Mga kaibigan at dating mga kasamahan Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap niyo ng liham naming ito. Kami naman sa awa ng Dios ay nasa maayos na kalagayan at kalusugan. Bago ang lahat ay gusto naming humingi ng paumanhin sa inyo sa anumang pagkukulang at kasalanang aming nagawa sa inyo kung meron man. Nais naming ipabatid sa inyo na anuman ang pagtingin ninyo sa amin ngayon hindi muna mahalaga basta ang gusto naming malaman niyo na hindi pa rin naaalis ang aming malasakit sa inyo kaya naman nais naming ibahagi ang aming kasalukuyang kalagayan at karanasan . Sana ay pagtiyagaan ninyong basahin ang liham na ito, sa ganitong paraan man lamang ay masabi namin ang aming saloobin. Hindi naman lingid sa atin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran. Marami tayong hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan sa isa’t isa. Nguni’t kami ay umaaasa sa awa’t tulong ng Dios na sana baling araw ay magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa ating lahat. Sa aking palagay ay dapat tayong magpatuloy na gumawa ng paraan para makamit natin ang katahimikan at kapayapaan. Kami’y naniniwala na mas magiging maaayos ang ating mga usapin sa pamamagitan ng maayos na kumunikasyon at paglalahad upang bigyang lunas ang hidwaang namamagitan sa atin dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala. Hindi namin ipipilit ang aming sarili, maaari ninyong isipin na kami nga ay nagkakamali at kung magkagayon man ay nais namin kami’y inyong tulungan dahil baka nga naman kami ay naguguluhan o nalilito lamang. Dapat na masunod ay ang kagustuhan o kalooban ng Dios at hindi ng sinoman. Nais kong ibahagi muna ang aming karanasan at kaalaman sa aming naaniban na Iglesia. Kami’y hindi magkukuwento, o magsasabi ng aming pansariling kuro kuro. Hindi ba’t ang basehan naman nating lahat ay ang katotohanan dapat dahil diyan mapapatunayanng isang samahang relihiyon kung ito ay sa Dios o hindi? Ang katotohan ay sa Dios at ang hindi ay sa Diablo. Kaya naman nasi namin munang ibahagi ang aking napag aralan sa ipinapalagay ninyong “hindi sa Dios” na Iglesia ni Cristo. Sana ay pagtiyagaan ninyong suriin at pag-aralan ang mga ibabahagi naming ito para naman inyo rin malaman ang aming pinaniniwalaan. Sa ganitong paraan ay malalaman ninyo kung kami nga ay nagkakamali o nalilito sa aming pinaniniwalaan. At kung inyong matapos na mabasa at malaman ang aming mga pahayag ay mas mauunawaan siguro ninyo kung bakit kami sumama sa Iglesia. Pagkatapos kong maibahagi ang mga ito, magkakaroon na rin kayo ng idea kung anuman ang aming “pagkakamali” kung meron man at siguro nga’y mas mapapaliwanagan ninyo kami ng husto. Hindi ba’t ang nais ng bawa’t isa sa atin ay “maliwanagan” ang naguguluhan? Nawa’y huwag ninyo kaming ituring na kaaway sa ginagawa naming ito. Tayo’y magkakaibigan at dapat tayong magtulungan. Kung kami nga ang “maysakit” di ba’t dapat muna ninyong malaman ang dahilan ng aming “pagkakasakit”? Kaya naman aming ipinapakiusap sa inyo na alamin muna ninyo ang aming bahagi para mas maunawaan ninyo kung ano ang dapat niyo ring ibahagi o ibigay sa amin para kami’y maliwanagan kung sakali mang kami’y nabubulagan. Dapat tayong dumaan sa processo ng pakikinig sa paliwanang ng bawa’t panig bago humantong sa tamang desisyon o sa tinatawag na “paghatol”. Kahit man ang isang naakusahan sa isang krimen ay dumadaan muna sa paglilitis bago siya mahatulan. Kaya naman muli naming ipinapakiusap na pagtiyagaan niyo munang basahin ang kabuuan ng liham na ito bago ninyo kami patuloy na husgahan. Ang una naming gustong talakayin muna ay ang pagkakaiba ng ating paniniwala ukol sa kalagayan ni Cristo. Hindi naman lingid sa ating lahat na maraming relihiyon kasama na rin ng inyong kinaaaniban na Ang Dating Daan na ang paniniwala nga ay Dios si Cristo at sa Iglesia naman na siya naming kinaaniban ay siya ay Tao. Ayon na rin sa Biblia, importanteng talakayin natin ito dahil mahalagang malaman kung ano ang kalagayan ni Cristo dahil ang mga tunay na kay Cristo ay nakikilala siya kung ano siya.
