"TI TITA FEYIKS ay tama..waya siyang mayi...tiya na an tugo...ummmm...antalap ng gatat...ummmm....antalap....tita feyiks....antayino mo....ummmm...antalap ng dede.....gatat mama...inom pa ato ng gatat...."
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Para sa kabatiran ni Mr. Bakla at sa may kahalintulad na maling paniniwala, walang katuturan yang video na pinakita nya. Hindi yan angkop ukol sa tunay na pagtuturo ng Biblia ukol sa Banal na Hapunan na syang sinusunod sa Iglesia ni Cristo.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Itong tuligsang ito ni Eli Soriano ukol sa sta cena na datirati ay napaka-sigla nila rito sa pagtuligsa pero ng patulan na itong isyung ito ng ATD eh nakakatawang bumalandara sa mga pagmumukha ni ginoong Eli Soriano at sa kanyang mga alipores, kaya mapapansin 'nyo na itong si INM na ni hindi nilagyan ng kumento itong inilagay niyang ito dahil sa pagkumento nila ay hindi nila pwedeng hindi masagasaan ang paninindigan ni Eli Soriano ukol sa isyung ito, pruweba?
Tanong, sa Ang Dating Daan ba ni Eli Soriano eh merong isinasagawang sta cena sa umaga? O banal na hapunan sa umaga? Eh di' ang dapat eh si Eli Soriano na ang sumagot para wala nang lusot ang mga alipores ni Eli Soriano, heto...
basa!
Eli Soriano: "Kaya ho, tanong 'nyo mayron' ba kaming Sta. Cena? MAYROON. Naghahati-hati ho kami ng tinapay. Pagka ho araw ng Linggo. May kapirasong tinapay para sa akin, para sa kaniya, para sa binata, para sa dalaga, para sa may-asawa, para sa ministro. 'Yun ho kasing TINAPAY ARAL 'YUN. Simboliko ng aral 'yun. Saka 'YUNG INUMIN, ARAL ho 'yun. Kaya dito tuwing Linggo, tuwing prayer meeting, may hati-hati kaming tinapay."
Baka sabihin ng mga alipores ni ginoong Eli Soriano na wala namang sinabing umaga diyan sa sinabi ni Eli Soriano, kaya...
tanong, meron bang ginagawang paghahati-hati o pagpuputol-putol ng tinapay sa umaga ang Ang Dating Daan ni ginoong Eli Soriano? O kaya ang pinaka-malinaw na tanong eh kaylan ba nila isinasagawa iyong pagpuputol-putol ng tinapay?
Para wala na namang lusot eh si Eli Soriano na naman ang ating pasagutin...
basa!
Eli Soriano: “Tanong ‘nya eh: kayo ba nagpuputol-putol din sa umaga? Eh ano naman ang masama kung magpuputol – putol tayo sa umaga, diba ano!? Kaya lang hindi santa cena ang tawag natin doon, oo! Santa almusal ‘yon” (tawanan)
Samakatuwid, aminado ang puno ng Ang Dating Daan na sila rin mismo ay nagpuputol-putol ng tinapay sa umaga! Pero ano ang palusot ni Eli Soriano ukol sa kanilang ginagawang pagpuputol-putol ng tinapay sa umaga upang mapagtakpan at di' bumalik sa kanila iyong pagtuligsa nila na sa kanilang termino nga ay...
"hapunan sa umaga"?
Ano raw iyong ginagawa nilang pagpuputol-putol ng tinapay sa umaga?
Pasok Eli Soriano!
Eli Soriano: "Kaya lang hindi santa cena ang tawag natin doon, oo! Santa almusal ‘yon”
Pero wag' po nating kalilimutan iyong kanyang pag-amin na...
Eli Soriano: "Kaya ho, tanong 'nyo mayron' ba kaming Sta. Cena? MAYROON.
Samakatuwid, ayon din mismo kay Eli Soriano eh lumalabas na...
1.meron silang sta cena
2.pagputol-putol ng tinapay sa umaga
3.sta almusal
4.sta cena at sta almusal ay pareho lamang
5.o kaya ay meron silang sta cena na sta almusal sa umaga at sta cena sa hapon
kung ang sta cena ay siya ring banal na hapunan at kung ang banal na hapunan ay siya ring sta cena at kung ang sta almusal ay siya ring banal na hapunan eh ano po kaya ang maitatawag dito ng mga taga-Ang Dating Daan ni Eli Soriano?
