bibig yan ko kayo ng 3 days mag botohan kung IN or OUT na ako sa forum ninyo...
hindi ko naman ipag sisiksikan ang sarili ko dito eh... para hindi na kayo mahirapan iban ako, kusang loob na akong aalis...
nais kolang ipaalam sainyo mga INC etong Kulangot na nag bibigay sainyo ng sakit ng ulo ay produkto ni i3answer sa kanyang pambabastos na ginawa saakin nung bago palang ako!!!
ako ay isang taong nag susuri na inakusahan at insulted by your bretheren, they know who they are.
last posting ko na ito!!!
reagrds,
Kulangot Ang Dating Daan
This message has been edited by i3answer on Sep 18, 2006 7:50 AM
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
"nais kolang ipaalam sainyo mga INC etong Kulangot na nag bibigay sainyo ng sakit ng ulo ay produkto ni i3answer sa kanyang pambabastos na ginawa saakin nung bago palang ako!!!
ako ay isang taong nag susuri na inakusahan at insulted by your bretheren, they know who they are.
last posting ko na ito!!!" KULANG OT
Eto and advice ko sa iyo kulangot:
Huwag kang magagalitin sa iyong kalooban: sapagka't ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang. (Ecclesiastes 7:9)
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Kulangot,
Walang pumipigil sayo sa magiging pasya mo at di' karin namin pinapaalis dito sa forum. Kung meron ka mang naging pagdaramdam ng aming kapatid na si i3answer eh kami na ang humingi ng dispensa.
Ako bilang nangunguna ng forum na ito ay kailangan kong pangalagaan ang diwa ng forum na ito at kung kinakailangan na talagang di' ko na mapaki-usapan ang isang narito sa forum ay gumagawa na ako ng hakbang pero hindi ibig sabihin na ibaban ka na namin dito ng matagalan kundi ito'y para lang ipaalam na kailangan sumunod naman ang isang panauhin namin dito sa forum sa hinihingi naming kaayusan.
Eli Soriano: "Ngayon, kung sasabihin 'nyo meron din akong mali eh di' i-expose 'nyo rin, ipakita ninyo. I'm ready to face anybody" (audio/video)
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Mr Kulangot,wag ka munang umalis sa forum kailangan ka pa namin dito.Nais lang naman namin na tulungan ka sa mga problema m sa pananampalataya mo.kung nagkasala man ang kapatid namin sa iyo.kami na ang humihingi ng dispensa sa iyo.Pacnsya kana kung may pagkukulang man kami.Nais lang talaga namin na maiwasto ang mga maling aral na itinuturo ng Liderninyo na si Eli Soriano.Kung hindi ka na namin mapipigilan na umalis sa forum wla kaming magagawa.Sana may natutunan ka sa amin dito sa forum na ito.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Mas maganda wag kang umalis Kulangot. Ipagpatuloy mo ang laban. Bakit, wala ka na bang bala? Maghanap ka, responsibilidad mo yan. Ipakita mo ang mga original scanned docs mo patungkol d'yan sa mga bintang mong kontrahan sa babasahing Pasugo, saka natin pag-usapan. Pag wala kang naipakita at basta ka na lang umalis dito, malaking kahihiyan yan dahil lumalabas isa kang bintangero. Ngayon, kung magtutumigas ka pa rin subalit pupukol ka naman ng mga panibagong issue pero di mo nere-resulba ang responsibilidad mong maglabas ng mga original scanned copy na buhat sa babasahing Pasugo, magiging katawa-tawa ka lang at talagang magmumukha kang payaso dito.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ako ayaw ko na umalis ka sa forum na ito. Pero sana mr. kulangot ang ating pag-usapan ay yaong mapapakinabangan natin. Iwasan na lang sana natin ang walang katotorang asaran lamang.
Kung ang layunin mo ay ang manira at mang-asar hindi namin masisisi ang mga kapatid sa forum na ito na gantihan ka ng pang-aasar. pero kung ang layunin mo ay makaunawa at maliwanag buong puso ka namin sasagutin sa abot ng aming makakaya.
