| "May punong pangkalahatan na gustong dagukan, bahain, tamaan ng kidlat..." MeigonNovember 21 2005 at 6:39 PM No score for this post | AAD (Login A.A.D.) CYBR0 |
| Meigon: "May punong pangkalahatan na gustong dagukan, bahain, tamaan ng kidlat at kulog ang mga inaakay na manggagawa."
Meigon, iyang narinig mong iyan na sinabi ng Tagapamahalang pangkalahatan ay isang bahagi lamang ng kanyang sinabi sa lektura na naganap noong 1976 sa klase ng mga Ministro at Manggagawa, noong Hunyo 1, 1976.
Iyan ang ikinikintal sa inyo ni Ginoong Eli Soriano upang lumabas na masama ang aming Tagapamahalang Pangkalahatan, pero ang di' ninyo alam ay iyong diwa o nilalaman ng lektura na nakapaloob na sinabi ni kapatid na Erdie na siya namang di' ipinarinig sa inyo.
Heto, napilitan na naman akong pagtyagaan na gawin ito upang malaman mo 'yung diwa na nakapaloob sa sinabi ng ka Erdie, naaawa kasi ako sayo eh, heto...
http://www.geocities.com/angdatingdaan2_org/lekturaEGM1976.htm
http://www.geocities.com/angdatingdaan2_org/lekturaEGM1976.htm
Marianito Cayao, Jr.: (Former Ang Dating Daan District Servant) "Ang laman ng lektura ng Tagapamahalang Pangkalahatan, Iglesia ni Cristo noong 1976. Ito 'yon...ang bahagi na hindi ipinaririnig ni Eliseo Soriano. Pinutol ni Eliseo Soriano upang maiparating na ang Tagapamahalang Pangkalahatan ay mabagsik...hindi po 'yan ang katotohanan. 'Eto po, pakinggan ninyo...ang buong katotohanan, ang nilalaman ng lektura ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC noong 1976..."
Kapatid na
Eraño G. Manalo
Tagapamahalang Pangkalahatan
(sa klase ng mga Ministro at Manggagawa, Hunyo 1, 1976)

"Kaya hilingin natin sa Dios, sa ating muling pananalangin na sana'y mabuksan ang ating pag-iisip. 'Wag ninyong tanggapin ang mga salitang ito na paris ng salitang kapagdaramdam ang sabi nga ni Pablo. Tanggapin sana ninyo na ang mga salitang 'yan, siyang kailangan natin, siyang gamot sa matinding sakit na maa-aring pumatay sa atin at sa iglesia. Pagkatapos hilingin nating tayo'y kasangkapanin ng Dios para ito'y makarating sa lahat ng kaliit-liitang manggagawa. At hinihiling ko sa Dios, 'yung mga manggagawang tapat lalo na iyong mga manggagawang ginugugol ang buhay nila sa paglalakbay para makarating sa destino, at ang kanilang buhay ay talagang nakahandog na sa Dios!...Iyon ay pagpalain. Pagpalain ng Dios kung hindi ko man sila nakikita, kung hindi ko man nasiyasat ang kanilang mga kalagayan ...sa dami nga ng nagkatabun-tabong mga ulat, pero ang Dios... hinihiling ko sa kanya...itindig 'nya ang mga tapat na manggagawa. Basbasan 'nya, palakasin 'nya! Kung hindi man maging sagana sa buhay na ito't maaring ikahiwalay pa 'nya, makatapos manlang siya ng takbuhin...ang iglesia'y madala 'nyang karapat-dapat..."
"Pero gusto kong maging saksi ang mga kapatid nating buhay ngayon, lalo na ang mga...nakakita ng hirap at sakit ng sugo at 'tsaka ng iglesia na... hindi natin kukunsintihin ang ganitong masamang gawa. Puputulin natin 'yan, sukdulang walang mai-sugo ako sa pag-samba. Hihilingin ko sa Dios na siya ang gumawa ng paraan... pero hindi ko papayagan na kaylanpaman at pagkatapos ng pulong na ito ay maka...silip ako ng isa pang katiwalian, hindi ako papayag na hindi putulin 'yon...Pero sa paghahangad ko mga kapatid na...mabuhay pa kayo, maitayo pa kayo, magamot pa 'yan... kaya ako nagsalita ng buong tindi sa klaseng ito..."
http://www.geocities.com/angdatingdaan2_org/lekturaEGM1976.htm
http://www.geocities.com/angdatingdaan2_org/lekturaEGM1976.htm
A A D
utol_1616@yahoo.com
Ang Dating Daan ni Eli Soriano (AAD)
Former Ang Dating Daan member (ni Eli Soriano)
Ang Akweng Daan Video Clips ni Eli Soriano
Ang Dating Daan Blogspot.com - Mga Kontradiksyon ni Eli Soriano
Cybro
Mga Tuligsa ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan
Mga Tinig Sa Ilang
Ang Dating Daan Webring ni Eli Soriano
Mga Tinig sa Ilang.Blogspot.com
angdatingdaanwebring.0catch.com
angdatingdaanwebring.angelfire.com Mga Tinig Sa Ilang.Tripod.com Ang Akweng Daan - Mga Aral at Duktrina ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan Ang Dating Daan Webring (geocities) Ang Dating Daan at mga Kasinungalingan Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano - geocities Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano - ang dating daan webring3 "At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)

Eli Soriano: "..in as much as man is a part of the animal kingdom." |
| | Author | Reply |  i3answer (Login i3answer) CYBRO | Re: "May punong pangkalahatan na gustong dagukan, bahain, tamaan ng kidlat..." MeigonNo score for this post | November 21 2005, 7:18 PM |
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| Meigon (Login Meigon) | Di n'yo po nakuha ang punto e!No score for this post | November 25 2005, 12:25 PM |
A.A.D. wrote: Meigon, iyang narinig mong iyan na sinabi ng Tagapamahalang pangkalahatan ay isang bahagi lamang ng kanyang sinabi sa lektura na naganap noong 1976 sa klase ng mga Ministro at Manggagawa, noong Hunyo 1, 1976.
Iyan ang ikinikintal sa inyo ni Ginoong Eli Soriano upang lumabas na masama ang aming Tagapamahalang Pangkalahatan, pero ang di' ninyo alam ay iyong diwa o nilalaman ng lektura na nakapaloob na sinabi ni kapatid na Erdie na siya namang di' ipinarinig sa inyo.
Heto, napilitan na naman akong pagtyagaan na gawin ito upang malaman mo 'yung diwa na nakapaloob sa sinabi ng ka Erdie, naaawa kasi ako sayo eh, heto...
Hindi n'yo po nakuha ang punto ko e! Ang ipinupunto ko po ay kung bakit gusto ni Gno. Eraño Manalo na dagukan, tamaan ng kidlat at kulog, bahain para malipol ang mga inaakay n'ya. Kahit 1976 pa 'yan ang point d'yan e lumabas sa bibig n'ya ang nilalaman ng budhi n'ya. 'Yan po ba ang espirito ni Gno. Eraño Manalo? Gustong masaktan at malipol ang mga inaakay n'ya? 'Di po ba dapat ituwid po n'ya ang landas ng mga ito imbis na gustuhing masaktan at malipol? |
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| limbas (Login limbas) | Re: Di n'yo po nakuha ang punto e!No score for this post | November 25 2005, 1:53 PM |
meigon wrote:
point d'yan e lumabas sa bibig n'ya ang nilalaman ng budhi n'ya
My reply:
Bakit Meigon, nasisiyasat mo ba ang budhi ng tao upang masabi mo iyan? Oh ang budhi mo mismo ang masama kaya pinipilipit mo ang diwa ng sinasabi ng ka erdie?
Meigon wrote:
Hindi n'yo po nakuha ang punto ko e! Ang ipinupunto ko po ay kung bakit gusto ni Gno. Eraño Manalo na dagukan, tamaan ng kidlat at kulog, bahain para malipol ang mga inaakay n'ya.
