Eli Soriano at Ang Dating Daan
 


  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Leticia Diocareza (former Ang Dating Daan member)

June 19 2004 at 8:35 AM
No score for this post
  (Login A.A.D.)
CYBR0

 

Leticia Diocareza
(former Ang Dating Daan member)



Leticia Diocareza: ( former Ang Dating Daan member ) "Ako po si kapatid na Leticia Locareza. Taga...502 Summit Homes, Payanan Muntinlupa City. Ako po'y Ganap nang kasama sa INC dahil...nabautismuhan kami noong Jan.24, ito pong 2004. At kaibang-kaiba po sa naranasan ko doon sa aming pagkaka-bautismo doon sa dati naming pinanggalingan, iyong ke' Mr. Soriano. Ang katotohanan po lahat ng kabanalan nadama ko at hindi man po talaga ano...ibang-iba po ang pakiramdam ko 'noong bina-bautismuhan kami. Damang-dama ko po talaga ang
kabanalan, ibang-iba. Hindi ko naranasan talaga sa...Ang Dating Daan
ATD : Ilang taon po kayo sa...Ang Dating Daan? (kay Soriano)
Leticia Diocareza: Walong taon po, kasi...napaanib po kami 'noong...ano, 1995. Tapos 'nung nanlamig na po ako nitong mga...ano mga pagpasok po nitong 2003. Nanlamig na po ako dahil galing po kami huling-huli pasalamat ng kapatiran sa Apalit, 2002. Meron na akong nakitang mga hindi ko na nagustuhan, katunayan nagkasakit pa nga po kaming mag-asawa don', 'me sakit kami pareho (audio)

Ah...nakita ko po na...'yung sinasabi niyang bawal ang kasal, 'nung gabing 'yon ikinasal niya iyong kanyang pamangkin. Si Ismael Magdaraog, apat po 'yung ikinasal nya. Kaya sabi ko, bakit 'yung mga sinasabi niya siya narin ang sumisira? Parang nanlamig na po talaga ako. pagkatapos 'nung...January na ano...'dun na nag-umpisa talaga 'iyong, ayaw ko na talagang pumunta ng Apalit. Talagang hindi ko na inano 'yang...ayaw ko na pero itong kapatid nga, ano...parang natatakot siya na baka kami matiwalag, sabi ko hinde, 'tsaka talagang nagkasakit na po ako. Hindi ako...hindi talaga ako tinantanan ng sakit. Hindi ko maintindihan bakit ganon, sabi ko. Pero ngayon ko po naisip-isip siguro, 'yon lang ang paraan ng panginoon na umalis kana d'yan, magkakasakit kana talaga. Talagang hindi na po ako...kung ano-anong sakit na ang dumapo sa 'kin. Ang ganon-ganon nanlalamig na ako. Na...ano ko 'yung...ano na, wala na po akong kabanalan (audio)

Hangang para sa sarili ko nilalabanan ko na 'yong...parang sa sarili ko
lumalaban na ako na, ano ba 'to, kung ang sabi ni Mr. Soriano wala sa lahat ng lugar ang panginoon, ang Ama...bakit, ano ba ang ginagawa ko dito sa lokal? Ba't ako sumasamba dito? Ano ang sinasambahan ko dito 'yung pader? Pader 'nung...lumber na pinag-aanuhan namin? Pero 'nung maisip ko, samakatuwid pala kung wala 'don ang panginoon, dati nasa Apalit meron isang central na luma, doon sa aming pinag-bautismuhan eh palaging binabaha, lumipat kami. Nilipat kami dito sa isang ano 'yung malaki na nga. Sabi ko, ibig sabihin non' lumipat don' ang panginoon? Kaya, unti-unti na po akong nag-iisip. Nag-iisip na ko na talagang lumalaban na 'ko sa aral eh.. Tapos nga na anohan ko 'yung ano sa dyario. Unang Hirit kahit luma na pinipilit na...binibenta sa mga...ano! Ngayon sabi ko, hindi naman kami kako bumibili ng dyario talaga, sabi kong ganon. Kung 'me pera lang t'saka kami bibili ng dyario. Eh sabi 'nung manggagawa: "mga kapatid, parang tulong 'nyo na
'yan kay brad Eli", sabing ganyan. Sino ba gusto 'nyong magbayad 'nyan, si brad Eli? Eh sa isip ko, eh sino ba kumuha 'nyan, kami ba? Hindi naman, di' ba kayo? Kahit luma na 'binebenta (audio)