Salamat po.
Job 22:15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
nais kolang ipaalam sainyo mga INC etong Kulangot na nag bibigay sainyo ng sakit ng ulo ay produkto ni i3answer sa kanyang pambabastos na ginawa saakin nung bago palang ako!!!
Mahilig din pala sa baligtaran itong si kulangot, walang pinagkaiba sa idolo niyang si Eli Soriano.
Ikaw ang unang nanuligsa dito kulangot! At hindi mo pwedeng i-deny yan dahil alam na alam yan ng mga matagal nang sumusubaybay sa forum na ito.
Kung sa bagay, hindi nakapagtataka yan dahil si Eli Soriano mismo, pinaparatangan ang INC na diumano'y siyang unang nanuligsa sa Ang Dating Daan, samantalang mahigit 20 taon ang ginagawang pagtuligsa ni Eli Soriano sa INC since early 80's.
This message has been edited by i3answer on Sep 18, 2006 9:42 AM
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
mr kulangot hindi na po namin kailangan na pagbotohan pa kung aalis ka o hindi. malaya kang umalis kung gusto mo. tutal sabi mo di mo ipinagsisiksikan ang sarili mo sa forum na ito, e. ang gusto lang ng mga kapatid namin sa pananampalataya e matuto kang sumunod sa rules, ng sa gayon ay maayos ang lahat!
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Well, 'di ka namin pinipigilan mag post. Hiling lang namin maging malinis ang intention mo dito, at maging magalang ka'ng kausap. Unti-unti kasi, nagiging parang Edchin Jr. ka! Tignan mo nalang mga past entries ni edchin at makikita mo ibig ko'ng sabihin. Right now, I say NO to banning you at this moment.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ipopost ko lang dito yung sinulat ko dati para sa iyo sa kabilang forum. Sana ay unawain mo.
Isinulat mo:
"FYI hindi tayo mag kaibigan... wala akong kaibigan na maaskad ang ugali remember that Bro. ako pumapasok ako sa forum "
"religious forum para manuri at maintindihan ang mga bagay sa biblia kung ako ay merong katanungan, ako ay nag tatanong at pilit ko rin inaalam kung tama ba ang aking mga natutunan saaking pagbabasa ng biblia, hindi ako pumasok para makipag paligsaahan sa nalalaman at mas lalong hindi ako pumasok para lamang ALIPUSTAHIN ng kung sinong tao"
"KUNG AKO MAN AY NAGIGING MA ASKAD ANG UGALI ITO AY SA DAHILANG MAASKAD DIN ANG AKING NAKAKAUSAP."
Kung nagkaroon man ng hindi magandang comments ang mga kapatid ko o naging "maaskad" sa pagsagot sa yo, ako na ang humihingi ng paumanhin. Sabi mo nga sa sagot mo sa isang thread sa kabila "tao lang na nagkakamali". Kung hindi ako nagkakamali, eto ang unang post mo sa kabilang forum:
"PALIBHASSA KASI KAYO KULANG SA ARAL NAKA FOCUS KAYO KUNG ANO LANG ITINUTURO SA INYO PURO PA EDITED VERSION. HEHEHE"
"MAS NAKAKAAWA KA(BONJING)PANAY SIDE COMMENTS MO WALANG SUBSTANCE MANAHIMIK KA NALANG HEHEHE."
"BASA BA DIAPER MO? KAYA KA NGAWA NGA NGAWA? HEHEHE WALA KANAMAN ALAM MANAHIMIK KA NALANG."
"GUSTO MO CAMPOY NA KULANGOT? HEHEHE BIBIGYAN KITA HEHEHE."
"BRO. EDCHIN
TALAGANG MATIGAS MGA KUKOTE NIYAN. PARANG KABAYONG MERON TAPAOHO SA ULO HEHEHE."
