Opisyal na Patotoo ni A.K.A LionCrypt / Vicfiles
Ako ay dating Miembro, Division Officer, ADDPro, PSG, QUAT at CIS sa Ang Dating Daan. Nagmanggagawa din ako, subalit hindi natuloy dahil kailangang-kailangan akong maglingkod sa Division noon.Sampung taon ako naging masiglang miembro sa ADD. Hindi ko na babanggitin kung ano ang exactong petsa ng pagka-bautismo sa akin, dahil sa kapakanang seguridad ng mga tao na malalapit sa akin, ang iba ay miembro pa sa Ang Dating Daan, mga dati kong kasamahan, baka pag-initan at pagbuntunan ng galit ng magtiyong Soriano at Razon. Nasama ako sa "Oplan Dalaw Tupa" ni Narcing Soriano (Kapatid ni Eliseo Soriano) noon, sa paghahanap ng mga miembro ng ADD na hindi na dumadalo sa kanilang mga Pagsamba, Prayer Meeting at Pasalamat. Noong mga panahong yaon, napakaraming nawawala, mahigit sa Kalahati ng populasyon ang di na dumadalo at
ang iba ay dumadalo sa ibang local pero ayaw namang sumonod na kumuha at magbigay ng Attendance Slip bilang katibayan. Natuklasan ko rin, noon pa man, na laganap ang ganitong problema--marami ang nanglalamig na sa Ang Dating Daan, kung ano ang dahilan? Medyo matagal bago ko nalaman. Mali-mali at kontra-kontra ang mga aral sa Ang Dating Daan kaya andaming umayaw na sa samahang ito. Ang isa pang problema, wala silang matibay na panuntunan kung paano ba masusubaybayang maigi ang bawat miembro nila. Ang sabi nga ng ibang kasamahan kong Opisyales, para daw kaming salok nang salok ng tubig sa isang timba na di malaman kung nasaan ang butas dahil kahit kailan ay di napupuno, laging marami ang pumapasok mas marami ang nawawala. Dahil sa malawak na problema sa impormasyon na hawak ko sa Division, napakaraming kulang na entry, at ang iba ay halos di mabasa ang sulat, kinailangan kong mag-verify sa Apalit. Doon nakilala ko ang may hawak ng lahat ng Records ng Iglesia ni Soriano, si Rico Fernandez. Sya ay ginawa pang OIC noon, dahil sa napaka-selan na gampaning hawak nya. Ang ikinagulat ko, imbis na ako ang humingi ng tulong sa kanya, ako ang hiningan nya ng tulong na ayusin di umano ang Records ng mga Kaanib. Inabot ako ng halos dalawang araw para alamin ang tunay na kalagayan, pero napakasama! Hindi maayos ang mga records nila! Technically, pwede mong sabihin na "Walang Records" dahil sa sobrang gulo, walang accuracy at walang tuwirang systema na sinusunod. Pinagpasyahan ko, ulitin lahat! Kaya, walang nagawa si Rico kundi sundin ang recomindasyon ko. Pero, matagal bago nakaabot sa Division namin, at nakaabot man magulo pa rin. Kaya naisip ko, tila yata walang patutunguhan ang trabahong ito. Mainam siguro magmanggagawa muna ako. Mga isang buwan pa lang akong dumadalo ng aralan, ipinatatawag na uli ako, wala akong magawa kundi bumalik. Kaya nag-training ako ng makakapalit ko. Ang masamang balita, halos masiraan ng ulo yung papalit sa akin dahil sa tindi ng problema. Pero natuloy din, sya na ang naging kahalili ko at hindi ako naging manggagawa dahil sa abala, naging PSG ako kasi automatic na PSG pag Officer noon. Sa aking pagiging PSG, naging taga-manman ako ng mga di umano'y mga "Tiktik". Ang nakakatuwa, wala namang "Tiktik" na nasa karamihan. Andoon pala sa loob mismo at kasa-kasama pa ni Eliseo Soriano araw-araw. Nabuwag ang PSG, dahil ang lider naming si Bert Miranda ay hayagang tumutol sa pagkakaluklok ni Daniel Razon bilang ikalawang tagapangasiwa ng Iglesia nila.Kinailangan magbuo uli na panibagong grupo, tinawag itong LPG (Loyal Presidential Guards), automatic din akong naging miembro dahil Officer ako. Di naglaon, itinatag ni Daniel Razon ang QUAT- Quick Action Team. Mayroon silang training at seminar na naging masyadong abala sa oras ko noon, kaya di na ako sumali. Isa pa, hindi ako bumoto kay Razon bilang ikalawang tagapangasiwa nila kaya anumang diskarte nito, tinatabangan ako. Mukha kasing showbiz si Razon e, walang kwenta kung mag-texto. Kung yan ang magte-texto sa anumang pagkakatipon, sayang lang sang pagdalo mo. Pero kahit wala akong training sa QUAT, binigyan ako ng uniporme sa ibang local dahil kailangan daw akong magbantay kay "Ingkong". Di nag-laon, bumuo ng panibagong grupo, CIS- Close In Security. Dahil