Wala na talaga, pati ito ay tinakasan narin ni INM!
Tanong uli INM, meron bang ginagawang sta. cena sa umaga ang...
'Ang Dating Daan' ni Eli Soriano?
basa!
Eli Soriano: "Kaya ho, tanong 'nyo mayron' ba kaming Sta. Cena? MAYROON. Naghahati-hati ho kami ng tinapay. Pagka ho araw ng Linggo. May kapirasong tinapay para sa akin, para sa kaniya, para sa binata, para sa dalaga, para sa may-asawa, para sa ministro. 'Yun ho kasing TINAPAY ARAL 'YUN. Simboliko ng aral 'yun. Saka 'YUNG INUMIN, ARAL ho 'yun. Kaya dito tuwing Linggo, tuwing prayer meeting, may hati-hati kaming tinapay."
Maliwanag pa sa sikat ng araw sa sinabing ito ni Eli Soriano na...
1.meron silang sta cena
2.meron silang pagha-hati-hati ng tinapay
3.ginagawa nila ito tuwing may prayer meeting.
Samakatuwid eh pagka-may prayer meeting sila ay nagsasagawa sila ng pagpuputol -putol ng tinapay na ito na nga ang sta cena,...
tanong...
meron ba silang prayer meeting sa umaga?
basa!
Eli Soriano: "Eh 'nung bandang huli merong mga kapatid di' makarating ng Miyerkules dahil sa trabaho. Iyong iba naman di' pwedeng magsabay 'yung mag-asawa, humingi sila ng extention. Sana maglagay din ng Huwebes, maglagay tayo ng Huwebes. Sa Maynila nga me' prayer meeting ng madaling araw eh, kasi 'yung mga nagtratrabaho sa mga opisina kulang sila sa panahon gusto nila bago sila pumasok may Miyerkules ng madaling araw, Huwebes ng madaling araw nagpre-prayer meeting na sila, maginhawa sa kanilang pakiramdam. Alas kwatro nagpre-prayer meeting sa Muños"
O paano na ito?
Ngayon, meron bang maglalakas loob sa ADD na kantiin ang nagdudumilat na katotohanan ito?
Anonymous
(Login mcgi_tyrone)
58.69.55.207
may pinapalabas ka i3answer
No score for this post July 23 2006, 9:09 AM
Pinapalabas mo i3answer na tumutulad kami sa inyong grupo na nag babanal na hapunan sa umaga.
Sagot:
Hindi namin pinalalabas na nagbabanal na hapunan kayo sa umaga kundi ito'y ayon sa kinalabasan ng sinabi ni ginoong Eli Soriano!
Dahil ayon narin kay ginoong Eli Soriano na...
1.meron kayong sta cena
2.nagpuputol kayo ng tinapay
3.ginagawa ito tuwing prayer meeting
Ayon din kay Eli Soriano na...
nagpre-prayer meeting kayo sa umaga, kaya...
a.)nagsasagawa rin kayo ng sta cena
b.)nagpuputol-putol kayo ng tinapay na ito nga ang sta cena
c.)may madaling araw na prayer meeting ang ADD na isinasagawa
Eh sa coordinating center ninyo sa quiapo ay maliwanag na kundi ako nagkakamali ay mayroon kayong isinasagawang 8am na prayer meeting! Di' ninyo maipagkakaila iyan dahil nakalagay iyan sa labas ng cooridanting center ninyo!
Hehehe, baka ipalusot na...
Eh wala namang nakalagay na umaga eh kundi 8am! Hehehe!
Aral ng Dios pa rin nga ang kinakain namin sa aming mga pag kakatipon pero ibang occasion naman ang banal na hapunan namin kaysa sa tatlong pag kakatipon na iyon.
Eh marunong pa pala itong batang ito sa puno nila eh! Eh maliwanag ang sabi ni ginoong Eli Soriano na ito'y sta cena eh!...
basa!
Eli Soriano: "Kaya ho, tanong 'nyo mayron' ba kaming Sta. Cena? MAYROON. Naghahati-hati ho kami ng tinapay. Pagka ho araw ng Linggo. May kapirasong tinapay para sa akin, para sa kaniya, para sa binata, para sa dalaga, para sa may-asawa, para sa ministro. 'Yun ho kasing TINAPAY ARAL 'YUN. Simboliko ng aral 'yun. Saka 'YUNG INUMIN, ARAL ho 'yun. Kaya dito tuwing Linggo, tuwing prayer meeting, may hati-hati kaming tinapay."
