ally_of_ADD
Moderator
Joined: May 19, 2006
Posts: 269
Location: In my computer table.
Status: Offline
PostPosted: Sat Nov 04, 2006 1:39 am Post subject: Pagmumura habang nangangaral Reply with quote
Anong masasabi nyo PRO at ANTI ADD's at mga NEUTRAL tungkol raw sa pagmumura ni Soriano habang nangangaral dahil gumagamit siya ng mga salitang tarantado, ulol, gago, tanga etc.?
mcgi_tyrone
Kaanib
Kaanib
Joined: Mar 20, 2006
Posts: 95
Status: Offline
PostPosted: Sat Nov 04, 2006 5:32 pm Post subject: Re: Pagmumura habang nangangaral Reply with quote
Hindi pagmumura ang salitang iyon dahil itong mga salitang ito ay nasusulat din sa bible. Siya’y mamamatay sa kakulangan ng turo; At sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.
Mga Kawikaan 5:23
Yirmeyahu
Site Owner
Site Owner
Joined: Apr 08, 2005
Posts: 304
Location: Philippines
Status: Offline
PostPosted: Mon Nov 13, 2006 2:40 pm Post subject: Re: Pagmumura habang nangangaral Reply with quote
"Hindi pagmumura yan kundi pagsaway nang may kabagsikan. Tungkulin niya kasi na sumaway at sumansala sa mga mali.
2 Timoteo 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
Tito 1:13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,"
Ang sabi ni tyrone at ni yirm na di' raw mura ang salitang TARANTADO, pero kung si ginoong Eli Soriano naman ang ating tatanungin, hindi ba mura iyong salitang TARANTADO?...
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 17 2006, 10:42 AM
Kontra-kontra talaga yung batang si Tyronne a.k.a. 14answer. Pati sarili niya kinokontra niya.
Noong nagsisimula kami ng debate ni Kulangot sa forum 419472, ang sabi niya ay wala raw kwenta ang debate namin ni kulangot, dapat daw ay puno sa puno.
Pero noong hinamon ako ni Gudkisserr ng one on one, palibhasa ay nauna ang mga yabang ni Gudkisser, kala niya siguro ay napakahusay ni Gudkisserr, kaya hayun, panay ang cheering niya.
Walang consistency, kahit sa sarili niya.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 17 2006, 2:10 PM
Korek ka dyan bro! At sa dami na ng nairecord ng ATD na mga kontradiksyon ni ginoong Eli Soriano eh suwerte nalang kung di' nila masasagasaan ang ibang mga nasabi na ni ginoong Eli Soriano sa kanilang mga pagsagot sa mga isyu kay ginoong Eli Soriano.
Binabati ko nga pala kayo sa nangyaring debate ninyo ni gudkisserr dahil tiyak na maraming nakinabang sa nangyaring palitan ng paliwanagan.
Ang reply ng forum namin kung bakit walang contradiction ang aming mga pahayag:Bro. Yrim says: Pagmumura ang pagsasabi ng gago, tarantado, tanga, etc. kung sinabi yan sa hindi kinauukulan na may hindi mabuting layon.
Pero kung sinabi mo yan sa kinauukulan sa layong mag-rebuke at magtuwid sa ikatututo sa katuwiran gaya ng ginawa ni Pablo, HINDI YAN PAGMUMURA
Tito 1:12 Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.
Tito 1:13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya, (ADB)
Dahil ang mga taga-Creta ay mga sinungaling, masasamang hayop, etc, ang utos pag ganitong mga tao, dapat ay sawayin silang may kabagsikan.
Ang mga taga-Galacia naman ginamitan ni Pablo ng mabibigat na salita gaya ng mangmang/tanga dahil nagpapakasakdal sila sa laman. Gumamit si San Pablo ng mabigat na pananalita para magtuwid.
Nang sinabi ba ng Dios na YOU FOOL! nagmumura ba Siya?
Luke 12:20 But God said unto him, Thou fool, this night thy soul shall be required of thee: then whose shall those things be, which thou hast provided? (KJV)
Hindi! Dahil ang sinasabihan naman Niya ay talagang gumagawa ng foolishness at hindi Niya sinabi ito upang mang-insulto o manghamak.
