Sabi mo ay dati kang INC at ikaw ay lumayas dahil may mga bagay kang hindi nagustuhan o di sinasang-ayunan. At ngayon naman ay nasa ADD kana siguro marahil sa mga bagay na nagustuhan o singan-ayunan mo sa ADD.
Pag-usapan natin ang mga bagay na hindi mo nagustuhan sa INC at mga bagay na nagustuhan mo naman sa ADD. Payag ka ba?
MAayos na usapan lang ito, para makinabang tayong pareho, eto ay kung malasakit ka sa kapwa mo.
idinagdag ko lang po ang katagang...
"(kaanib sa Ang Dating Daan)"
This message has been edited by utol on Oct 4, 2006 3:02 PM This message has been edited by utol on Oct 4, 2006 3:00 PM
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Sa mga bumabatikos na ako'y bumalik dito sa webring, pacenciahan niyo na.. Hinahamon lang ako nitong isa niyong kasama.. Nakakuha ng attention sa akin, yung sinabi niyang "pag-usapan natin" at para malaman niyo rin na galing talaga ako sa INC. Pag-usapan natin ng maayos..
Ito muna pare!! Naanib ako sa INC last Dec. 1989 up to March 1999.. sampung taon ako jan..Diyan ako kinasal, jan inihandog mga anak ko. Sa sampung taon na yan, wala akong absent kahit isang pagkakatipon.. nang nakapanood ako ng Dating Daan.. Nabuksan isip ko kaya tinanong ko ng tinanong yung ministro, eh simple lang tanong ko,di niya masagot eh..Kaya sa tiempo na yun, nagpadoktrina na ako sa ADD.. kahit malayo sa amin ang coordinating center, talagang pinuntahan ko kasi hanap ko totoo...Tapos ang lahat na mga dumadalaw sa akin,mga worker, choir, at diakono ay kinakausap akong bumalik.. Ang sabi ko, sagutin niyo muna tanong ko..
ang tanong ko sa ministro...Di ba kako sabi niyo kailangan mabautismuhan tapos maaanib sa iglesia then maliligtas? Eh kako kung yun ang process to salvation, bakit di nagpabautismo si Felix Manalo.Wag niyang sabihing founder siya kaya walang magbabautismo sa kanya (as per Pasugo explanation) kasi kung founder pag-uusapan, pangunahin na si Christ.
Ayan muna, isa yan sa 100 questions ko pa na itatanong ko pa sana..
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
FYI matagal nang sinagot sa Ang Tamang Daan ang isyu na yan na pinupukol mo rito. Hirap kasi sa inyo, kahit pagbawalan kayo ng puno niyo na manood sa ATD pumapayag pa rin kayo.
And by the way kahit isa lang sa mga tanong ko sa iyo wala ka pang sinasagot. Binigyan na kita ng partida, kahit isa lang sa kanila sagutin mo, pero wala pa rin.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ilawodboy
(Login ilawodboy)
Re: For Ilawodboy
No score for this post October 4 2006, 10:03 AM
Ito muna pare!! Naanib ako sa INC last Dec. 1989 up to March 1999.. sampung taon ako jan..Diyan ako kinasal, jan inihandog mga anak ko. Sa sampung taon na yan, wala akong absent kahit isang pagkakatipon.. nang nakapanood ako ng Dating Daan.. Nabuksan isip ko kaya tinanong ko ng tinanong yung ministro, eh simple lang tanong ko,di niya masagot eh..Kaya sa tiempo na yun, nagpadoktrina na ako sa ADD.. kahit malayo sa amin ang coordinating center, talagang pinuntahan ko kasi hanap ko totoo...Tapos ang lahat na mga dumadalaw sa akin,mga worker, choir, at diakono ay kinakausap akong bumalik.. Ang sabi ko, sagutin niyo muna tanong ko..
ang tanong ko sa ministro...Di ba kako sabi niyo kailangan mabautismuhan tapos maaanib sa iglesia then maliligtas? Eh kako kung yun ang process to salvation, bakit di nagpabautismo si Felix Manalo.Wag niyang sabihing founder siya kaya walang magbabautismo sa kanya (as per Pasugo explanation) kasi kung founder pag-uusapan, pangunahin na si Christ.
Ayan muna, isa yan sa 100 questions ko pa na itatanong ko pa sana..
