Nominated bilang best actor sa Urian si TJ Trinidad para sa pelikulang Deadline.
Mismong si TJ ang excited na tumawag sa akin para ikuwento ang tungkol sa nominasyon niya sa pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan.
Personal choice ni Direk Joel si TJ para sa nasabing role at mismong ang pamosong direktor ang tumawag sa manager ni TJ na si Annabelle Rama para pakiusapan na mai-cast sa nabanggit na pelikula ang aktor.
Pinagbigyan ni Bisaya ang pakiusap ni Direk Joel at heto, nominated ngayon si TJ sa Urian.
Pinupuri ng critics ang acting ni TJ sa Deadline kaya sobrang saya ang aktor.
Sa fans ni TJ na nagtatanong, kasama ang aktor sa bagong action/drama series ng GMA 7 na Makapiling Kang Muli na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
http://www.abante-tonite.com/issue/may0112/showbiz_jl.htm
Congratulations, Gwaps!!! We hope & pray you win. You deserve it. We're very proud of you. We love you.