Juan 10;14-15 " Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako, Gaya ng ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa"
Unang tanong. Ano ano ba ang basehan ng Iglesia ni Cristo kung bakit siya ay sinasabing tao sa kalagayan at hindi tunay na Dios?
Sabi ng Dios mismo sa
Deuteronomo 4:35 Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala ng iba liban sa kaniya.
Isaiah 44:8
Do not tremble, do not be afraid. Did I not proclaim this and foretell it long ago? You are my witnesses. Is there any God besides me? No, there is no other Rock; I know not one."
Isaiah 45:5
I am the LORD, and there is no other; apart from me there is no God. I will strengthen you, though you have not acknowledged me,
Isaiah 45:6
so that from the rising of the sun to the place of its setting men may know there is none besides me. I am the LORD, and there is no other.
Sabi rin ni Hesus mismo sa –
Marcos 12:29 Sumagot si Jesus sa kaniya: Ang pangunahin sa lahat ng mga utos ay ito: Pakinggan mo Israel. Ang Panginoon mong Diyos ay iisang Panginoon.
Guro, mahusay ang pagkakasabi mo. Naayon sa katotohanan ang sinabi mo na iisa ang Diyos at wala nang iba maliban sa kaniya.
Pinahalagahan ni Cristo ito na siyang paraan sa ikapag kakamit ng buhay na walang hanggan ayon sa pahayag niya sa
Juan 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo.
Nguni’t meron ding ibang mga tinatawag na dios tulad ng pahayag sa Juan 1:1, awit 82:6 , Juan 10:35 etc hindi ba ito nagpapatunay na si Cristo nga ay tunay ring Diyos? Dapat nating intindihin na hindi dapat nagkakaiba iba o nagkakasalungatan ang pahayag sa biblia.
Ang paliwanag ni Apostol Pablo na nakasulat sa Sapagkat maraming mga tinatawag na diyos sa langit man o sa lupa, maraming diyos, maraming panginoon. 6SUBALIT para sa atin IISA lamang ang Diyos, ang Ama. Sa kaniya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay para sa kaniya. Iisa lamang ang Panginoong Jesucristo. Sa pamamagitan niya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay nabubuhay sa pamamagitan niya.
Ano nga ba ang katungkulan o gampanin ni Cristo kung iisa lamang ang Dios at hindi siya Dios na totoo ayon sa talatang nabasa?
Ang tunay na Dios na siyang ang Ama ang gumagawa gaya ng sabi sa talatang
1 Mga Taga-Corinto 12:6
May iba't ibang uri ng gawain ngunit iisa ang Diyos na sa lahat ay gumagawa sa lahat ng bagay.
Ano nga ba ang katangian ng pagiging Dios na totoo? Ayon sa talatang
Pahayag 1:8
Sinasabi ng Panginoon: Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ako ang kasalukuyan, ang kahapon at ang darating. Ako ang Makapangyarihan sa lahat.
Oseas 11:9
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim:SAPAGKA’T AKO’Y DIYOS, AT HINDI TAO; ang banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
Ang Diyos ay Espiritu
Juan 4:24
Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at sa katotohanan.