madalas akong nasa paligid ni Soriano noon pa man,madalas nila akong hinuhugot para magbantay lalo na pag napupunta sila sa mga lugar na di nila kabisado. Kung sa Apalit lang at Maynila, hindi ako hinuhugot para tumupad. Karaniwan pag nasa mga probinsya si EFS, d'on ako hinuhugot. Alam ni Daniel Razon na hindi ko sya gusto, ayaw na nyang mag-alok sa akin. Maraming beses syang nagparamdam pero talagang umiiwas ako sa kanya, dahil ayaw ko sya. Dumating ang panahon na hindi masyadong naglalayag itong si Eliseo Soriano, kaya hindi rin ako laging kailangan. Napasok ako sa iba-ibang project ng Ang Dating Daan. Pati mga Special Project, na kung saan piling-pili lang ang pinasasali. May mga project ang Iglesia ni Soriano na hindi pwedeng paki-alaman ni Daniel Razon. Napasok din ako dyan. Hindi ko na rin babanggitn kung anong special project dahil may mga miembro ng Ang Dating Daan na hanggang ngayon ay nandyan pa, na nakasama ko sa mga Special Project noon. Mayron nang pinatay sa amin, ayaw ko nang madag-dagan pa kaya hindi ko na pahahbain pa. May mga pamilya kasi ang mga yan, kawawa kung yariin din. Nang matapos ang special project na naka-assign sa akin, floating ako. Nagkaroon ako ng mas malaking panahon sa aking pamilya, Oo napabayaan ko ang pamilya ko noon dahil sa kakatupad ng mga tungkulin ko sa Ang Dating Daan!
Pinalad akong magkaroon ng malaking panahon sa kanila, noong 2001. Panahon din noon ng sagutan ng panig ng Iglesia ni Cristo at Ang Dating Daan. Para sa akin, wala akong paki-alam kasi ang nasa isip ko nasa totoo na ako noon, na kung tutuosin ay mali pala. Yung mga anak ko ay kinailangan nang mag-aral kaya nag-ikot kami para maghanap ng mapapasukang eskwela na Private. Isa sa pinuntahan namin ay ang New Era University. Isang pamilya kaming nasa sasakyan, naisip ko kung totoo ang sabi ni Soriano na pag pumasok ka anya sa Central at malaman nilang miembro ka ng Ang Dating Daan, di ka na lalabas na buhay. Kaya inihanda ko na ang sarili ko at pamilya ko. Pagpasok namin, ang ibinigay kong ID sa sekyo ay ang ID ko sa Ang Dating Daan. Sinabi ko kung ano ang sadya namin, at tinanong ko ang guard kung pwede akong makapasok dahil "Ang Dating Daan" ako, sabi nya, "Pwede po". Sa loob nag-inquire ang Misis ko, ako naman ay naglibot-libot. Wala akong nakitang de-armas sa loob na animo'y bantay-sarado dahil takot sa mga miembro ni Soriano. Nakalabas kami nang maayos, nakaauwi kami nang maayos, ibinalik ang ID ko nang maayos na walang libreng bala na ibinigay sa amin. Buhay kami! E di sinungaling si Eli Soriano! Nung araw ding yaon, nanood na ang Misis ko ng Ang Tamang Daan. Nong una, di ko pinapansin dahil hindi ako interesado. Pero nang mag-iisang linggo na, sabi ng Misis ko, yun daw mga ari-arian ng Iglesia, puro kay Soriano nakapangalan. At andami na palang contra-contrang aral itong si Eliseo Soriano. Sabi ko, e di pakinggan mo rin si Soriano. E hindi naman daw sinasagot ng matino at puro mura lang. Kaya, para pagbigyan ang Misis ko nanood ako. Nang una, medyo tanggap ko na yung mga ari-arian ay kay Soriano napapangalan. Pero ang hindi ko matanggap, marami syang sinasabi laban sa Iglesia ni Cristo na alam kong di na totoo. Sabi ko, hindi na tama ito! Kaya ang ginawa ko, ni-record ko bawat programa ng "Ang Tamang Daan". At naghanap ako ng mga Forum at Website kung may nagpapalitan ba ng kuro-kuro ukol dito . May nasumpungan ako sa Network54 na noon ay may katagalan na. Hindi ko ikinatuwa ang asta ng mga kasama ko sa ADD noon, dahil puro pagmumura din sang sinasagot sa mga Iglesia ni Cristo. Ang totoo, sinita ko sila, at ako pa ang pinagbantaan. Nang sinabihan kong kukunin ko ang IP address nila at ipapa-trace ko kung sino sila para e-report sa mga manggagawa at MIC, at masuspindi, medyo tumigil. Ang sama, napapalit-palit lang ng pangalan, at natutong gumamit ng mga Proxy Server. Natuto na rin silang mang-hack. Binalaan namin sila pero ayaw tumigil, pati forum ay ninakaw ng kung magpakilala ay "Tumador", kalaunan ay nabulilyaso na sya pala ay si Romel Yap Malapira, miembro ng Ang Dating Daan. Isa pa itong patotoo, na kung talagang mamamatay-tao ang Iglesia ni Cristo, palagay ko patay