Alam mo kapatid eh kwestunable ang pagiging kapatid mo sa INC! Wag' mo sanang ipagdamdam, dahil ikaw narin ang me' sabi na...
"Naanib ako sa INC last Dec. 1989"
Nauna lang ako sayo ng ilang taon dahil naanib akong...'1981' pero iyang tanong mo sa pagkaka-alam ko'y kasama iyan sa pang-duktrina sa INC! Ikaw narin ang me' sabi na...
"Eh kako kung yun ang process to salvation, bakit di nagpabautismo si Felix Manalo.Wag niyang sabihing founder siya kaya walang magbabautismo sa kanya (as per Pasugo explanation) kasi kung founder pag-uusapan, pangunahin na si Christ."
Tanong, naitanong mo na ba sa sarili mo kung sino naman ang nagbautismo sa nagbutismo kay Jesus? Kasama iyan sa pang-duktrina ng INC eh! Kaya kung totoong INC ka eh alam mo yan! Pera nalang kung noong panahanon ng dinuduktrinahan ka palang eh natutulog ko o kaya eh di' mo binibigyan ng matamang atensyon sa panahon ng pagduduktrina sayo.
Hindi kayo ang kausap ko 13answer,edvhie20 at AAD.. manahimik kayo diyan di niyo alam pinagsasabi niyo.. Si Mr.Anonymous ang kausap ko, wag kayong makialam.. Bira kayo ng bira, ang banat ninyo wala sa lugar.. Siyempre alam ko kung sino ang nagbautismo sa nagbautismo kay Christ, di nyo alam yan kasi hindi credible yung sugo niyo.. Ngayon Mr.ANonymous, wait ko answer mo...Maliwanag na di nabautismuhan si Felix Manalo, kaya siya yung pangunahing di maliligtas ayon sa turo mo, di niya naanib kailan man.. Ang nabasa ko sa pasugo ninyo, mga pastor katoliko at protestante ang nagpatong ng kamay kay Lolo Felix..which ang sabi niyo mga sa demonyo.. Pano yan? Tapos, hindi yan tinuro sa doktrina ninyo, wag na kayo magkunwari..Ang kung "Tamang Daan" naman ang sinasabi ninyo.. Lisya ang sagot ng mga ministro niyo, iwas pusoy..Di kami pinag-babawalan na manood sainyo noh, kayo ang nagcircular na bawal manood sa Dating Daan.. Open ang isip namin,kaya nga alam na alam na namin kung alin ang totoo at mali.. Sad to say..MALI talaga ang INC, Meron pa bang sasama sa sinabi ni Micheal na sasalubungin ng Kapatid niyong Amurao sa Bro ELi.Tapos ihahanda ng red carpet, at sasabihang REST in PEACE. ANong budhi meron kayo, maawa kayo sa kaluluwa ninyo.. ANg lulupit niyo, kahit saang angulo tignan. Nakakahilera kayo sa lahi ng MASASASAMA. Magbago na kayo... may oras pa kayo.. Buti na lang naka-alis na ako jan...
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Di ba kako sabi niyo kailangan mabautismuhan tapos maaanib sa iglesia then maliligtas? Eh kako kung yun ang process to salvation, bakit di nagpabautismo si Felix Manalo.Wag niyang sabihing founder siya kaya walang magbabautismo sa kanya (as per Pasugo explanation) kasi kung founder pag-uusapan, pangunahin na si Christ.
Ilawodboy,
Salamat naman sa pagtugon mo sa maayos na pag-uusap. Actually ayokong makipagdebate sa yo, ang gusto ko lang ay maayos na pag-uusap at paglilinawan. Ang debate kasi walang katapusan. Pagmamalasakitan sana ang maging layunin natin sa pag-uusap.
Unang isyu ng binuksan mo:
Doktrina sa INC na isa sa mga process ng salvation ay bautismo. Tinatanong mo kung bakit si ka FYM ay hindi nabautismuhan.