Si Cristo ay may laman at Buto
Lucas 24:39
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.
Kaya naman tunay na IISA lamang ang tunay na Diyos ayon na rin sa talatang ito;
Marcos 12:32
Sinabi sa kaniya ng guro ng kautusan: Guro, mahusay ang pagkakasabi mo. Naayon sa katotohanan ang sinabi mo na iisa ang Diyos at WALA NG IBA maliban sa kaniya.
Kung gayon na iisa ang Diyos na gumagawa sa lahat ng bagay na makapangyarihan sa lahat, masasabi nating si Cristo ay hindi “Diyos” na may kapangyarihang galing sa kaniyang sarili kundi SIYA ay BINIGYAN at hindi siya makagagawa kung hindi ito niloob ng Dios Ama.
Si Cristo man ay ito ang pahayag niya sa Mateo 11:27
IBINIGAY na sa akin ng Ama ang lahat ng mga bagay. Walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama. Gayundin, walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at ang sinumang ibig pagpahayagan ng Anak.
Mateo 28:18
At lumapit si Jesus at nagsalita sa kanila, na sinasabi: Lahat ng kapamahalaan ay IBINIGAY sa akin sa langit at sa lupa.
Kung gayon na IBINiGAY KAY Cristo ang lahat ng kapamahalaan, ito kaya’y nangangahulugan na siya’y naging Diyos na sa kalagayan dahil hindi naman maaring tumiwala sa “tao” lamang ang mga tao? gaya ng sinasaad sa
Jeremiah 17:5 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig , at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.
Hindi tama ang pakahulugan ni Soriano sa talatang ito na kung tumitiwala na ang mga lingkod ng Diyos kay Cristo ay sa tao na sila tumitiwala kaya hindi siya talagang tao. Ganito ang sabi ni Cristo mismo
Juan 7:16
Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Ang aking turo ay HINDI SA AKIN kundi Marcos 9:37
Sinumang tumanggap sa maliit na batang tulad nito alang-alang sa aking pangalan ay ako ang tinatanggap. Sinumang tumanggap sa akin ay HINDI AKO ANG TINATANGGAP KUNDI ang NAGSUGO SA AKIN
Kaya naman tama lang na sundin at tanggapin si Cristo dahil ito ay Utos ng Diyos Ama, at hindi sa ganang kaniyang sarili. Dapat nating pagtuunan ng pansin na ang tumatanggap sa mga ISINUGO NG DIYOS AY HINDI SILA ANG TINATANGGAP KUNDI ANG DIYOS MISMO. Ang sabi sa mga talata;
Mateo 10:40
Siya na tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at siya na tumatanggap sa akin ay TUMATANGGAP SA NAGSUGO SA AKIN.
Si Cristo ay HINDI MAKAGAGAWA NG SA GANANG KANIYANG SARILI LAMANG . Idinadaloy niya sa AMA ang lahat ng kapurihan at karangalan , HINDI SA KANIYANG SARILI.
Juan 6:57
Ang Amang buhay ang nagsugo sa akin at ako ay nabubuhay DAHIL SA AMA . Gayundin ang kumakain sa akin. Siya ay mabubuhay dahil sa akin
Juan 5:30
Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili . Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko. Ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahanap ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin.
Juan 7:28
Sa malakas na tinig nga ay nagtuturo si Jesus sa templo. Kaniyang sinabi: Kilala ninyo ako at alam ninyo ang aking pinagmulan. Hindi ako narito nang sa sarili ko lamang . Subalit siya na nagsugo sa akin ay totoo . Hindi ninyo siya kilala
Juan 4:34
Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain.