na itong si Roml Yap Malapira na ito. Kung sya ay buhay ngayon, binibigyan pa sya ng pagkakataon ng Dios na magbago, at yon ang pananaw namin, wala kaming balak na masama laban sa kanya dahil bawal sa amin! Habang lumalaon, ako na ang naghahamon kay Eliseo Soriano dahil sa sobrang hilig nilang magpalusot. Kesyo"puno sa puno" daw, "ilabas si Manalo". E tawag ko nga lang sa programa nila ayaw papasukin e! Ang totoo, nag-o-organize ako ng debate, ni-death threat ako ng mga yan! Komo hindi pa ako Iglesia ni Cristo noon, bweneltahan ko talaga e. Natakot, nagpakampi sa babae yung manggagawang inutusan nila na tumawag sa akin. Pero mula noon, hindi ko na inulit ang manakot ako dahil iniisip ko katulad ko rin sila na nadaya ni Eliseo Soriano, ang problema ay kung paano sila maliliwanagan at umalis sa pekeng Daan na Ang Dating Daan. Naging aktibo ako sa pagpo-post sa mga forum noon, nariyan ang mga katibayan kapag ni-search ninyo ang mga keyword na: "Bro. Vic(Lumayas na sa ADD", Vicfiles at Lioncrypt. Minsan ko nang tinangka na magmisyon sa kanilang mga local, pero nagtatago sila kapag alam nilang Iglesia ni Cristo. Talagang iniiwan nila ang kanilang local, kadalasan bukas at kung minamalas-malas pwedeng pasukin ng mga magnanakaw. Kaya naisip ko, imbis na lumusob ako sa mga local, dito na lang sa mga Forum at mga Social Networking Sites, mas marami ang makikinabang. Hindi naging madali ang pag-alis ko at ng pamilya ko sa Ang Dating Daan dahil sa tinatawag na "attachment". Ang inisip ko na lang bago ako naanib sa kanila, mas malaking bahagi ng buhay ko ang hindi ko sila kasama bat di ko mapagtitiisan ngayon lalo na't alam kong mali at di sa Dios yang relihiyong inaniban ko (Ang Dating Daan ni Eliseo Soriano).
Ukol Kay Marcos Mataro at Misteryosong Pagkamatay sa Ang Dating Daan:
Nagpasya akong umanib sa Iglesia ni Cristo, una ay tinanong ko muna si Ka. Michael Sandoval (isa sa mga Host ng Ang Tamang Daan) kung paano umanib at kung ano ang mga requirements. E medyo hindi ko nagustohan dahil matagal. Talagang matagal bago ka maging isang tunay na Iglesia ni Cristo, hindi tulad kay Eli Soriano, kahit isang linggo lang pwede ka nang baustismohan. Oo! Si Marcos Mataro, kilala nyo diba? Yan ay wala pang 2 weeks, kaanib sa Ang Dating Daan! At dahil d'yan, nadiskubre ng Misis ko na kamag-anak pa pala nya si Marcos B. Mataro, ang Misis ko ay Officer din ng Division nang mga panahong yaon kaya may access sya sa mga records. Itong si Marcos Mataro, nagsimula yan nang dumadalo sa Bible Exposition noon at tigasin kung magtanong. Kalaonan ay nahahalata ko parang nagda-drama na lang itong si Soriano at Mataro
e. Nagpasyang umanib si Marcos, at naatasan kaming bantayan ang kanyang pagpapa-docrtrina, kaya alam kong wala pang 2 weeks bautisado na. Ang totoo, kinunsulta pa namin si Marcos kung paano ayusin ang mga records ng Ang Dating Daan. Samakatuwid, tinanong namin sya kung paano ang sistema sa Iglesia ni Cristo. Alam nyo ang sagot? "Hindi nyo kayang gawin". Yan ang sagot ni Marcos. Magmula noon, alam kong wala nang pag-asa na maayos pa ang records sa ADD kaya unti-unti ko nang binitiwan. Ang hirap kasi ng trabahong alam mo nang walang buti na patutunguhan. Mabuti rin naman at di na ako nahalal muli bilang Officer noon dahil lumipat na kami ng local ng Misis ko. Sa mga panahong yaon, nagtapat na ako kay Rico Fernandez, sinabi ko ang sinabi ni Marcos. Sinabi ko rin na dapat may tututok na empliyadong sweldohan sa gayong uri ng trabaho. Hindi pwedeng maayos ang gayong mga bagay ng puro ganito lang natulad nating walang sweldo. Sabi ni Rico, "yan ang problema dahil di uso dito ang may sweldo, kaya para mo na ring sinabi na hindi na ito maaayos". Sabi ko, ganon na nga. Kung hindi magbabago ang sistema, hindi maaayos. Magmula noon, sa tuwing mag-uusap kami ni Rico, lalong lumalaki ang problema nya. At ang mga huli naming pag-uusap ay hindi na maganda, parang nagpapahiwatig na malapit na syang mamatay. Kaya nang umalis ako sa ADD, akala ko pinapatay na rin nila si Rico Fernandez, pero may mga sumulpot na info. sa akin na buhay pa pala. Sana makatakas sya nang buhay sa puder ng magtiyong Soriano at Razon.
Si Marcos Mataro ay naging malapit sa aming mag-asawa dahil kami lang ang itinuturing nyang kamag-anak sa loob ng Ang Dating Daan. Nang tinanong namin kung bat sya umalis sa Iglesia ni Cristo, hindi nya sinabing mali ang aral. Ang sabi nya, itiniwalag daw sya dahil nag-aaral sya ng pagka-Ministro at may kasintahan sya. Nagtaka kami, dahil wala kaming alam na pag may kasintahan ka at nagmi-Ministro ay ititiwalag ka sa Iglesia ni Cristo. Sa dami ng tuligsa ni Soriano sa Iglesia, tila bago ito. Subalit, napag-alaman ko ngayong Kapatid na Ako Sa Iglesia, totoo na may kasintahan si Marcos Mataro, ang problema kapwa nya lalaki kaya sya itiniwalag. Samakatuwid may problema talaga sa kasarian si Marcos. Hindi ko lang maintindihan noon, kasi madalas makipagtalo yan pag babae ang kausap. Pero pag lalaki na medyo may hitsura, iba ang pakikitungo nya, pormal at napakatinong kausap. Ilang linggo ang lumipas matapos mabautismohan si Marcos, palagi akong kinukulit ng Misis ko at nagsusumbong, na si Marcos daw ay tumatawag at nagtatanong kay Soriano sa mga programa ng Ang Dating Daan. Sabi ko, e kaanib na yan bat magtatanong pa? Baka hindi si Marcos yan? Nang pakinggan ko, aba si Marcos nga! Gumamit lang ng ibang pangalan. Sabi ko, pag nakita mo, tanungin mo nga! Kaya, nang makita ng Misis ko ay tinanong nya. Ano ang sagot? Guilty smile, kasi maraming tao na nakapila dahil may pagsamba sa local. Makalipas ang isang buwan, nagulat kaming mag-asawa nang makita namin si Marcos na may dalang Biblia at naka-barong. Sabi nya, "manggagawa na ako, ako destino ngayon". Magic talaga sa ADD. Makalipas ang ilang buwan, na-destino si Marcos sa probinsya. Nataon na nagbakasyon kami sa probinsya na kanyang destino, balak namin syang dalawin. Aba, sabi ng MIC doon, nawawala daw si Marcos at di matagpuan. Komo alam namin kung saan pwedeng matagpuan, sinabi namin. Natagpuan nga! Buhay, hindi pinatay. Bat nagtago? Nagtampo! Nang makausap namin, sabi nya ayaw daw syang bigyan ng sariling kwarto, nabababoy daw ang mga gamit nya. Resulta, nag-renta ng apartment itong si MIC at pinatira doon. Ginawang local ang apartment, at yung isang kwarto ay kanya. Kaya ang biro namin kay Marcos noon, "O, wag kang mawawala ha". Makalipas ang ilang taon, nabalik sa Maynila si Marcos. Nagkataon na nangangasiwa na ako noon sa mga Special Project ng ADD, kaya hindi ko na nabantayan si Marcos. Nagulat na lang ako nang mag-report ako Kay Soriano, naglalabas-pasok na sya doon sa tirahan ni Soriano na nasa taas ng ADD Library. Akala ko may problema nanaman kaya nasa Apalit stya, pero napag-alaman ko na kinailangan na pala si Marcos noon dahil problemado si Eliseo Soriano sa programang Ang Tamang Daan. Talagang araw-araw parang makikipag-gyera sila Eliseo Soriano noon pag sasalang na sa programa nila. Naka-focus ako noon sa Special Project ng Ang Dating Daaan kaya wala akong kaalam-alam sa problema nila. Dumating pa sa punto na maski sa Marcos Mataro pag tinanong ko "saan ba lakad"? Kahit alam ko kung saan. Sagot nya, "Confidential". Tsk, tsk, tsk. Malaki nga ang problema ng mga taong ito sabi ko sa sarili ko. Kaya, nang matapos ang assignment ko sa Special Project, nagkaron ako ng oras sa pamilya ko, may oras na rin ako manood ng TV, d'on ko nadiskubre ang problema nila. Napakalaki nga dahil napakalawak na pala ng kahihiyang sinasapit ni Eli Soriano nang mga panahong yaon. At wala akong kaalam-alam, biktima din pala ako. Kaya nang mag-suri ako sa Iglesia ni Cristo, umanib, nabautismohan, pinagsikapan kong kahit paano ay maiparating ko ang mensahe ko sa mga dating malalapit sa akin na miembro ng Ang Dating Daan. May mga umanlis, ang iba sa kanila tulad ni Marcos Mataro, di na nakaalis, pinapatay. Matagal ko nang winarningan yan! Ang problema sa kanya, ang iniisip nya ay yang paging "Happy Cristian" nya at personal nyang pakinabang. Napagbintangan pa yang si Marcos Mataro na sya daw ang may pakana ng ADD Comics! Ang masasabi ko lang, sayang ang buhay nya at di nya ginamit sa tama! Pinalalabas ng Ang Dating Daan na Iglesia ni Cristo daw ang nagpapatay kay Marcos Mataro. Hindi totoo yan! Ito sagutin nyo, bat ayaw nyong ibigay yung