Ipagpapaubaya ko na sayo kung ano ang tingin mo sa magiging dating ng post mo sa mga kapatid ko. Hindi ko jina-justify ang naging tugon nila sayo. Kung mapapansin mo iba akong makipag-usap. Hindi ako naging "maaskad" kahit kailan sa mga sagot ko sayo sa kabilang forum. Alam mo din kung paano magpost ang mga kaanib sa ADD katulad ni INM. Lalo na kung inabutan mo pa si Bong Santos (aka Freedom.com). Hindi mo pwedeng sabihing nasa panig lang namin ang mga nagpopost ng "maaskad" dahil madami akong maipe-paste dito kung gusto mo.
Sa isyu naman ng pagiging ma-epal, naisulat ko na sa kabila na hindi kaepalan ang pagpopost sa forum kung wala namang diretsong instruction na hindi pwedeng magpost ang iba. Tulad din naman nung una kang nagpost sa kabila. Though hindi ikaw ang kausap doon nung nagpost ka, wala ni isa man ang nagsabing Umepal ka, di ba?
Ang sa akin lang ay Be Fair. Alam ko at obvious naman na pumapanig ka ngayon sa ADD bagamat ang sabi mo ay nagsusuri ka pa lamang. Ituring mo din akong nagsusuri lamang sa ADD. Kung alam mong mali ang aral namin, ipakita mo. Sabihin mo sa amin ang mga maling aral namin. Pero bigyan mo din kami ng pagkakataong sumagot. Malay mo hindi pa pala sapat ang mga nalalaman mo tungkol sa amin. Baka iisang panig pa lang ang nariringgan mo ukol sa mga isyu tungkol sa amin.
Gusto ko sanang malaman kung ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mong, "alam mo ba na sa simula palamang kasalanan na ang pinag mulan ng INC alam mo ba yun?"
Isinulat mo: "meron kamalian sa turo ng ADD at meron ding kama ian sa turo ng INC aminin mo man o hindi pero yan ang tutoo."
Kung ang isang samahang pang-relihiyon ay may maling turo, mali na agad ang buong samahan. Naniniwala ako dyan, at iyan din ang sabi ni G. Eliseo Soriano. Kung para sa iyo may maling turo sa ADD, bakit patuloy ka pa ding nagsusuri dito? Gaya ng nasabi ko na kanina, paki-pahayag ang mga sa tingin mo ay maling turo ng INC at pag-usapan natin.
Salamat.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ang sabi mo ay nagsusuri ka sa INC. Iba ang nagsusuri sa ang pakay lamang ay mang-atake. Ang nagsusuri ay tumatanggap ng paliwanag at hindi sinasarhan ang isip sa gusto lamang nyang mabasang paliwanag. Ang nagsusuri ay tinitingnan lahat ng anggulo at hindi nakatingin lamang sa isang panig.
Aminado ka din sa dati mong post na may mga nasumpungan ka ding mali sa aral ng ADD. Pero ang pinagtataka ko lang ay ni isang beses hindi mo sila tinanong kung bakit ganun. Ni hindi mo sila magawang atakihin gaya ng ginagawa mo sa amin.
Bakit napakalaki yata ng galit mo sa aming pananampalataya? Nagsusuri ka nga ba?
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Kaya lang sumunod ka sa admin/owner ng forum tungkol sa rules. Hindi lang naman ikaw ang dinidisiplina pagdating sa postings. Pati ako binubura yung mga posts kong out-of-topic, kaya wag ka magdamdam kapag ipinapatupad sa atin ang rules.
Malaya ka naman magposts ng mga isyus na gusto mo talakayain at pag-usapan kaya lamang ay pinaiiwas tayo sa thread flooding lalo't malayo sa diwa ng forum ang flooded threads.
