<< Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  

Paging Jibe

November 13 2008 at 11:12 AM
mbm  (no login)
from IP address 67.100.196.19

 
Guys, bakit hindi masyadong active ang board na ito. Especially now that Echo is very busy with Baler and MMK. Dapat may mag-post o comment about him. Paging Jibe!!! Di ba ikaw ang very ardent fan ni Echo and Tin. Where are you? I also do not see you post sa Araxian board. Let us make this message boad brimming with notes. Please continue to support Echo in all hin forthcoming projects!!!

 
 Respond to this message   
AuthorReply
mbm
(no login)
67.100.196.19

Re: Paging Jibe

November 13 2008, 11:13 AM 

Favor and request lang sa creator ng message board na ito. Pwedeng i-change ang background color kasi parang malabo and hirap basahin.

Thanks!!!

 
 Respond to this message   
Jibe
(no login)
79.69.36.207

Hello Guys

November 13 2008, 12:51 PM 

Napanood nyo noong wed.night ang KIS sa jeep na sinasakyan ni carmen at iyong malaysian actor bagay silang dalawa kaysa kay echo kasi mas bagay talaga kay echo eh si Tin lang. Ang pangalan na nakasulat sa harap ng jeep eh Kristine. Naku po napasigaw ako kitang kita ko iyon. Ayan mga mahal kong kapatid dininig na rin ni Lord ang mga dasal natin naguumpisa na sila ng MMK ang gaganda ng mga kuha nila kasi nagpunta sina ate grace, reyda etc sa taping. Ang aga ng pasko natin mga echotiners. Buhay pa ako at lalo akong nabuhay ng makita ko ang mga kuha nilang dalawa together. Sana, sana magbalikan uli sila ngayon na pareho silang free.

Echotin4evermore.

 
 Respond to this message   
Jibe
(no login)
80.41.127.207

Jericho "Echo" Rosales

November 14 2008, 2:17 PM 

Jericho Rosales talks about his 'heavy role' in "Baler"


Binati ni Jericho Rosales ang press na dumating sa presscon ng Baler kahapon, November 13, in Spanish. Throughout the presscon, paminsan-minsan din siyang siyang nag-i-Español.



Nabanggit kasi ng aktor noon sa isang panayam na mag-aaral siya ng Spanish bago simulan ang shooting ng Baler para maging makatotohanan ang portrayal niya sa role ni Celso Resurrecion, ang half-Spaniard, half-Filipino na mas piniling kumampi sa mga kaaway at talikuran ang kapwa Filipino.



Ang Baler, na idinirek ni Mark Meily, ang entry ng Viva Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. Katambal dito ni Jericho si Anne Curtis.



"This is an important movie," sabi ni Jericho. "It touches Filipino history dahil based ito sa Siege of Baler noong 1898. Hindi lang history ang mapapanood, may romance din."



"Heavy" ang description ni Jericho sa kanyang role. Para raw mas ma-feel niya ang kanyang character, siya mismo ang nag-research. Dumaan din siya sa matinding preparasyon, pati kung paano kumilos at magsalita ng Tagalog noong unang panahon.



"Na-trap for one year sa loob ng simbahan si Celso at mga kasamang sundalo. Ipapakita ang hirap na dinanas ng mga sundalo that whole time na nasa simbahan sila. Makikita rin kung paano nila ipinaglaban ni Feliza [Anne] ang kanilang pagmamahalan," pagpapakilala ni Jericho sa role na pinu-portray niya.





Paano naka-relate si Jericho kanyang role?



"Mahirap ang pinagdaanan namin sa loob ng simbahan at ang character ni Celso ay ibang-iba. Mapagmahal siya at romantiko, at kaya kong magmahal hanggang kamatayan," saad ng aktor.



Ano ang feeling niya habang ginagawa nila ang Baler?



"Sobrang excited ako and every scene, gusto ko nandun ako," saad ni Jericho. "Metikuloso ang pagkakagawa ni Direk Mark. Na-miss ko ang ginawa ko sa Bagong Buwan na war movie rin na ipinag-enjoy ko rin. De numero ang gumawa ng giyera, para kang nakikipaglaro sa mga bata."



LOVE IS WORTH FIGHTING FOR. Ang tagline ng Baler ay "Love is worth fighting for," at sang-ayon dito si Jericho. Sabi niya, "Love is living, love is sharing. Love is what makes people laugh more, and we're all here because of love. Ang character namin dito ni Feliza, would like to survive because of love. Yun ang greatest gift na matatanggap nila. Love brings peace."



Nakitawa ang press kay Jericho sa sagot nito sa tanong kung ano ang feeling niya sa "forbidden love" nila ni Anne sa pelikula?



"Hindi ako ipinanganak noong 1898, pero alam ko yun. Meron akong 2004, 2006, at 2008 version at kilala ninyo kung sino sila!" sabi ng aktor.