bangkay sa mga tunay na kamag-anak? Parang yung ginawa nyo kay Romy Espaņol, biglang nagka-sementeryo dyan sa ADD Compound nang mamatay si Romy, nabalitang nilason, tapos ayaw nyong pa-autopsy. Yang pagkamatay ni Marcos Mataro, alam ng mga kamag-anak nya na may banta sa buhay nya noon pa at alam din ng mga kamag-anak nya na kung may magpapapatay sa kanya ay taga-Ang Dating Daan at hindi taga-Iglesia ni Cristo. Ngayon, e bakit lumalabas sa balita na tila Iglesia ni Cristo ang may kagagawan? Kesyo yun daw motor na ginamit Iglesia ni Cristo ang may-ari. E masyadong circumstantial yan, pambihira! Maanong utusan halimbawa ni Efren Baquing na MIC ng Ang Dating Daan ang tutumba kay Marcos, na: "ganito gawin mo, pag tawag ko hiram ka ng motor sa kapit-bahay mong Iglesia ni Cristo ni Cristo, o kaya nakawin mo, tapos iwan mo yung motor doon sa crime scene". Wala akong sinasabi na si Efren Baquing ang nagpapatay kay Marcos Mataro! Ang sinasabi ko, masyadong circumstantial yang motor na di-umano'y Iglesia ni Cristo ang may-ari. "E bat si Efren Baquing ang ginawa mong halimbawa"? Kasi si Efren Baquing ay may record ng pagiging tigasin dyan sa Pampanga
at napakrami nyang kilalang loco d'yan. Si Marcos ay binaril at napatay sa teritoryo ni Baquing. Madagdag pa, sya ay kapatid sa laman ni Commander Pusa (isang tanyag na rebelde sa pamahalaan). Alam ng mga taga Pampanga yan kung ano-ano ang pinaggagagawa ng Commander Pusa, yang si Efren Baquing ay kapatid ni Pusa. Kaya, dapat tignan ng mg mga Pulis ang anggulong yan. Mas maganda tignan na rin nila ang anggulong may kaugnayan din yan sa pagkamatay ni Romy Espaņol. Madag-dag ko lang, may manggagawa ng ADD noon na si Ruel Piņon, kandidato na rin yon na maging MIC kasabay ni Roy Galang, alam nyo nangyari? Namatay! Ang sanhi, food poisoning! May mga kasama pa syang namatay, manggagawa din. Si Ruel Piņon, ni-destino yan doon sa Palawan, tinamaan ng Malaria, hindi namatay. Pero ilang buwan ang makalipas, patay! Na-food poison sa Apalit Convention Center. Sino ang responsable? Alam ng lahat yan, si Efren Baquing! Inamin yan ni Soriano e. Oo, nadulas si Soriano, sinabi nya na si Efren daw ang incharge sa pagpapakain nang mga panahong yon. Dahil dito, paki-imbistigahan nyo si Efren Baquing! Hanap kayo ng hanap ng pumatay kay Marcos? Hanapin nyo dyan sa ADD Compound nyo, madali ninyo matutunton kung sino master mind. Bago namatay si Marcos Mataro, may mga sinabihan na sya dyan sa loob ng Apalit na may banta sa kanya, hindi sa labas kundi sa loob! Sa loob ng organisasyon nila. Bawal kasi na yan ay lumabas ng ADD compound na walang kasamang MIC o manggagawa na ka-level nila Tony Santos. Yan ang order. Kaya nang tumakas, patay! Ang pagkakamali nya, sumakay sya ng bus. Dapat sana, nakisakay sya. Ang problema, ang daming galit kay Marcos Mataro sa loob ng Ang Dating Daan, sino ang magpapasakay sa kanya! Swerte itong si Wilfredo Santiago, nakatakas! Sila Reynante Ysmael at Jun Sales nakatakas din kasi marunong dumiskarte. Kapag may naanib kasing Dating nagministro sa Iglesia ni Cristo sa ADD, ang tingin ng mga miembro "tiktik". Ang tingin nila, di dapat pagkatiwalaan. Gustong gusto nila Soriano at Razon yan, na walang magtiwala sa kanila. Para pag bumaliktad, wala silang maaakay palabas.
May nakasama ako sa Special Project sa ADD, pinatay din noong mid. 2000, hindi ko na matandaan ang taon pero ayon sa kapatid nya multipple stab wounds, doon mismo malapit sa kanilang tirahan. Para sa kapatid nung sinaksak, Kilala mo kung sino ka, kaya mag-ingat ka na rin, baka ikaw ang isunod dahil mas marami ang nalalaman mo sa ADD kaysa kapatid mo. Kaya medyo ingat akong magpangalan ng mga tao dito na kaanib pa sa ADD. Yung mga pangalan ng MIC at manggagawa kaya ko lang binabanggit, ay pag nakikita kong kinatitigasan na nila ang pagka-panatiko nila sa Ang Dating Daan. Kapag hindi ninyo pinansin ang mga paanyaya ko, humihingi ako ng paumanhin babanggitin ko ang mga pangalan ninyo sa aking mga patotoo.
Ang Layunin
Isa lang ang layunin ko sa mga pag-popost ko at pag-a-upload ng mga video at katulad nito: Lahat ng mga nakasama ko sa Ang Dating Daan, lahat ng mga naakay ni Eliseo Soriano ay lumipat lahat sa Iglesia ni Cristo. Wala akong sweldo sa Iglesia ni Cristo. Hindi ako empliyado ng sinomang Iglesia ni Cristo. Wala akong pinakikinabangang salapi o materyal mang bagay buhat sa sinomang miembro, manggagawa, ministro at Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. Kaya ako nagrerelihiyon ay para sa kaligtasan. Ang mundong ito ay ilusyon lang at di lugar ng pagpapakasaya. Ang tunay na kaligayahan ay nasa Bayang Banal, sa piling ng Dios at ni Cristo. Hindi makakarating ang sinoman doon pag hindi pumasok sa Iglesia ni Cristo, at pag Iglesia ni Cristo ka na kailangang magpakabanal para makita mo ang Dios at si Cristo. Kaya, bawal dito yang mga ibinibintang sa amin na pagpatay ay paggawa ng masama sa kapwa. Maski yang hacking, bawal! Kay Soriano, tuwang-tuwa pa sila kapag nakakapang-hack sila! Ipinagmamalaki pa nila kapag nakapagnakaw sila! At ang tanyag na halimbawa nyan ay ang ginawa ni Romel Yap Malapira na miembro ng Ang Dating Daan. Ako man ay gumagawa ng ganyan noon: Hacking, pero itinigil ko na dahil bawal dito ang gumawa ng illegal. Bawal ang likong pamumuhay! Kung may gumagawa ng mga gayong bagay pag ayaw magbago, ipinatitiwalag! Walang palakasan, walang-kama-kamag-anak, walang kai-kaibigan.
