Iniimbitahan namin kayo lahat na mga miembro ng Iglesia ni Cristo, na patunayan niyo ang inyong pananampalataya sa forum ng ADD na yirmeyah.net. Nailalatag na doon ang mga CONTRADICTION ng ARAL nio versus sa BIBLIA, at CONTRADICTION ng PASUGO nio laban sa PASUGO.. Ayun ang nakita kung totoong KONTRA, kasi documentado, unlike yung contradiction diumano ng ADD na puro dinoktor na tape,mga salita na taken out of context..Kaya sa basa ko, sa 700 diumano na yun, wala ako makita KAHIT ISA eh..Ayaw lang nila kasi buksan ang isip nila(INC). Idepensa niyo ang mga DOCUMENTADONG KONTRAHAN nio doon..
Panawagan din sa mga BISITA na pumupunta dito, invited din po kau sa yirmeyah.net.. Wala po kayong mapupulot dito kundi poot, pagkokontrahin ang mga sinabi niyo..kahit nga mga bisita nila ditong di ADD eh, pilit pinag- kokontra at pilit dinadamay si Bro.Eli..
Punta kayo dun mga member ng INC..Kita kits mga INC
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Kakaiba talaga ang takbo ng mga pag-iisip nitong mga miembro ng ADD,(I hope hindi lahat) dahil may mga miembro din ng ADD na maliwanag ang pag-iisip kaya nagpasiyang lumipat sa tunay na Iglesia Ni Cristo.
Ilang forum na ba ang pagmamay-ari pa naman ng ADD members ang pinabayaan at isinara ninyo?
Kapag di na ninyo kayang sagutin ang mga tanong ay iiwanan na ninyo at maghahanap ng panibagong mapagtataguan.
Itong si Mcgi-Xman ang isang magandang halimbawa ng taong bulag ang pag-iisip. Doon sa 700 mahigit na kontradiksyon ay wala daw siyang makita kahit isang kontradiksiyon.
Kung sabagay, sa isang taong bulag, walang pagkakaiba sa kaniya yung 12:00 pm at 12:am.
Kung talagang may mga kontrahan sa pasugo namin ay dito ninyo i post para ating talakayin.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Sumilip ako dun hanggang ngayon hindi nyo masagut-sagot ang tanong kung sino ba talaga ang binatang hubo't hubad sa Marcos 14:50-52.
Si MARCOS ba?
or
Yung MAY DIPERENSYA?
yan muna ang sagutin nyo at baka sakaling magpost pa ako sa mabaho nyong forum. At least dito, safe ang forum, walang TUmador na kapatid nyo sa ADD na magnanakaw ng forum.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
So tell us, kaya niyo bang patunayan na pinagkontra lang ang mga pahayag na ito ng Bro. Eli Soriano niyo?
Eli Soriano: (puno ng Ang Dating Daan) "Isa lang naman ang Dios na dapat nating sambahin, kaya lang ang iba nagkaroon sila ng kanya-kanyang konsepto sa Dios. Eh may iba silang Dios, iba ang konsepto nila sa Dios. Kaya nga ang sabi ni San Pablo sa mga taga-Galacia eh nagkakamali sila dahil di' nila kilala ang Dios..."
Vs...
Eli Soriano: (puno ng Ang Dating Daan) "Ngayon, kaya kung ang tanong 'nyo...ilan ba talaga Dios? Ah maraming Dios! Pero pagta-tanong sa'kin, ilan ba ang dapat sambahin? Ah dalawa po...dalawa ang dapat sambahin. Sasambahin natin iyong Ama sa Espiritu't katotohanan, sasambahin din natin ang Anak 'nya na ang ating Panginoong Jesucristo...hayun...'ayan po...kailangan ganon, Biblical kapatid..." And by the way matagal nang sinagot sa Ang Tamang Daan ang sinasabi niyong diumano'y kontrahan sa Pasugo. Kung gusto mo ipost niyo rito o kaya sa forum ko (http://www.network54.com/Forum/534914/) para ating talakayin ulit.
kawawa nga iyang mga myembro ni Soriano na yan eh. Napaniwala sila na kontra-kontra daw ang Pasugo kasi ayaw ipakita sa kanila ni Soriano ang buong mga pahina ng Pasugo kasi nandun mismo ang katunayan at paliwanag na hindi kontra ang mga nasasad doon.
