ANG KALAGAYAN NG DIYOS
maraming tao ang umiibig sa Diyos, ngunit hindi ayon sa itinuturo ng biblia, bagkus ay ayon sa gusto nila. Gumawa sila ng ibat-ibang uri ng diyos at maging ang Panginoong Jesus ay ginawa nilang Diyos.
Sa biblia ay malinaw na itinuturo kung sino talaga ang tunay na diyos na dapat sampalatayanan at sambahin ng mga tao, kagaya ng mga sumusunod:
Juan 4:24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
Lukas 24:39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
Awit 115:3 Nguni’t ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
Awit 115:4 Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
Awit 115:5 Sila’y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
Awit 115:6 Sila’y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
Awit 115:7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
Angel_09
|