Salamat po sa inyong pang-unawa.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
marahil siguro nag tataka yung operator na nag ban saakin dito kung bakit pa ako nakaka access dito sa forum ninyo!!!
siguro naman hindi ko na kailangan na ulitin pa sainyo kung ano ang thread na ito, o gusto ninyong ulitin ko dahin sa hindi kayo marunong umintindi!!!
para naman malinaw uulitin ko narin!!!
eto
IN or OUT lang ang dapat isagot no other side comments para matapos na ito meron pa kayong 2 days.
para sa iyo nakngtupa.
alam ko naging mahinahon ka saiyong pakikipag usap saakin pag pasensiyahan mo kung minsan nagiging maaskad ang aking pananalita sa dahilang ito ay bunga ng pang iinsulto at kabastusan ng iyong kapatin (no need to mention their names alam nila kung sino sila).at pinatawad ko na sila.
kaya nga ako lumipat sa kabilang forum sa dahilang hindi naman ako pumasok sa forum ninyo para mang gulo lang. pumasok ako sa dahilang naiskong matuto... oo nag babasa ako ng biblia pero hindi sapat na mag basa lang ako ng biblia kailangan makipag interact din ako sa ibang tao para malaman ko kung ano ba ang kahulugan ng aking binabasa lalo na pag hindi ko naiintindihan kung ano ang kahulugan sa mga verses ng biblia...
ano matutunan ko dito sa forum ninyo?
1. mang hamak ng tao!
2. babuyin ang namumuno!
3. siraan ang ibang tao!
4. mag salita ng mga karumal dumal na words!
5. manghusga!
6. manlait!
hindi lahat ng iyan ay sa inyo ko sinasabi, yan ang mga matutunan mo rito sa forum ninyo...
kagaya ko na nag susuri naalala ko pa ng 1st time akong pumasok dito... nag search ako sa yahoo about sa Ang Dating Daan. lumitaw itong forum ninyo...
bakit dating daan ang hinanap ko sa yahoo search kasi pinapanuod ko ang programa nila sa TV pati ang programa ng INC na ATD... nagulat ako akala ko religious forum yum pala puro batuhan ng kung ano ano... ganyan ba talaga kayo?
pag pasensiyahan ninyo ako mga INC pero mas merong logic ang turo ni Bro. Eli... mas disappointed pa ako dun sa mga video na ineedit ng ATD...
katoliko ako, nalaman kong maraming mali sa katoliko ng mag simula akong mag basa ng biblia, so ano ba ang dapat kong gawin presently umaatend ako ng BS dito sa mga BA. "hindi ako converted na BA umaatend lang ako ng BS" katoliko parin ako...
nakakatuwa nga eh.. kahapon meron akong na kausap meron siyang verse na ibinigay saakin silipin ko raw eto yung verse na ibinigay niya saakin!!!
Philippians 2:5-7 (NASB)
5Have this attitude in yourselves which was also in Christ Jesus,
6who, although He existed in the form of God, did not regard equality with God a thing to be grasped,
7but emptied Himself, taking the form of a bond-servant, and being made in the likeness of men.
Philippians 2:5-7 (KJV)
5Let this mind be in you, which was also in Christ Jesus:
6Who, being in the form of God, thought it not robbery to be equal with God:
7But made himself of no reputation, and took upon him the form of a servant, and was made in the likeness of men:
Philippians 2:5-7 (YLT)
5For, let this mind be in you that [is] also in Christ Jesus,
6who, being in the form of God, thought [it] not robbery to be equal to God,
7but did empty himself, the form of a servant having taken, in the likeness of men having been made,
Philippians 2:5-7 (TNIV)
5 In your relationships with one another, have the same attitude of mind Christ Jesus had:
6 Who, being in very nature [a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage;
7 rather, he made himself nothing by taking the very nature [b] of a ervant,
being made in human likeness.
Philippians 2:5-7 (NLV)
5 Think as Christ Jesus thought.
6 Jesus has always been as God is. But He did not hold to His rights as God. 7 He put aside everything that belonged to Him and made Himself the same as a servant who is owned by someone. He became human by being born as a man.
