| Sagot ni GINJI na kaanib sa Ang Dating ni Eli Soriano sa isyu na...MAY PWET ANG DIOS.....February 24 2005 at 2:24 PM No score for this post | AAD (Login A.A.D.) CYBR0 |
| ...Ating himay-himayin...
Magandang pag-usapan ito kaya ibinukod ko ng thread.
ang pagbabalik ni ginji (Login ginji)
Posted Feb 24, 2005 12:11 PM
Patutunayan ko na may puwit na espiritual ang Dios Ama ayon sa diwa ng Biblia
Pinanggalingan ng Issue na May Puwit ang Dios
Ito ay nanggaling sa debate ni Bro. Eli VS. Jeffrey del Mundo (Oneness)
Quote:
Mr. Jeffrey del Mundo: Always remember that the Father has no personality. Wala siyang pagkapersona.
Bro. Eli: Sinabi niya.. sinulat ko, ang Ama walang person. Walang persona raw ang Dios Ama. Aba sinabi ko malaking pagkakamali ito! Dahil como.. Ibig niyang palabasin como ang Ama hindi nagkatawang tao, espiritu raw yon...walang person. Gano'n ba ang pagkaalam mo sa person? Babasahin ko sa inyo. Tuturuan ko siya. Ililigtas ko kayo. Bakit ko sinabing tuturuan ko siya at ililigtas ko kayo? Sana sa susunod huwag na niyang uling sasabihin ang anti-Biblia.. kalaban ng Biblia. At kaya ko naman ililigtas kayo para sa susunod, huwag na kayong maniwala sa taong ito. Bakit? Pakinggan nyo ha sa 1:3. Sabi niya wala raw person ang Ama. I will read it in the English rendition of the Scriptures. Sabi niya walang person ha.. Hebrews chapter 1 verse 3. Pakitandaan nyo ang talata. Hebrews chapter 1 verse 3. Heto po:
Who being the brightness of his glory, and the express image of his person, and upholding all things by the word of his power, when he had by himself purged our sins, sat down on the right hand of the Majesty on high;
Meron bang person? sabi niya wala raw. Merong being yon kaya may person yon. May being yung Father. May puso yon 'kala mo. May puso.. Ang totoo ang Ama may puwit. May pang-upo yon kaya nga nauupo. May paa yon. May paa yon kala nyo? At ang paa Nya ang haba. Pakinggan nyo kung gaano kahaba ang paa.
Mat 5:34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;
Ano yung langit? Doon siya nakaupo ano? Mat 5:35 Kahit ang lupa, sapagka't siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; ...
Kita nyo? Nakaupo sa langit, yung paa nakatuntong sa lupa. Ang haba ng paa niya ano? Kita nyo? May person o wala? May ilong pa nga eh. Pakinggan nyo:
Filipos 4:18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.
Para sa bihin mo walang person ang Dios. Ano ka hilo? Mali yan. That's not biblical. Pandaraya yan, panliligaw, kapangahasan yung magsasalita ka na lalabag sa Biblia. Meron Siyang person. (Play Video)
Marahil kaya tutol si mikecapito at mga INC na walang puwit ang Dios dahil kapareho sila ng paniniwala ni Mr. J. del Mundo na como ang Ama ay espiritu at di nagkatawang-tao ay wala na nga itong person kaya wala itong anyo.
Quote:
Ka Rene: ...kung ang pag-uusapan likas na kalagayan ng Dios, wala siyang anyo eh.. (Play Video)
Tama kaya ang paniniwalang ito ng mga Oneness at ng mga INC na como espiritu ang Dios ay wala na itong person at anyo kaya hindi nila matanggap na may puwit ang Dios?
Totoong nakasulat sa Biblia na ang Dios Ama ay espiritu (Jn 4:24). Hindi natin tinututulan yan. Ngunit ibig bang sabihin nito na wala na itong person, anyo dahil sa hindi natin Siya nakikita.
Sa Biblia may anyo ang Dios na ang mga makakakita ay ang mga anak ng Dios.
Ang mukha ng Dios nakikita ng mga anghel
Mat 18:10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit.
Kahit pala espiritu ang Ama ay nakikita ito at isa sa mga nakakakita sa Ama ay ang mga anghel na espiritu
At pagdating ng araw makikita rin natin ito kung magtataglay tayo ng malinis na puso at magpapakabanal
Mat 5:8 Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
Heb 12:14 Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:
Ngunit ang anyo ng Dios ay hindi makikita ng mga masasama
Joh 5:37 At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.
