Nakilala ang malakas na impluwensyang politikal ng INC simula noong maging matalik na magkaibigan ang dating pangulong si Manuel L. Quezon at Felix Manalo dahil sa paghingi ng payo ng una sa huli. Marami din ang nakaka-alam ng kanilang pagsuporta sa dating pangulong si Ferdinand E. Marcos hanggang sa maalis ito sa pwesto noong Unang Rebolusyon sa EDSA ng 1986.[13]
Ang mga myembro ng INC ay kilala sa ginagawa nilang bloc voting sa tuwing sila ay boboto.[14][15][16] [17] Malaki ang kanilang conversion turn-out kung saan anim na pu't walo hanggang walumpu't apat na porsyento (68%--84%) ay pumipili ng iboboto ayon sa gusto ng kanilang pamunuan. Ito ay dahil sa kanilang doktrina ukol sa pagkakaisa, na kung saan ang parusa sa hindi pagsunod ay ang pagtanggal sa pagiging myembro. Ilang sa media ang naniniwala na ang INC bloc vote ang nagdulot ang pagkakapanalo sa kandidatura ng pagkapresidente nila Joseph Estrada noong 1998,[13] at ang pagkakahalal muli ni Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.[18]
Ito ang nagbigay sa INC ng malaking impluwensyang pulitikal sa mga naihalal na opisyal. Ayon sa mga balita sa dyaryo, ang pagpapanatili ng Kongreso sa kanilang pasya na tanggihan ang impeachment complaint kay Arroyo ay apektado ng impluwensya ng INC. Sa ulat ng isang dyaryo, tinawagan umano ni Erano Manalo ang bawat isang mambabatas.[19] Ito naman ay tinaggihan ni Behn Fer. Hortaleza Jr. Siya ay nagsulat ng isang editoryal para sa The Sun-Star Pangasinan kung saan sinabi nya na si kinatawan Joey Salceda ay nagbalak na ibuno ang INC sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ang pagsasaayon nya ng oras ng "balita" ng konggresista sa isang pagbubunyag tungkol sa mga obispo na tumatanggap ng "sin money" mula sa Pagcor para sa kanilang proyekto.[20] Ngunit para sa iba, ang boto ng INC ay mayroon lang kabuluhan sa mga laban na malapit ang pagitan. Kanilang isinaad na natalo ang iba sa mga kandidato na sinuportahan ng INC, tulad ni senador Sergio Osmeña Jr. na natalo noong 1969 kay Marcos at sa mangangalakal na si Eduardo Cojuangco Jr. na natalo kay Fidel Ramos noong 1992.[21]
Hindi lahat ng kandidato ay tinatanggap ang suporta ng INC. Ang ama ni Macapagal-Arroyo na si Diosdado Macapagal ay tumanggi sa suporta ng INC noong sya ay nangangampanya bilang pangalawang pangulo noong 1957 at kandidatura sa paghalal muli bilang pangulo noong 1965 – kung saan sya ay natalo kay Marcos. Ayon sa websayt ni Macapagal, tinanggihan nya ang suporta upang isulong ang pagunlad ng demokrasya sa Pilipinas.[22]. Walang rin nailahad na ebidensya na nagpapatunay ng impluwensyang pulitikal sa labas ng bansa.
Ang INC ay nangangalaga ng isang party list na kung tawagin ay Alagad.
[baguhin] Kontrobersya at Kritisismo
Ang Iglesia ni Cristo ay naisailalim sa matinding pagbatikos mula sa mga grupo ng apologetics at sa ibang mga relihyon. Ang madalas na dahilan ng hindi pagkakasundo ay dahil sa mga doktrina at paniniwala ukol sa pagsasalin ng nilalaman ng Biblya. Sila rin ay binatikos ng mga grupong walang kinalaman sa relihyon ukol sa kanilang impluwensyang pulitikal at ang ipinalagay na pagpigil ng karapatang pagpapahayag.
[baguhin] Mga Insidente
Noong Septyembre ng 1972, binaril at napatay ng mga miyembro ng INC ang tatlong mga sundalong marino na kasali sa pangkat na ipinadala ni Marcos upang ipasara ang DZEC radio tower ng INC.[23]
Noong Marso 8, 1992, labing-dalawang myembro ng Iglesia ni Cristo ay nagalit sa pagkakatalo nila sa isang laro ng basketball laban sa mga mag-aaaral ng PUP. Ang kanilang pisikal na pananalakay ay lalong nagpalawig sa gulo. Isang "rumble" ang nagyari pagkatapos nito na kung saan ang mga myembro ng INC ay natalo. Bilang ganti, dinukot ng mga myembro ng INC ang walong mag-aaaral ngunit pinakawalan ang tatlo rito matapos na bantaang walang magsusumbong. Ang limang natirang mag-aaaral ng PUP ay pinatay sa loob ng kapilya ng Iglesia ni Cristo sa Sta. Mesa, Manila.[24]
Noong Oktubre 2007, ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Tondo, Manila ay sinalakay ang tatlong mangangaral ng Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) matapos ng isang relihiyosong pagtatalo. [25]
[baguhin] Mula sa grupong relihiyoso
Inilahad ni Dr. Karl Keating, ang nagtayo ng Catholic Answers, na si Dr. Jose Ventilacion, isang ministro ng INC at isa sa kanilang punong manguguro, ay nilabag ang kasunduan noong 1990 para sa isang one-on-one na pagdebate ng dalawang kapisanan sa National City, California. Sa halip na one-on-one na pagdebate, inilahad ni Keating na si Ventilacion ay mayroong tatlong taong tutulong sa kanya at sila ay sumisigaw sa kanya habang nagdedebate. Kanya ring inilahad na ang God's Message na magasin ay mas nakatutok sa pagbabatikos ng mga paniniwala at doktrina ng Simbahang Katolika at Protestante (halimbawa ay ang pagtukoy sa mga ito bilang "kasangkapan ni Satanas"), sa halip na magpaliwanag ng kanilang position.[26]
Ang Simbahang Katolika ay pinabulaanan ang bansag ng INC sa Santo Papa bilang ang halimaw sa Apocalipsis, na karaniwan ring paniniwala ng ibang relihyosong grupo. Sabi ng INC, ang titulo ng Santo Papa na Vicarius Filii Dei, isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay Vicar ng Anak ng Dyos, ay nagiging 666 na umano ay Bilang ng Halimaw kapag idinagdag ang mga letra ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa alpabeto. Sinasabi rin ng INC na ang titulong ito ay naka-ukit sa tiara ng Santo Papa. Ito ay napatunayang hindi totoo[26] at nagi rin itong paniniwala ng ilang mga Sabadista ngunit ngayon ay opisyal ng initatanggi.[27] Sinabi rin ng Simbahang Katolika na ang salitang Vicarius Filii Dei ay hindi kailanman naging "opisyal na titulo" ng Santo Papa.[27]
Pinabulaanan rin ng Catholic Answers ang doktrina ng INC ukol sa paglisan sa unang relihiyosong paniniwala kay Kristo ng Simbahang Katolika. Nininiwala sila na hindi ginagamit ng INC sa tamang konteksto ang mga bersikulong gamit ng kanilang doktrina na nagkasaad umano sa banal na sulat ng kanilang simbahan at ang lubusang pagtalikod ng Simbahang Katolika. Nabanggit rin ng Catholic Answers na mahirap ipag-isa ang iba pang mga bersikulo sa pananaw ng Iglesia ni Cristo.[28]
Binatikos ng Let Us Reason Ministries, isang grupo ng apolohetikong mananaliksik, ang INC sa kanilang paniniwalang bigay sa kanila ng Diyos ang karapatan na ipakahulugan at mangaral ng mga nakasulat sa Biblya at ang ibang relihiyon ay walang otoridad. Kanila ring inihayag na ang INC umano ay sinasadyang ipaliwanag o gamitin sa maling paraan ang mga bersikulo upang sumang-ayon sa kanilang doktrina at ang gamagamitan umano sila ng nakalilinlang na pangagatwiran laban sa ibang relihiyon, [29] na ayon sa kanila: ""Unfortunately they ignore the whole history of the Church in the zealous rebuttals against Catholicism. Nothing is out of reach of their researchers to demean and belittle. Some of the greatest scholars in languages and history are ignored or misrepresented as they present what they believe is correct. I suspect that many know better in what they teach."[30] Hindi rin nila tinatanggap ang doktrina ng INC na maliligtas ka lamang kung ikaw ay naging miyembro.[31] Ayon naman sa The Bereans Apologetics Research Ministry, ang iba sa paniniwala ng INC ay salungat sa mas laganap na Kristyanismo[32]. Subalit, inihayag ng Iglesia ni Cristo na ayon sa banal na sulat, sila ang napili upang maging "bayan ng Diyos" tulad ng mga Israelita at pinili sila ng Diyos upang maglingkod.[5]
Binatikos ni Dr. Charles Caldwell Ryrie ang INC umanong maling pagsipi nila sa kanilang Ryrie Study Bible ukol sa bersikulo ng Biblya na Juan 1:1 noong Mayo/Hunyo 1984 na palathala ng Pasugo. Sinagot ni Ryrie sa isang sulat niya kay Robert Elliff, ang may-akda ng Iglesia Ni Cristo: The Only True Church?, nang ganito: "Anyone can look in my Study Bible and see how conveniently this author [the INC] omitted the last phrase in the note of John 1:1."[33]
