Ang tao, bago makapagsagawa ng tamang paglilingkod sa tunay na Dios, ang banal na kasulatan ay nagturo ng mga mahahalagang bagay na 'tunay' o 'totoo' na dapat malaman at kilalanin ng tao, sapagkat sa kabila nito ay mayroong mga 'hindi tunay' o 'huwad' na makapagliligaw sa tao sa wastong paglilingkod sa Dios, ito ay ang mga sumusunod.
1. Ang tunay at hindi tunay na Dios.
Tunay na Dios (Juan 17:1,3); Hindi tunay na dios o mga diosdiosan (I corinto 8:4-7; Isaias 37:19MBB)
2. Ang tunay at hindi tunay na mangangaral.
Tunay na tagapangaral (I Tim 2:7); Bulaang mangangaral (II Tes. 2:9-12)
3. Ang tunay at hindi tunay na evanghelio.
Ang salita ng Dios ay katotohanan (Juan 17:17); Aral ng tao (Mateo 15:9, Tito 1:14)
Upang makarating ang tao sa wastong paglilingkod ay pinag-iingat na lumayo sa mga diosdiosan, sa mga bulaang mangangaral at sa ibang evanghelio o mga aral na katha lamang ng tao.
Hindi usapin sa kaligtasan ang pagkilala sa tunay o hindi tunay na tao, o sa tunay at hindi tunay na hayop, halaman at iba pang mga bagay. Hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga tao, hayop at halaman na binanggit sa biblia ay mga hindi tunay, sapagkat walang mababasang salitang 'tunay' na nakakapit sa mga ito. Ang pagkilala sa mga ito bilang 'tunay' o 'hindi tunay' ay walang gaanong mahalagang kinalaman sa paglilingkod, kaya wala ring mababasa sa banal na kasulatan na ang mga lingkod ng Dios ay pinag-iingat na lumayo sa mga 'hindi tunay na tao' o 'tau-tauhan', o maging 'hindi tunay na hayop', at iba pang 'hindi tunay' na mga bagay.
Gayon din, sa pagkilala sa tunay na kalagayan ni Cristo. Ang katunayang ipinakilala niya ang kaniyang sarili na siya ay tao (Juan 8:40), at ng mga apostol (I Tim 2:5) ay nangangahulugan lamang na siya ay tunay na tao sa kalagayan, hindi siya hayop at hindi siya Dios - siya ay totoong tao. Hindi dapat isipin ng sinoman na dahil walang mababasa sa biblia na si 'Cristo ay tunay na tao', nangangahulugang hindi siya tunay na tao. Sapagkat kung susundan natin ang argumentong ito, lalabas na ang ating Panginoong Jesus ay 'hindi tunay na lalaki' sapagkat ang mababasa lamang sa biblia ay ang salitang 'lalaki' O, ang mga apostol ba ay hindi tunay na tao sapagkat walang mababasang sila'y 'tunay na tao'?
Ang pagpapakilala ni Cristo na ang AMA lamang ang IISANG TUNAY NA DIOS (Juan 17:1,3) ay malinaw na katunayang si Cristo ay 'hindi tunay na Dios', sapagkat hindi siya ang Ama kundi siya ay Anak.
"BUkH oFF!, KaniCkZ iN D' HaUZ!"
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Ang Katotohanang Si Cristo ay Tunay na Tao sa Kalagayan
No score for this post
January 31 2006, 3:49 PM
[si Cristo talaga ay tunay na tao..sino ba ang maysabing hindi?]
Tao nga! Tao sa likas na kalagayan. Taong hindi nagkasala (I Ped. 2:21-22; Roma 5:12) Pinadakila ng Diyos para maging Tagapagligtas (Gawa 5:31). Ginawang Panginoon at Cristo (Gawa 2:36). Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao (I Tim. 2:5)
heto sagutin moko wakoko hanapin mo sa bibliya na ipinakilala ni Cristo na siya ay Diyos at hindi tao.
Maganda to wakoko sige pag-usapan natin ang nature ni Cristo.
heto ang tema ng usapan natin:
Si Cristo ay Diyos sa likas na kalagayan
by wakoko
VS
Si Cristo ay Tao sa likas na kalagayan by Romano
ayos ba wakoko? okay go!
ps. baka gusto mo magbukas ng new thread para dito.
Re: Ang Katotohanang Si Cristo ay Tunay na Tao sa Kalagayan
No score for this post
February 1 2006, 6:31 AM
Paka-isahan po ninyo ang inyong gagawin debate at kung gagawa po kayo ng thread ukol dito ay amin pong pagkaka-isahan ng kasama ko dito sa ADMIN na i-delete ang bawat masusumpungan na sasali sa inyong usapan.
Eli Soriano: "Ngayon, kung sasabihin 'nyo meron din akong mali eh di' i-expose 'nyo rin, ipakita ninyo. I'm ready to face anybody" (audio/video)
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Ang Katotohanang Si Cristo ay Tunay na Tao sa Kalagayan
No score for this post
February 6 2006, 8:56 PM
Hi Wakoko,
Since I was the one who started the issue, pwede ba akong magtanong sa 'yo? I hope we will make our discussion clear & fair.
1. Naniniwala ka bang Tunay na Dios din ang ating Panginoong Jesucristo? Bakit at saang talata? (kung meron)
2. Hindi ba na mababasa letra por letra na sinabi ni Cristong siya ay TAO (Jn 8:40)? Kung ipinakilala niyang deretsu na siya ay tao, bakit hindi niya tinuro ng deretsu na siya ay Tunay na Dios kung alam din niya na ang pagkilala sa Tunay na Dios ay sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan (Jn 17:1,3)? Hindi ba bilang isang tagapagligtas dapat ituro niya ito?
Salamat.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Ang Katotohanang Si Cristo ay Tunay na Tao sa Kalagayan
No score for this post
February 14 2006, 6:11 PM
o bakit nwala nnmn po si wakoko? nakakatawa na talaga ang mga ADD dahil everytime na feeling nila ay matatalo na sila...nagsisitakbuhan na lahat...maganda po itong mga tema ninyo dito mga kapaitd...matagal tagal ko na rin itong sinusubaybayan...keep up d good work mga kapatid....keep spreading the true words of GOD and our LORD JESUS CHRIST....à bientôt...
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Ang Katotohanang Si Cristo ay Tunay na Tao sa Kalagayan
No score for this post
February 14 2006, 6:32 PM
[o bakit nwala nnmn po si wakoko? nakakatawa na talaga ang mga ADD dahil everytime na feeling nila ay matatalo na sila...nagsisitakbuhan na lahat...maganda po itong mga tema ninyo dito mga kapaitd...matagal tagal ko na rin itong sinusubaybayan...keep up d good work mga kapatid....keep spreading the true words of GOD and our LORD JESUS CHRIST....à bientôt...]
Bro/Sis hindi po ADD si Mr. wakoko.
Anyways, welcome po sa forum! God bless
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....