O paano na ito? Eh maliwanag pa sa sikat ng araw itong sinabing ito ng sugo ng Ang Dating Daan ni si Eli Soriano eh!
Ang sabi ni Eli Soriano na...
meron daw silang santa cena.
Q.Anong meron sa sta cena?
Eli Soriano: Naghahati-hati ho kami ng tinapay
Q.kaylan nila isinasagawa ito?
Eli Soriano: tuwing prayer meeting
Q.anong meron kapagka may prayer meeting?
Eli Soriano: may hati-hati kaming tinapay
Pero iba naman ang stand ni mcgi_tyrone na kaanib sa Ang Dating Daan ni ginoong Eli Soriano kaysa sa sinasabi ni ginoong Eli Soriano, ang sabi ni mcgi_tyrone na...
mcgi_tyrone: "Kaya hindi mo ma-icoconsider na banal na hapunan un sa umaga"
Maliwanag na magka-iba ang paninindigan ni Eli Soriano kaysa sa stand ni mcgi_tyrone!
May balak pa yatang palitan nitong si mcgi_tyrone si ginoong Eli Soriano!
At alam po ba ninyo na alam ni mcgi_tyrone na mababaw ang kanyang palusot kaya alam niyang di' uubra ang kanyang palusot ukol sa isyung ito dahil nga kapag ipinagpilitan niya ang kanyang stand o paniniwala ay sasagasaiin niya o susuwagin niya ang stand o pangangatwiran ni ginong Eli Soriano, kung kaya't ang nasabi nalang niya sa hulihan ng kanyang pangungusap na...
mcgi_tyrone:at isa pa halata naman mangled tape yan ehh... at galing yan sa panig nyo... kala mo i3answer matatangay ako dyan... hindi mo ako matatangay dyan...
Ehem! Paki-labas nga ang ebidensya ninyo na mangled nga iyang sinabing iyan ni ginoong Eli Soriano! Tsk, tsk, tsk...makapalusot lang!
Meron lang akong napansin sa sta cena na sinasabi ni Soriano. Naghahati-hati raw sila ng tinapay. Bakit wala yata yung katas ng ubas. Dati tinutuligsa niya yung mga Paring Katoliko dahil nagpapakain lang daw pero hindi nagpapainom. Siya rin pala yung tinapay lang din ang pinakakain.hehehe
============
Ang Dios ng mga ADD:
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
KAYA NANG ISUBO NI CRISTO KAY HUDAS YUNG TINAPAY(ARAL DAW ITO)PUMASOK
SA SATANAS KAY HUDAS......KUNDI BA NAMAN SANTAMBAK NA MGA BOBO YAN!!!!
ISINUBO NA NI CRISTO YUNG ARAL,PINASOK PA NI SATANAS?!!!!!!
PAG DIKA NGA NAMAN MAWALAN NG BAIT SA MGA ARAL NA IYAN NI BAKLA!NAKU!!!!!
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
KAYA NANG ISUBO NI CRISTO KAY HUDAS YUNG TINAPAY(ARAL DAW ITO)PUMASOK
SA SATANAS KAY HUDAS......KUNDI BA NAMAN SANTAMBAK NA MGA BOBO YAN!!!!
ISINUBO NA NI CRISTO YUNG ARAL,PINASOK PA NI SATANAS?!!!!!!
PAG DIKA NGA NAMAN MAWALAN NG BAIT SA MGA ARAL NA IYAN NI BAKLA!NAKU!!!!!
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Anonymous
(Login mcgi_tyrone)
58.69.55.207
may pinapalabas ka i3answer
No score for this post July 23 2006, 9:09 AM
"Aral ng Dios pa rin nga ang kinakain namin sa aming mga pag kakatipon pero ibang occasion naman ang banal na hapunan namin kaysa sa tatlong pag kakatipon na iyon. Kaya hindi mo ma-icoconsider na banal na hapunan un sa umaga"
Dito sa sinabing ito ni Tyrone eh lumalabas na di' sila kumakain ng literal ng pagkain sa kanilang...
banal na almusal na hapunan sa umaga...
Hehehe, iyan kasi ang lumalabas sa kanila mismong termino!
Balik ulit sa isyu, tanong, wala nga kaya? Wala nga kaya silang literal na pagkain sa kanilang...
banal na almusal na hapunan sa umaga?...
