| Hirap na hirap si "addchrstn" sa pagpapaliwanag kung SUGO ba o Hindi si Eli SorianoOctober 2 2004 at 6:42 PM No score for this post | AAD (Login A.A.D.) CYBR0 |
| http://www.chatarea.com/angdatingdaan.m983226-1
addchrstn: "Atin pong pag-usapan sa thread na ito ang mga kontradiksyong pahayag daw ni Bro. Eli tungkol sa claim niya bilang sugo.
<blockquote>
quote:
Soriano
:"Ako po ay isang ordinaryong mangangaral ng salita ng Dios,ayaw kong
tumanggap ng kahit na anong claim,ke propeta o ke sugo..."
Versus
SORIANO: "If I claim na nangangaral ako,therefore, I am obliged to confirm or to
say that I am a sugo..."
Soriano:"Napaka-baliw ko naman, kung nangangaral ako hindi naman ako naniniwalang ako’y sugo"
</blockquote>
Atin pong pag-aralan kung may kontradiksyon nga po sa pahayag na ito ni Bro. Eli. Sa unang pahayag niya ay sinabi niyang ayaw niyang tumanggap na claim na
siya ay propeta o sugo dahil ordinaryong tao lang siya. Ano po ba ang pahayag ng Banal na Kasulatan sa ganitong uri ng pananaw na ayaw manggaling sa kanya ang pagpapapatotoo na siya ay sugo. Basahin po nati ang Juan 5:31
"Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan."
Kung manggagaling pala kay Bro. Eli na siya ay sugo sa kanyang sariling kalooban
ay nangangahulugang nagpapatotoo siya sa kaniyang sarili at ayon sa ating
Panginoong Jesus ay magiging walang katotohanan ang patotoong ito kung galing
lamang sa sarili.
Si San Pablo ay mayroon ding pahayag tungkol dito:
2 Cor 10:18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
Ayon kay San Pablo na hindi subok ang nagtatagubilin sa kanyang sarili. Ito ang mga batayan ni Bro. Eli kung bakit sinabi niyang ayaw niyang tumanggap ng claim
bilang sugo.
Sa ikalawang pahayag niya naman sinabi niyang na kung nagki-claim siya bilang Mangangaral ay obligado siyang aminin na siya ay sugo.
Pansinin na sinabi niya na siya'y "obligado" at hindi dahil sa gusto niyang patawag na sugo kundi upang patunayan niya ang kanyang karapatan sa pangangaral ay kailangang aminin niya na siya ay sugo. Dahil kung hindi siya sugo ay anong karapatan niyang mangaral. Ito ay mababasa natin sa Roma 10:15
"At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!"
Kaya para magkaroon ka ng karapatang mangaral ay kailangan ikaw ay sugo.
Mayroong mga pagkakataon na kailangang magmapuri kung in-question na ang inyong
authority gaya ng ginawa ni San Pablo
2 Cor 10:8 Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming
kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa
ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.
2 Cor 11:18 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y
magmamapuri.
Pero siya rin naman ang nagsabing hindi siya nagmamapuri
2 Cor 5:12 Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.
2 Cor 10:13 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo.
Ibig bang sabihin nito na kontra-kontra na ang mga sinasabi ni San Pablo. Ibig bang sabihin nito na hindi na sugo ng Dios si San Pablo. Kailangan nating maintindihan na kaya kung minsan nagsasalita ang isang Mangangaral ng tila pagmamapuri ito ay dahil sumasampalataya siya sa kaloob at kapamahalaang ibinigay sa kanya ng Panginoon.
Roma 15:17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.
1 Cor 1:31 Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.
2 Cor 1:12 Sapagka't ang aming pagmamapuri ay ito, ang pagpapatotoo ng aming budhi, ayon sa kabanalan at pagtatapat sa Dios, hindi ayon sa karunungan ng laman, kundi sa biyaya ng Dios, na kami'y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo.
2 Cor 11:10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.
Pero may pagkakataong pinipigil na magmamapuri ni San Pablo na baka isipin ng iba na siya ay mayabang o mataas.
2 cor 12:6 Sapagka't kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o
naririnig sa akin.
Kaya hindi masama na pamin-minsan na magmapuri o sabihing sugo ka kung hinihingi ng pagkakataon at in-question ang iyong authority."
http://www.chatarea.com/angdatingdaan.m983226-1
A A D
utol_1616@yahoo.com
http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/index.html "At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)
|
| | Author | Reply | AAD (Login A.A.D.) CYBR0 | Unang PAGSUSURI sa PALOSot ni 'addchrstn'No score for this post | October 2 2004, 7:05 PM |
Hay!...Kawawang 'addchrstn', di' malaman kung saan kukuha ng paliwanag sa nagsusuntukang pahayag ni Ginoong Eli Soriano.
Ating suriin ang PALOSot ni 'addchrstn' kung pwedeng makalusot...
Atin pong pag-aralan kung may kontradiksyon nga po sa pahayag na ito ni Bro. Eli. Sa unang pahayag niya ay sinabi niyang ayaw niyang tumanggap na claim na
siya ay propeta o sugo dahil ordinaryong tao lang siya. Ano po ba ang pahayag ng Banal na Kasulatan sa ganitong uri ng pananaw na ayaw manggaling sa kanya ang pagpapapatotoo na siya ay sugo. Basahin po nati ang Juan 5:31
"Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan."
Kung manggagaling pala kay Bro. Eli na siya ay sugo sa kanyang sariling kalooban ay nangangahulugang nagpapatotoo siya sa kaniyang sarili at ayon sa ating Panginoong Jesus ay magiging walang katotohanan ang patotoong ito kung galing lamang sa sarili.