Marahil kaya hindi tinatatanggap ng ng mga INC na may anyo ang Dios dahil kagaya sila ng mga Judiong sinasabihan ni Cristo na hindi nakita ang anyo ng Dios.
Ngunit sa mga lingkod ng Dios ang anyo ng Panginoon ay makikita nila.
Num 12:8 Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?
Sa mga talatang yan napatunayan natin na may anyo at persona ang Dios na nagpapamali sa paniniwala ng mga INC na como ang Dios ay espiritu ay wala na itong anyo
Ngayon, kung may anyo at persona ang Dios, mali bang sabihin may anyo Siya gaya ng tao na may mukha, puso, paa, kamay, daliri, ilong, mata?
Sa Biblia mababasa naman natin ang mga ito:
1. Mukha (2Sa 21:1; Psa 34:16; Luk 1:76; 1Pe 3:12)
2. Mata (2Ch 16:9 ; Pro 15:3; 1Pe 3:12)
3. Puso (Ps 33:11)
4. Paa (Mat 5:35)
5. Kamay (Job 12:9)
6. Daliri (Exo 31:18)
7. Ilong (Gen 2:7)
Kaya tama si Bro. Eli nang sabihin niya na
Quote:
Bro. Eli: "At sinabi ng Dios, lalangin natin ang tao sa ating larawan ayon sa ating wangis. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kanyang sariling larawan ayon sa larawan ng Dios nilalang 'nya. Nilalang niya sila na lalake at babae. O, kung ikaw naniniwalang nilalang ka sa larawan ng Dios, kung me' puwet ka tatanggapin mong me' puwet ang Dios"
May mukha, mata, kamay, puso, ilong, etc. ang tao. Meron din ang Dios. Pero hindi ibig sabihin nito na
Quote:
Soriano: "Kapatid ganito 'yan eh, hindi naman ang ibig sabihin nilalang tayo sa larawan at wangis ng Dios eh eksakto na tayong 'yong ating physical being eh 'yon ang being ng Dios 'yung hitsura natin 'yan ang hitsura ng Dios. HINDI NAMAN PO LITERAL 'YONG SALITANG "WANGIS" AT "LARAWAN" NG DIOS EH. HINDI IBIG SABIHIN, LAHAT NG MAKIKITA MO SA TAO, EH MAYROON ANG DIOS. Ibig mong sabihin ang Dios ay may sex organ? Ganoon ba ang ibig nating sabihin dahil sa nilalang tayo sa wangis ng Dios? At ang ibig mo bang sabihin ang sex organ ng Dios ay dalawa, isang lalake at isang babae? Ay, napaka-maling interpretasyon noon."
May mga bahagi kasi sa tao na nagpapakita ng larawan ng Dios. Ang larawan kasi ng Dios ay ang Kanyang katuwiran.
Psa 17:15 Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis.
Kung ang isang bahagi ng tao gaya ng sex organ, pancreas, bituka, etc. ay wala namang kinalaman o magagamit symbolically sa pagpapakita ng larawan ng Dios, hindi nararapat na ikapit ito sa Dios. Halimbawa, hindi naman kailangan ng Dios ang sex organ para makapanganak o makalikha. Sapat na ang kanyang salita para makalikha.
Kung ang isang bahagi ng tao ay nagpapakita ng katuwiran ng Dios na siyang larawan ng Dios, pwede natin itong ikapit sa Dios gaya ng mga ito:
Kamay - para sa paggawa
Puso - pinagkukunan/pagpapakita ng pag-ibig
Ilong - pagbibigay ng hininga,buhay
Paa - paglakad ng matuwid
Mata - nakakakita ng mabuti, para sa pagbabantay
Ngayon ang puwit na ginagamit sa pang-upo ng tao, hindi ba natin ito maikakapit sa Dios kung saan may relasyon ito para makita natin ang larawan o katuwiran ng Dios?
Ang puwit may relasyon sa pag-upo dahil ito ang ginagamit na pang-upo sa aspetong literal.
Ang Dios nauupo sa Kanyang luklukan
Psa 9:7 Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
Psa 47:8 Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
Hindi ibig sabihin nito na halimbawa sa langit ay nakaupo ang Dios sa luklukan ay nangangahulugang literal na nakaupo nga ito at may puwit na literal na pinang-uupo.