My reply:
Hindi mo nakuha ang punto ng ka erdie eh.. kase nakapako ang tingin mo doon sa kanyang mga sinabi na iyon.. kaya hindi mo nakuha nag punto kung bakit niya sinabi iyon... andun sa mismong lektura ng ka erdie and rason and i quote:
"'Wag ninyong tanggapin ang mga salitang ito na paris ng salitang kapagdaramdam ang sabi nga ni Pablo. Tanggapin sana ninyo na ang mga salitang 'yan, siyang kailangan natin, siyang gamot sa matinding sakit na maa-aring pumatay sa atin at sa iglesia."
Ano po ang layunin ng ka erdie kaya sha nagbitiw ng ganung salita? upang maging gamot sa matinding sakit na maaring pumatay sa iglesia... hindi po ang layunin niya ay gaya ng inyong sinasabi na..
meigon wrote:
"Gustong masaktan at malipol ang mga inaakay n'ya? 'Di po ba dapat ituwid po n'ya ang landas ng mga ito imbis na gustuhing masaktan at malipol?"
Kung gusto ng ka erdie na malipol sila gaya ng inyong tuligsa.. eh bakit gusto pa niyang magamot ang iglesia?
Ikaw ang nagbigay ng maling pakahulugan sa sinabi ng ka erdie gayong sa dulo ng kanyang lektura maliwanang na nakasaad ang layunin kung bakit niya iyon sinabi...
at kung gusto niyang malipol ang mga inaakay niya gaya ng gusto ninyong palabasin (katunayan na hindi malinis ang budhi mo sa panunuligsa) bakit sinabi pa niya na...
"hinihiling ko sa Dios, 'yung mga manggagawang tapat lalo na iyong mga manggagawang ginugugol ang buhay nila sa paglalakbay para makarating sa destino, at ang kanilang buhay ay talagang nakahandog na sa Dios!...Iyon ay pagpalain.
Nakapagsalita sha ng boong tindi, sa kagustuhan nya na masaktan sila, maramdaman nila na anumang katiwalian na babangon sa iglesia ay di niya kukunsintihin... gaya ng magulang na kailangang paluin ang kanyang anak, upang ito ay maituwid... ganun po katindi ang pagmamalasakit ng ka erdie sa kapakanan ng iglesia, at hindi gaya ng gusto ninyong palabasin na gusto niyang malipol ang kanyang mga inaakay...
Sa dulo po ng lektura ng ka erdie andoon ang pagmamalasakit... ang kagustuhang maituwid ang anomang mali na nakikita niya sa iglesia, sapagkat atas ng kanyang tungkulin na maihatid ang iglesia na sakdal at walang dungis sa Dios at kay Cristo....
Kaya nga po matapos ang lekturang iyan ng ka erdie, tignan ninyo, saan na nakarating ang iglesia ngayon.... kitang kita ang parada ng tagumpay na ipinag kaka loob ng Dios sa iglesia... hayag sa iglesia ang mga gawa ng Dios... kung sa tao po lamang ang iglesia, sa dami ninyong umusig at nagsalita laban dito bakit hanggang sa ngayon nananatili sha sa kanyang kaningningan.. nananatiling nagtatagumpay ang iglesia... kung sa tao lamang ang iglesia dapat noon pa ito ay kusa ng nabuwal...
Ngayon po... paghambingin ninyo, mula noong 1976 hanggang sa kasalukuyan, nasaan na po ang iglesiang kinabibilangan ninyo g. meigon? |
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| AAD (Login A.A.D.) CYBR0 | Re: "May punong pangkalahatan na gustong dagukan, bahain, tamaan ng kidlat..." MeigonNo score for this post | November 25 2005, 4:56 PM |
Meigon, eksakto ang isinagot sayo ni ka limbas. Iyan ang iyong pinutol at di' ipinarinig nila sa inyo upang lumabas na masama ang ka Erdie.
Tanong Meigon, me' resulta ba iyong ginawang lecture ni ka Erdie sa kapulungan ng mga ministro at mga manggagawa? Nagamot ba iyong sakit na bumabangon noon sa INC?
Ano ang naging bunga ng lecture ni ka Erdie? Ito ba'y nakasama sa kabuuan ng iglesia? O ibinigay ng Dios iyong panalangin ni ka Erdie na...
