Dear Bro. Eli Soriano,
Alam mo nagpapasalamat ako sa iyo, dahilan sa iyong programang ANG DATING DAAN - sa loob ng ng mahigit dalawang dekada na minaliit mo at nilapastangan ang Iglesia Ni Cristo dahilan sa iyong paniniwala na ikaw ay isang tao na mayroong labis na katalinuhan...
Ngayon nakita ng sambayanang Pilipino na mahigit na 500 na mga kontra-kontrang aral ang iyong pinagsasabi sa telebisyon at radyo - mga kontra-kontra na hindi mo na kayang sagutin.
Ano di nagmukha kang katatawanan ng sagutin ng IGlesia Ni Cristo ang iyong mga kahangalan at itambad nila sa iyong pagmumukha ang iyong kayabangan at kasinungalingan.
Alam mo Bro. Eli, natatawa ako sa iyo, ng sagutin ng Iglesia Ni Cristo ang iyong mga paninira maraming nanood at maraming nakaalam sa mga aral ng Iglesia Ni Cristo - lalo na ang aral ng pagkakaroon ng isa lamang na kalagayan ni Cristo.
Sa totoo lang Bro. eli, matanda na ako, nakita ko na ang maraming kumalaban sa Iglesia Ni Cristo noon pa mang aking kabataan at sa bawat paglabas nila, sinusundan lamang ito ng kanilang pagkawala at nauuwi sa malakas ng IGlesia Ni Cristo.
Ano ang katunayan na higit na naging malakas ang Iglesia Ni Cristo pagkatapos mong magladlad ng mga kahinaan ng isipan sa iyong programang ANG DATING DAAN? Alam mo ba, na nitong nakaraang linggo ay naging aktibo ang simbahang katoliko para sa kanilang Mass Media Campaign para ipagtanggol ang kanilang mga dogma - dahilan sa nakikita nila ang mga aral ng Iglesia Ni Cristo. Kaya napansin mo ba na mayroon na silang TV Maria.
Soriano, sana magtagal ka pa ng pangangaral para maraming maaliw na mga Pilipino sa iyong mga pinagsasabi.
Teka bakit ba sa states, mukhang hindi ka na nangangaral - maraming naghihintay sa iyo doon na gustong magtanong. Ang balita ko, minomonitor ka ng mga INC sa lokal na pupuntahan mo para sa iyong gawain at marami silang itatanong - may dala pa nga yata yong iba na mga camera.
SAKA LILINAWIN KO LANG SORIANO - HINDI ANG IGLESIA NI CRISTO ANG NANGOPYA NG PANGALAN SA PROGRAMA MO - DAHILAN SA ANG PROGRAMA MO AY ANG DATING DAAN - sana malaman mo soriano na noon pa mang 1969 ang Iglesia Ni Cristo ay mayroon ng programa sa radio na ANG DAAN NG BUHAY na pinangangasiwaan ni Ka Teofilo Ramos - iyong General Evangelist na ayon sa iyong labis na kahambugan ay nakalaban mo ng debate na hindi mo naman mailabas ang video.
Boying Liwanag
