Uso sa ADD mahaba magtexto at mahaba manalangin ang mga manggagawa. Noong araw ito, kasi ngayon puro video na lang ang texto sa kanila e, wala nang tiwala sa mga manggagawa nila ang mga MIC ng ADD. Magkagayonpaman, mahaba pa rin! Mahaba as in 2 hours ang Pagsamba pati Prayer Meeting! Pag isang oras lang, nako baka ituring ng mga miembro na MIC kahit manggagawa lang dahil sa saya, bihira ang textong maiksi sa ADD.
Ang karanasan ko ay pwede nyong itala sa kasaysayan ng ADD, pinaka-maikling texto ng manggagawa para sa pagsamba sa ADD. Ilang oras? Hindi oras, dahil 15 minutes lang! Ang matindi pa, yung manggagawang nagtexto ay sya ring nag-gitara para sa awitan sa naturang pagte-texto. Ang pangalan ng manggagawa, Rod. Hindi ko na maalala ang apilyedo. Nahuli ang manggagawang ito sa kanyang destino nang halos dalawang oras, kaya para di sya mapahiya ay hataw-texto sya. Biglang nawala ang manggagawang ito, at ang ibinalita ng MIC namin noon di-umano ay nasangkot daw si Rod sa nakawan. Kilala ni Ka. Jonathan itong MIC na ito, tinitiyak kong itong MIC na ito ay ubod ng sinungaling! Kung magpa-destino ba naman ng manggagawa ay minsan tatlo hanggang apat na lugar sa iisang araw, bundok at dagat ang pagitan. Nang mangyari itong texto ni Rod, 3 ang destino nya pangalawa kami, kaya biglang sibat sya pagkatapos ng aming doxologia.
Maraming salamat sayo Romel Yap Malapira a/k/a Gudkisser nang dahil sayo naalala ko ang mga karanasan ko sa ADD na tulad nito. 'ADD' changed to 'Ang Dating Daan' at thread title
This message has been edited by i3answer on May 1, 2007 8:09 AM
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Wala sigurong paninda kaya maikli. Kasi sa Apalit kaya humahaba hindi pa ubos ang paninda ni Ingkong. Yun ang purpose ng mahabang pagsamba sa kanila, para gutomin uli yung mga dumadalo, tiyak ubos ang paninda ni Ingkong lalo na yung paborito ng mga ADD na Lumpia ni Ingkong na ang sahog ayon na rin sa kanila ay mga gulay na pinulot sa Divisoria. Sarap na sarap sila doon sa mga pinulot na gulay na yun.
==================
Ang Dios ng mga ADD may Puwet!:
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Tama, wala ngang paninda si Rod. Noong panahong yon, hindi pa uso ang inoobliga na magtinda ang mga manggagawa. Kung ginawa nila yun noon na ubligahing magtinda ang mga manggagawa, tiyak na mauubusan na sila ng mga manggagawa.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Hanggang ngaun po ba ay VCD o DVD pa rin ang ginagamit nila sa pagtetexto...eh pinagmamalaki nila na marami na silang manggagawa at pinadadala pa nga sa ibang bansa
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
nagtatanongpo
(Login nagtatanongpo)
Re: Pinaka-maikling Texto sa Ang Dating Daan
No score for this post October 2 2009, 10:06 PM
Hanggang ngaun po ba ay VCD o DVD pa rin ang ginagamit nila sa pagtetexto...eh pinagmamalaki nila na marami na silang manggagawa at pinadadala pa nga sa ibang bansa
Isang MALAKING DRAWING ang sinasabi ng mga ADD...LOL!
*
"For though although we walk in the flesh we do not war in the flesh for the weapons of our warfare are not fleshly
but the power of God to destroy strongholds. We destroy arguments and every proud obstacle to the knowledge of God,
and take every thought captive to obey Christ." - The Apostle Paul
If ye be reproached for the name of Christ, happy are ye; for the spirit of glory and of God resteth upon you:
on their part he is evil spoken of, but on your part he is glorified. - 1 Peter 4:14
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Aba! ngayon ko lang nabasa itong post na ito ah! Noong umanib ako sa ADD noong 2004, hindi ko na naabutan yung kinuwkwento ni Bro. Vic na live teksto ng Manggagawa. Kahit ganun, na kwento pa rin sa akin ng mga matatandang kaanib sa ADD na ganun nga ang systema sa ADD noong hindi pa uso ang VCD at DVD. Kahit sa doktrina nila, mga manggagawa rin ang nag teteksto.
Ang reason naman nila para si Bro.Eli na ang direktang mag teksto sa mga prayer meetings at pagsamba, ay yun daw ang kagustuhan na rin ng mga manggagawa. Bukod pa roon, ay para magkaroon ng isang tawid ng aral. May tendency daw na magbago ang paliwanag kung mga manggagawa rin.
Pero alam nyo ba, naka attend ako ng isang pagsamba na ang manggawa ang nag teksto? Noong ako'y sumama sa isang manggagawa upang dalawin ang maysakit na ADD member. Wala syang dalang VCD/DVD pero sya mismo ang nagteksto gamit ang Outline. Pero ang standard procedure talaga ehh mag dadala ang manggawa ng diskman (kung walang TV ang pupuntahan) at iyon ang papakinig sa kaanib na dinadalaw/maysakit.
Sa opinyon ko, mas maganda kung papayagan ng ADD ang mga manggagawa mismo ang mag teksto kasi mas nakakatatag iyon ng kanilang samahan. Masama kung aasa na lang sila lagi kay Eli Soriano. Mamamatay ang samahan nila kung ipagpapatuloy nila ang ganitong practice. Dapat magkaroon ng self-reliance ang mga manggagawa nila. Papaano kung dumating ang scenario na namatay ng sabay-sabay si Razon,Soriano, at lahat ng MIC? Sino ang magteteksto? Edi wala na, tapos na?
History doesn't repeat itself. We repeat History! -Ambeth R. Ocampo
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Sa opinyon ko, mas maganda kung papayagan ng ADD ang mga manggagawa mismo ang mag teksto kasi mas nakakatatag iyon ng kanilang samahan. Masama kung aasa na lang sila lagi kay Eli Soriano. Mamamatay ang samahan nila kung ipagpapatuloy nila ang ganitong practice. Dapat magkaroon ng self-reliance ang mga manggagawa nila. Papaano kung dumating ang scenario na namatay ng sabay-sabay si Razon,Soriano, at lahat ng MIC? Sino ang magteteksto? Edi wala na, tapos na.
So ikaw ba ay nag-aalala kung matapos na ang samahan ni Soriano?
Dito sa sinasabi mo,ano ito? indirect na payo sa ADD,as in pagmamalasakit sa samahang ADD na huwag ipagpatuloy yung kanilang gawaing ganyan kasi matatapos sila?So ikaw ba ay nag-aalala na baka matapos ang kanilang samahan?
Concern kaba sa future ng ADD?
Prangkang tanong lang yan kasi sabi mo prangka ka.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Kung kasing brutal ang aking pag iisip, sasabihin ko yung otherwise. Pero kung umaasa pa tayong may magaganap na pag babago sa kanila, why not? Wala naman masama magpatuloy sila kung iibahin nila ang kanilang pananaw at paninindigan patungkol sa ibang pananampalataya at pagtigil nila sa pag papalalo.
Alam ko na may ilang mga manggagawa dyan na gusto mag karoon ng reporma sa ADD, ngunit suppressed sila dahil alam naman natin kung gaano ka brutal si Eli Soriano.
Ngayon kung nag duda ka sa akin,bahala ka mag isip kung ano yun. Basta ako, ay patuloy na gagawa ng comments, essay, articles laban sa ilang maling paniniwala ng ADD.
Kung gusto mo malaman ang katauhan ko, maari mong kontakin si Bro. AAD.
History doesn't repeat itself. We repeat History! -Ambeth R. Ocampo
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Ang ADD ay pilit na ginagaya ang pamamaraan at doktrina ng INC, mula sa kaayusan, sa paghabi ng leksiyon at pagteteksto; at kitang kita naman ang ebolusyon ng ADD mula ng ito ay itatag ni Soriano. Pinipilit niyang "agawin" ang katatayuan at pamamaraan ayon sa itinuturo ng biblia. Magkagayon man, sa dahilang ang layunin ng kanilang lider ay pansariling kapakinabangan, ito ay nagmimistulang isang itim na anino na pilit sinusundan ang INC upang lukuban. Dahil dito, ay lalo lamang lumulutang ang kaningningan ng INC dahil sa kanilang pagpupumilit na umagapay dito.
Kahit na sabihin nilang napantayan o naungusan nila ang pamamaraan ng pagpapatupad ng INC sa mga tuntunin at pamamaraan, ay hindi naman nila kayang agawin o gayahin ang kahalalan nito na itinuturo ng biblia. Ito ang katunayan na ang INC ay Dios ang may panukala...
Angel_09
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
napantayan? naungusan? hangang sa panaginip na lang po nila yun...eh lalo pa sa kahalalan!
talagang obvious naman pong gustong gayahin ng ADD ang pedestal na tinatamasa ng INC sa panahong ngayon...mula sa mga simpleng salita hangang sa mga palatuntunan at gawain ay may bahid ng pangagaya yang mga ADD.
...naalala ko tuloy yung isang dating ADD na sinabi ng isang MIC sa kanila na pangalawa sa aral ng Dios ay ang INC. dito pa lamang ay makikita na natin ang mga pagaalinlangan sa kanilang puso't isipan dahil kung matatag ang kanilang paniniwala sa ADD, dapat ay sabihin nilang ADD lamang ang may tunay na aral dahil kung may pangalawa, pangatlo and so forth, so naniniwala silang tunay na aral din ang mga nandun at ang ginagawa nilang pagtatag ng kolorum na relihiyon ay SCHISM lamang - sa madaling salita - PAGKAKABAHABAHAGI ang iniisip nila lalong lalo na ang nagpasimula ng kanilang kulto(kingkong), isang isipang tinuturing na isang gawang laman/ kasalanan sa Dios (Gal 5:20; Rom 16:17)
SO SA MGA NATITIRANG KABAYANG ADD, HANGANG WISHHHH NYO NA LANG PO YUN. PATULOY NA LANG KAYO MANAGINIP NG PAREHONG TULOG AT GISING!
"Kung ang Dios ay kakampi natin, sinong laban sa atin?" Rom 8:31
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Current Topic - Pinaka-maikling Texto sa Ang Dating Daan
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....