Marami din akong narinig na ano, 'yung tungkol sa...naa-ano sila sa...unang-unang inanohan ko na bakit 'yung santa cena? Inano na 'nya, inimpose na niya 'yung santa cena . March nya, natatandaan ko, March. Sabi ko, ito ang ina-atake 'nya noon eh. Bakit daw me' santa cena ang iglesia? Bakit ngayon, siya ang gumagawa ng santa cenang sinasabi? 'Yon! Basta na...nagpatong-patong na 'yong mga ano ko, kaya ako, talagang nanlamig na ako ng husto...merong time pa nga po na sumamba ako, pagdating ko don' pagkalista nung pangalan ko nagko-collapse ako, hinahatid ako minsan ng manggagawa pauwi sa bahay. Di' ko maintindihan po kung bakit...'andon na ko sa harap, naiiwan nga po si kapatid eh, ganon...(audio)

Hangang lately nga po ang nangyari, 'yung...meron kaming...kapitbahay na sabi nag-aanyaya ng pamamahayag, 'yan po. Doon lang po, mamamahayag lang po, di' naman matagal 'yan, sabing ganyan. Sinabi panga eh, hindi ho araw ng pagsamba 'yon, sabi pa sa amin. Siguro nag-ano sila baka ayaw namin dahil sasamba, di' ho araw ng pagsamba 'yan, pamamahayag lang. Eh gagawin mismo sa loob kapilya. Pag-dating namin 'don sa...pagdating namin don' mag-asawa sa loob ng ano...nakita palang namin iyong ano...organisado talaga...orderly, 'yung mga pag-upo palang...walang usapan, walang kahit ano nga. Nakita namin sa...'yun palang mga choir, pag-hawak palang 'nung kanilang himnario talagang mahusay na mahusay ang ano nila...pati 'yung mga...row by row, hindi katulad sa. Ang Dating Daan kay Soriano, agawan, takbuhan nga kung sino, ang mga bag ang naka-upo sa mga silya, ang bag. O pagka medyo me' uupo at hindi 'nya masyadong ka-close, hindi 'paupuin 'yon, sasabihin, me' - me ari na 'nyan eh. Hindi katulad dito, naka-upo ka talaga sa silya basta kanya-kanya kayo. Pati pag-labas, don' de', takbuhan (audio)

Nagte-texto nga po minsan eh inaabot talaga ako ng ano, kung 'kelan nananalangin, de' nakaluhod, nakaluhod kay Soriano eh. Kung kaylan nananalanging, t'saka magtatakbuhan iyong bata, kadalasan na naiipit pa, natatapakan ako, hindi ka naman maka-dilat dahil nandon nga iyong ano...para akong ano ba't wala na akong kabanalan na naanuhan hangang nagpasya na 'ko, manood na kami ng ano...sabi kong ganon. Sinabi ko po don' ke' ka Aurelio t'saka kila ka Baby, gusto ko na pong magpa-duktrina. Ang akala ko nga po 'yung duktrina madali lang dahil kay Soriano17 days lang eh...kung loloobin po matapos 'nyo po 'yung 25 days na duktrina, susubukin pa kayo, me' interview pa na final na...at ano pa po, sabing ganyan...susubukin 'don sa pagsamba, sabi 'nya...talagang di' po kami lumiban mag-asawa, maski me' sakit po kami na nararamdaman sa katawan namin dahil s'yempre matanda ka na. Kaya iyan po ang...pinipilit naming matupad na mag-asawa
(audio)