Pag-Anib Sa Iglesia ni Cristo
Bago ko nakilala ang Iglesia ni Cristo, ako ay nanggaling sa pamilyang Catolico. Lumaki akong Catolico. Subalit nang ako ay Grade 5, may mga Born Again na nagbigay ng Bible sa akin, binasa ko. Pagbukas ko ng TV isang Sabado ng umaga, sa channel 2 nataon na programa ng Iglesia ni Cristo, at Biblia ang gamit. Kaya pinanood ko. Una akong nagka-interes sa Biblia noong ako ay 7 years old pa lang, pero di ko maintindihan kaya mga drawing lang ang kinatutuwaan ko. Subalit noong mapanood ko Ang Iglesia ni Cristo noong panahong yaon, tandang-tanda ko pa ang sabi ng Ministro sa TV, "kapag ang paniniwalang pang-relihiyon ay walang batayan sa Biblia dapat itakwil". Tiningnan ko sa Bibliang dala ko, nakasulat nga. Kaya nalaman ko na ang pagro-rosaryo ay wala sa Biblia, kaya dapat itakwil. Komo Grade 5 pa lang ako noon, hindi ko alam kung paano sumamba sa Iglesia ni Cristo, bagaman napakalapit ng local doon sa pinapasukan kong eskwelahan. Nahadlangan pa ako ng mga magulang ko. Yan ang pinagsisisihan ko sa buhay ko, na hindi agad ako naanib sa Iglesia ni Cristo, kinailangan pang masayang ang sampung taon ng buhay ko na ako ay naanib sa Ang Dating Daan, dahil akala ko noon puro totoo ang mga sinasabi ni Eliseo Soriano laban sa Iglesia ni Cristo. E ni photo copy ng mga Pasugo na ipinakikita nila sa TV wala akong natanggap nang ako ay humiling noon, ADD magazine lang ang ibinigay. Kaya minarapat ko, lahat ng mga naakay nya (ni Soriano) dapat humatong din dito sa Iglesia ni Cristo. Natutuwa ako, marami sa mga nakasama kong Opisyales at Manggagawa ng Ang Dating Daan noon, nasa Iglesia ni Cristo na ngayon. Yung mga manggagawa na nag-doctrina sa Misis ko sa ADD, Iglesia ni Cristo na! Yung nag-doctrina sa akin ewan ko kung makakarating pa sa Iglesia, dahil ang nagdoctrina sa akin ay sila: Eliseo Soriano, Baby de Jesus at Jocel Mallari. Komo pinangalanan ko kayo, e-email nyo lang ako kung natatakot kayong umanib sa Iglesia ni Cristo, patutunayan kong walang dapat ikatakot kundi ang ma-impyerno ka sa araw ng paghuhukom na totoong napakalapit na.
Gaya ng naipahayag ko na, buhat sa ADD nagkainteres lang ako uli sa Iglesia ni Cristo nang mapatunayan kong naninira lang si Eliseo Soriano. Nagpa-doctrina ako, hindi lang isang beses, kundi dalawang beses. Umalis ako sa Ang Dating Daan 2001, nabautismohan ako sa Iglesia ni Cristo 2007. Ganon katagal bago ako tuluyang umanib. Hindi ako umanib agad. Ang totoo, muntik na akong maging Atheist nung una akong magpadoctrina. Subalit may kinasangkapan ang Dios upang maunawaan ko na sya nga ay umiiral. Hindi magpapakita sa akin nang mukhaan ang Dios para sabihin nyang sya ay umiiral, sapagkat kaya ring gawin ng diablo na magpakita na tila baga sya ay Dios. May pangako sa Biblia, sinoman anyang humanap ay makakasumpong. Pero pag tumigil kayo sa paghahanap dahil sasabihin ninyo sa sarili nyo "nasa totoo na ako", hindi magandang desisyon ang gayon. Dahil kung nasa totoo ka na, maghanap ka pa ng mas totoo, babalik ka pa rin dahil yang kinalalagyan mo ay totoo. Pero kung gagawin mong shortcut, medyo alanganin ka. Lalo na kayo mga nasa Ang Dating Daan, gaano ba kayo ka-sigurado na nasa totoo na kayo? Ano ba ang alam ninyo sa Iglesia ni Cristo? Yung mga ipinapapanood sa inyo nila Daniel Razon? Bat di kayo manood nang directa sa mga programa sa TV? 24 hours may mga programa ang Iglesia ni Cristo sa TV. Kung tinatamad kayong mag-TV, nariyan ang mga uploads ko at ng mga Kapatid, magsuri kayo. Para yan sa inyo, sa kapakanan ninyo.
Ukol sa Mga Paglabag
Kahit anong relihiyon, tama man o mali, sa Dios man o sa diablo, may mga miembro nakagagawa ng mali. Walang tao na di nagkakasala, nakasulat sa Biblia yan. Kahit ano pa ang relihiyon mo, e hindi ka naman si Cristo, magkakasala ka. Kaya, wag ang gawin ninyong batayan sa pagsusuri nyo ay yang mga diaryo na nakasulat "Ministro namaril", nang-rape", etc... Dahil ang ipinasusuri ng Dios ay ang aral, gayon din ang mangangaral. Si Soriano, halimbawa, gaano nyo ba kakilala yan? Ako, binantayan ko yan noong araw, iisa ang makikita mo sa kanya sa tuwing kasama mo sya--Kayabangan! Sya mismo ang nagsabi, ang kinauuwian ng kayabangan ay kahihiyan. E Sya ang unang di sumusunod sa aral na itinuturo nya. E sa Iglesia ni Cristo? Dito, mangangaral ang unang sumusunod! E paano kung lumabag? Aba, ina-aksyunan! Meron akong kilalang Ministro, hindi lang pumirma sa pagbilang ng abuloyan, walang 48 hrs. may sulat na. Ililipat ng destino sa napakalayong lugar. Hindi konsintidor ang mga namumuno dito! E paano yang mga pumapatay? Itinitiwalag! E yang naglason kay Romy Espaņol? E dapat itiwalag yan sa Ang Dating Daan dahil nasa Ang Dating Daan ang lumason kay Romy Espaņol. Kaya nga ayaw nyong ipa-autopsy mga ADD, kasi mga MIC ninyo ang naglason! Papaanong malalason ng Iglesia ni Cristo yan e nasa inyo nakatira noon.