Philippians 2:5-7 (DARBY)
5For let this mind be in you which [was] also in Christ Jesus;
6who, subsisting in the form of God, did not esteem it an object of rapine to be on an equality with God;
7but emptied himself, taking a bondman's form, taking his place in [the] likeness of men;
Mga Taga-Filipos 2:5-7 (SND)
5Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman.
6Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos.
7Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao.
Filipos 2:5-7
5 Tularan ninyo ang saloobin ni Kristo Jesus.
6 Nasa katayuan siya ng Diyos kaya hindi niya inambisyong maka¬pantay ang Diyos
7 Sa halip sinaid pa ang sarili sa pag-aanyo niyang alipin at sa pagiging tulad ng mga tao:natagpuan nga siyang kamukha ng tao.
this only proves that Jesus Crist is really a GOD!!!
ito po ay nag papatunay na si Cristo ay tunay na Diyos!!!
nakngtupa sana naunawaan mo yang talata na iyan!!! ngayon sabihin mo sa akin kung merong mali diyan sa nakasulat na talata na ibinigay ko.
maraming salamat
Regards,
Kulangato
=============================================
P.S. uulitin ko lang IN or OUT lang para po matapos na ang thread na ito!!! SANA MAINTINDIHAN NINYO!!! WAG NINYONG PATUNAYAN NA TALAGANG WALA KAYONG PANG INTINDI!!! IN or OUT lang OKEY!!!
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Hindi mo kailangan magpaboto para lang palabasin na pinagkakaisahan ka rito.
Like what you mentioned hindi ka puedeng ma-ban dahil puede kang magpa-iba-iba ng login name and IP di ba. And that is exactly what you are practicing right now.
I know exactly where you are pulling this thread, gusto mong palabasin na you are being single-out here, mag-mu-mukhang underdog ka nga naman sa mata ng readers
Whether you stay or not it will be your decision.
NO NEED FOR THIS THREAD TO EXIST HERE.
THIS THREAD WILL BE LOCKED AFTER ONE_DAY UPON THIS NOTICE - THIS IS NECESSARY IN ORDER TO PUT THINGS RIGHT IN PROPER PERSPECTIVE.
Kalabg
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
pede ninyo akong iban kung buong IP ng KSA, USA at UK ang iban ninyo. hindi lang kaunti ang nalalaman ko tungkol sa mga bagong pamamaraan ng pakikipag comunika sa inyo... kung nanaisin ko, kaya kong guluhin ang inyong forum sa dahilang meron akong respeto sa inyo at sa aking kaalaman, pinipilit ko paring maging sibilisado at pinaiiral ko parin ang aking pagiging professional...
meron akong isang salita!!!
IN or OUT lang para matapos na itong thread na ito...
1st tabulation
IN OUT invalid comment
1 1 MANY
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
"this only proves that Jesus Crist is really a GOD!!!
ito po ay nag papatunay na si Cristo ay tunay na Diyos!!!"
Ito naman ang mga aral sa biblia na direktamenteng nagtuturo kung sino talaga si Cristo:
1. Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: (1 John 4:2)
2. At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na. (1 John 4:3)
3. Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya. (1 John 4:9)
4. Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus. (Act 2:36)
5. At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. (John 17:3)
6. Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, samakatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak. (1Jo 2:22)
ito mismo ang pahayag ng Panginoong Jesus na nagtuturo kung sino ang talagang diyos.
ang mga may isip ay mag-isip: Kung si Cristo ay may kinikilalang diyos, sino ang binabanggit mo na cristong diyos????
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios. (John 20:17)
Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan. (Joh 20:31)
Sa mga naunang talata, ay binanggit na kung sino man ang hindi nagpapahayag na si Cristo ay naparito ayon sa laman ay siyang anti-Cristo. John 4:2-3
Angel_09
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ministro: Sagot sa Filipos 2:6-8
June 26 2005 at 5:46 AM
No score for this post JapsJoking (Login JapsJoking)
Ayon sa Filipios 2: 6-7
"Na siya, bagamat NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS,
Kundi bagkus hinubad niya ito, at NAG-ANYONG ALIPIN, na NAKITULAD SA MGA TAO."