Quote:
Soriano: "Pero hindi ibig sabihin, sa langit eh may upuan ang Dios, eh ibig sabihin may puwet na ang Dios. Hindi po...hindi po ganon ang Biblia kapatid."
Ang pag-upo sa luklukan ay simbolismo na ang Dios ay naghahari o namumuno at ang kanyang pamumuno ay nakabatay sa katuwiran, makatuwiran at marangal (Ps 9:4; 47:8;89:14; Heb 8:1).
Since, may relasyon ang puwit sa pag-upo gaya ng relasyon ng kamay sa paggagawa ng katuwiran ng Dios hindi maling sabihin na may puwit ang Dios ngunit ang puwit na ito ay hindi literal na gaya ng sa tao.
Nang sabihin ni Bro. Eli na
Quote:
Bro. Eli: " ..kung ikaw naniniwalang nilalang ka sa larawan ng Dios, kung me' puwet ka tatanggapin mong me' puwet ang Dios"
gumagamit lang siya ng literal na halimbawa para ipaliwanag/patunayan ang isang katotohanang espiritual na ang Dios ay may anyo na maihahalintulad sa tao na may kamay,etc. upang ipakita ang larawan ng Dios na katuwiran.
Ito ay ginamit na pamamaraan ni Cristo na sa kanyang pagtuturo gumagamit siya ng mga literal na halimbawa para ipaunawa sa mga tinuturuan Niya ang isang espiritual na katotohanan
Joh 3:12 Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit?
Kaya nga sa pagtuturo Niya (gaya sa mga talinghaga) gumagamit siya ng mga literal example para ipaliwanag ang mga bagay sa spiritual world. Alam kasi ni Cristo na hindi natin basta-basta mauunawa ang mga ito dahil malayo ang agwat ng pag-iisip natin kumpara sa Dios (Isa 55:8-9) kaya inaalaala Niya tayo (Ps 103:14) kaya sa Kanyang pagtuturo gumamit siya ng mga literal example na maiintindihan natin.
Ang pagkakamali ng mga INC gaya rin ng pagkakamali ng mga Judio nililiteral nila ang mga pananalitang espiritual ni Bro. Eli kaya lumilitaw na absurd sa kanila.
A A D
utol_1616@yahoo.com
Ang Dating Daan ni Eli Soriano (AAD)
Former Ang Dating Daan member (ni Eli Soriano)
Ang Akweng Daan Video Clips ni Eli Soriano
Ang Dating Daan Blogspot.com - Mga Kontradiksyon ni Eli Soriano
Cybro
Mga Tuligsa ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan
Mga Tinig Sa Ilang
Ang Dating Daan Webring ni Eli Soriano
Mga Tinig sa Ilang.Blogspot.com
angdatingdaanwebring.0catch.com
angdatingdaanwebring.angelfire.com Mga Tinig Sa Ilang.Tripod.com Ang Akweng Daan - Mga Aral at Duktrina ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan Ang Dating Daan Webring (geocities) Ang Dating Daan at mga Kasinungalingan Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano - geocities
"At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)

Eli Soriano: "..in as much as man is a part of the animal kingdom." |
| | Author | Reply |  Forum Owner (Login utol) Forum Owner | Inilagay ko narin po dito itong SAGOT ni bro. Aaron.No score for this post | February 24 2005, 2:40 PM |
Ka Aaron
(Login Aquaman_surf)
Re: Ayan mga dalahira akala niyo tinakasan ko na to!!!!!
No score for this post
February 24 2005, 2:09 PM
KUNG SUSUNDIN
NATIN ANG LAHAT NG SAGOT MO GINJI, AY LALABAS NA MAGSUSUWAGAN ANG MGA SITAS SA
BIBLIA. HINDI GANUN ANG BIBLIA GIN. BASAHIN MO ANG JOHN 4:24:
JOHN 4:24 God [is] a Spirit: and they that worship him must worship
[him] in spirit and in truth.
ANG DIYOS AY ESPIRITU GIN, WALANG LAMAN AT MGA BUTO GAYA NG IPINUPUNTOS
MO. ANG MGA SITAS NA ITO SA BIBLIA (PSA 9:7, PSA 47:8) NA NANGANGAHULUGAN LAMANG
NG PAMUMUNO NG AMA SA MGA BANSA.