Samakatuwid, ayon sa PALOSot ni addchrstn na paggaling lamang sa sarili nung nagpatotoo eh magiging walang katotohanan ang patotoo nito.
Ang tanong,...
1.Sino ang nagsabi na ayaw niyang mag-claim na sugo o propeta?
2.Sino rin ang nagsabi na siya ay daw kuno ay sugo?
Kaya iyong talatang(Juan 5:31) inilagay ni 'addchrstn' ay di' angkop na gamitin niya ito kay Ginoong Eli Soriano dahil ang no. 1 & 2 ay parehong si Ginoong Eli Soriano ang nagsabi nito o nagpatotoo, lalabas na parehong walang katotohanan ang no.1 & 2 na pahayag pareho ni Ginoong Eli Soriano.
itutuloy....
A A D
utol_1616@yahoo.com
http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/index.html "At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)
|
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
|  Kalabog (Login Kalabog) CYBR0 | Re: Unang PAGSUSURI sa PALOSot ni 'addchrstn'No score for this post | October 4 2004, 8:54 AM |
hehehe
Kahit pa MIC ni Eli Soriano tiyak mamimilipit sa pagsagot dyan.
|
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| AAD (Login A.A.D.) CYBR0 | IKALAWANG pagsusurri sa PALOSot ni addchrstnNo score for this post | October 16 2004, 7:52 PM |
addchrstn: "Si San Pablo ay mayroon ding pahayag tungkol dito:
2 Cor 10:18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
Ayon kay San Pablo na hindi subok ang nagtatagubilin sa kanyang sarili. Ito ang mga batayan ni Bro. Eli kung bakit sinabi niyang ayaw niyang tumanggap ng claim
bilang sugo."
Si San Pablo ay mayroon ding pahayag tungkol dito:
2 Cor 10:18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
Gayang-gaya talaga ni addchrstn ang istilo ni Ginoong Eli Soriano oo! Mahilig mag-divert ng isyu.
TAnong addchrstn, sinabi ba ni apostol Pablo na...
1."ayaw kong tumanggap ng kahit anong claim na,.….ke propeta , ke sugo"
2."I am obliged to confirm or to say that I am a sugo"
3."Napaka-baliw ko naman, kung nangangaral ako hindi naman ako naniniwalang ako’y sugo"
4."PAKIRAMDAM ko"
Sige, timbangin nyo ngayon kung magkatulad ang sinabi ni Apostol Pablo sa sinabi ni Ginoong Eli Soriano.
Ito'y maliwanag na salungatang pahayag ni Ginoong Eli Soriano sa magkaka-ibang tagpo ng kanyang buhay!
Ayon kay San Pablo na hindi subok ang nagtatagubilin sa kanyang sarili. Ito ang mga batayan ni Bro. Eli kung bakit sinabi niyang ayaw niyang tumanggap ng claim bilang sugo."
Halatadong hirap na hirap si addchrstn kung paano pagdudugtungin ang mga talata sa buhay ni Ginoong Eli Soriano at iyong nagsuntukang pahayag ni Eli Soriano. TAnong, ganon ba ang diwa ng sinabi ni Eli Soriano ng sabihin niya ito?
Anong tagpo ba nangyari iyon ng sabihin niya ito, ang katagang...
Eli Soriano: " ayaw kong tumanggap ng kahit anong claim na,.….ke propeta , ke sugo"
Di' ba't may nagtatanong sa kanya sa kanilang programa kung sugo ba siya?
Kaya iyon nga ang kayang buong pagmamalaking naisagot don' sa taong nagtatanong sa kanya na...
Eli Soriano: " ayaw kong tumanggap ng kahit anong claim na,.….ke propeta , ke sugo"
Nabasa mo ba ang sinabi ng sugo ng ADD na si Eli Soriano? Ang sabi eh...
"ayaw"!
Kaya di' angkop na gamitin ang talatang nabangit dahil magkasalungat talaga kahit saan mo angulo tignan!
Eh ang aral ni Eli Soriano na ayaw niyang tumangap ng kahit na anong claim na, ke propeta ke sugo eh tapos sa ibang pagkakataon naman eh "I am a sugo" daw at may binangit pa na...
Eli Soriano: " Napaka-baliw ko naman, kung nangangaral ako hindi naman ako naniniwalang ako’y sugo"
TApos sa bandang huli kung sugo ba siya eh ang sabi...
Eli Soriano: " PAKIRAMDAM ko
addchrstn, at sa lahat ng mga ADD sa forum, namnamin ninyo ang turo ng sugo ninyong si Ginoong Eli Soriano...
basa:
Eli Soriano: "Kaya po 'yung sugo kung mangaral 'yon ang turo 'non totoo, wala hong liko, walang mali" (audio)
Heto pa...
basa!
Eli Soriano: Ang sugo ng Dios sa Biblia mayroon pong panatag na salita ng hula. Ibig sabihin noong panatag na salita aba'y hindi pabago-bago 'yon. Ngayon, pag-sinabing panatag hindi po topsy-turvy 'yon hindi. Hindi 'yon bali-baliktad, hindi yon pabago-bago (audio/video)
A A D
utol_1616@yahoo.com
Ang Dating Daan ni Eli Soriano (AAD) Former Ang Dating Daan member (ni Eli Soriano) Ang Akweng Daan Video Clips ni Eli Soriano Ang Dating Daan Blogspot.com - Mga Kontradiksyon ni Eli Soriano Cybro "At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)
| |
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| | Current Topic - Hirap na hirap si "addchrstn" sa pagpapaliwanag kung SUGO ba o Hindi si Eli Soriano | | Respond to this message |
| |
|
|