Tama ka, walang pwedeng magbautismo sa kanya, pero hindi dahil siya ang founder (wala kaming doktrinang ganun-FYM ang founder) kundi dahil walang nauna sa kanya para magbautismo. Nauna sa kinasangkapan para muling mabalik ang Iglesia. Bagama't hindi siya nabautismuhan ang pangako ng Dios sa kanya sa pamamagitan ng hula ay patatawarin ang kanyang naging kasalanan. Ang Panginoong Jesuscristo ang founder ng Iglesia, pero kahit siya ang founder siya man ay nabautismuhan din. Nagyon bakit ang Cristo nabutismuhan? May isinugo kasi ang Dios para maghanda sa pagdating ng Cristo at yun ay si Juan bautista na siyang nagbautismo sa PJC. Ngayon baka may alam ka nagbautismo naman kay Juan bautista ay i-share mo naman sa akin.
Ngayon may ibabalik akong tanong sa yo. Since ikaw ay nasa ADD na, naisip mo ba ang tanong na ito na ipinukol mo sa mga ministro ng INC na itanong naman sa mga MIC ng ADD?, Sino ang nagbautismo kay Ginoong Perez na kinikilalang sugo ni Eliseo Soriano? Si G. Perez din (ayon kay Soriano) ang nagpasimula ng IND ayon kay Soriano.
Yan lang muna, paalala hindi ako nakikipagdebate, nakikipaglinawan lang. Kung ano ang isagot mo ay igagalang ko yun dahil yun ang paniniwala mo. Para madaling matapos ang isyu. Nailagay ko na yung sagot ko sa unang katunangan mo. Sagutin mo lang yung binalik na tanong ko sa yo, then pwede na tayong magproceed sa next question mo.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Salamat sa reply mo IGOP.Pakisabi sa ibang mga kapanalig mo,wag na silang sumabat sa usapan. Ikaw ang maayos na lumapit para pakinggan ang panig ko kaya tayo lang sana, ayaw nila pakinggan ang paki-usap mo at pakiusap ng Forum owner e. Meron kasing partikular na aral ang bible regarding sa mga bagay na banal di basta pwedeng ibahagi sa iba lalo na sa mga hindi sumasampalataya. Ang katanungan mong yan ay isang bagay na kabilang sa mga aral na yun.. Pero ang sinisiguro namin, may sagot na kami diyan at nakatakdang sagutin yan pag nakipagharap na ang pamunuan niyo sa panig ng ADD. Ayaw ko lang pangahasan..pero definitely meron na po akong sagot jan.. "May bautismo po kasi sa ibang kategorya.."
Ang sunod kong tanong sa ministro noon, Bakit prioridad sa INC ang pagtayo ng kapilya? Saan nasusulat na iniutos magtayo niyan.. Salungat po kasi yan sa nakasulat Gawa 17:24..
Tapos, pakireact po sa napanood ko sa Net25(PROOF NA HINDI KAMI PINAGBABAWALANG MANOOD SA PROGRAMA NIYO).. sinabi ng ministro niyo na kung umuwi dito si Ingkong, ipapasalubong niyo kay Amurao(kapatid niyong may-ari ng funeral service), sagot niyo na red carpet , ilaw, mani at pagkain,tapos sasabihing "rest in peace " daw... Mabuting budhi ba yan.. Di masisikmura yan ng taong matino.. Kay satanas yung ganyang diwa, mamamatay tao kasi si satanas.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ok, di kita pipiliting sumagot sa tanong ko. Kaya lang mas maganda kung sasagot ka rin.
Next issue:
Bakit nagpapatayo ng kapilya ang INC? Utos ng Dios na magtayo ng bahay sambahan, Hag 1:8. Doon tatahan ang kaluwalhatian ng Dios (hindi mismo ang Dios, kundi ang kanyang kalwalhatian). Mahalaga ang kapilya o bahay sambahan maging ang Panginoong JesuCristo ay ipinagmalasakit ito, gaya ng pagtataboy na ginawa ng PJC sa mga taong ginawang kalakalan ang Templo. Kung hindi ito mahalaga pababayaan na lamang ng PJC kung anu-ano ang gawin ng mga tao doon.
Balik na question sa yo:
Kung walang halaga ang kapilya para sa inyo, bakit nagpatayo si Soriano ng kapilya na 3700 seaters daw at mas malaki pa raw kaysa Araneta Coliseum? Nasaan nga pala ito?
Next issue:
Yung tungkol kay Amurao, sorry hindi ko napanood ito. Wala kasi ako sa Pilipinas. Baka sinagot din ito sa ATD pero hindi ko alam. Maaaring double meaning ang dating sayo. Pero sa korte hindi tinatanggap ang double meaning. Nasa sa yo na yan kung ano ang pagtanggap mo sa sinabi.