Ang Dapat ng maging batayan ng Tao sa ikaliligtas ay ang Biblia. Napakaraming nangangaral ng Biblia ngayon, sino ba ang totoo sa mga yan? Walang mawawala sa inyo kung
magsuri kayo sa Iglesia ni Cristo. Hindi kayo malulugi. Bat di ninyo subukan?
Ang Hinaharap
Ang hinaharap ng mundong ito ay hindi mabuti, tungo na ito sa pagkawasak. Ang tanging pag-asa ng tao ay ang Bayang Banal, subalit hindi makakarating doon kung wala sa tunay na Iglesia. Kaya inaanyayahan ko kayo, maski ano pa ang relihiyon ninyo, para sa kapakanan ninyo, magsuri kayo sa Iglesia ni Cristo. Maraming tao ang nagsikap na ayusin nila ang sistema ng mundong ito. Ang iba, ay gumamit pa ng dahas, pero nauwi din sa wala. Kaya, bat di nyo subukan ang Iglesia ni Cristo? Kahit naghihirap ang mundo ang Iglesiang ito ay punong-puno ng pagpapala, di kaya ito ang pag-asa? Ipinararating ko sa inyo ang aking paanyaya, pa-doctrina kayo sa Iglesia ni Cristo.
May mga bumangon na bagong relihiyon buhat sa ADD. E hindi yan ang solusyon! Dito kayo sa Iglesia ni Cristo. Alalahanin ninyong si Perez ay galing dito, nagtayo ng kanyang sarili dahil ang nasa isip ay personal na pakinabang! Namana yan ni Eliseo Soriano. Pati secreto ni Perez para maging epektibo sa pag-akay namana nya. Ewan ko kung alam yan ng mga manggagawa at MIC. Si Daniel Razon, hindi sinusunod e kaya mahina mang-akay!
Ang Tagumpay ng Iglesia
Iisa lang ang dahilan kung bat nagtatagumpay ang Iglesia ni Cristo, ito ay pinagtatagumpay ng Dios at ito ay sa Dios. May mga simbahan ng Catolico sa Europa at America, ibinebenta, binibili ng Iglesia at ito ay pinaaayos para gawing Kapilya ng Iglesia ni Cristo. Ang Iglesia ay bumibili, nag-e-expand. Ang ibang relihiyon, nagsasara, binebenta ang mga bahay-sambahan dahil wala nang dumadalo sa kanila. Sana, ang simpleng bagay na ito ay makatawag pansin sa inyo. 97 years nang nakatatag ang Iglesiang itong na pinasimulan ni Kapatid na Felix Manalo dito sa Pilipinas, bakit lalong lumalago? Ang ibang samahan, buhay pa ang nagsimula ng samahan watak-watak na! Isa yan sa matibay na patotoo ng Dios sa Iglesia ni Cristo, "Anak na Babae ng Zion", "Bayang di Pinabayaan".
Sino si LionCrypt? Tungkol sa "Puno sa Puno" na Hamon...
Kung ano ang pangalan ko, pumunta kayo sa Iglesia ni Cristo local ng V. Luna. Pinakabagong Diakono sa purok 1 gupo 4 , ipagtanong ninyo, madaling makuha ang pangalan ko. Bilang karagdagan, diba naghahamon kayo ng puno sa puno? Bweno, gabi-gabi ay naroon din si Kapatid na Angelo Manalo, sya mismo ang nag-do-doctrina, kaya padoctrina kayo. Kung gusto nyong maligtas, subukin ninyo ang Iglesia ni Cristo. Yan ang buod na mensahe ng Pahayag na ito. Maraming Salamat, magkita-kita sana tayong lahat sa Bayang Banal sa Piling ni Cristo at ng iisang Dios na Makapangyarihan sa Lahat magpakailanman.
LionCrypt
Iglesia ni Cristo Deacon (since 2011)
Iglesia ni Cristo Member (since 2007)
Former Ang Dating Daan Officer (1997)
Ang Dating Daan Member (until 2003)
Mga Referencia:
http://www.network54.com/Forum/261121/
http://www.youtube.com/vicfiles
http://www.facebook.com/lioncrypt
http://twitter.com/lioncrypt