Itong sanang sasabihin kong eh nirereserba ko sana kay Meigon sa aming thread na ito...
Anonymous
(Login mcgi_tyrone)
58.69.55.207
may pinapalabas ka i3answer
No score for this post July 23 2006, 9:09 AM
"Aral ng Dios pa rin nga ang kinakain namin sa aming mga pag kakatipon pero ibang occasion naman ang banal na hapunan namin kaysa sa tatlong pag kakatipon na iyon. Kaya hindi mo ma-icoconsider na banal na hapunan un sa umaga"
Gusto ko lang na bigyan din ng kumento ang tungkol sa sinabi ni Tyrone na aral daw ng Dios ang kinakain nila sa kanilang pagkakatipon kaya lumalabas na wala silang literal na pagkain sa sta cena o sa banal na hapunan.
Bakit kaya ganito nalang ang tanggi ng mga kaanib sa Ang Dating Daan ni ginoong Eli Soriano na wala silang literal na pagbabanal na hapunan? Ano ba ang isa sa tinitindigang aral ng puno nilang si ginoong Eli Soriano patungkol sa sta cena? Teka, bakit ko ba nasabing isa sa tinitindigang aral tungkol sa sta cena? Dahil nga sa ibang pagkakataon ay iba na naman ang inyong maririnig sa kanya.
Balik ulit sa isyu,...
ano ang isa sa tinitindigan ni Eli Soriano patungkol sa sta cena?
basa!
Eli Soriano: (puno ng Ang Dating Daan) "Eh matagal ko nang sinabi 'yan na 'iyan ay mali eh! Iyang pag...iyang pag-aano...pag...sa-sta cena na paraan ng mga religion ngayon. Unang-una, iyan ay ginaganap nilang literal ano? Physical. Eh meroong ispiritual na implikasyon 'yan sa turo ng ating Panginoon. Kung babasahin natin 'yung buong kapitulo 13 ng aklat ng Juan, makikita natin iyong naganap sa sta cena eh hindi pu-puwedeng pakahulugang literally sa ating panahon..."(audio/video)
Tandaan lang po ninyo na ang sabi ni Eli Soriano na ang sta cena na naganap ay di kuno pupuwedeng pakahulugang literally sa ating panahon.
Sa pagtuturo naman ni Willy Santiago na isa sa MIC sa Ang Dating Daan ay ganito ang kanyang sinabi patungkol naman sa saro...
Don Manolo: "Kung para sa iyo ay espirituwal ang tinapay, eh papaano naman 'yung saro na ininuman?
Willy Santiago: (MIC sa Ang Dating Daan) Ehespirituwal din po Don Manolo, ano po. Gayon din naman po 'yung saro na dapat na mainuman Don Manolo."(audio/video)
Samakatuwid, lumalabas na ang isa sa kanilang tinitindigan ukol sa sta cena ay espirituwal iyong kanilang ginagawa na sta cena, pero ang tanong, ano ba ang isinagawang sta cena o pagbabanal na hapunan ng ating panginoong Jesucristo, literal ba iyong isinagawang pagbabanal na hapunan ng Panginoong Jesucristo o hindi literal na pagbabanal na hapunan?
Heto po ang pag-amin ni Eli Soriano...
basa!
Eli Soriano: "Kasi noong unang ituro ni Cristo 'yan, nagkaroon sila ng literal na pagba-banal na hapunan eh, pero wala nang makikita kang sumunod 'dun na literal." (audio/video)
O paano na ito Tyrone, INM? Hindi ba't maliwanag itong pangungumpisal ni ginoong Eli Soriano na...
Eli Soriano: "noong unang ituro ni Cristo 'yan, nagkaroon sila ng literal na pagba-banal na hapunan eh"
"wala nang makikita kang sumunod 'dun na literal" - Eli Soriano
No score for this post
July 31 2006, 2:34 PM
Eli Soriano: "Kasi noong unang ituro ni Cristo 'yan, nagkaroon sila ng literal na pagba-banal na hapunan eh, pero wala nang makikita kang sumunod 'dun na literal."