Balik na tanong:
Ano naman ang masasabi sa pagmumura ng harap harapan ni Soriano sa mga kaibayo sa pananampalataya. Katulad ng "Gago ka Paul! Tarantado ka!", "Michael, parang putang babae" "Matandang Tanga"?
Isa-isang issue lang please. Sana sumago ka rin, pero hindi kita pinipilit.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
"Bakit nagpapatayo ng kapilya ang INC? Utos ng Dios na magtayo ng bahay sambahan, Hag 1:8. Doon tatahan ang kaluwalhatian ng Dios (hindi mismo ang Dios, kundi ang kanyang kalwalhatian). Mahalaga ang kapilya o bahay sambahan maging ang Panginoong JesuCristo ay ipinagmalasakit ito, gaya ng pagtataboy na ginawa ng PJC sa mga taong ginawang kalakalan ang Templo. Kung hindi ito mahalaga pababayaan na lamang ng PJC kung anu-ano ang gawin ng mga tao doon."
Balik na question sa yo:
Kung walang halaga ang kapilya para sa inyo, bakit nagpatayo si Soriano ng kapilya na 3700 seaters daw at mas malaki pa raw kaysa Araneta Coliseum? Nasaan nga pala ito?
COMMENT KO: Yung sa Hagai kasi na mention mo, utos yun sa panahong Israel. Superseded na yun sa panahon ng Kristiyano, basahin mo (I Cor 3:16-17).Yung mga Kristiano mismo ang templo ng Dios, sa puso ng mga Kristiyano nananahan ang espirito ng DIos, hindi sa kapilya gaya ng paniniwala niyo na nakasulat sa Pasugo,Aug 1969(page 17). Tsaka sa MAT 18:20,pansinin ang talata, regardless kung saang place basta nagkakatipon ang isa o dalawa, naroron ang Kristo. Kaya ang mga unang Kristiyano,di sa kapilya nagkakatipon, minsan sa ilalim ng puno, sa dalampasigan,sa bahay ng mga kapatid, etc.. Wala kang mababasa sa Bagong Tipan na nagpatayo ng kapilya ang mga apostol. Wag mong sabihing, inuusig sila noon kasi,kung talagang utos kasi yan, kahit patayin sila magtatayo ng mga kapilya sila.tsaka yung sinabi ko last post sa Gawa 17:24,inisnab mo eh,talata ng bagong tipan yun eh..Di nananahan ang espirito ng Dios sa templong gawa ng mga kamay ng tao( directly contradicting sa Pasugo Aug 1969 p17 ) na nakasulat doon na nananahan ang espirito ng Dios sa kapilya niyo.
OO, meron talaga kaming pinagkakatipunan pero di nmin prioridad yun..di nga matapos tapos e kasi ang bulto ng gugulin nmin ay sa pamamahayag ng ebanghelyo.Kahit kami mahihirap,kami lang ang nagbobroadcast sa UNTV almost 24 hours, radio at 24 hours sa internet..naniniwala kasi kami like mga unang Kristiyano na sa puso namin nananahan ang Kristo at ang espirito ng Dios. Of course, para maaccomodate ang libo libong kapatid na magkakatipon kaya nagpatayo ng mga coordinating center para maalwanan ang pisikal na aspeto ng mga kapatid.Pero,never kaming nagsabi na nasa kapilya namin ang espiritu ng Dios, sa puso ng yun ng bawat isang lingkod.
Yung pagmamalasakit ni PJC sa templo, wala naman kaming tutol doon eh..di naman Niya sinabi na nananahan ang espiritu ng Dios doon..Ang sinusunod Niya sa partikularna scenario na yun ay yung aral niya na 1 Cor 14:40..na dapat nasa kaayusan..
Para tayo magkasalubong, ang usapan dito yung pagtahan ng espiritu ng Dios sa kapilya.
1.Sa bible DI TUMATAHAN (Gawa 17:24): sa INC TUMATAHAN(Pasugo Aug 1969 p17)..
