amurao wrote: PAGBALIK NI ELISEO SORIANO GALING SA IBANG BANSA, SALUBUNGIN PO NATIN SYA SA AIRPORT!
Mga kapatid ako na pong bahala sa sasakyan(free service), kape at mani. Kayo na po ang bahala sa carpet at pailaw. at sabay-sabay nating batiin si eliseo soriano ng "REST IN PEACE!!!" hehe
-amurao
Satanas, anong paki-alam namin sa'yo?! Tuloy-tuloy ang gawain namin para sa karangalan ng Dios na aming pinaglilingkuran. Kahit dagdagan mo pa nang dagdagan ang mga alagad mo upang manggulo sa amin, patuloy na mangangaral si Brod Eli at sasagot sa katanungan ng maraming tao sa awa at tulong ng Dios.
Alam naman namin ang masamang espirito ng anak mong si amurao sa pagsulat n'ya ng mga katagang mababasa sa itaas. Mag beso-beso nalang kayo sa dagat-dagatang apoy kung 'di magbabago ang masamang ugali n'yang si amurao.
Forum owner, i3answer, Romano Dee, kumusta? Ito ba ang mga kaalyado n'yo.
amurao, sige ituloy mo lang ang diwa mong masama kung gusto mong masabi rin sa sarili mo ang mga salitang nabanggit ni Puto sa kanyang sarili. Ang mga salitang "para akong lumumdag sa Impyerno ng mabilisan". Bahala ka tutal pinapipili tayo ng Dios sa dalawang daan. Ang daan ng mabuti o daan ng masama. Datapwat piliin mo ang daan ng mabuti (I also suggest). Kaaway ka amurao (I beleive) pero pag-ibig ko sa iyo 'yan na natutunan ko kay Brod Eli buhat sa Dios
Mga kapatid ko sa ADD, wag n'yo na pong patulan ang mga ito. Pinagdilim na ng dios ng sanglibutan ang isip ng mga 'yan. Ako'y naniniwala na ang mga naghahanap talaga ng kaligtasan sa samahan nila ay hindi masesegundahan o maka-aagree sa masamang espiritong nakapaloob sa mga katagang binitiwan ni amurao. Ang mga kataga pong ito ay pagdedeklara narin nila ng pagkatalo nila sa aral at gawain dahil sa 'di nila maipalabas yung puno nilang si Eraño Manalo para humarap sa debate, mangaral, at sumagot sa mga tanong ng mga taong naguguluhan, gusto nalang nilang mamahinga na si Brod Eli. Isa-isip po natin palagi na kung kanino at saan ba natin natutunang mahalin ang kaaway (wag gawan ng bold-comics at wag ipalusob sa mga suicide bomber), magpahinuhod (wag gulpihin ang mga kaibayo sa pananampalataya), magpasalamat na palagi sa Dios (mabuting bagay na 'di kayang gawin ng INC), sumama sa Bible Exposition (na kinaiingitan ng INC dahil 'di nila magawa), at iba pang kabutihan? 'Di ba sa Dios sa pamamagitan ng ating mga mangangaral. Tandaan nalang natin, kung Dios ang kasama natin, bakit tayo matatakot? Anong magagawa sa atin ang tao? Patuloy ang gawain hanggang sa maipalaganap ang banal na salita ng Dios sa buong mundo. To God be the Glory!
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
According to Meigon:
"Tandaan nalang natin, kung Dios ang kasama natin, bakit tayo matatakot? Anong magagawa sa atin ang tao? Patuloy ang gawain hanggang sa maipalaganap ang banal na salita ng Dios sa buong mundo." To God be the Glory!
According to Soriano:
"Hahamunin ko lahat ng lider ng relihiyon, at ang mapatunayang nanloloko ay putulan ng ulo, unang-una akong papuputol ng ulo..."
According to INC:
"Call!! saan at kailan?
According to Soriano:
"Eh hindi naman Iglesia ang hinahamon ko eh..."
Angel
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Meigon wrote:
"Tandaan nalang natin, kung Dios ang kasama natin, bakit tayo matatakot? Anong magagawa sa atin ang tao? Patuloy ang gawain hanggang sa maipalaganap ang banal na salita ng Dios sa buong mundo." To God be the Glory!
Hindi yata ganyan ang pagpapaliwanag ni Soriano dyan. Ganito kasi ang narinig kong pahayag niya ukol dito e:
"Anong magagawa sa akin tao? Eh tao lang kayo eh, kasama ko Dios PATI AKO DIOS NA RIN EH!"
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Bro. Meigon,
bakit naman po nagkakalat kayo sa forum ng mga kalaban natin?
please bro. meigon bigyan ninyo ng kahihiyan ang ANG DATING DAAN, hindi tayo tinuruan ni bro. eli soriano na magmura, at hindi niya pinapayagan na murahin natin ang ating mga kaaway. Dakila ang turo ng kapatid na soriano - HINDI NIYA TAYO TINUTURUAN NA MAPOOT KAHIT KANINUMAN.
Bakit kayo lumilihis sa dakila at banal na turo ng kapatid na soriano?
HINDI BA lagi nating naririnig sa kapatid na soriano ang pagpapakumbaba, ang kaniyang malumanay na pagtuturo, at ang kaniyang pagsaway sa atin na huwag magmumura sa sinuman na kumakalaban sa atin.
Ganyan ang turo ng kapatid na soriano na tunay na sugo ng diyos.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ito talagang si Meigon oo, mahilig mag-hugas ng kamay! Iyang si amurao ay ngayon ko lang napansin iyang pangalan na iyan dito eh tapos pinatulan mo kaagad! Hehehe! Kawawa ka naman! Pinag-titiyagaan mo iyang taong bago lang yata dito sa forum!
Ang hilig mong maghugas ng kamay eh, tumingin ka muna sa paligid mo!, halimbawa nalang iyong nang - edit ng pics ni ka Felix at hindi lang basta inedit ito ng basta lang, kundi ito'y may kahalong kahalayan sa pag-edit?
"kung si eranyo ba ang papatayin e di masaya."
siya naman ngtu2ro ng mali eh.
O paano na ito? Ang mga ito'y regular dito sa forum na mga kapatid mo sa 'Ang Dating Daan' ni ginoong Eliseo Soriano!
Kaya pwede ba Meigon, wag' kang plastik! Pwede mo sigurong sabihin iyan sa ibang forum pero dito eh hindi pwede dahil recorded ang kasalaulaan ng mga kapatid mo! Hindi ko naman nilalahat, baka sabihin mo naman na nilalahat ko eh at babanat ka na naman ng paawa epeks! Iyong iba lang!
Ang asikasuhin mo iyong mga nakabinbin sayong mga threads na iniwanan mo!
bakit ang napapansin kong mga tagapagtanggol ng ating kapatirang Ang Dating Daan sa forum na ito ay parang mga kulang sa sapat na pag-iisip?
bigyan naman ninyo ng kahihiyan ang ating Iglesia, tapos ganyan tayong kabilis na gumamit ng Biblia para i-apply sa ating mga kaibayo sa pananampalataya.
Sana husayan natin ang pakikipagtalo sa kanila para maging credible tayo sa harapan ng mga kalaban ng Ang Dating Daan.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Current Topic - Satanas, anong paki-alam namin sa'yo?!
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....