Nais ko lang pong ibahagi ang ilang obserbasyon ko sa samahang ADD dito sa aming lugar (CEBU),
una ang pagsara ng isang coordinating center sa lugar ng consolacion na umuukupa sa isang maliit na apartment, na habang nanunuod ng mga video ni ely soriano ang mga matatandang miyembro nito ay nag b-badminton naman sa labas ang mga batang kaanib nito, di ko tuloy lubos na maisip kung anong uring pagsamba ang kanilang ginagawa, ngunit asan na kaya sila ngayon?, bakit kaya nila isinara ang coordinating center na yun? pano na kaya ang mga kaanib nila sa lugar na yun?,tsk..tsk..tsk...
sunod naman ay ang coordinating center na matatagpuan sa lugar ng mandaue, along the highway po eto at makikita mo halos ang kabuuan nito sapagkat mayroong fly over sa tabi nito, noon ang coordinating center nila ay umuukupa sa ikatlong palapag kung saan merong styro na selyo ng kanilang samahan, matatwa nga kayo eh dahil sa ilalim ng kanilang sinage eh meron ring sinage ng KTV (lol), subalit ang aking kapansin-pansin ay ang paglipat nila sa roof top ngayon, na ang tabing lang ay luna, bakit kaya? siguro mas mura ang renta sa roof top?, o mas tipid kase di na sila gagamit ng electric fan (lol), ang isa pang katawa-tawa dito ay kung hindi araw ng kanilang pagkakatipon makikita mo ang mga sinampay sa dakong iyon, tumatanggap kaya ng labada ang mga kaanib nila?, bakit? mga ADD members hindi ba kayo nababahala?.
eto pa nakakatawa, pag may nakausap kang ADD member buong sigasig na ipagmamalaki nila ang kanilang programang "itanong mo kay soriano.........Bibliya ang sasagot.", at kung tatanungin mo hindi ka sasagutin ng "Ang sabi sa Bibliya....." bagkus "Ang sabi ni bro. eli eh...", tsk...tsk..tsk.. ano ba talaga natutunan nila Aral sa Bibliya o Aral ni soriano.
sana po ay balitaan din ninyo kami sa ilan pang mga bumabagsak o bumagsak ng mga coordinating centers ng ADD sa inyong lugar upang mamulat na ang mga kaanib ng samahang eto na pikit matang sumasalo sa mga kahihiyan ng pamunuan ng kanilang samahan.
maraming salamat po.
what goes around comes around
Iglesia Ni Cristo
lokal ng lioan
Distrito ng Eklesiastico ng Cebu South
"Sapagka't may isang Dios at may isang tagapamagitan sa Dios at mga tao, ang taong si Cristo Jesus." - I Timoteo 2:5