2.Prioridad ng Gawain: Sa INC -prioridad ang pagpatayo ng kapilya (Pasugo May June 1980 page30)
Sa bible - hindi prioridad, sa katunayan wala nga nasulat na nagpatayo sila
ng kapilya. Minsan sa bahay lang ng mga kapatid(Ref.Eutico story
Pangangaral ang priority nila.
Same ng ADD, na-oobliga lang na magtayo ng mga gusaling pagkaka
tipunan kasi sa napakaraming bilang ng mga dumadalo at kaanib.
Next issue:
Yung tungkol kay Amurao, sorry hindi ko napanood ito. Wala kasi ako sa Pilipinas. Baka sinagot din ito sa ATD pero hindi ko alam. Maaaring double meaning ang dating sayo. Pero sa korte hindi tinatanggap ang double meaning. Nasa sa yo na yan kung ano ang pagtanggap mo sa sinabi.
COMMENT KO: Aba, panoorin mo muna then comment ka..Napakasama ng broadcast nio na yun.. Inuulit ulit nga sa NET25 abangan mo..Patunay ito na hindi kami pinagbabawalan manood sa programa nio gaya ng allegasyon ng isang kapanalig mo jan.Hindi po sinagot ng ATD yun, kasi baka lalo na nmn silang mabaon..
Balik na tanong:
Ano naman ang masasabi sa pagmumura ng harap harapan ni Soriano sa mga kaibayo sa pananampalataya. Katulad ng "Gago ka Paul! Tarantado ka!", "Michael, parang putang babae" "Matandang Tanga"?
COMMENT KO: Koreksiyon please: di pagmumura yun. Sa U.P. DIKSYUNARIONG TAGALOG ang kahulugan ng "gago"-walang pag-aatubiling moral". Tarantado- "nataranta". etc,etc.. Yung "Amurao episode" ng ATD, ano tawag mo dun..meron bang pag-aatubiling moral yun..yung hapunan na sinadi ni Paul na di daw hapunan yun kundi banal na hapunan, di ba, nataranta siya.. Yung tanga naman meron talaga noon, ang kahulugan nun "mahina ulo". ano tingin mo ng sinabi ni Ramil na bunso si Cain na may panlalait pa kay bro.eli. yung "putang...", may "parang" naman eh.. kahit nga di gamitan ng "parang", ok pa rin kasi katuparan ang mga ministro niyo sa nakasulat sa
At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA. Apocalipsis 17:5
Nasulat diyan may Ina ng "Patutot o puta", eh dahil sa paghihikayat ni Michael na ikalat yung komiks na malaswa... anong tawag mo dun.. anak siya ng patutot na yun na nagkakalat ng kasamaan sa lupa.. Dapat nga kay Michael " anak ka ng p a". Mild pa nga yung kay bro. eli eh
TO SUM IT: Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; Susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa: Mga Kawikaan 24:24
Salitang sinalita sa kaukulan Ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
Mga Kawikaan 25:11
Ayan IGOP, tingin mo sa ganyang mga tao.. yung mga salitang yun ay nararapat lamang sa kanila.. nauukol sa kanila sa per their broadcast @ ATD.. Isipin niyo, halatang halata na minangled yung tape namin about "Kung ako ang maging presidente"..Alam na alam ni Paul sa sarili niya na dinoktor yung tape kasi pinakita namin yung original tape, naaatim ng budhi niya na ipanood sa mga tao yun, maging sa kanyang mga kamag-anak..Ano tingin mo sa ganyang sistema, kawawa mga kaluluwa ng mga tao,di pinagtatatapatan ng mga ministro mo. Kung sinasabi natin na masama yung pumapatay ng tao(laman), eh di lalo nang kasakdalang kasamaan ang pagliligaw ng kaluluwa (spiritual yun eh). sabihin mo man yung mga ganung words, dapat lang di ba.. Think of it preh.
Sa bible, ang utos igalang ang lahat ng tao eh.. eh itong mga ministro ng ATD, di mga tao 'to, mga hayop na ang mga yan kasi kaluluwa na ang usapan dito di na materyal eh, katuparan ng sinabi ni Pablo...basa!!
Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol. II Pedro 2:12
Kaya pinapasaway yang mga asal na ganyan, kaya sinusunod ni Bro ELI ang utos na;
Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito’y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangagpakagaling sa pananampalataya, Tito 1:13
Yan muna!!! abangan ko na lang sagot mo kasi sa Internet Cafe lang ako nagrerent... Thanks for giving me this chance.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
LAST POST KO NA 'TO Habang nag-hihintay sa sagot ni Igop
No score for this post
October 5 2006, 5:25 PM
Take your time IGOP.. Basahin ko na lang yung reply then.. hihinto na ako sa pagpost dito... Bro. Meigon, pacencia po kapatid...Pinagbigyan ko lang po yung maayos hamon ni Igop.. Hihinto na po ako bilang tugon sa panawagan ninyo.. tama po yan, ipagpatuloy na lang natin hanggang wakas ang ating mga pagpapasalamat.. Napatunayan ko na minsan pa, kuyog talaga itong mga miembro sa INM.. Di naman kausap, sabat ng sabat.. ang punto niri-raise nila, walang kakwenta kwenta... Ang lahat ng tanong nio na yun, may sagot kami... Malas niyo, di niyo alam.. Di kasi ipinagkaloob sainyo ang makaalam ng karunungan ng DIos... Pilit pinagkokontra kami ng mga kapatid, at kay bro ELi na wala man lang ugnayan yung diwa.. Tigil na kayo... BASTA ANG MASASABI KO YUNG SA DANIEL 12:10 WALA SA MASASAMA NA MAKAKAUNAWA, SILANG MGA PANTAS ANG MAKAKAUNAWA... kahit ano pa sabihin ninyo para pasamain si BRO.ELI isa lang ang sagot diyan.. SI BRO.ELI nakakaunawa, SIYA LANG ANG SUGO NG DIOS SA PANAHONG ITO na kung SUMAGOT LIVE SA KAHIT ANONG TANONG PANG-PANANAMPALATAYA katuparan ng patotoo ng DIOS sa LUC 23:13-15. SABIHIN NA Niyong masama, isa lang ang TOTOO, DATI akong bulag sa KATWIRAN, NGAYON NAKAKAKITA NA AKO... WAG NA KAYO DALDAL NG DALDAL DIYAN, MAGLABAS KAYO NG PROGRAMA NINYO SA TV.. YUNG LIVE SI ERAÑO O KAHIT SINONG MINISTRO NINYO ANG SASAGOT.. Tingnan natin kung saan pupulutin yang mga sugo niyo.. LIVE BROADCAST HA,hintayin namin yan... Hangga't di nagagawa yan ng mga ministro niyo, mananatiling bulaan ang Iglesia ni Manalo.. mananatili kayong BULAG sa katotohanan.. bulag in a sense na naghahapunan ng madaling araw...at marami pang weird na aral;....
THANKS for the TIME, Mr. Forum Owner...
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Medyo ayusin natin ang thread Ilawod. Pakilagyan mo ng "Next Issue" ang bawat tanong mo. Para masubaybayan nating mabuti ang usapan. Hindi na rin ako magbabalik tanong sa bawat issue or magpa-follow-up question or follow-up comment. Basta tuloy-tuloy lang, igagalang kung ano man ang sagot mo.
Nasaan na ba tayo?
Eto ba ang next issue mo?: Mangled tape daw ng Soriano for President at Si Abel ang bunso ayon ministro ng INC.
Sagutin ko mamaya, uuwi nako sa bahay.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Mangled tape daw ng pagtakbo sa pagka presisdente ni Soriano.
Eto lang masasabi hindi nagmamangle kaylanman ang INC para lang siraan si Soriano. Ngayon, kung totoo nagmangle ang INC para lang siya siraan, pwedeng pwede idimanda ni Soriano ang INC. Ang problema ayaw gawin ni Soriano dahil magkakaroon lang imbestigastyon dito at natatakot siya na lalong mabuking. Ang ipinagtataka ko lang bakit ayaw mong maniwala na nagbalak talagang kumandidato Presidente si Soriano. Eto ang ilan sa mga ebidensya na nagbalak talagang tumakbo si Soriano bilang Presidente:
Soriano: "DALAWA NA PO ANG TUMAWAG NA PRESIDENTIABLE na gusto akong maka-usap na one on one 'NUNG MAKITANG NAG-FILE AKO NG CERTIFICATE OF CANDIDACY"
Soriano: Sana nagtanong ka muna, o, di' mo muna 'tinanong, bro. Eli, nag-file ka ba ng Certificate of Candidacy? Sagot: HINDI!! Oh di' sana alam mo HINDI AKO NAG-FILE. Naniniwala ba kayong hindi? Kaya nga hindi nga nila ako nakunan ng camera 'dun eh. Palagay 'nyo kung pumunta ako sa...kung pumunta ako sa COMELEC, di' ba ako pagpipiyestahan ng mga reporter 'don? Ha, mga kapatid? Kaya nga in fact na hindi ako nakunan ng interview dahil wala ako 'ron. HINDI AKO NAG-FILE. Eh merong kapatid na nag-file para sa akin. Sinisisi ko nga eh. Alam 'nyo kung ba't sinisisi ko? Bakit magpa-file ka rin lang eh HINDI PA PRESIDENTE?
Soriano: "Masama bang sumama ako sa senado ng PILIPINAS? AUD: HINDI. Soriano: O kaya masama bang mag-Presidente ako kung mananalo lang akong tiyak na tiyak eh, pagpe-Presidente ako eh. Masama bang humalo ako sa makasalanan, masama ba? Pakinggan 'nyo ha, babasa ako sa isang talata ng Bilang. Tutulan 'nyo lang kung ito'y mali. Pagka mali huwag na kayong dadalo sa Linggo, mali na tayo talaga, mali. Pero baka hindi naman mali, tingnan 'nyo muna. Basa sa Bilang."
Walang masama kung tumakbo si Soriano bilang Presidente, karapatan niya yun bilang isang Filipino. Kahit nga ikaw pwedeng tumakbo. Hindi yun ang tinutuligsa ng INC kay Soriano, kundi ang kanyang pahayag na ang isang mangangaral daw ay hindi dapat humalo sa pulitika, dahil hindi raw pwedeng maglingkod sa 2 Panginoon, nasa bandang huli siya rin pala ang gagawa sa itinutuligsa niya sa ibang Pastor ng relihiyon na kumandidato. Kontrahan ang nangyari.
Soriano: "Eh kaya hindi umuunlad ang ating bansa kung minsan eh pati pulitiko natin eh ano eh...Naku eh napunta na tuloy tayo sa pulitika, KAYA HINDI AKO PAPASOK DYAN EH. Ako naniniwala, siguro hindi naman talaga ako papasok, maari makapasok, malay 'nyo, isa, dalawa, tatlo, eh mamatay na tayo. Eh WALA HO AKONG PANGARAP 'DON at LABAG 'YON SA DIOS.
Soriano: "Masama bang sumama ako sa senado ng PILIPINAS? AUD: HINDI. Soriano: O kaya masama bang mag-Presidente ako kung mananalo lang akong tiyak na tiyak eh, pagpe-Presidente ako eh. Masama bang humalo ako sa makasalanan, masama ba? Pakinggan 'nyo ha, babasa ako sa isang talata ng Bilang. Tutulan 'nyo lang kung ito'y mali. Pagka mali huwag na kayong dadalo sa Linggo, mali na tayo talaga, mali. Pero baka hindi naman mali, tingnan 'nyo muna. Basa sa Bilang."
Ang tanong, bakit kinontra ni Soriano ang sariling pahayag niya na hindi dapat kumandidato ang isang Pastor o preacher dahil labag daw yun sa Dios pero siya rin pala ay kakandidato? (malas nga lang naging NUISANCE CANDIDATE).
This message has been edited by igop on Oct 6, 2006 7:07 AM
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
May pahayag ang Ka Ramil Parba na si Abel ay bunsong kapatid ni Cain. Eto ay tama, sa dahilang ang pinag-uusapan sa tagpong yun ay dalawang magkapatid lamang, si Cain at si Abel. Sa dalawang magkapatid yung mas bata ang siyang bunso. Mawawala lamang ang pagkabunso nito kung nagkaroon na ng isa pang kapatid. Pero sa panahong sila pa lamang dalawa, si Abel ang bunso. Alalahanin mo na hindi naranasan ni Abel na magkaroon ng mas batang kapatid kaysa sa kanya ng siya ay nabubuhay pa. Pinatay ni Cain si Abel ng sila pa lamang dalawa ang magkapatid. Kaya tamang sabihin na si Cain ang panganay at si Abel naman ang bunso, dahil silang dalawa lamang pinag-uusapan. O baka may nalalaman kang mas batang kapatid ni Abel ng siya ay nabubuhay pa, pakishare mo naman sa amin.