Pinakaha-hangad ko po kung maa-ari sana maakay pa namin iyong aming mga anak, pero hindi naman po sa biglaan 'yan. Kaya anak nadidinig nila na nangangaral ako na itinatawid ko 'yung kung ano 'yung napag-aralan namin. At t'saka ang pinakakahangad ko po sana eh...ang pinakahahangad ko lang 'yung, maari sana 'yung walong taon na inubos namin sa Ang Dating Daan, mahigitan pa. Iyon ang hinihiling ko sa Panginoon na dagdagan ang buhay namin para makapag-lingkod kami ng matagal sa INC. Sabi ko nga kahit uugod-ugod kung pagkakaloob mo sa amin, kahit me' sakit ako gagawin ko tungkulin ko para lang ako makapag-lingkod sa Panginoon (audio)

Don' sa mga dati naming kapatid dyaan sa Ang Dating Daan, magsuri naman kayo. Wag' lang kayong pumokus sa isang ano...isang istasyon. Hindi totoo 'yung sinasabi na istayon ng sa demonyo 'yun sa 25. Dito 'nyo nga malalaman ang katotohanan dahil kung hindi ako nanood sa cha. 25, hindi ako makaka-alis 'dyan sa religion 'yan. Walong taon akong nagtiis, at ang pinagsisisihan ko nga 'yung walang taon 'yon na pinag-silbi ko na di' ko alam na sa...di' ko alam kung saan ako dadalhin. 'Eto! Siguradong-sigurado. Mag-suri kayo. 'Yung mga dati kong kapatid, kawawa ang buhay 'nyo 'dyan. Ako, naa-awa lalo don' sa mga...close na close sa akin, na...maiisip ko lang ang kinaroroonan ng kanilang mga kaluluwa, kaya nanawagan ako sa inyo. Alam 'nyo na 'yan kung sino kayo, pero pag nasasalubong 'nyo kami parang kami...pinandidirihan 'nyo kami! Para kayong nakakakita ng me' sakit na tao. Tama, sa amin natutupad 'yung nasa Mateo singko-nuwebe hanggang dose. 'Tinatakwil 'nyo kami sa pangalan ni Cristo, kami 'yon. Sa inyo, wala naman nagtatakwil eh pero sa aming iglesia pinandidirihan pa kami pero kami ang katotohanan. Sa INC ang kaligtasan dahil ito ang tunay na religion (audio)




A A D
utol_1616@yahoo.com

http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/index.html

"At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)


 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.Respond to this message   
AuthorReply
Erncild
(Login Erncild)

Good one!

No score for this post
June 19 2004, 12:40 PM 

tol, ito ba yong anniversary show ng ATD?

Erns

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.

(Login A.A.D.)
CYBR0

Re: Good one!

No score for this post
June 19 2004, 7:15 PM 

Hindi bro. ito kasama. kalalabas lang nito sa ATD prog. ng Friday 9:PM. (June 18, 2004).

Ang kasama bro. ay iyong pahayag ni Marianito Cayao at ni Bro. Himacas.




A A D
utol_1616@yahoo.com

http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/index.html

"At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)


 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Erncild
(Login Erncild)

Galing ah!

No score for this post
June 19 2004, 7:38 PM 

bagong bago pala ito, thanks a lot 'tol, sa pagtitiyaga mo at nakakatulong naman ito sa lahat kapatid man o hindi.

more power to our Forum! again thanks !

 
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Current Topic - Leticia Diocareza (former Ang Dating Daan member)  Respond to this message   
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Find more forums on Religion and PhilosophyCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2009 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  


gm
Ring Owner:   Site:
Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet Free Site Ring from Bravenet
Get Your Free Web Ring
by Bravenet.com
Sign my Guestbook from Bravenet.com Get your Free Guestbook from Bravenet.com
Google

Free Search Engine Submission
Free Search Engine Submission
Avatar Financial Group
Search Engine Optimization and SEO Tools
http://cyber-topsites.com/ pinoytopsites.netVisit ex-designz.net


Ang Dating Daan ni Eli Soriano

Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan. Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan. Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum

Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....