PANSININ MO ANG MGA NILAGAY MONG QUOTE NI SORIANO DITO:
SORIANO: "At sinabi ng Dios, lalangin natin ang tao sa ating
larawan ayon sa ating wangis. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kanyang
sariling larawan ayon sa larawan ng Dios nilalang 'nya. Nilalang niya sila na
lalake at babae. O, kung ikaw naniniwalang nilalang ka sa larawan ng Dios,
kung me' puwet ka tatanggapin mong me' puwet ang Dios"
PINAGPAPAUNA KO NA SA IYO NA ITO AY MALI. ANG TAO AY MAY LAMAN AT MGA
BUTO HINDI GAYA NG DIYOS NA ESPIRITU, WALANG LAMAN AT MGA BUTO. ANG QUOTE NA
SUMUNOD NI SORIANO AY HINDI NIYA BINANGGIT SA KANIYANG PAKIKIPAGDEBATE KAY
JEFFREY DEL MUNDO. ITO AY SA MAGKAIBANG PAGKAKATAON. DITO KAYO NADADAYA NI
SORIANO. PAIBA-IBA SIYA NG SAGOT SA IBAT-IBANG PAGKAKATAON. BASA GIN:
SORIANO: "Kapatid ganito 'yan eh, hindi naman ang ibig sabihin
nilalang tayo sa larawan at wangis ng Dios eh eksakto na tayong 'yong ating
physical being eh 'yon ang being ng Dios 'yung hitsura natin 'yan ang hitsura ng
Dios. HINDI NAMAN PO LITERAL 'YONG SALITANG "WANGIS" AT "LARAWAN" NG DIOS
EH. HINDI IBIG SABIHIN, LAHAT NG MAKIKITA MO SA TAO, EH MAYROON ANG DIOS. Ibig
mong sabihin ang Dios ay may sex organ? Ganoon ba ang ibig nating sabihin dahil
sa nilalang tayo sa wangis ng Dios? At ang ibig mo bang sabihin ang sex organ ng
Dios ay dalawa, isang lalake at isang babae? Ay, napaka-maling interpretasyon
noon."
SORIANO: "Pero hindi ibig sabihin, sa langit eh may upuan ang
Dios, eh ibig sabihin may puwet na ang Dios. Hindi po...hindi po ganon ang
Biblia kapatid."
KINONTRA NIYA ANG KANIYANG UNANG PAHAYAG NA ANG DIYOS AY MAY PUWIT.
DITO SA PAGKAKATAONG ITO AY SINABI NAMAN NIYA NA HINDI RAW LITERAL NA MAY PUWIT
ANG DIYOS. ANO BA TALAGA? MAY PUWIT BA O WALA? KAILANMAN ANG BIBLIA AY HINDI
MAGSUSUWAGAN PARA LAMANG MAITAMA ANG PAHAYAG NG PUNO MO. AMININ NIYA NA
NAGKAMALI SIYA NG KANIYANG IPAHAYAG NA ANG DIYOS AY MAY PUWIT. GANON KASIMPLE!
HINDI YUNG PAIBA-IBA SIYA NG PALIWANAG AT SAGOT SA IBAT-IBANG PAGKAKATAON. KUHA
MO GIN?
SAGUTIN MO PA YUNG IBANG MGA TANUNG KO TUNGKOL SA MGA ARAL NYO AT BAKA
MALIWANAGAN AKO. SAAN MABABASA NA NAGCOCCUS COCCUS ANG AMA, ANAK AT ESPIRITU
SANTO SA LANGIT? SAAN GINJI? Eli Soriano: "Ngayon, kung sasabihin 'nyo meron din akong mali eh di' i-expose 'nyo rin, ipakita ninyo. I'm ready to face anybody" (audio/video)
|
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| Ka Aaron (Login Aquaman_surf) | Re: Inilagay ko narin po dito itong SAGOT ni bro. Aaron.No score for this post | February 24 2005, 4:28 PM |
Salamat po bro.AAD! Sana mabasa kaagad ni Gin ang ating sagot.
|
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| AAD (Login A.A.D.) CYBR0 | Re: Sagot ni GINJI na kaanib sa Ang Dating ni Eli Soriano sa isyu na...MAY PWET ANG DIOS.....No score for this post | February 25 2005, 7:20 AM |
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| | Current Topic - Sagot ni GINJI na kaanib sa Ang Dating ni Eli Soriano sa isyu na...MAY PWET ANG DIOS..... | | Respond to this message |
| |
|
|