1. NASA ANYONG DIOS
Ano ang kahulugan ng salitang “nasa anyong Dios” sa pahayag na ito ni apostol Pablo? Nangangahulugan ba itong si Cristo ay tunay na Dios ayon sa kaniya?
Ayon kay apostol din kay apostol Pablo, si Cristo ay tao sa likas na kalagayan.
"Sapagkat may isang Dios at may isang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus." (I Timoteo 2: 5)
Ang tunay na likas na kalagayan ng Dios ay Espiritu at walang anyo. Ayon mismo kay Cristo:
"Ang Dios ay Espiritu..." (Juan 4: 24), "...ang Espiritu’y walang laman at buto." (Lukas 24: 36)
"Sapagkat wala kayong nakitang anomang anyo ng araw nang magsalita ang Panginoon sa inyo." (Deut. 4: 14-16)
Si Cristo ay nasa anyong Dios sapagkat ayon din kay apostol Pablo, si Cristo ay larawan ng Dios.
"Upang sa kanila’y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evanghelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios." (II Corinto 4: 4)
Sa salitang Griego, ang salitang “larawan” at “anyo” ay magkasingkahulugan.
“Anyo” (Tagalog)- “Form” (English)- “Morphe” (Greek)
“Larawan” (Tagalog) - “Image” (English)- “Eikon” (Greek)
Kung ang ating Panginoong Jesucristo ay larawan ng Dios, ito’y nagpapatunay lamang sa siya nga ay tunay na tao sapagkat, ang mga unang tao din ay nilikha na kalarawan ng Dios.
"At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae." (Genesis 1: 26-27)
Ang tao ay nilalang na kalarawan ng Dios hindi sa literal na kahulugan kundi sa larawan ng kaniyang "KABANALAN".
"At kayo’y mangagbago sa Espiritu ng inyong pagiisip,
At kayo’y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan." (Efeso 4: 23-24)
At sa larawan ng "PAG-IBIG".
"Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago pa itinatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging mga banal at walang dungis sa harapan niya sa pagibig.
Na tayo’y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya." (Efeso 1: 4-5)
Sapagkat ang Dios ay banal kaya ang tao’y pinapaging banal din ng Dios.
"Ngunit yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay;
Sapagkat nasusulat, kayo’y magpakabanal; sapagkat ako’y banal."
(I Pedro 1: 15-16)
Subalit ang tao ay hindi nakatugon sa pagiging kalarawan ng Dios sa kabanalan dahil sa pagkakasala.
"Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios." (Roma 3:23)
"at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagkat ang lahat ay nangagkasala." (Roma 5:12)
Sa lahat ng mga tao, si cristo lamang ang tanging nakatugon sa pagiging larawan ng Dios sapagkat siya’y hindi nagkasala (I Pedro 2:22).
2. PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS
Tanging si Cristo lamang ang nakapantay sa Dios sa larawan ng kabanalan.
"Sapagkat nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis," (Hebreo 7: 26)
"Na siya’y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig." (I Pedro 2: 22)
Sapagkat Ang Dios ay banal:
"Sapagkat nasusulat, kayo’y mangagpakabanal; sapagkat ako’y banal."
(I Pedro 1: 16)
Ang pagkapantay ni Cristo sa Dios ay sa kabanalan at hindi sa pagiging kalagayang Dios sapagkat ang tunay na Dios ay walang kapantay at walang kagaya.
"Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis at iwawangis ako upang kami ay magkagaya?" (Isaias 40: 25)
"Kanino nga ninyo itututad ang Dios? O anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya?" (Isaias 40: 18)
"…sapagkat ako’y Dios at walang gaya ko." (Isaias 46: 9)
Kaya ang mga taong lingkod ng Dios ay itinalaga din noong una pa upang maging kalarawan ni Cristo sa kabanalan.