(1.) 202.147.34.83
(2.) 202.147.34.66 - Login: Tumador AKA ReyYsmael


:: Ang Dating Daan Expose Links
:: Ang Dating Daan Current Isyu

1.Kontrahan ni Eliseo "Eli" Soriano laban sa kanyang mga myembro sa Ang Dating Daan at Kontrahan Myembro sa Ang Dating Daan laban sa Myembro sa Ang Dating Daan
Eliseo "Eli" Soriano VS Myembro sa Ang Dating Daan / Kaanib VS Kaanib (sa ADD)

2.Isyu sa Authorization at Pirma na Hamon ng Ang Dating Daan ni Eliseo "Eli" Soriano na Tinanggap ng Iglesia ni Cristo.
To Meigon (Isyu sa authorization at pirma) Matagal ng tinanggap ito ni Ka Ramil Parba...

3.Isyu tungkol sa pagpaparatang ng 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na Inatangan di' umano ng Iglesia Ni Cristo na Nanghambalos si Cristo.
"Mga ministro na inatangang nanghambalos ang panginoong Hesu-Kristo?" - Meigon

4.Iba't-ibang version na Salitang "Tarantado" ni Eliseo "Eli" Soriano ng Ang Dating Daan.
TARANTADO = Mura, HINDI mura, Atarantado, tarantar, nataranta (ANO BA TALAGA ANG TOTOO?)

5.Ang Paninira ni Eliseo "Eli" Soriano na Puno sa 'Ang Dating Daan' na Kinopya di' umano ng Iglesia Ni Cristo ang 'Banal na Halik.
Banal na Halik Kinopya sa Wyclife Bible Commentary (?)

6.Natupad daw di' umano ang Hula sa Zac. 13:8-9 sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano.
ZACARIAS 13:8-9, HULA na natupad sa ANG DATING DAAN ni ELI SORIANO. Pag-usapan natin ito..

7.Ang nasabi ni Edchin na kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na Ire-renovate daw nila di' umano ang Kapilya ng Iglesia Ni Cristo. (bangag kaya itong si Edchin sa IHI 'nung sabihin niya ito?)
"Ang kapilya ng Iglesia Ni Cristo ay aming ire-renovate" - edchin (MINISTRO)

8.Isyu Patungkol sa Lecture ni ka Erdie na hindi Maunawaan ang diwa nito ni Eliseo "Eli" Soriano at maging ng kaanib niya sa 'Ang Dating Daan' na ngayon'y tinatawag ng 'Members Church of God International'.
"May punong pangkalahatan na gustong dagukan, bahain, tamaan ng kidlat..." - Meigon

9.Ang Nagkasalungatang Pahayag ni Eliseo "Eli" Soriano ng 'Ang Dating Daan' patungkol sa Isyung "Nagulat" si Thomas.
"He is not NAGULAT!" - Eliseo "Eli" Soriano (puno ng Ang Dating Daan)

10.Ini-Isyu ng 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na 'Mamamatay-tao' di' umano ang mga Iglesia Ni Cristo.
"mga mamatay tao kayo dyan kayo branded!!!" - PUGITA (kaanib sa 'Ang Dating Daan)

11.Kasagutan ni Meigon na kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano patungkol sa 'Isyu ng Banal na Hapunan sa Ang Dating Daan'.
Sagot ko po regarding sa aming (Ang Dating Daan members) Banal na Hapunan

12.Isyu ng 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano patungkol sa Stand ng Iglesia Ni Cristo na Anghel o Sugo ng Dios si ka Felix Manalo
Kaya naman po pala napagkamalian ng Iglesia Ni Cristo na anghel si Gno. Felix Manalo - Meigon

13.Ang Nakikita di' umano ni Meigon na kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano na di' niya nakikita dati
Talaga bang gusto n'yong malaman ang nakikita ko ngayon na hindi ko nakikita dati? - Meigon

14.Ang Paanyaya ni Meigon na Kaanib sa 'Ang Dating Daan' ni Eliseo "Eli" Soriano sa lahat ng Iglesia Ni Cristo na nasa forum.
[To all Iglesia Ni Cristo here] Convince Me! - Meigon


eXTReMe Tracker
free search engine website submission top optimization

Pedsters Planet	Website	Directory
Software Submit .NET - FREE and PREMIUM search engines submission and software submission and software promotion service.Praca - oferty pracy - og�oszenia - praca na zlecenie
Submit your website to 20 Search Engines - FREE with ineedhits!
@Submit!-FREE Promotion
Create a cool new address 
for your site at The WebAlias Network - free!