Panahon ng Kastila ang setting ng Baler, kung saan iba ang values at maraming bawal. Pero bakit may kissing scene sila ni Anne?



"Mahigpit ngang ipinagbabawal ang ganung relasyon," pagsang-ayon ni Jericho. "Pero sa sitwasyon namin ni Feliza, talagang nag-aalab ang pananabik namin sa isa't isa at bihira pa kaming magkita. Sa pagkakaintindi ko, pinag-aralan ni Direk Mark Meily ang execution ng eksena para walang maipintas sa pelikula."



Dahil marami nga silang kissing scenes, kinumusta sa kanya ng entertainment press ang labi ni Anne. Ano ang lasang lips ng kanyang leading lady?



"For Anne's endorsement, maganda ang labi niya at kailangan yun para ma-establish ang relasyon namin," sagot niya. Sabay sabing, "Ang hirap sagutin niyan!"



Patuloy niya, "Yung first kissing scene namin, medyo nahihiya ako at medyo nilalagnat-lagnat pa ako. Walang workshop yun at different angles kinunan. Speechless ako at speechless din siya. Nagtawanan na lang kami. But we had fun and we respect each other pagdating dun."



Napansin ng press na hindi pa rin niya sinagot kung ano ang lasa ng labi ni Anne, kaya tinanong siyang muli tungkol dito.



"Passionate," sagot ni Jericho na halatang pinag-isipang mabuti. Samantalang mabilis na "very soft and tender" naman sagot ni Anne kung ano ang masasabi niya sa labi ni Jericho.



SLIP OF THE TONGUE. Itinuturing na isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon si Jericho. Paano niya ire-rate ang acting ng kapareha niyang si Anne?



"I don't wanna sound authoritative sa acting," pauna niya. "Share ko na lang ang experience ko kasama si ??



Nagtawanan ang press at saka na-realize ni Jericho na nagkamali siya ng banggit ng pangalan. Hinawakan nito ang kanyang noo, saka tumayo para halikan sa noo si Anne bilang paghingi ng paumanhin sa maling tawag ng pangalan ng kapareha.



"Sus, camote!" wika ni Jericho.



Nang maka-recover na siya ay saka niya ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. Ani Jericho, "Noong kasama ko si Anne, ibinigay ko ang buong puso ko sa character ko at sinunod niya lahat ang dapat gawin. She's a very sensitive actress and for me, she's the best. Maraming mabilis umiyak na artista, pero di ibig sabihin ‘pag umiyak ka, magaling ka nang artista. Hindi yun greatest performance, but she did well. Naintindihan niya ang ibig kong sabihin and vice versa. As an actress, with that quality, you can be trusted. She's also professional, never na late. And when direk Mark asks to deliver, she delivers."



Tinawanan na lang ni Jericho nang tawagin naman siyang "Luis" ni Anne bilang sagot sa ?? na tawag sa kanya at nagtawanan na lang ang dalawa. Si Luis ay malapit na kaibigan ni Anne.



ON ?? & KRISTINE. May bago nang boyfriend si ??, ang 34-year-old businessman na si Francisco Delgado. Any comment?



"Okey lang, nakapag-move on na rin naman ako. Hindi pa nga kami nagkikita. Ako naman, wala pang balak manligaw at ayaw kong pumasok sa babaeng kaatapos lang makipag-break," pahayag niya.



Sa isyung posible silang magkabalikan ni Kristine Hermosa, na makakapareha niyang muli, sinabi ni Jericho na mas okey ang estado nila ngayon bilang magkaibigan at co-worker. Nag-taping sila para sa Maalaala Mo Kaya at magkatambal din sa primetime soap ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.



Aalis si Jericho sa November 26 for a show in Toronto, Canada. Pagkatapos ay tutuloy siya sa Calgary para dalawin naman ang kapatid saka pa lang siya babalik ng Pilipinas.



Sa kanyang pagbabalik, trabaho pa rin ang haharapin niya at mukhang trabaho ang driving force niya ngayon after his breakup with ??.


 
 Respond to this message   
CEL
(Login ccel)
125.212.125.213

Re: Jericho "Echo" Rosales

November 18 2008, 9:35 AM 

ECHOTIN FORUM ... JOIN US ECHO.. LET'S SEPPORT THEM!!

ECHOTIN MMK DEC. 2008..TNX

 
 Respond to this message   
 
  << Previous Topic | Next Topic >>Return to Index  
Find more forums on Asian CelebritiesCreate your own forum at Network54
 Copyright © 1999-2014 Network54. All rights reserved.   Terms of Use   Privacy Statement  
hit counters
Digital Cameras
ENJOY!!!! FEEL AT HOME!!! HAPPY POSTING!!!Devoted To Jericho Rosales