Gudkisser,
Gumawa na ako ng separate na thread para dito tayo mag-usap tungkol sa hamon ko sa yo.
I Juan 5:20 at hindi ang I Tim 5:20, huwag mong patulan yung pagkakamali ko sa pagtype.
Ang talatang ito (I Juan 5:20) ay isa sa mga ginagamit na batayan ng mga naniniwalang si Cristo ay Dios.
Patutunayan mo na si Cristo ay Dios batay sa I Juan 5:20 LAMANG, at ako naman patutunayan ko na si Cristo ay HINDI Dios ayon sa talatang yun LAMANG.
Pero bago tayo mag-usap ay magkasundo muna tayo. Ako kasi ay IISAng Dios na tunay lang ang kinikilala ko. Ikaw, ilan ba ang kinikilala mo? Kasi kung 2 o higit pa ang kilala mo, hindi magsasalubong ang pag-uusap natin. Maaaring ibang topic na lang ang pag-usapan. Pwedeng ito na lang: Ilan ang Tunay na Dios?
============
Ang Dios ng mga ADD:
