Mary08- Bakit po maalam kaba sa biblia? kung gusto mo subukan natin ang tinurong aral sayo ni manalo?
Sagot- May konti naman tayong nalalaman, ang masasabi ko lang siguro e, ang aral na natutunan ko e galing sa Diyos, hindi sa tao. Eto ang gusto kong subukan natin, Dahil ang nasasaad sa Biblia ay ganito...
Juan 7: 16-18 Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Ang aking turo ay hindi sa akin kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. 17Kung ang sinuman ay nagnanais na gumawa ng kalooban ng Diyos ay malalaman niya ang patungkol sa turo. Malalaman niya kung ito ay mula sa Diyos o ako ay nagsasalita mula sa aking sarili. 18Siya na nagsasalita mula sa kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian
Mary08-kung biblia lang ang paguusapan sigurado akong mapapahiya kalang sakin.kasi diba bawal nga ang magbasa senyo ng biblia kapag hindi ministro?
sagot-Kung biblia ang pag-uusapan, hindi tayo magyayabang. Pero gusto kong patunayan mo na "mapapahiya ako sa iyo", dahil marami ng ADD na UMAANI NG PAGKAPAHIYA AT UMAANI PA, baka nga naman iba ka sa mga ito. Hindi bawal sa amin ang magbasa ng biblia gaya ng paniwala niyo na turo ni Soriano, Ang bawal ay yung magkaroon ka ng pansariling kahulugan na hindi komporme sa kasulatan.
Ok eto ang isang temang gusto kong pag-sapan natin.
"Paano naging dios si Soriano at ang mga miembro nito at kung totoo o anong klaseng pag ka dios o description ng pagka dios meron ang mga ito ayon sa biblia"
O kung may ibang paksa kang gustong pag-sapan, ikaw ng magsabi.
Mary08- at wag mo din sabihin na kawawa kami kasi nakakasigurado kami sa aral namin.
Sagot- Nasasabi kong kawawa kayo Mary08 dahil, napakarami niyong ginugugol at sakripisyo sa samahang yan na nasasayang lamang dahil napakaraming Kasinungalingang aral diyan, at kung maraming kasinungalingan , hindi na ito sa katotohanan, hindi na ito ang tamang daan sa kaligtasan dahil ang Sabi ni Cristo..
Juan 14:6
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang KATOTOHANAN at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
Mantakin mo bang around 800 kontradiksyun ang naipon niyong salungatang aral, siempre madali lang ang logic niyan, kung ang isang aral e sinalungat mo, naging baligtaran, ang isa ay totoo ang isa ay hindi. Sigurado ka na isa ang hindi tama. Pero sa ADD, parehong tama daw yun. Mary08 hindi ka nakakasiguro sa aral ninyo dahil typical of an ADD member na "MAG_AKALA" ng excessive, pero hindi nila alam na SALAT NA SALAT pala sila sa totoong kaalaman. Sa haba ng mga oras na ginugugol niyo sa pakikinig kay Soriano, dapat sana ay "NAPAKA-ALAM" niyo na ang mga aral ng biblia. halos 2 oras na pagkakatipon, 2X a week, ISANG BUONG ARAW NA PASASALAMAT" na napapatagal dahil sa mga "suspense, bago, mahiwagang paksa, panunuligsa, pagmumura" etc etc. Malaking panahon, pera (sapilitang abuloy, insinuated na pagpapahiwatig ng pangangailangan ng pera para maipagpatuloy ni Soriano ang pag eere which is proved to be self centered interest para siya hangaan). Pagpapasanla ng ari- arian, etc eto ang listahan
http://www.network54.com/Forum/261121/thread/1151263503/last-1174528359/
Lahat ng comment kong ito ay may basis at gusto kong patunayan, paunlakan mo lang ang pagtanggap ko sa hamon mo. Dapat nating malaman na STANDARD NA AYON SA PANUKALA NG DIOS nalalaman kung ang isang relihiyon ay itinayo ng tao lamang o kung ito ay nagmula sa DIos. Hindi niyo pa rin madadaig ang mga madre at pari sa "pagmumukhang mga banal" at pagsasakripisyo pero hindi ito kumporme sa kagustuhan ng Dios, kaya hindi batayan ang pansariling akala dito. Kahit gaano pa ang pagsasakripisyo ng isang na "magpakabanal" ngunit hindi ito naayon sa kagustuhan ng Dios, sayang ang mga sakripisyong ganito.
Roma 10: 2Pinatotohanan ko na sila ay may kasigasigan sa Diyos ngunit ang kasigasigan nila ay hindi ayon sa lubos na kaalaman. 3Hindi nila alam ang katuwiran ng Diyos. At sapagkat sinisikap nilang maitatag ang kanilang katuwiran, hindi sila nagpapasakop sa katuwiran ng Diyos.
So eto ang isa pag tema, SAAN IGLESIA SA PANAHON NGAYON NATUTUPAD ANG TUNAY NA ARAL AT KAGUSTUHAN NG DIOS. kahit sino pwede ng sumali dito, o kaya magsabi ka ng iba kahit na hindi ADD.
Mary08- Kapag hindi mo tinugon o napatunayan na "pahiyain ako", well, gaya ng DATI, babalik sa inyo ang mga paratang niyo. May mga add na pagkatapos mabuksan ang isipan ay may tapang na magdesisyun upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa katumbas nito ay usigin siya ng mga ADD na dati niyang kasama, pero ang mabuti, nakawala sila sa PAGKABIHAG AT PAGKABULAG KAY SORIANO at higit sa lahat, mas may pagkakataon na siyang tahakin ang landas na naayon sa direksyong turo ng Dios.
This message has been edited by A-A-D on Jan 6, 2008 9:27 AM
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Budski-So Mary08, Kapag hindi mo tinugon o napatunayan na "pahiyain ako", well, gaya ng DATI, babalik sa inyo ang mga paratang niyo. May mga add na pagkatapos mabuksan ang isipan ay may tapang na magdesisyun upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa katumbas nito ay usigin siya ng mga ADD na dati niyang kasama, pero ang mabuti, nakawala sila sa PAGKABIHAG AT PAGKABULAG KAY SORIANO at higit sa lahat, mas may pagkakataon na siyang tahakin ang landas na naayon sa direksyong turo ng Dios.
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Mary08- Bakit po maalam kaba sa biblia? kung gusto mo subukan natin ang tinurong aral sayo ni manalo?
ang masasabi ko lang mary, marami nang mga add members ang katulad mo na pulos pagyayabang lang ang ginagawa pero kapag pinatulan na ay bahag ang buntot na tatakbo(katulad at kagaya ng ginagawa ni Mr soriano)
akala ko pa naman naiiba ka, pero copycat ka rin pala!
"Life is Beautiful"
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Current Topic - Pagtanggap sa hamon ni Mary08 na isang ADD
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....