Kung talagang gumagawa ng foolishness tapos para lang makapagpalugod sa tao ay hindi mo tatawagin itong ulol/gago/tanga lalabag ka sa Biblia niyan
Galacia 1:10 Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo. (ADB)
Pro 24:24 Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; Susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
Kawikaan 18:5 Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti, Ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan. (ADB)
Peo kung ang pinagsasabihan mo naman hindi naman gaya ng mga taga-Creta o mga taga-Galacia ang utos ay sawaying may kaamuan kaya hindi kailangan na gamitan ng mabibigat na pananalita
2Ti 2:25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan,
Yung walang unawa pagkokontrahin ang Tito 1:13 at 2Tim 2:25 gaya ng ginawa ng mga INC sa pananalita ni Bro. Eli ng mga ganyang salita.
To utol1616: sana po ay wag nyo po i delete itong posting na ito para wag puro hatol ang iyong mga kapatid.
I'm a proud member of the youth music ministry of Members Church of God International
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Bro kung mag kokopy paste ka mula sa forum namin sana ay i copy paste mo ng bou kung paliwanag dahil malinaw na nawawala ito sa tunay na kontexto ng aking pahayag.
Ito ang karugtong ng pinutol kong pahayag:Hindi pagmumura ang salitang iyon dahil itong mga salitang ito ay nasusulat din sa bible. Siya’y mamamatay sa kakulangan ng turo; At sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.
Mga Kawikaan 5:23
Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, Mga pana, at kamatayan;
Mga Kawikaan 26:18
O tangang mga taga-Galasya! Sino ang kumulam sa inyo, na sa inyong mga mata'y lantaran pa namang itinanghal si Jesucristong nakapako sa krus?
Mga Taga-Galacia 3:1
Tangang-tanga na ba kayo? Nagsimula na kayo sa espiritu at ngayo'y magtatapos kayo sa laman.
Mga Taga-Galacia 3:3
Ginagamit lang ni Bro Eli ang mga salitang iyon dahil parte iyun ng mga salita ng Dios. Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya binigyang sukat ang Espiritu sa kanya.
Juan 3:34
I'm a proud member of the youth music ministry of Members Church of God International
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 21 2006, 7:11 PM
Tyrone John R. Gotera,
Hindi uubra sa amin ang palusot mo, talagang magkakontra kayo ng boss niyong si Eli Soriano, sabi niyo kasi hindi pagmumura ang tarantado, pero sabi ni Eli Soriano mura daw 'yon. Papaano ngayon 'yan?
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 22 2006, 1:59 PM
i3answer says:Hindi uubra sa amin ang palusot mo, talagang magkakontra kayo ng boss niyong si Eli Soriano, sabi niyo kasi hindi pagmumura ang tarantado, pero sabi ni Eli Soriano mura daw 'yon. Papaano ngayon 'yan?
Anong palusot?? ung audio na pinakita nyo ay tinaken out of context un dahil ang binabanggit ni Bro Eli doon ay ung pag gamit ng salitang tarantado,gago, at etc. sa hindi kinauukulan. Hindi ka rin marunong umintindi ng mga sagot namin no???
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 22 2006, 4:02 PM
Anong palusot?? ung audio na pinakita nyo ay tinaken out of context un dahil ang binabanggit ni Bro Eli doon ay ung pag gamit ng salitang tarantado,gago, at etc. sa hindi kinauukulan. Hindi ka rin marunong umintindi ng mga sagot namin no??? Say that to yourself. Ikaw siguro ang hindi marunong umintindi sa pahayag na ito ng puno niyo:
Eliseo "Eli" Soriano (puno ng Ang Dating Daan): Walang sinabi sa kanya kahit anong kalapastanganan titiwalag mo na? Eh siya kung magmura: tarantado, magnanakaw, impakto, hudas!