" pero ang Dios...hinihiling ko sa kanya...itindig 'nya ang mga tapat na manggagawa. Basbasan 'nya, palakasin 'nya! Kung hindi man maging sagana sa buhay na ito't maaring ikahiwalay pa 'nya, makatapos manlang siya ng takbuhin...ang iglesia'y madala 'nyang karapat-dapat..."
Heto ang naging resulta Meigon ng lektura ng ka Erdie noong 1976. At ang magpapatunay sayo ay ang dati mo pang kapatid sa Ang Dating Daan na si bro. Anchito Villadolid, heto ang kanyang sinabi...
basa!
 Bro. Anchito Villadolid Former Ang Dating Daan Member
Anchito Villadolid: (Law Graduate, former Ang Dating Daan member) "Tungkol naman po sa pinaririnig ninyo na pananalita ng Tagapangasiwa Pangkalahatan...ang ka Erdie Manalo, kung saan 'sya ang nagkaroon ng lecture sa kanyang mga manggagawa na ang sabi pa nga 'nya sa lecture na 'yon ay...hindi siya papayag na pagkatapos ng lecture na 'yon o pagpupulong na 'yon ay makakakita pa 'sya ng mga gumagawa...gumagawa ng mga katiwalian bagkus puputulin niya iyon! Iyan po ang isensya...the essence of what brother Eraño Manalo's message. Kaylan sinalita iyan ng Tagapangasiwa Pangkalahatan? It was 1976. Magkaroon tayo ng pananaw mula rito sa 1976...tignan natin hanggang 2005. Ano ba ang resulta...sa pananalita na 'yon? 'yun ba ay nakasira? Bagkus 'yon ay nagpasimula. Tignan natin. Ito po ang sagot sa inyong paulit-ulit, walang katapusan na pagpaparinig sa sinabi na 'yaon ng Tagapangasiwang Pangkalahatan...kasi sa tingin ko wala kayong comprehension eh. Hindi na talaga ninyo maintindihan 'yung salita na 'yon! Hindi ninyo talaga maintindihan iyong lecture na iyon na binitiwan ng ka Erdie. Paulit-ulit, paulit-ulit! Na...pare-pareho lang naman! Di' ba sabi, little knowledge is dangerous? Kaya hindi ninyo maintindihan 'yan because wala kayong stack knowledge eh, mababaw ang stack knowledge ninyo! Kaya lang nagmamarunong-runungan kayo, wala naman kayong ibubuga sa kaalaman..."
"Pero dito kay ka Erdie ang tinitignan mo, iyong paulit-ulit na paulit-ulit...pinapalalabas mong masama ang Tagapamahalang Pangkalahatan...Balik tayo, tignan natin, from 1975...sumabay ka sa akin, titignan natin...up to 2005, ilang taon 'yan, 'eto po...ito po ay hindi pa ditalyado...summary lang po ito...Ano ang naging resulta ng lecture...'yung ipinaririnig ninyong lecture ni ka Erdie sa kapulungan ng mga ministro 'nung June 1976?...Anong naging resulta ka Magdaraog?
No. 1, Lumaganap ang INC sa iba't-ibang panig ng daigdig. Saan ang INC ngayon? Sa Africa!...Meron. South America, mayron'. Australia and Hosenia, mayron'. Central America, Caribean, Europa, North America, Asia. Nandon' ang INC. Pangawala, Nagkaroon ng mga religious program sa iba't - ibang dako ng daigdig. Ang religious program ay dinadala sa pamamagitan ng radio television at cable TV. Pangatlo, nagkaroon ng New Era niversity...binabatikos mo ang New Era University...ka Marcos, graduate ka ba ng New Era o...ewan ko...kick out ba? Hindi naman siguro...pero, nagkaroon ng New Era University...at saka hindi mo ba alam ka Magdaraog ang New Era University mayroon ng mga branches? Mayroon ng branches sa Lipa Batangas? San Fernando? Diyan, malapit sa inyo sa Apalit, around 14 kilometers away. Baka gusto mong mag-enroll 'dyan?...General Santos City sa Cotabato...iyan po ang branches ng New Era University. Narinig mo ba? Nag-publish ba? ba? Nagpahayag ba? Nag-advertise ba? Hindi. Kasi, uulitin ko sayo, ang mga INC ay hindi ho flamboyant ito! Hindi