Crispy Perez: (Former Ang Dating Daan Member) Iba itong sinasabi 'nya ngayon tungkol sa banal na hapunan kaysa sa ipinarinig natin kanina. Kanina ang sabi 'nya symbolical iyong ginawa ni Cristo and it can be performed spiritually
Marianito Cayao, Jr.: (Former Ang Dating Daan District Servant) Pagkatapos meron din siyang pahayag mga kaibigan:..."kung babasahin natin iyong naganap na sta cena eh hindi pupuwedeng pakahulugang literally sa ating panahon". Pero tiyak nagpapalusot po siya tulad ng ating narinig na wala na raw makikitang sumunod na literal na pagkatapos na ginawa ng ating panginoong Jesucristo. Kasi meron siyang...me' masamang implikasyon eh. Ano po ang masamang implikasyon mga kaibigan kung paniniwalaan natin siya sa kanyang sinabi? Ikaw kapatid na Richer?
Richer Guinto: (Former Ang Dating Daan Church Worker) Eh kung tatanggapin po natin na wala nang sumunod na pagbabanal na hapunan o literal na pagbabanal na hapunan na pagkatapos ng ginawa ng ating Panginoong Jesucristo noong kasalo 'nya ang mga alagad o ang mga apostol, lilitaw na po...lilitaw po na ang mga apostol ay hindi pala natuto sa itinuro ng ating Panginoong Jesucristo! Eh si Soriano mismong nagsabi na nuong unang ituro ng ating Panginoong Jesucristo ang sta cena ay nagkaroon sila ng literal na pagbabanal na hapunan. Ang sabi niya:...
Eli Soriano: "Kasi noong unang ituro ni Cristo 'yan, nagkaroon sila ng literal na pagba-banal na hapunan eh, pero wala nang makikita kang sumunod 'dun na literal."
Moises Ventura: (Former Ang Dating Daan Church Worker) Ano po ang katunayan na hindi siya nagsasabi ng totoo ng sabihing wala na raw makikitang sumunod na literal na pagbabanal na hapunan pagkatapos ng ginawa ng ating Panginoong Jesucristo
Marianito Cayao, Jr.: Kapatid na Moises at mga mahal naming taga-subaybay, hindi ba maliwanag sinabi ni apostol Pablo...sa Unang Corinto po onse beinte-tres hanggang beinte-sais (I Cor. 11:23-26) na ang tinanggap 'nya sa ating Panginoong Jesucristo ho, 'yun din ang ibinigay 'nya sa iglesia. Ang Panginoon Jesucristo ay nagpakain, ano? Nagpakain at nagpa-inom kaya iyon din ang ibinigay ni apostol Pablo sa iglesia. Kaya nagsinungaling po si Soriano sa pagsasabing wala na raw makikitang sumunod na literal na pagbabanal na hapunan pagkatapos ng ginawa ng ating Panginoong Jesucristo..." (audio/video)
Sariling thread na ginawa ni INM ni di' magawang kantiin! Tsk, tsk, tsk!
INM,
Heto pa ang isang isyu patungkol sa sta cena na ang sabi ni ginoong Willy Santiago na pinagkamalian daw kuno ng mga unang Cristyano sa Corinto ang pagsasagawa ng sta cena sa paraang literal...
basa!
Willy Santiago: (MIC sa Ang Dating Daan) "Eh 'yon nga po ang ating stand dito po sa aral ng Biblia tungkol nga po rito sa pagba-Banal na Hapunan. Na ang atin pong stand dito Don Manolo, ito po kung Biblia po ang tatanungin, hindi naman po ito dapat na ihulog sa literal Don Manolo. At 'yan nga po'y pinagkamalian na ng mga unang Cristiano, sinasabi po sa I Cor. 11:22 patuloy na sa akala po ng mga taga-Corinto eh 'yon eh dapat na isagawa sa paraang literal." (audio/video) http://www.network54.com/Forum/261121/thread/1155427130/last-1155427130/
Tyrone, INM, payag ba kayo na iyong unang Cristyano na taga-Corinto ay nagkamali sa pagsasagawa ng literal na pagsa-sta cena?
Tyrone, INM, heto ba iyong pinagkamalian ng mga taga-Corinto?
basa!
Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakainan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
I Mga Taga-Corinto 11:22
Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
I Mga Taga-Corinto 11:23
At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
I Mga Taga-Corinto 11:24
At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
I Mga Taga-Corinto 11:25
Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
I Mga Taga-Corinto 11:26
Ang Dating Biblia
Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
I Mga Taga-Corinto 11:27
Datapuwa’t siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
I Mga Taga-Corinto 11:28
Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
I Mga Taga-Corinto 11:29
Ang Dating Biblia
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....