Naalala ko tuloy nung minsan na binabasa ni Danny navales yung Pasugo natin at sabi niya wala daw "PARANG" na binabanggit doon sa Pasugo ukol sa pagka-dios ni Moises kay Paraon. Pero nadulas, nabasa niya na ginawa si Moises na "parang" dios kay Paraon.
Di ba kaya nakakahalata ang mga ito na niloloko sila ni Soriano at ng mga kabarkada nito sa panel ng ADD?
Pero hanggang ngayon hindio maipaliwanag ang mga kontrahan ni Soriano.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Pilit pinagkokontra? Di' mo na kailangan ipilit na pagkontrahin ang isang bagay na talaga namang magkakontra!
Halimbawa,
Sabi ni ginoong Eli Soriano na...
pagsinabing tunay na Dios, iisa iyon, pero...
doon naman sa ibang pagkakataon ng kanyang pagtuturo eh sinabi niya na si Cristo eh tunay na Dios at ang Ama rin ay tunay na Dios eh ilan na ngayon ang tunay na Dios nyan? Magkakontra o hindi magkakontra?
Eh doon lang sa sinabi niya na...
...marami ang Dios, tunay ba ikang lahat iyon? Tunay 'yon, di' ba?
Kaya hindi iyan pilit na pinagkokontra dahil talagang magkakontra! Ipinapakita lamang na iyong mga paninindigan ni ginoong Eli Soriano na sa ibang panahon ng kanyang pagtuturo ay iba kaysa sa isa pa niyang naituro na.
Kung talagang kaya ninyong makipagtalakayan, kahit saan ay uubra kayo, kahit dito sa forum na ito. Hindi na kailangang pumunta pa sa kung saan-saan at magpabago-bago pa ng forum. Napakaraming beses na kayong gumawa, kalaonan ay iniiwan ninyo o binubura. Ang forum na ito ay matatag at establisado, dito namin kayo inaanyayahang makipagtalakayan.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
kasi dito pag naipit sila at hindi sila makasagot, hindi nila pwedeng isara ang forum at magtayo ng bago.
Kaya tayo dun pinapupunta sa kanila, bukod sa nilalangaw yung forum eh, pwede nilang isara yun anytime na naipit sila at hindi makasagot sa mga tanong ukol sa kontrahan ni Soriano.
Imagine, nagtayo sila ng 419472, ano nangyari, isinara nang maipit sa sandamukal na kontrahan ni Soriano? Idadahilan pa na may nang-aasar daw pero yung nang-aasar lumabas nung itago ng administrator nila ang ISP ng mga posters (para nga naman hindi mahalata na sila din yun).
At least dito, napakatagal na ng forum pero buhay pa din hangga ngayon.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ganyan talaga ugali nila, mahilig magmoro-moro. Wag nyong abusohin ang ibinibigay na pagkakataon ng Dios sa inyo mga ADD, limitado lang yan. Kapag hindi nyo ginamit sa tama ang mga nalalabing araw sa buhay ninyo, matuto kayo sa nangyari sa bautisador ninyong si Boy Dimalanta.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Si Renato "Boy" Dimalanta (bautisador sa ADD) ay naaksidente pagkatapos na laitin at murahin nito si Ka. Erdie sa pasalamatan ng ADD. Isa ito sa dahilan kaya kusa nang tumiwalag si Willie Santiago sa ADD, dahil kinakabahan s'ya na humantong din sa kakila-kilabot na kamatayan bunga ng pagpakasangkapan nya kay eli soriano na bulaang mangangaral.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Isa ito sa matinding patunay na may patnubay ng Dios na gumagabay sa gawain na itinataguyod ng Iglesia ni Cristo. Sa INC, kapag siniraan at kinalaban ang sugo, kapahamakan at kahihiyan ang sinasapit sapagkat Dios ang naghihiganti. Sa ADD, yaong mga kumalaban at kumakalaban sa sugo nilang si Eliseo Soriano ay nagtatagumpay, sumasagana at umaasenso. Samantalang si Eli Soriano naman ay puro kasawian at kamalasan ang sinasapit.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....