron kang gustong sabihin patungkol kay kapatid na Ericson Himanas na dati 'nyong Church worker eh sabihin mo ng diretsahan, at ipaghambing natin sa mga sinasabi ni kapatid na Ericson Himanas.

Tutol ka ba sa sinabi ni ka Ericson Himanas?

Sige nga at ipaliwanag mo iyong kanyang paliwanag doon sa isang taong bago na kanyang isang kina-ayawan sa ADD na aral ni Ginoong Eli Soriano.

Sige, tutulan mo at baka naman merong laman ang iyong nalalaman.






A A D
utol_1616@yahoo.com

http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/index.html

"At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)


 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.

The Answer
(Login i3answer)
CYBRO

Re: Ericson Himanas - ADD(ang dating daan) Church worker

No score for this post
July 6 2004, 4:24 PM 

Hindi kayang magbigay ng kumento si komento sa thread na ito, kaya nagtatanim na lang siya ng kamote.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Bro. Vic (Lumayas na sa ADD)
(Login vick101)

Re: Ericson Himanas - ADD(ang dating daan) Church worker

No score for this post
July 23 2004, 2:04 AM 

No comment na si komento, ubos na ang bala.

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Current Topic - Ericson Himanas - ADD(ang dating daan) Church worker  Respond to this message   
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Find more forums on Religion and PhilosophyCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  


gm
Ring Owner:   Site:
Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet
Get Your Free Web Ring
by Bravenet.com
Sign my Guestbook from Bravenet.com Get your Free Guestbook from Bravenet.com
Google

Free Search Engine Submission
Free Search Engine Submission
Avatar Financial Group
Search Engine Optimization and SEO Tools
http://cyber-topsites.com/ pinoytopsites.netVisit ex-designz.net


Ang Dating Daan ni Eli Soriano

Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan. Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan. Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum

Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....

(1.) 202.147.34.83
(2.) 202.147.34.66 - Login: Tumador AKA ReyYsmael


:: Ang Dating Daan Expose Links
:: Ang Dating Daan Current Isyu

1.Kontrahan ni Eliseo "Eli" Soriano laban sa kanyang mga myembro sa Ang Dating Daan at Kontrahan Myembro sa Ang Dating Daan laban sa Myembro sa Ang Dating Daan
Eliseo "Eli" Soriano VS Myembro sa Ang Dating Daan / Kaanib VS Kaanib (sa ADD)

2.Isyu sa Authorization at Pirma na Hamon ng Ang Dating Daan ni Eliseo "Eli" Soriano na Tinanggap ng Iglesia ni Cristo.
To Meigon (Isyu sa authorization at pirma) Matagal ng tinanggap ito ni Ka Ramil Parba...

3.Isyu tungkol sa pagpaparatang ng 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na Inatangan di' umano ng Iglesia Ni Cristo na Nanghambalos si Cristo.
"Mga ministro na inatangang nanghambalos ang panginoong Hesu-Kristo?" - Meigon

4.Iba't-ibang version na Salitang "Tarantado" ni Eliseo "Eli" Soriano ng Ang Dating Daan.
TARANTADO = Mura, HINDI mura, Atarantado, tarantar, nataranta (ANO BA TALAGA ANG TOTOO?)

5.Ang Paninira ni Eliseo "Eli" Soriano na Puno sa 'Ang Dating Daan' na Kinopya di' umano ng Iglesia Ni Cristo ang 'Banal na Halik.
Banal na Halik Kinopya sa Wyclife Bible Commentary (?)

6.Natupad daw di' umano ang Hula sa Zac. 13:8-9 sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano.
ZACARIAS 13:8-9, HULA na natupad sa ANG DATING DAAN ni ELI SORIANO. Pag-usapan natin ito..

7.Ang nasabi ni Edchin na kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na Ire-renovate daw nila di' umano ang Kapilya ng Iglesia Ni Cristo. (bangag kaya itong si Edchin sa IHI 'nung sabihin niya ito?)
"Ang kapilya ng Iglesia Ni Cristo ay aming ire-renovate" - edchin (MINISTRO)

8.Isyu Patungkol sa Lecture ni ka Erdie na hindi Maunawaan ang diwa nito ni Eliseo "Eli" Soriano at maging ng kaanib niya sa 'Ang Dating Daan' na ngayon'y tinatawag ng 'Members Church of God International'.
"May punong pangkalahatan na gustong dagukan, bahain, tamaan ng kidlat..." - Meigon

9.Ang Nagkasalungatang Pahayag ni Eliseo "Eli" Soriano ng 'Ang Dating Daan' patungkol sa Isyung "Nagulat" si Thomas.
"He is not NAGULAT!" - Eliseo "Eli" Soriano (puno ng Ang Dating Daan)

10.Ini-Isyu ng 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na 'Mamamatay-tao' di' umano ang mga Iglesia Ni Cristo.
"mga mamatay tao kayo dyan kayo branded!!!" - PUGITA (kaanib sa 'Ang Dating Daan)

11.Kasagutan ni Meigon na kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano patungkol sa 'Isyu ng Banal na Hapunan sa Ang Dating Daan'.
Sagot ko po regarding sa aming (Ang Dating Daan members) Banal na Hapunan

12.Isyu ng 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano patungkol sa Stand ng Iglesia Ni Cristo na Anghel o Sugo ng Dios si ka Felix Manalo
Kaya naman po pala napagkamalian ng Iglesia Ni Cristo na anghel si Gno. Felix Manalo - Meigon

13.Ang Nakikita di' umano ni Meigon na kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na di' niya nakikita dati
Talaga bang gusto n'yong malaman ang nakikita ko ngayon na hindi ko nakikita dati? - Meigon

14.Ang Paanyaya ni Meigon na Kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano sa lahat ng Iglesia Ni Cristo na nasa forum.
[To all Iglesia Ni Cristo here] Convince Me! - Meigon


eXTReMe Tracker
free search engine website submission top optimization

Pedsters Planet	Website	Directory
Software Submit .NET - FREE and PREMIUM search engines submission and software submission and software promotion service.Praca - oferty pracy - og�oszenia - praca na zlecenie
Submit your website to 20 Search Engines - FREE with ineedhits!
@Submit!-FREE Promotion
Create a cool new address 
for your site at The WebAlias Network - free!