ho pasikatero. Hindi katulad ninyo...nagkakabit palang kayo ng antenna, pinapalabas na ninyo sa mga kapatid...mga kapatid, we are on international broadcast. Eh pumunta ako sa lugar na 'yan eh, kung saan-saan kong inabot eh...almost 75% of the world napuntahan ko...wala naman akong nakita roon mga lokal ninyo eh, kaya nga iyan ang nakapag-tibay sa akin bumitiw...sa Ang Dating Daan. Ano pa ang naging bunga na 'yan? Ang naging resulta, nagkaroon ng New Era General Hospital...kita 'nyo merong hospital. Ano pa?...Nagkaroon ng mga housing project...Dasmariñas Cavite, Nueva Ecija, marami pa pong iba ang naging resulta sa lecture na 'yan. Ngayon, pinapalabas ninyo parang...ang dating ninyo, masama...ang mga ministro ng INC ayon mismo sa bibig ng Tagapangasiwa Pangkalahatan, di' ba malaking kasalanan 'yan? Pag-isipan po ninyo 'yan. Hindi po...wala na ho sa subay...o sa anyo ninyo ang taong dinadala o nagdadala ng balita ng Dios. Ang mga puso ninyo puro na...inggit,...himagsik...wala na po..."
http://www.geocities.com/angdatingdaan2_org/naging_resultaEGM1976.htm
http://www.geocities.com/angdatingdaan2_org/naging_resultaEGM1976.htm
http://www.geocities.com/angdatingdaan2_org/naging_resultaEGM1976.htm
A A D
utol_1616@yahoo.com
Ang Dating Daan ni Eli Soriano (AAD)
Former Ang Dating Daan member (ni Eli Soriano)
Ang Akweng Daan Video Clips ni Eli Soriano
Ang Dating Daan Blogspot.com - Mga Kontradiksyon ni Eli Soriano
Cybro
Mga Tuligsa ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan
Mga Tinig Sa Ilang
Ang Dating Daan Webring ni Eli Soriano
Mga Tinig sa Ilang.Blogspot.com
angdatingdaanwebring.0catch.com
angdatingdaanwebring.angelfire.com Mga Tinig Sa Ilang.Tripod.com Ang Akweng Daan - Mga Aral at Duktrina ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan Ang Dating Daan Webring (geocities) Ang Dating Daan at mga Kasinungalingan Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano - geocities Former Ang Dating Daan ni Eli Soriano - ang dating daan webring3 "At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy: at ang iba'y inyong kahabagan na may takot..." (Tadeo 1:23)

Eli Soriano: "..in as much as man is a part of the animal kingdom." |
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| Jim (Login Jimsky) | Meigon sana matauhan ka sa pahayag ni dati mong kapatid!No score for this post | November 26 2005, 3:47 AM |
Si Bro. Anchito Villadolid, Law graduate, at nakarating na sa ibat ibang bansa.
Sorry Meiogon ha, nasa INC na siya ngayon dahil dati siyang bulag ay nakakita na siya ngayon.
Hindi katulad sa sinasabi mong dati kang bulag ngunit hanggang ngayon ay bulag ka pa rin.
Ikaw Meigon, anong natapos mo? nakarating ka na ba sa ibat ibang bansa? Bakit nilalait mo ang pagkatao ni Bro. Anchito Villadolid? Bakit patuloy mong nilalait ang natuklasan ni Bro. Anchito Villadolid na niloloko lang siya ni Eli Soriano noon sa paulit-ulit na pagpaparinig ng boses ni Ka Erdie?
Ganoon ba kababaw ang pag-iisip mo Meigon?
Sana naman magising ka na ng totoo, magsuri ka ng totoo!
Pag-aralan mo ang sinasabi ng dati mong kapatid na si Bro. Anchito Villadolid, kahit igalang mo na lang yong edad niya at narating niya sa kanyang buhay.
Yon ang pag-isipan mo ng mabuti Bro. Meigon! | |
| Scoring disabled. You must be logged in to score posts. | |
| | Current Topic - "May punong pangkalahatan na gustong dagukan, bahain, tamaan ng kidlat..." Meigon | | Respond to this message |
| |
|
|