Ang isyung ito ay nag-ugat actually dahil sa may pahayag si Soriano na pinatay raw ni Abel ang nakababatang kapatid nito na si Cain. Sinagot ito ng ATD dahil nga ito ay mali. Dahil ang totoong nangyari si Abel ang pinatay at si Cain ang pumatay. At doon nasabi ni Ka Ramil na si Cain kasi ang panganay at si Abel ang bunso.
Ngayon tinutuligsa mo ang sinabi ng ATD na si Abel ang bunso (which is tama naman sa pagkakataon na sila pa lamang 2 ni Cain ang pinaguusapan), ano naman ang masasabi mo sa sinabi ni Soriano na si Abel ang pumatay sa nakbabata niyang kapatid na si Cain? Tama ba yun o naging tama ba yun kahit minsan?
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Pag-pasensiyahan mo Igop ang layo ng sagot mo sa partikular na issue na ito eh.. Pupumunta ka sa pagfile ng Candidacy.. Ang issue na niraise ko d2,yung tiempong pagputol ni ministro nio sa tape para palabasin sinabi ni BroEli na siya ang pag-asa ng bayan.. Panoorin mo ang link na nasa baba;
Pagkaputol ng tape,sabay sasabihin ng Paul ninyo na "makapal ang apog ni bro.eli.", isipin mo yan. Sino kaya ang makapal ang apog.. panoorin mo ang link na yan.. Sarado na lng ang isip mo kung sasabihin mo pang di namamangled ng tape ang mga ministro niyo.. ANg kakakapal nga ng pagmumukha, alam na alam na dinoktor nila, ipapalabas pa sa ere..Manloloko di ba?
Ngayon sa 1.pagfile ng candidacy,2.kung bawal makihalo sa pulitika ang lingkod o hindi.
Wala namang kaso doon, walang kontra doon.. Ang totoong sugo saan man siya lumugar, di kayang pamalian ng masasama.. Di siya interesado sa pulitika kaya lang sobra sobra na ang panggigipit ng gobierno sa ADD dahil sa utang na loob sa INC ng mga nanungkulan sa gobierno..DAPAT LAMANG NA PUMASOK SIYA BILANG PRESIDENTE para makakuha naman ng hustisya.Kaso di umubra, kasi malakas kayo sa gobierno..katuparan lang mga pangyayari na ang Kristo, noong panahon niya ay inusig din ng gobierno. In the first place kahit ilabas pa kahit sinong Manalo, di nila kaya si Bro.ELi na koprontahin na mali ang ginawa niya.. SUbukan lang nila...Malakas lang kayo sa gobierno natin eh, pero ang natitiyak ko... apihin niyo man kami ng apihin..di kayo uubra kasi darating ang araw na huhukuman kayong masasama.. Malakas kayo sa gobierno ng tao, pero di kayo malakas sa gobierno ng Dios.. Malas ninyo,kayo ang lumugar sa mang-uusig..
Igop sabihan mo yung mga kapanalig mong makakapal ang mukha, sabat ng sabat di naman sila ang kausap.. manigas sila, di ko sila sasagutin.. wala namang kwenta ang tiyope nila... Kontradiksiyon daw, sa 700 na sinabi niyo wala akong nakikitang kontra kahit isa..Sa inyo lang kontra, kasi binulag ng dios ng sanlibutang ito ang pag-iisip ng masasama kasama na ang mga panatiko ni Manalo doon. Kung talagang kontradiksyion nga, i partida na... may alas na pala kayo, ilabas niyo na kahit sinong Manalo sa TV o sa plaza... DEBATE NA... natitiyak ko matatae sa salawal ang mga Manalo na yan.. DI pwede manaig sa katwiran ang masasama kasi may pangako at patotoo ang DIos sa LUC 21:13-15.. ANg panig lang ng ADD ang kinatuparan ng patotoo na yun.. Hamon ko.. MAG"LIVE" BROADCAST KAYO, ITANONG MO KAY MANALO, BIBLIA ANG SASAGOT.. TINGNAN LANG NATIN>> ISAMA NIYO YUNG MGA TRAYDOR NA SILA PUTO, ET AL...to the rescue..
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Current Topic - For Ilawodboy (kaanib sa Ang Dating Daan)
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....