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 22 2006, 4:35 PM
Ayan mr Yirmeyahu hinahamon ka ni kapatid na TF baka gusto mong lumaban ng One-On-One.. Pwera lang si Edchin kasi di na siya pinapatulan dito hindi dahil sa natatakot kay edchin kundi dahil walang kwentang kausap si Edchin.
Job 22:15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 22 2006, 11:24 PM
Eliseo "Eli" Soriano (puno ng Ang Dating Daan): Walang sinabi sa kanya kahit anong kalapastanganan titiwalag mo na? Eh siya kung magmura: tarantado, magnanakaw, impakto, hudas!
Putol ang pahayag na yan alam ko may karugtong itong pahayag na ito dahil kinuha ito sa pagkakatipon at hindi ito inteded for broadcast, sana i3answer mapakita mo ang whole audio/video na ito para maintindihan natin kung ano talaga ang boung kontexto na pinahahayag ng aming tagapamalangpangkalahatan na si Bro.Eli Soriano.
i3answer says: "say that to ur self" well pinutol nyo ung pahayag ni Bro.Eli na un kaya nagkonclude naman kayo agad agad... Ikaw talaga ohh i3answer makapuntos ka lang ay gagamit ka ng audio/video na putol.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 23 2006, 7:51 AM
Eliseo "Eli" Soriano (puno ng Ang Dating Daan): Walang sinabi sa kanya kahit anong kalapastanganan titiwalag mo na? Eh siya kung magmura: tarantado, magnanakaw, impakto, hudas!
Putol ang pahayag na yan alam ko may karugtong itong pahayag na ito dahil kinuha ito sa pagkakatipon at hindi ito inteded for broadcast, sana i3answer mapakita mo ang whole audio/video na ito para maintindihan natin kung ano talaga ang boung kontexto na pinahahayag ng aming tagapamalangpangkalahatan na si Bro.Eli Soriano.
i3answer says: "say that to ur self" well pinutol nyo ung pahayag ni Bro.Eli na un kaya nagkonclude naman kayo agad agad... Ikaw talaga ohh i3answer makapuntos ka lang ay gagamit ka ng audio/video na putol. So what kung hindi intended for broadcast? What's the big deal?
Bakit, noong ipinarinig niyo sa programang Ang Dating Daan yung sermon ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa mga manggagawa, may reklamo ba ang panel ng ATD na hindi intended for broadcast yun? Wala nun!
Eh di ipost mo rito and buong video. Hihintatyin namin yan.
Re: Yirmeyahu & mcgi_tyrone Vs Eli Soriano (kaanib sa Ang Dating Daan Vs Eli Soriano)
No score for this post
November 24 2006, 3:50 PM
i4answer: "Putol ang pahayag na yan alam ko may karugtong itong pahayag na ito dahil kinuha ito sa pagkakatipon at hindi ito inteded for broadcast, sana i3answer mapakita mo ang whole audio/video na ito para maintindihan natin kung ano talaga ang boung kontexto na pinahahayag ng aming tagapamalangpangkalahatan na si Bro.Eli Soriano."
Lumalabas sa sinabi mo i4answer na iba ang sinasabi ni Eli Soriano sa pang-broadcast, ganon ba? Di' lumalabas na paimbabaw lang pala iyong kaniyang sinasabi dahil iba ang sinasabi niya sa pang-broadcast niya, sa madaling salita na iba ang sinasabi sa harap ng TV kaysa sa katotohanan na dapat mong malaman sa loob ng Ang Dating Daan ni ginoong Eli Soriano, ganon ba?
Eh sabi niya sa ibang pagkakataon eh napakalinaw na hindi mura iyong salitang...
TARANTADO!
Na ang ibig sabihin daw nito eh ito raw ay...
NATARANTA...
Pero may nairecord sa kanya na...
Siya rin ang me' sabi na iyong salitang tarantado eh...mura!
Sinabi ko nang una na di' talaga lulusot si ginoong Eli Soriano sa kanyang mga PALOSot dahil pagtinakpan niya iyong isang butas ng isang kamay niya eh doon naman sa isang butas lulusot ang mga kamaliang sinasabi na ni ginoong Eli Soriano!
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....