Ang Members Church of God International ay mayroong matagal nang tunggalian sa INC ayon sa ipinapakita nito sa kanilang palabas sa telebisyon na Ang Dating Daan (ADD) at Ang Tamang Daan. Si Kapatid Eliseo Soriano ay nagpalathala ng isang bayad na paanunsyo sa dyaryo ng Manila Times at inimbitahan nila ang kampo ng Iglesia ni Cristo sa isang one-on-one na pakikipagtalo at pagtatalakay. Isinagot naman ng INC na makipagtalo muna siya sa Santo Papa na nakaratay sa mga panahon na iyon at namatay mga ilang araw pagkatapos ng anunsyo. Isang kapuna-punang insidente ang nangyari sa pagitan ng dalawang grupo noong Abril 28, 2005 nang magkaroon ng bayolenteng pag-aaway sa dapat na mapayapang pag-uusap sa pagitan ng isang miyembro ng Members Church of God International at ng kanyang mga kamag-anak na miyembro ng INC. [34][35] Ayon sa imbestigasyon, sinimulang ng mga miyembro ng INC ang pag-aaway matapos na magsalita ng pasigaw ng isang taga-suporta ng ADD noong nangyayari ang pakikipag-usap sa lokal na himpilan ng pulis ukol sa magiging lugar ng gaganaping usapan.[36]
[baguhin] Kritikang walang kaugnayan sa relihiyon
Ang pangunahing paratang ukol sa pagpigil ng karapatang pamamahayag ay nagmula sa pangungunang pagpigil ng simbahan sa paglabas ng librong ginawa ni Ross Tipon na pinamagatang The Power and the Glory: The Cult of Manalo, sa umano'y malubhang kamalian na nakasaad dito.[37][38] Sinabi ng mga kritiko na pinipigilan ng INC ang malayang pananalita sa pamamagitan ng pagbabawal nito nang hindi pa inilalathalang libro, at ayon kay Tipon ay nilalabag ang kanyang karapatan sa malayang pananalita. Si Abraham Espejo, isang abugado ng INC ang nagsabi na: ""The publication of the criminal manuscript will trigger social unrest, Millions of people may come out in the streets and this may lead to violence." Ayon sa INC, sinisiraan ng libro ang kanilang organisasyon at si Félix Manalo. Humihingi sila ng PHP1,000,000 na danyos perwisyos mula kay Tipon at sa hindi pa kilalang tagapaglathala.[37]
Ayon sa impormasyong nagbuhat sa mga pinagkukunan intelihensyang panghukbo, ang INC ay mayroong libo-libong matataas na kalibreng sandata na nakatago sa kanilang armori, liban pa sa mga sandatang pag-aari ng mga sundalo at pulis na miyembro nito
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Para kay ginoong asdf asdfaadf (Login simpleng_simple),
Hindi po gawain namin ang magbura ng magbura sa forum na ito, pero kailangan lamang po na kayo po ay sumunod sa ilang alituntunin dito sa ating forum, heto po ang mga ilan na mababasa rin po ninyo sa may ibaba ng forum na ito...
"Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan. Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan. Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum"
Tulad ng inilagay po ninyo dito sa thread na ito na kung ito po ay ilalagay po ninyo saan man na ibig po ninyo ay maliwanag na lalabas na pang-gugulo sa forum na ito, ang hinihiling po namin sa inyo ay konting pag-sunod sa kaayusan. Kung di' po 'nyo nais ang kaunting hinihinging kaayusan o alituntunin dito sa forum ay...
malaya po kayong gumawa nang sarili ninyong forum sa network 54, kahit ilan po ay pu-puwede at libre lamang po ito dito sa network 54 at higit sa lahat ay masusunod po ang inyong nais gawin o ilalagay na mga alituntunin.
Kaya pinakiki-usap po namin na ilagay lamang po ninyo sa kaayusan ang lahat, kung patuloy po kayo sa inyong ginagawa at di' po kayo mapaki-usapan ay mapipilitan po kami na gumawa ng paraan, ginagawa po namin ito upang manatili po ang kaayusan at ang diwa ng forum na ito.
Sana'y malinaw po ito sa kinauukulan, marami pong salamat sa pang-unawa,
Forum Owner
Eli Soriano: "Ngayon, kung sasabihin 'nyo meron din akong mali eh di' i-expose 'nyo rin, ipakita ninyo. I'm ready to face anybody" (audio/video)
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Baka ang akala ng mga ADD eh pag gumawa sila ng ibang thread ay matatakpan ang mga issue dito na ayaw man lang nilang kibuin
*
"For though although we walk in the flesh we do not war in the flesh for the weapons of our warfare are not fleshly
but the power of God to destroy strongholds. We destroy arguments and every proud obstacle to the knowledge of God,
and take every thought captive to obey Christ." - The Apostle Paul
If ye be reproached for the name of Christ, happy are ye; for the spirit of glory and of God resteth upon you:
on their part he is evil spoken of, but on your part he is glorified. - 1 Peter 4:14
Scoring disabled. You must be logged in to score posts.
Talakayan ng mga duktrina at sinasabi ni Eli Soriano at ng kanyang Ang Dating Daan.
Ano mang mga isyu tungkol kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan ay pwedeng pag-usapan dito. Lahat ng taga-pagtangol ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano ay ina-anyayahan na ipagtangol ang anumang sa inaakala nyong di wasto ang mga sinasabi dito sa forum na ito at makaka-asa kayong di mawawala o di mabubura ang inyong mga kasagutan.
Ang maaari lang mabura o ma-delete ay ang mga sumusunod....
1.Malicious codes
2.Mga pics na hindi na katangap-tangap
3.Nang-gugulo lamang sa forum
Listahan ng IP Kaanib sa Ang Dating Daan ni Eli Soriano na nangugulo dito sa forum.....