"Sapagkat yaong mga una pa’y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya’y maging panganay sa maraming magkakapatid." (Roma 8: 29)
"At dahil sa kanila’y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay magpakabanal sa katotohanan." (Gawa 17: 19)
3. NAG-ANYONG ALIPIN NA NAKITULAD SA MGA TAO
Bakit sinabi ni apostol Pablo sa si Cristo ay nakitulad sa tao kung siya rin ay totoong tao na sa kalagayan? Ano ba ang tinularan ni Cristo sa tao?
Si Cristo ay ginawang Panginoon ng Dios upang sundin ng lahat ng mga tao.
"Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus."
(Gawa 2: 36)
Ang ibig sabihin ng Panginoon ay sinusunod:
"At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?" (Lukas 6: 46)
Subalit sa halip na Panginoon, si Cristo ay nagpakababa sa kaniyang sarili sa pagsunod sa Dios.
"At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus." (Filipos 2: 8)
"Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami." (Mateo 20: 28)
Siya ay nakitulad sa tao sa pagsunod sa Dios at hindi sa kalagayan sapagkat ang pagsunod sa Dios ay katungkulan ng lahat ng tao.
"Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao." (Eclesiastes 12: 13)
Sa kabila ng kaniyang pagiging banal, siya ay nakitulad sa tao sapagkat siya’y itinuring ng Dios na makasalanan upang tubusin ang kasalanan ng lahat ng mga tao.
"… sa pagsugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na nag-anyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan." (Roma 8: 3)
"Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y katuwiran ng Dios."
(II Corinto 5: 21)
Sapagkat ang lahat ng tao ay nagkasala:
"Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios." (Roma 3: 23)
Katulad din ng unang lingkod ng Dios na si Job, siya ay nakitulad sa tao hindi sa kalagayan kundi sa kaniyang pagiging matatag sa pagsunod.
"Nang magkagayon, ang Panginoon ay nagsalita kay Job mula sa bagyo: Suhayan mo ang sarili mo na tulad ng isang tao, tatanungin kita at tugunin mo ako."(Job 40:6-7, NPV)
Ang katumbas lamang sa ibang pangungusap "magpakatatag ka at tatanungin kita…"
Konklusiyon:
1.Ang paksa ng pahayag ni apostol Pablo ay hindi ang tungkol sa pagiging Dios ni Cristo kundi ang tungkol sa kaniyang pagpakababa sa pagsunod sa Dios na dapat sundin ng lahat ng mga Cristiano, Filipos 2: 5-12.
2.Ang salitang “anyong Dios” ay hindi tumutukoy sa literal na kahulugan sapagkat ang tunay na Dios ay espiritu at walang pisikal na larawan (Juan 4:24).
3.Ang tinularan ni Cristo sa tao ay ang pagiging alipin sa pagsunod sa Dios, sa kabila ng kaniyang pagiging Panginoon at pagiging banal.
4.Ang pagkapantay ni Cristo sa Dios ay hindi sa kalagayan kundi ang kanyang pagiging kalarawan sa kabanalan sapagkat siya ay hindi nagkasala. --NICOL AMALFI, BLITZ GUNDAM PILOT
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Kalabog (Login Kalabog)
CYBRO
Re: IN or OUT lang okey!!!
No score for this post September 18 2006, 6:14 PM
READ THE ABOVE PREVOUS POST.
Whether you stay or not it will be your decision.
NO NEED FOR THIS THREAD TO EXIST HERE.
THIS THREAD WILL BE LOCKED AFTER ONE_DAY UPON THIS NOTICE - THIS IS NECESSARY IN ORDER TO PUT THINGS RIGHT IN PROPER PERSPECTIVE. --DEARKA ELSMAN, BUSTER GUNDAM PILOT
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....