Kung gayon na hindi totoong Diyos si Cristo dahil IISA lamang ang totoong Diyos ayon na rin sa mga talata, tama kaya na pakahulugan na siya ay Ordinaryong tao lamang na “ibinababa” na ng kasalukuyang Iglesia ang kaniyang kalagayan tulad ng paratang ng marami? Dapat nating malaman na kailanman ay hindi nilayon ng Iglesia na lapastanganin, alisan ng karangalan o ibaba ang pagkatao ni Cristo. Ang Biblia lamang ang tanging basehan ng katotohan kaya ito ang dapat na gawing saligan, hindi ang pansariling kuro kuro lamang ng sinomang tao. Sa totoong Iglesiang hindi sa tao nakasalig ang pang unawa, kundi sa Diyos na siyang gumagawa at may ari ng Iglesia. Ang tamang pagrespeto at pagpaparangal sa Panginoong HesuCristo ay ang totoong pagkilala sa tunay na kalagayan at katangian niya na naaayon sa Biblia.
Ano ang mga katangian at karangalan IBINIGAY sa Panginoong HesuCristo?
1) Ang kapamahalaan ay IBINIGAY SA KANIYA NG AMA
Mateo 28:18
At lumapit si Jesus at nagsalita sa kanila, na sinasabi: Lahat ng kapamahalaan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa.
2)Siya ay lalaking PINATUNAYAN NG DIYOS, ayon sa wikang Ingles KJV
Acts 2:22 “Men of Israel, hear these words: Jesus of Nazareth, a Man attested by God to you by miracles, wonders, and signs which God did through Him in your midst, as you yourselves also know
3)Ang mga ginawa ng Diyos kay Cristo na hindi ginawa sa iba
Efeso 1:22 At ang lahat ng mga bagay ay ipinailalim niya sa kaniyang mga paa. At ipinagkaloob sa kaniya na maging ulo ng lahat-lahat ng mga bagay para sa iglesiya. 23Ang IGLESIA ang kaniyang katawan , ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat lahat.
4)Ipinag utos na SAMBAHIN ng lahat maging ng mga ANGHEL ng Diyos para sa ikaluluwalhati ng tanging Diyos Ama.
A) Filipos 2 ;9-11 Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at BINIGYAN ng pangalang higit sa lahat ng pangalan . 10Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa. 11Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, Hebreo 1:4-6
4Yamang siya ay higit pang dakila sa mga anghel, ang pangalan na kaniyang minana ay higit pa kaysa sa kanilang pangalan.
5Alin sa mga anghel ang kailanman ay pinagsabihan ng ganito:
Ikaw ay ang aking Anak at sa araw na ito ay
ipinanganak kita.
At muli niyang sinabi:
Ako ang magiging Ama sa kaniya at siya ay
magiging Anak sa akin.
6Gayundin, nang dalhin niya ang kaniyang tanging dakilang Anak sa sanlibutan, sinabi niya:
At hayaan siyang sambahin ng lahat ng anghel
ng Diyos.
6) ISang TAONG WALANG KASIRAAN na ayon kay Cristo mismo ay siyang katuparan ng mga hula
1 Mga Taga-Corinto 15: 38Ang Diyos ang siyang nagbibigay ng katawan ayon sa kaniyang kalooban, at sa bawat isang binhi ay binibigyan niya ng sariling katawan. 39Hindi lahat ng laman ay magkatulad na laman. Iba ang laman ng tao, iba ang sa hayop, iba ang sa isda at iba naman ang sa ibon. 40 May katawan na panlangit at mayroon ding panlupa, ngunit iba ang kaluwalhatian ng panlangit at iba ang sa panlupa
1 Mga Taga-Corinto 15: 47 Ang unang tao ay mula sa lupa, gawa sa alabok. Ang ikalawang tao ay ang Panginoon na mula sa langit.
At ng siya’t magbangon na sa mga patay at nagpahayag sa kanyang mga alagad ay ito ang kaniyang patotoo.
Lukas 24:39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.
40Pagkatapos niyang magsalita, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. 41Ngunit hindi sila makapaniwala dahil sa galak at pagkamangha.
Lukas 24: 44 Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga Gal 3:20 Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa;
|